"What are you waiting for, Arya? Sign the divorce papers. I already put my signature on it. I want to accomplish all the legal procedures today." Damon looked at his reflection in the mirror and didn't turn his back to see Arya's reaction.Hindi agad nakapagsalita si Arya. Titig na titig siya sa papel na nasa harapan niya partikular na sa pirma ng kaniyang asawa."If you're worried about your finances, I'll take care of that. You acted as my personal maid for the past three years so I guess, you deserve to have a separation pay. I-transfer ko na lang ang pera pagkatapos mong pumirma." Isinuot ni Damon ang kaniyang navy blue suit at rolex watch. His eyebrows, mustache and beard were trimmed to perfection. He looks elegant and refined as always."Personal maid?" Tumawa nang pagak si Arya. "Sabagay, mas maganda pa nga sana kung naging personal maid mo na lang ako eh. At least, may suweldo at mga benepisyo. I only got headaches and heartaches from this relationSHÍT."Damon smirked. "Alam
"Who said that we can't marry each other, Greta? I am now a free man." Inalis ni Damon ang wedding ring nila ni Arya sa kaniyang daliri."That fast? Processed na agad ang divorce papers niyo?" Greta couldn't help but smile."Hindi pa. Ipapadala ko pa sa lawyer ko sa States para masimulan ang proseso. If you want to see her signature on it, here." Tumayo si Damon at kinuha sa kaniyang case ang pirmadong divorce papers. Iniabot niya iyon kay Greta."I didn't expect that you could do this in just a day. Paano mo siya napapayag?" manghang tanong ni Greta."Kahit bihisan mo ang isang daga, daga pa rin ito. I told her that she needs to pay every cent that my family spent on his sick brother IF she will not sign the papers. She's poor so…"Mabilis na hinalíkan ni Greta sa labi si Damon. "You are cunning but I love it! Hanggang ngayon pala eh paniwalang-paniwala ang babaeng 'yon na ang mga Walton ang nagpagamot sa kapatid niya! Another thing, matalino ang desisyon mong sa America kayo nagpak
"Mama, totoo ba na on-process na ang divorce nina Ate Arya at Kuya Damon?" tanong ni Dionne, ang nakababatang kapatid ni Damon.Ngumiti si Divina Walton, ang current vice president ng Walton Insurance Incorporated. Si Damon ang kasalukuyang presidente ng naturang kumpanya."Oo, totoo ang nabalitaan mo. Greta is back at dahil wala na ang iyong grandpa, there is no more reason para ituloy ng kuya mo ang relasyon niya sa babaeng 'yon. Besides, she's worthless. Arya is just an obedient housewife. She's nothing compared to Greta." Nag-aayos ng kaniyang sarili si Divina. Pulang-pula ang kaniyang labi, gano'n din ang kaniyang mga pisngi. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Dionne sa salamin. "Bakit malungkot ka? Don't tell me, naaawa ka sa babaeng 'yon?""Mama, she has a name. She's ARYA. Three years niyo na siyang tinatawag na "babaeng 'yon". And, she's not worthless. Did you forget how she saved our company from the verge of bankruptcy? She's great
Kabanata 3"Bakit mo pa ba ipinakuha sa akin ang mga gamit mo, ate? Hindi mo na naman kakailanganin ang mga ito." Pinagulong ni Aiven ang mga maletang dala niya."Ayokong mag-iwan ng kahit anong bakas sa bahay na 'yon." Isinuot ni Arya ang dangling earrings na regalo sa kaniya ng lolo niya sa kaniyang kaarawan. Nagkakahalaga iyon ng sampung milyong piso!"Nakakasilaw naman ang hikaw mo. Ang daming diyamante. Oo nga pala, tama ang hula mo. Pumunta sa mansyon ni Damon si Dionne." Kinuha ni Aiven ang tuxedo na binili ng ate niya."Naibigay mo ba ang USB?" Binuksan ni Arya ang isang drawer na puno ng mga mamahaling kuwintas. Ang lahat ay may angking ganda pero wala ng mas gaganda pa sa iniwang regalo ng kaniyang yumaong ina, ang L'Incomparable necklace na nagkakahalaga ng $55 Million! Ito ang may pinakamalaki at pinaka makinang na diyamante sa buong mundo. Mayroon itong dilaw na bato na tumitimbang ng lagpas 407 carats at nakakabit ito sa isang daan at dalawang diyamante! Marahan niya ito
