Kabanata 9 “Ivy, hindi talaga siya umalis sa puwesto niya buong maghapon?” tanong ni Arya habang nakatingin sa natutulog na si Damon. “Opo, senyorita. Hindi pa rin po siya kumakain. Wala po siyang bukambibig kung hindi kayo. Palagi po siyang nakaabang sa pagdating niyo,” tugon ni Ivy. ‘Damon, why are you doing this? Are you really desperate to close that deal?’ Arya thought. “Gisingin ko na po ba, senyorita?” Ibinaba ni Ivy ang dala niyang documents sa table. “Hindi. Hayaan mo lang siyang matulog. It's already six, makakauwi ka na. Salamat sa paghihintay sa akin.” Umupo si Arya sa office chair. “Sure po ba kayo, senyorita? Wala na po ba kayong ipag-uutos? Bilin po kasi ni Sir Aiven na huwag daw po akong aalis hanggang hindi po siya dumarating. Ayaw raw po niya kayong maiwan mag-isa kasama si Sir Walton,” salaysay ni Ivy. “No. It's okay. Overtime ka na nga ng two hours dahil sa paghihintay sa akin. I'm sure na hinihintay ka na ng baby mo. Huwag mo akong alalahanin, kaya ko naman
Kabanata 10 “Nasaan ako?” tanong ni Damon habang kinukusot ang kaniyang mga mata. Nakahiga siya sa isang lumang sofa sa loob ng isang maliit na silid. “Gutom ka na ba?” Hinubad ni Arya ang suot niyang apron. Kinuha niya ang niluto niyang sinigang na bangus at garlic buttered shrimp. Marahan niya iyong ipinatong sa mesa. Napahawak sa kaniyang tiyan si Damon. Pasado alas nuebe na ng gabi, kaya gutom na gutom na siya pero mas naglalawày siya ngayon sa hulma ng katawan ni Arya. Nakasuot lamang ito ng hapit na sando at isang maikling short. “Nagpatulong na ako sa security para buhatin ka patungo sa company car ko. Kailangan na kasi nilang isara ang company. Pasensya ka na sa condotel ko. Ito lang kasi ang kaya ng budget ko.” Bumalik si Arya sa kitchen area para kumuha ng mga plato, kutsara, tinidor at baso. “Nakakatulog ka rito?” Inilibot ni Damon ang kaniyang mga mata sa silid ni Arya. “Oo naman. Kumpara sa malaking kama sa mansyon mo, mas mahimbing ang tulog ko sa single bed ko rito
Kabanata 11 “Ang kapal ng mukha mong babae ka! Balak mo talagang agawin sa akin si Damon!” sigaw ni Greta habang dinuduró si Arya. “Greta, mali ka ng inaakala. Stop this nonsense! Let's talk about this at home,” ani Damon habang pigil-pigil niya si Greta. “MALANDI KA TALAGANG BABAE KA! HINDI KA PA NAKONTENTO SA TATLONG TAON! NAPAKASIBA MO!” Halos lumabas na lahat ng ugat sa leeg ni Greta sa kasisigaw. Tumawa nang mapait si Arya. “Hinay-hinay lang, girl. Masyado mo namang nilalait ANG SARILI MO. Sa pagkaka-alala ko, AKO ANG DATING ASAWA at ikaw, IKAW ANG SAWSAWERA, MANG-AAGAW AT MALANDI. Siguro, araw-araw mong pinapantasya na i-divorce na ako ni Damon para maangkin mo na siya nang tuluyan. Pasensya ka na ha kung natagalan. Natuyo tuloy nang husto ‘yang pagkababaé mo,” mapang-asar na sambit niya habang nakatingin sa pagitan ng mga hita ni Greta. Nagulat sina Damon at Greta sa mga salitang lumabas sa bibig ni Arya. “Dàmn! Nakalimutan ko. Sanay nga pala kayo na hindi ako lumalaban. S
