Kabanata 16 “Why are you here? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na huwag na huwag kang susulpot sa mga lugar kung saan malapit si Arya?” Agad na ikinandado ni Damon ang mga pinto ng kaniyang kotse. “Pasensya na po, boss. May kailangan lang po talaga kayong malaman,” mahinang turan ng lalaking nakaupo ngayon sa passenger seat. “Tungkol ba sa obstetrician?” Isinuot ni Damon ang kaniyang black shades. Yumuko ang lalaki. “Natakasan po tayo. Wala pa po kaming nakukuhang impormasyon sa kaniya,” bulong niya. Mabilis na hinawakan ni Damon ang kuwelyo ng lalaking kausap niya. “Natakasan kayo ng isang BABAE? Ano? Naglasing na naman kayo at nakatulog na parang wala ng bukas? Wala talaga kayong mga kwenta,” mahina ngunit mariing sabi niya. Binitiwan niya ang kuwelyo ng lalaki. “Hindi ko kayo babayaran hangga't hindi niyo nakikita at nahuhuli ang babaeng ‘yon! Mga inutil!” Sinuntok niya ang manibela ng kaniyang sasakyan. “Boss, pasensya na po talaga. Gagawan po namin ng paraang mah–” “Dapat lang!
Kabanata 17 “Tita, tayo lang namang dalawa rito. Alam kong hate na hate mo si Arya. Well, kahit naman ako. Ayoko sa babaeng ‘yon. Tell me, Tita Divine. Did you set her up?” Uminom ng tsaa si Greta habang nakangiti kay Divina. Nagsalubong ang mga kilay ni Divina. “Pati ba naman ikaw? Gano'n ba talaga ako kasama para isipin niyong ini-setup ko si Arya? Hija, ayaw na ayaw ko sa babaeng ‘yon pero hindi ko naman pagmumukhaing tangà ang sarili ko. Hindi ko nanakawan ang sarili kong pamamahay para ibintang sa iba. Napakarami ko ng problema. Wala na akong panahon para makipaglaro,” depensa niya. Hinawakan ni Greta ang mga kamay ni Divina. “Okay, tita. Naniniwala ako sa'yo. So, how's the investigation going? May solid evidence na ba na magpapawalang-sala kay Arya?” usisa niya. “I have no update, hija. I let Don Fridman handle it. Ayokong ma-stress.” Humigop ng tsaa si Divina. “I'm sure na wala silang makikitang proof to defend Arya. Ano po pala ang alibi ng babaeng ‘yon? Hindi pa rin ba si
Kabanata 18 “Ate, you should get rid of that proposal. Patuloy mo lang na makikita si Damon dahil diyan at sigurado akong hindi ka tatantanan ng pamilya niya lalong-lalo na ng babae niya. Please, ate, listen to me,” pagsusumamo ni Aiven. “Aiven, I have my own plans. Don't you trust your ate?” Arya leaned on the couch. She stared at her brother. “Your plans will ruin you. Aren't you scared na baka mah–” “Na baka mahulog ulit ang loob ko kay Damon? It's not gonna happen, Aiven. Damon isn't my goal but the truth behind my miscarriage. Umupo ka nga. Nahihilo na ako sa'yo. Kanina ka pang lumakad nang lumakad nang pabalik-balik,” utos ni Arya. “I just found out na hindi si Divina ang may kagagawan ng pag-setup sa'yo. Sa tingin ko, it's either your ex-husband, his father or Greta.” Umupo si Aiven sa couch gaya ng utos ng Ate Arya niya. Kumunot ang noo ni Arya. “How sure are you that it wasn't Divina?” she asked while raising her eyebrows. “I paid Jett Jamison Gray to hack the security
Kabanata 19 “He's still there. Talaga nga palang matigas ang ulo ng dati mong asawa,” naiiling na sabi ni Aiven. “I told you.” Tumingin sa kaniyang wristwatch si Arya. “I need to go. May meeting pa ako kina Mr. Saavedra at Mr. Gray.” Tumayo siya at kinuha ang kaniyang bag. Hinawakan ni Aiven ang kamay ni Arya. “Ate, you can't go. Nasa labas pa si Damon,” bulong niya. Tiningnan ni Arya ang kamay ni Aiven. Inalis din naman agad nito ang pagkakahawak sa kaniya. “Wala ka bang klase? Don't tell me na nag-cutting class ka na naman?” She raised her eyebrow. “Mas importante ka kaysa sa anumang subjects ko,” biglang sabi ni Aiven. Napaisip siya nang tinitigan siya nang malalim ni Arya; tila nagtatanong ang mga mata nito. “Aiven, ilang beses ko bang dapat ulitin sa'yo? I can protect myself and I can solve my own problems. Mas inaatupag mo dapat ang pag-aaral mo kaysa sa buhay ng ibang tao,” suhestiyon ni Arya. “Ate, hindi ka ibang tao. Hindi rin naman ako makapag-concentrate sa classes ko