Kabanata 4"Anong ginagawa mo rito?" Lumingos sa paligid si Damon. "Nasaan si Arya?" kunot-noong tanong niya."I'm working here," pagsisinungaling ni Aiven.Marahang nagpakawala nang malalakas na tawa si Damon. "Gabi na, nakuha mo pang magbiro. Hindi basta-basta tumatanggap ng empleyado ang mga Armani. Kahit nga katulong at driver eh mataas ang standards nila. Huwag mo nga akong lokohin. At saka, alam kong hindi ka pa nananawa sa pakikipag-basag-ulo sa kalye.""Sobrang yaman ng mga Armani pero hindi niyo sila katulad na masyadong mapagmataas. Hindi nila tinitingnan kung gaano kataas ang grado mo noong kolehiyo o kung gaano ka kagaling, mas tumitingin sila sa ugali. Kadalasan kasi, mas tuso at mas mapanlinlang ang mga taong sobrang daming nalalaman." Ngumiti nang nakakaloko si Aiven.Damon clenched his jaw. "So, you're really working for them?"Tumango si Aiven."How about my wife? Nandito rin ba siya?" Damon said out of nowhere. Maging siya ay nagugulat sa mga lumalabas sa bibig niya.
Kabanata 5“Paano nakapasok ang babaeng ‘yon sa buhay ng mga Armani? Maging ang kaniyang walang kwentang kapatid ay naroroon din! Ang kakapal ng mga mukhang makihalubilo sa ating mga mayayaman! Nakakatakot ang kanilang pagiging ambisyosa at ambisyoso!” Itinapon ni Divina ang kaniyang bag sa sofa. Naglakad siya nang pabalik-balik habang sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Iniisip pa rin niya kung paano naging malapit si Arya kay Don Fridman sa loob lang ng maikling panahon!“Huwag niyong ibahin ang usapan, mama. Kanina niyo pa isinasali sa usapan ang magkapatid na Villanueva. Let's talk about your infidelity! Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon ng Rupert na ‘yon? Bakit niyo nagawang pagtaksilan si papa? Paano niyo kamin nagawang lokohin?” galit na galit na sambit ni Dionne.Huminto sa paglalakad si Divina. Marahan niyang ini-angat ang kaniyang paningin kay Dionne. “Ikaw na bata ka. Isa ka pa! Kailan mo ba gagamitin ‘yang utak mo, ha? Doon ka pa talaga nag-eskandalo sa mansyon ng mga Arma
Kabanata 6 “Excuse me, miss. I have a reservation under Mr. Damon Walton’s name. Andito na ba siya?” Pormal na pormal ang ayos ni Greta. Nakataas ang kaniyang isang kilay habang hinihintay ang sagot ng front desk staff. “Please proceed to the VVIP room number 8, Miss…” “Greta. Greta De Vil.” Agad niyang kinuha ang keycard sa staff at taas-noong naglakad patungo sa nasabing silid. Inis na inis si Greta kay Damon dahil hindi man lamang siya nito tinawagan buong magdamag. Nabalitaan niya ang nangyaring kaguluhan sa party ng mga Armani kagabi, sangkot ang kaniyang itinuturing na future mother-in-law. Sa kagustuhang malaman ang buong detalye ng kuwento ay tinawagan niya si Divina Walton at nagtanong ng mga bagay-bagay rito. Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay aksidenteng nabanggit ni Divina na nagta-trabaho na sa mga Armani ang dati nitong manugang na si Arya. Naulit din nito ang tungkol sa pagkaka-promote ni Arya bilang General Manager ng Armani Groups. “Arya, hindi ko alam na talentado