Kabanata 12 “ANO? PAANONG NAHARANG ANG DELIVERABLES NATIN?” Natigil sa pagsusulat si Dionne nang marinig niya ang malakas na sigaw ng kaniyang ina. May kausap ito sa telepono. “HANAPIN NIYO ANG MGA ITEMS! HINDI P'WEDENG MAWALA NA LANG NANG BASTA-BASTA ANG MGA ‘YON! TRENTA MILYONES ANG HALAGA NO’N! HIHINTAYIN ‘YON NI MR. YI!” Nang maramdaman ni Divina na may nakatingin sa kaniya ay bigla siyang huminahon. Marahan niyang nilingon si Dionne. “Mama, may problema na naman ba sa business natin? Mukhang stress na stress ka ah. Alam na ba ‘yan ni kuya?” usisa ni Dionne. Tinakpan ni Divina ang telepono.“Ikaw na bata ka! Masamang makinig at makisawsaw sa usapan ng matatanda! Bakit ba dito ka nag-aaral sa kuwarto ko? Doon ka sa study room mo!” bulyaw niya. Tumaas ang isang sulok ng itaas na labi ni Dionne. Lalabas na sana siya ng silid ng kaniyang mama nang may naalala siyang sabihin. “Mama, bawal kang makipagkita kay Rupert ha. Pinapaalala ko lang din na mainit pa ang mga mata ng media sa
Kabanata 13 “Senyorita, you have to see this!” sigaw ni Mariz habang dali-daling tumatakbo patungo sa direksyon ni Arya. Agad niyang ikinandado ang pinto ng opisina nito. “I'm busy, Mariz. Tungkol saan ba ‘yan?” nakayukong turan ni Arya. Inaaral pa rin niya ang business proposal ng ex-husband niyang si Damon. “Number 1 trending po kayo sa lahat ng social media mediums,” ulat ni Mariz. “Then, that's good. Uusok na naman ang ilong ng mga Walton kapag nakita nila ‘yan. Siya nga pala, nakasalubong mo ba si Aiven?” Focus pa rin si Arya sa pag-aaral ng business proposal. “Opo, nakasalubong ko po siya. Papasok daw po siya sa university. Anyway, senyorita, kailangan niyo po talaga itong makita.” Bakas sa mukha ni Mariz ang pag-aalala. Marahan niyang ini-abot ang kaniyang cell phone kay Arya. Kumunot ang noo ni Arya. “Ano ba ‘yan? Let me see.” Gumuhit ang matinding galit sa mukha niya. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cell phone. “Who the hell did this?” Kinagat ni Mariz ang kaniyang l
Kabanata 14 “Mama, ano na namang issue ‘to? Totoo bang nanakawan tayo? Totoo bang si Ate Arya ang nasa likod no'n?” sunod-sunod na tanong ni Dionne habang ibinababa sa mesa ang kaniyang bag at mga libro. Kagagaling niya lang sa university. Nag-cutting class sila ni Aiven nang mabasa nila ang kinasasangkutang issue ni Arya. “Ano sa tingin mo, Dionne? Gumagawa lang ako ng kuwento? Totoong nanakawan tayo! Mabuti na lang at may CCTV dito sa bahay at may mga tumestigo laban sa babaeng ‘yon! Hindi rin ako makapaniwala na nagawa ‘yon ni Arya eh. Ibinalik niya ang perang ibinibigay ng kuya mo tapos sa isang iglap, naging magnanakaw siya. May malaki siguro siyang pangangailangan,” ani Divina. “Teka, hindi ba’t may klase ka? Anong ginagawa mo rito?” “Nasaan si Ate Arya? Kumusta siya? Hinuli ba siya ng mga pulis?” Umupo si Dionne sa couch. “Bantay-sarado siya ro’n sa company. Mabuti na lang at nandoon din si Chairman Fridman. Kahit papaano, may handang tumulong sa atin. Aalisin niya sa trabah
Kabanata 15 “Arya, are you sure na gusto mong ituloy ang business meeting natin?” Umupo ng prente sa couch si Damon habang titig na titig siya kay Arya. “Ayaw mo ba?” masungit na tugon ni Arya. “Gusto pero, okay ka lang ba talaga?” Hahawakan sana ni Damon ang kamay ni Arya nang bigla nitong iniiwas ang kamay nito sa kaniyang kamay. “I'm fine,” matipid na sambit ni Arya. Umiling si Damon. Nilingon niya ang mga pulis na nakabantay sa labas ng opisina ni Arya. “Kung iniisip niyong masisindak ako sa ginawa niyo sa akin, nagkakamali kayo. Kalmado ako dahil alam kong wala akong kasalanan. In no time, lalabas at lalabas din ang totoo.” Tumayo si Arya sa executive chair na kinauupuan niya. Dala niya ang kaniyang laptop at naglakad palapit sa direksyon ni Damon. “Arya, you don't need to pretend that you're okay in front of me. Kilala kita. Your eyes don't know how to lie.” Damon leaned on the couch while assessing Arya’s face. “Kilala mo ako?” Tumawa nang mapait si Arya. “Ni hindi mo ng