Kabanata 20 [“Paano kung malaman nilang ako ang nagdeposito sa bangko?” Ayokong makulong!”] “Huwag ka ngang nega! Paano nila malalaman eh naka-facemask ka naman at saka balot na balot naman ang katawan mo noong pumunta ka ‘di ba?” Iniikot ng babae ang kaniyang office chair at tiningnan ang kaniyang sarili sa salamin. [“Basta! Ayokong makulong! Kapag pinabayaan mo akong madakip ng mga pulis, ikakanta ko ang pangalan mo.”] Tumawa nang ubod ng lakas ang babae. “Pinagbabantaan mo ba ako?” tanong niya. [“Ikaw ang lumapit sa akin para alukin ako ng pera at trabaho. Kung hindi lang kailangan ng anak kong may sakit ang perang inialok mo, hindi ako papayag sa kondisyon mo.”] “Walang utang na loob.” Nagngitngit ang mga ngipin ng babae. “Matapos kitang tulungan, pagsasalitaan mo ako ng gan’yan?” [“Ang pagtulong, hindi humihingi ng anumang kapalit. Kung talagang may malasakit ka sa anak ko, magbibigay ka ng pera ng walang kahit anong kondisyon.”] “HA! Anong tingin mo sa akin, T@NGA at UTO-
Kabanata 21 “Love, gabing-gabi na ah. Anong ginagawa mo rito?” Marahang isinara ni Damon ang pinto ng kaniyang mansyon at naglakad palapit dito. Hindi pinansin ni Greta ang tanong sa kaniya ni Damon. “It's already eleven. Saan ka galing?” Nakataas ang isang kilay niya habang magka-krus ang kaniyang mga kamay sa tapat ng kaniyang dibdib. “May inasikaso lang,” matipid na sagot ni Damon. “Si Arya ba ang inasikaso mo?” direktahang tanong ni Greta. Nagsalubong ang mga kilay ni Damon. “Ano na naman ba ‘to, love? Hindi ko kasama si Arya. May meeting siya kay Jacob Anderson Gray at Dustin Saavedra. Hindi natuloy ang discussion namin,” pagtanggi niya. “So who are you with this whole evening?” Alam ni Greta na hindi nagsisinungaling si Damon sa kaniya. “I'm with our private investigator.” Damon unbuttoned his sleeve. Madaling tumayo si Greta. Alam na niya kung bakit tinagpo ni Damon ang private investigator ng pamilya Walton. Nag-init ang kaniyang dugo. Tila gusto niyang manampal. “Will
Kabanata 22 Lumabas si Aiven ng kwarto niya para pumunta sa kusina. Nakaramdam kasi siya bigla ng gutom. Nang makita niyang bukas ang pinto ng silid ng kinakapatid niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na kumatok sa pinto. “Ate, okay ka lang ba? Almost midnight na pero gising na gising ka pa,” nag-aalalang sambit niya habang nagkukusot ng kaniyang mga mata. “Nahuli na nina Uno at Dos ang tunay na magnanakaw,” malungkot na wika ni Arya. Nagtaka si Aiven sa tono ng pananalita ni Arya. “Hindi ba dapat nagdidiwang ka? Bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?” usisa niya. “She's not just anyone. She's not a stranger to me.” Bumagsak ang mga luha ni Arya pagkasabing-pagkasabi noon. Ngayon lamang napansin ni Aiven ang bote ng vodka sa bedside table ng ate niya. Bigla siyang kinabahan. Hindi kasi ito basta-basta umiinom ng vodka kung hindi malala ang problema nito. Dahan-dahan siyang umupo sa sulok ng kama. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at bigla niyang niyakap