Kabanata 7 “Hey, where are you going? We have a meeting.” Kunot na kunot ang noo ni Damon habang hawak-hawak niya ang braso ni Arya. Nakita niya itong nagmamadaling naglalakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Tinitigan ni Arya nang mata sa mata si Damon. Lumipat ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso. Agad naman iyong inalis ni Damon. “You're twenty minutes late. Ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako,” mahinang sabi ni Arya. “I'm sorry. I got stuck in heavy traffic. Can you please reconsider?” Ngayon lang napansin ni Damon ang suot ni Arya. Sobrang bagay ng dress nito sa kaniya. Mas binigyan din ng makeup nito ang maganda nitong mukha. Parang ibang tao ang kaharap niya. His ex-wife is modest and conservative. Ayaw rin nitong maglagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi tuloy niya maitanggi sa kaniyang sarili na kaakit-akit at kahali-halina ngayon ang kaniyang dating asawa. Hindi rin niya mapigilang mapakagat sa kaniyang labi. “Stop staring at me like that,
Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag
Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar
Kabanata 107“Ladies and gentlemen, may I have your attention please…”"Balae, lumapit ka na kay Don Fridman at sabihin mong tulungan niya tayong makawala sa mga lalaking ito! Ang anak mo, kanina pa siyang sinasaktan ni Arya! Baliw na yata ang isang ‘yon! Baka kung ano pang gawin niya sa mamanugangin ko!” nahihintakutang sabi ni Denver.Napapalibutan pa rin ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit ang mga Walton at si Marissa habang patuloy naman si Arya sa pagpapakanta kay Mariz!"Don Armani saw us earlier. He knows about this commotion and yet, he did nothing but climb up the stage. Now, he's holding a microphone and making an announcement without even batting an eye on Mariz. Something’s not right,” Damon murmured."Ano bang ibinubulong-bulong mo riyan, Damon? Patumbahin mo na ang mga lalaking ito at iligtas mo ang fiancee mo sa kamay ng baliw mong ex-wife!” malakas na utos ni Marissa."Tama si kuya. May hindi tama sa nangyayari rito. Imposibleng hayaan lang ni Don Fridman na sakta
Kabanata 106“Did you see, Jam?" tanong ni Arya kay Aiven.Umiling si Aiven.“The party is about to start. Wala pa siya. He didn't even call or text me about his whereabouts. Ano kayang nangyari sa kaniya? Even his brothers aren't around. I only saw Don Vandolf and his sisters-in-law. Sana naman walang masamang nangyari sa kanila,” nag-aalalang sambit ni Arya."Hindi pa rin bumabalik si Damon, ate. Sinundan namin siya ni Dionne kaso bigla na lamang siyang nawala. Sinundan din namin sina Mariz at Marissa but we also lost them. I'm sorry, ate,” nakayukong turan ni Aiven. Bakas ang panghihinayang at lungkot sa boses niya.Tinapik ni Arya ang balikat ni Aiven. "It's okay. I'm sure they will arrive later. Hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito lalo na malapit nang ma bankrupt ang mga Walton.” Natigilan siya sa pagsasalita nang maalala niya ang mga sinabi ni Aiven. "Wait, did you say, you also saw Mariz and Marissa?”Tumango si Aiven. "Hindi ko ba naulit sa'yo, ate? Sinundan ko si Dam
Kabanata 105“That mor0n! He wasted our time!" inis na sambit ni Mariz habang bumababa sa kaniyang sasakyan."Relax. Marami pa namang pagkakataon para magkita at magkausap kayo.” Pagkababa ni Marissa sa sasakyan ay tiningala niya ang lumang gusali. "Mukhang wala namang naging problema buhat nang umalis tayo." “Let's go," Mariz said.Papasok na sana ng tuluyan ang mag-ina sa loob nang bigla silang nakarinig ng busina ng sasakyan. Kapwa sila napalingon sa kanilang likuran.Kumunot ang noo ni Mariz. “Are you expecting some visitors, mama?"Umiling si Marissa. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan.“Damon?" magkasabay na sambit nina Mariz at Marissa.Lumingon muna si Damon sa paligid. Nang masiguro niyang walang nakasunod sa kaniya ay saka siya nagtatakbo palapit sa mag-ina.“Senyorita Armani!"Nagkatinginan sina Mariz at Marissa.“Bakit hindi ka sumipot kanina at saka paano mo kami nasundan dito?" nagtatakang tanong ni Mariz.“Nasundan kasi ako nina Dionne at Aive–”"Kasama ni Dionne