Kabanata 16 “Why are you here? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na huwag na huwag kang susulpot sa mga lugar kung saan malapit si Arya?” Agad na ikinandado ni Damon ang mga pinto ng kaniyang kotse. “Pasensya na po, boss. May kailangan lang po talaga kayong malaman,” mahinang turan ng lalaking nakaupo ngayon sa passenger seat. “Tungkol ba sa obstetrician?” Isinuot ni Damon ang kaniyang black shades. Yumuko ang lalaki. “Natakasan po tayo. Wala pa po kaming nakukuhang impormasyon sa kaniya,” bulong niya. Mabilis na hinawakan ni Damon ang kuwelyo ng lalaking kausap niya. “Natakasan kayo ng isang BABAE? Ano? Naglasing na naman kayo at nakatulog na parang wala ng bukas? Wala talaga kayong mga kwenta,” mahina ngunit mariing sabi niya. Binitiwan niya ang kuwelyo ng lalaki. “Hindi ko kayo babayaran hangga't hindi niyo nakikita at nahuhuli ang babaeng ‘yon! Mga inutil!” Sinuntok niya ang manibela ng kaniyang sasakyan. “Boss, pasensya na po talaga. Gagawan po namin ng paraang mah–” “Dapat lang!
Kabanata 98“Ano na kayang nangyari kay Jett?” nag-aalalang sambit ni Jacob habang patuloy sa paglalakad.“Huwag mong alalahanin ‘yon. Tuso at mautak rin ang isang ‘yon kaya malabong mapahamak ‘yon. Na manipulate na niya ang mga guards sa entrance. Na hacked na rin niya ang security system kaya sigurado akong nakapasok na siya sa lungga ng kalaban,” ani Jackson. Kunot na ang kaniyang noo dahil kanina pa silang paikot-ikot sa likod ng lumang gusali pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang makitang back door.“Oras na malaman ng mastermind na may aberya sa security system nila, sigurado akong magiging alerto na sila kaya kailangan nating mag doble ingat. Baka nagpaplano na sila ngayon kung paano tayo ididispatsa.” Huminto sa paglalakad si Tamahome. Nangangati na ang kaniyang ilong sa sobrang daming tanim na bulaklak sa likuran ng lumang gusali. Napabahing siya nang sunod-sunod.Sabay na napalingon sina Jacob at Jackson sa kaibigan nilang pulis.“Allergy ka pala sa bulaklak.” Umupo si
Kabanata 97“Sige na. Baka may kaunti kayong labis na pagkain at tubig diyan. dalawang oras na kasi akong naliligaw rito," pakikiusap ni Jett habang pasimpleng sumisilip sa loob.“Ang kulit mo! Sinabi ng wala kaming ekstrang pagkain at tubig. Umalis ka na!" "Oo nga! Umalis ka na bago pa magalit ang boss namin! Nakakatakot pa namang magalit ‘yon. Kaya no’ng pumatay ng tao.”Nagkunwaring natatakot si Jett. Niyakap niya ang kaniyang sarili. Umatras siya ng dalawang hakbang. “T-talaga ba? Kung gano’n…”“Kung gano’n ano?"Lahat ng dalawang bantay ay nakaabang sa sunod na sasabihin ni Jett.“P’wede niyo ba akong dalhin sa kaniya?" seryosong tanong ni Jett.Nagtawanan ang mga bantay.“Nasisiraan ka na ba ng bait? Para mo na ring inihain ang sarili mo sa demonyita.”“Oo nga! Seryoso ka ba? Mukhang nalipasan na nga ito ng gutom. Hindi na siya makapag-isip nang maayos.”“May tubig ba kayo riyan? Bigyan niyo nga itong lalaking ‘to at baka mahihimasmasan sa mga pinagsasasabi niya!"Natigilan sa