Kabanata 23 “Damon, where are you going? Kakarating lang namin ni Greta, aalis ka na agad?” Nangunot ang noo ni Divina. Mas lalong lumitaw ang wrinkles niya. Hindi pa rin siya makatulog ng ayos dahil sa milyong-milyong perang nawala ng parang bula sa kaniya. Nakatingin lang si Greta kay Damon. Hindi pa rin humuhupa ang pagka-inis niya rito kagabi. Napilitan lang siyang pumunta sa mansyon nito dahil kay Divina. Nais na raw nitong pag-usapan ang tungkol sa kasal niya kay Damon. “At the precinct.” Damon walked hastily towards the gate. Nagtatakbo si Divina at nang naabutan niya si Damon ay agad niya itong hinawakan sa braso. “May resulta na ang imbestigasyon? Makukulong na ang babaeng ‘yon?” nakangiting tanong niya. Marahang inalis ni Damon ang kamay ng kaniyang mama sa kaniyang braso. “Sumunod na lang kayo para malaman niyo.” Sinulyapan niya si Greta. Titig na titig ito sa kaniya. “Gusto mo bang sumabay sa akin? L-Love?” Nag-iwas ng tingin si Greta. “Kay tita na lang ako sasabay. T
Kabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na pawis ni Denver mula sa kaniyang
Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag
Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar
Kabanata 107“Ladies and gentlemen, may I have your attention please…”"Balae, lumapit ka na kay Don Fridman at sabihin mong tulungan niya tayong makawala sa mga lalaking ito! Ang anak mo, kanina pa siyang sinasaktan ni Arya! Baliw na yata ang isang ‘yon! Baka kung ano pang gawin niya sa mamanugangin ko!” nahihintakutang sabi ni Denver.Napapalibutan pa rin ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit ang mga Walton at si Marissa habang patuloy naman si Arya sa pagpapakanta kay Mariz!"Don Armani saw us earlier. He knows about this commotion and yet, he did nothing but climb up the stage. Now, he's holding a microphone and making an announcement without even batting an eye on Mariz. Something’s not right,” Damon murmured."Ano bang ibinubulong-bulong mo riyan, Damon? Patumbahin mo na ang mga lalaking ito at iligtas mo ang fiancee mo sa kamay ng baliw mong ex-wife!” malakas na utos ni Marissa."Tama si kuya. May hindi tama sa nangyayari rito. Imposibleng hayaan lang ni Don Fridman na sakta
Kabanata 106“Did you see, Jam?" tanong ni Arya kay Aiven.Umiling si Aiven.“The party is about to start. Wala pa siya. He didn't even call or text me about his whereabouts. Ano kayang nangyari sa kaniya? Even his brothers aren't around. I only saw Don Vandolf and his sisters-in-law. Sana naman walang masamang nangyari sa kanila,” nag-aalalang sambit ni Arya."Hindi pa rin bumabalik si Damon, ate. Sinundan namin siya ni Dionne kaso bigla na lamang siyang nawala. Sinundan din namin sina Mariz at Marissa but we also lost them. I'm sorry, ate,” nakayukong turan ni Aiven. Bakas ang panghihinayang at lungkot sa boses niya.Tinapik ni Arya ang balikat ni Aiven. "It's okay. I'm sure they will arrive later. Hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito lalo na malapit nang ma bankrupt ang mga Walton.” Natigilan siya sa pagsasalita nang maalala niya ang mga sinabi ni Aiven. "Wait, did you say, you also saw Mariz and Marissa?”Tumango si Aiven. "Hindi ko ba naulit sa'yo, ate? Sinundan ko si Dam