Kabanata 96“Dra. Santos…”"Sige na po. Payagan niyo na akong makita ko ang aking asawa. Pangako, mag-iingat ako nang husto,” nagmamakaawang sambit ni Dra. Santos.Bumuntong hininga ang babae. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sinabi ko? Nakailang ulit na ako sa'yo ah! Gusto mo bang mahuli ka ng mga pulis? Alam mo namang wanted ka na! Hindi mo ikamamatay kung hindi mo masilayan ang pagmumukha ng tarantad0 mong asawa pero maaari mong ikamatay ‘yang katang@han at pagiging padalos-dalos mo! Mabuti na lamang at nakabalik ako agad at nakita ka ng isa sa mga tauhan ko na paalis dito sa hideout dahil kung hindi, baka humihimas ka na rin ng rehas tulad ng ulaga mong asawa!”Natahimik si Dra. Santos. Naalala na naman niya ang paulit-ulit na pagtataksil sa kaniya ng kaniyang pinakamamahal na asawa."We need to move. Malakas ang pakiramdam kong hindi na tayo ligtas sa lugar na ito lalo na ngayon," ani ng babae.“Pagod na akong magpauli-uli. Pagod na akong magtago! Gusto ko nang sumuko!" mahi
Kabanata 95“Hindi ba masyado tayong naging OA sa mga dala nating armas?" kunot-noong tanong ni Jett sa kaniyang dalawang nakatatandang kapatid.“Mas mainam na ang sobra kaysa sa kulang. Isa pa, hindi ba’t naulit mo sa amin kanina na parang may pumoprotekta kay Dra. Santos kaya hindi siya matagpuan ni Miss Armani hanggang ngayon?" Tiningnan ni Jackson sa rear view mirror si Jett na ngayon ay nakatingin sa may bintana ng sasakyan. Siya ang nagprisintang magmaneho sa kanilang lakad ngayon.“Jett, sigurado ka bang hindi ito isang patibong? I mean, bakit bigla mo na lamang na hacked ang personal mobile phone ng asawa ni Dra. Santos? You spent almost a month doing it, hindi ba? Isa pa, bakit parang timing na timing naman yata sa gaganaping banquet bukas? Hindi ba kayo nagtataka? Paano kung isa itong patibong para hindi ka makapunta sa banquet, Jett?” tulalang sambit ni Jacob habang kinakamot ang kaniyang ilong. “Mukhang namiss na agad ako ng aking asawa. Nanggigil na naman siguro sa aking
Kabanata 94 “Finally! We caught this jérk!" Jackson yelled while smiling. He sat on the couch as he stared at Jett. “What's up, Jett? Abalang-abala ka yata lately at hindi ka namin maabutan ni kuya rito sa opisina mo? Si Arya pa rin ba?” mapang-asar na bungad ni Jacob. Umupo siya sa couch, sa tabi ni Jackson at saka itinaas ang kaniyang paa sa mesa matapos niyang alisin ang kaniyang medyas. Huminto sa pagtitipa si Jett at saka bumuntong hininga. “Anong kailangan niyo sa akin? Balita ko nga ay nakailang balik na kayo rito eh.” Kumunot bigla ang noo niya nang mabasa niya ang nasa monitor ng kaniyang laptop. "Do we need some reasons to visit you?" nakataas ang kilay na tanong ni Jackson. Lumun0k siya ng isang beses. “Wala akong makulit at madaldal na makasamang manood ng basketball. Ang bored kasama nina Set.” “Oo nga. Walang maingay sa mansyon. Kinukumusta ka rin ni papa. Dalawin mo raw siya habang humihinga pa siya. Huwag ka raw dadalaw kapag utas na siya. Oh ‘di ba? Loko-loko
Kabanata 93Sabay-sabay na napatingin sa direksyon ng pintuan sina Arya, Mariz at Marissa nang sinira ito ng isa sa mga securities ng mga Armani.“Senyorita, ayos lang po ba kayo?" tanong ng tauhan sabay tut0k ng mga bariL na hawak niya kina Mariz at Marissa.“Yes, I'm fine." Sumenyas si Arya para ibaba ng security ang baril na hawak nito. “Mariz, get out of my chair. Will you?" nakangiti niyang tanong.Umikot ang mga mata ni Mariz. Inalis niya ang kaniyang mga paa sa mesa at saka tumayo. Naglakad siya palapit kay Arya at nang nasa tapat na siya nito ay sinagi niya ang balikat nito. “Enjoyin mo na ang mga natitirang araw mo bilang nag-iisang apo ng matandang Armani, bilang isang spoiled brat. Whether you like it or not, we will become sisters.”Arya smirked. "Talaga lang ha? Mukhang kailangan mo nang mag-impake ng mga gamit mo, Mariz. Sayang. Sinayang mo ang respeto at pagmamahal na binigay namin sa'yo ni lolo. Sayang at nagpabulag ka sa kasinungalingan at kasibaan ng iyong ina. Kung