Kabanata 105“That mor0n! He wasted our time!" inis na sambit ni Mariz habang bumababa sa kaniyang sasakyan."Relax. Marami pa namang pagkakataon para magkita at magkausap kayo.” Pagkababa ni Marissa sa sasakyan ay tiningala niya ang lumang gusali. "Mukhang wala namang naging problema buhat nang umalis tayo." “Let's go," Mariz said.Papasok na sana ng tuluyan ang mag-ina sa loob nang bigla silang nakarinig ng busina ng sasakyan. Kapwa sila napalingon sa kanilang likuran.Kumunot ang noo ni Mariz. “Are you expecting some visitors, mama?"Umiling si Marissa. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan.“Damon?" magkasabay na sambit nina Mariz at Marissa.Lumingon muna si Damon sa paligid. Nang masiguro niyang walang nakasunod sa kaniya ay saka siya nagtatakbo palapit sa mag-ina.“Senyorita Armani!"Nagkatinginan sina Mariz at Marissa.“Bakit hindi ka sumipot kanina at saka paano mo kami nasundan dito?" nagtatakang tanong ni Mariz.“Nasundan kasi ako nina Dionne at Aive–”"Kasama ni Dionne
Kabanata 104“Senyorita?"‘This idi0t still thinks that I am Arya pero sabagay, I will become an Armani later. Everybody will bow to me once they learn that I am a real Armani, that I am also the daughter of Xavier Armani!’ Mariz thought.“Senyorita, bakit niyo po katagpo ang kuya ko?" pag-uulit ni Dionne.Mabilis na umaksyon si Marissa. Para sa kaniya, hindi pa iyon ang tamang panahon para malaman ni Dionne ang tungkol sa kaniyang apo. Hinagip niya ang kamay nito at saka hinim@s-him@s. “Hija, your brother insisted this meeting for business,” pagyayabang ni Marissa. Nilingon niya ang kotse ni Dionne. "Are you with him?”Mabilis na umiling si Dionne."Sad. Did he ask you to meet us instead?” Marissa asked again.Muling umiling si Dionne."I see.” Kunwaring tumingin si Marissa sa suot niyang Patek watch. "Our time is precious. I guess, your brother missed a golden opportunity. Pakisabi na lang sa kaniya na hindi na kami interesado sa business proposal niya. He wasted our time.”Tinitig
Kabanata 103“Nasa’n na ba siya? Hindi ako p'wedeng magtagal dito. Baka maisahan ni Jett ang mga tauhan ko," ani Mariz habang palinga-linga sa paligid.“Sigurado ka bang sisipot ang lalaking ‘yon? Kailan mo pala pauuwiin ng Monte Rocca ang anak mo? He needs to see him." Naglagay muna ng sunblock si Marissa habang nakaupo sa harap ng kotse.“Kapag maayos na ang lahat, saka ko muling pababalikin ang anak ko rito sa Monte Rocca. Naghihikahos ang mga Walton. Wala akong mahihita sa kanila," may pag-irap na sabi ni Mariz.“Boba! Eh bakit kikitain mo pa si Damon? Wala rin namang pera ang isang ‘yon!" Tumaas ang isang sulok ng nguso ni Marissa. Ngayon naman ay naglalagay na siya ng dark red lipstick.“I need him. Wala man siyang pera, alam kong mahal pa siya ni Arya kaya magagamit ko pa rin siya laban sa kapatid ko,” mabilis na sagot ni Mariz.Tumaas ang dalawang kilay ni Marissa. ‘Sasabihin ko na ba sa kaniya na hindi talaga sila magkapatid ng Arya na ‘yon? Na gagamitin ko lang siya para mak
Kabanata 102 “Pakawalan niyo ako rito! Mga duwag ba kayo? Sa halip na nakikipaglaban kayo ng patas ay itinali niyo ako rito! Bakit? Takot ba kayong mapatay ko kayong lahat, HA?!" gigil na sigaw ni Jett habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa kaniya. “Anong tingin mo sa amin, uto-uto? Tumahimik ka nga riyan at baka hindi ako makapagpigil! Isara mo ‘yang bibig mo kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ng isang tauhan. Ngumisi si Jett sabay dura sa sahig. "Ang sabihin niyo, mga duwag kayo. Pati matandang babae ay pinapatulan niyo.” Napatingin siya kay Dra. Santos na nakagapos din tulad niya. “Tumahimik ka sabi!" "Paano kung ayoko?” nang-aasar na sambit ni Jett. Magpapaputok na sana ng baril ang isang tauhan nang pigilan siya ng mga kasamahan niya. “Ikalma mo ang sarili mo. Utos nina ma’am na huwag nating papatayin ang isang ‘yan. Kailangan pa nating mahuli ang mga kasamahan niya. Kailangan nina ma’am ng malaking pera. Fifty million kada ulo ang hihingin nila sa matandang G