Kabanata 92“Panindigan mo kami ng anak mo, Xavier!”"Hindi ako naniniwalang anak ko ang dinadala mo. Walang nangyari sa atin, Marissa!”Tumawa nang malakas si Marissa. “Walang nangyari? We woke up nakéd next to each other. Anong ginawa natin no’ng gabing ‘yon, Xavier? Nagpatintero? Nag jack en poy?" sarkastikong sambit niya.Umiling si Xavier. “Hindi kita gusto at mas lalong hindi kita mahal kaya imposible ang sinasabi mong pinatulan kita. I don't even remember anything! Sigurado akong ni set-up mo lang ako. Alam naman ng lahat kung gaano ka kabaliw sa akin, Marissa.”Muling umalingawngaw ang mga tawa ni Marissa sa silid. “Fúck you, Xavier! Magaling ka lang pumatong sa ibabaw pero duwag ka! Magaling ka lang sa pagpapasok niyang alaga mo sa lagusan ng may lagusan! Natatakot ka ba kaya ayaw mong aminin sa sarili mo na nagkamali ka? Natatakot kang itakwil ka ng mga Armani at pulutin sa kalsada? Natatakot kang mawala sa iyo ang karangyaan, limpak-limpak na salapi at kasikatan dahil nabun
Kabanata 91“Ma’am Arya, mabuti po at dumating na kayo." Malalaki ang mga hakbang ni Arya habang binabaybay niya ang daan patungo sa kaniyang opisina. "Nando’n pa ba sila?” tanong niya sa isa sa mga mata niya sa loob ng kaniyang kumpanya.“Opo, ma’am. Pinag-aalis po nila ang mga gamit niyo sa mesa. Maging ang kaisa-isang litrato niyo kasama ang inyong mga magulang."Napahinto si Arya sa paglalakad. Nilingon niya ang kaniyang empleyado. “Tama ba ang narinig ko? Pinakialaman nila ang family photo namin?" Bakas na bakas na ang matinding galit sa kaniyang mukha.Marahang tumango ang babaeng empleyado.Mariing ikinuyom ni Arya ang kaniyang mga kamay.“May mga bagong hired din pong mga staffs na nag-resign dahil po sa ipinakitang kamalditahan ni Miss Mariz."Kasabay ng pagkunot ng noo ni Arya ang pagtaas ng dalawang kilay niya. ‘What happened to Mariz? She's not that kind of person. Ang kasama niya bang babae ang naging dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nagbago? Hindi ko maintindih
Kabanata 90 “Lianne, did you send it already?” Jett asked as he entered his office. "Yes, sir. I already did. In fact, may reply na po agad ang mga Walton. Sure na po ang attendance nila tomorrow night because Denver won the bidding of our project in L.A. They also want to meet you in person para raw po makapagpasalamat sila,” mabilis na tugon ni Lianne. Hinubad ni Jett ang kaniyang coat bago umupo sa kaniyang trono. Napatawa siya nang mahina. “At talaga palang paniwalang-paniwala sila na ibibigay ko sa kanila ang biggest project natin sa L.A. Hindi ba sila nahihiya sa kanilang mga sarili? Denver submitted a trash. Mas magaling pa ngang gumawa ng business proposal ang pamangkin kong si Yael sa kaniya!” Muli siyang natawa. "Masyado nga pala talagang mataas ang tingin nila sa mga sarili nila. Well, excited na akong makita ang mga hitsura nila kapag nalaman nilang hindi talaga sila ang nanalo sa bidding. At mas lalo akong nasasabik sa magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang ako ang