Kabanata 104“Senyorita?"‘This idi0t still thinks that I am Arya pero sabagay, I will become an Armani later. Everybody will bow to me once they learn that I am a real Armani, that I am also the daughter of Xavier Armani!’ Mariz thought.“Senyorita, bakit niyo po katagpo ang kuya ko?" pag-uulit ni Dionne.Mabilis na umaksyon si Marissa. Para sa kaniya, hindi pa iyon ang tamang panahon para malaman ni Dionne ang tungkol sa kaniyang apo. Hinagip niya ang kamay nito at saka hinim@s-him@s. “Hija, your brother insisted this meeting for business,” pagyayabang ni Marissa. Nilingon niya ang kotse ni Dionne. "Are you with him?”Mabilis na umiling si Dionne."Sad. Did he ask you to meet us instead?” Marissa asked again.Muling umiling si Dionne."I see.” Kunwaring tumingin si Marissa sa suot niyang Patek watch. "Our time is precious. I guess, your brother missed a golden opportunity. Pakisabi na lang sa kaniya na hindi na kami interesado sa business proposal niya. He wasted our time.”Tinitig
Kabanata 103“Nasa’n na ba siya? Hindi ako p'wedeng magtagal dito. Baka maisahan ni Jett ang mga tauhan ko," ani Mariz habang palinga-linga sa paligid.“Sigurado ka bang sisipot ang lalaking ‘yon? Kailan mo pala pauuwiin ng Monte Rocca ang anak mo? He needs to see him." Naglagay muna ng sunblock si Marissa habang nakaupo sa harap ng kotse.“Kapag maayos na ang lahat, saka ko muling pababalikin ang anak ko rito sa Monte Rocca. Naghihikahos ang mga Walton. Wala akong mahihita sa kanila," may pag-irap na sabi ni Mariz.“Boba! Eh bakit kikitain mo pa si Damon? Wala rin namang pera ang isang ‘yon!" Tumaas ang isang sulok ng nguso ni Marissa. Ngayon naman ay naglalagay na siya ng dark red lipstick.“I need him. Wala man siyang pera, alam kong mahal pa siya ni Arya kaya magagamit ko pa rin siya laban sa kapatid ko,” mabilis na sagot ni Mariz.Tumaas ang dalawang kilay ni Marissa. ‘Sasabihin ko na ba sa kaniya na hindi talaga sila magkapatid ng Arya na ‘yon? Na gagamitin ko lang siya para mak
Kabanata 102 “Pakawalan niyo ako rito! Mga duwag ba kayo? Sa halip na nakikipaglaban kayo ng patas ay itinali niyo ako rito! Bakit? Takot ba kayong mapatay ko kayong lahat, HA?!" gigil na sigaw ni Jett habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa kaniya. “Anong tingin mo sa amin, uto-uto? Tumahimik ka nga riyan at baka hindi ako makapagpigil! Isara mo ‘yang bibig mo kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ng isang tauhan. Ngumisi si Jett sabay dura sa sahig. "Ang sabihin niyo, mga duwag kayo. Pati matandang babae ay pinapatulan niyo.” Napatingin siya kay Dra. Santos na nakagapos din tulad niya. “Tumahimik ka sabi!" "Paano kung ayoko?” nang-aasar na sambit ni Jett. Magpapaputok na sana ng baril ang isang tauhan nang pigilan siya ng mga kasamahan niya. “Ikalma mo ang sarili mo. Utos nina ma’am na huwag nating papatayin ang isang ‘yan. Kailangan pa nating mahuli ang mga kasamahan niya. Kailangan nina ma’am ng malaking pera. Fifty million kada ulo ang hihingin nila sa matandang G
Kabanata 101“Arya…”Matapos makalaya ni Damon ay agad niyang inalam kung saan niya matatagpuan si Arya. Lalapit na sana siya sa ex-wife niya nang bigla siyang harangin ni Aiven.“You have no right to touch her. You’re not her husband anymore,” Aiven said in a serious tone.Ngumisi si Damon. “Who are you to tell me that, huh? You’re not her real brother so fucK off.” Itinulak niya si Aiven. Napaupo ito sa sahig.Mabilis na inalalayang tumayo ni Arya si Aiven. “Damon, ano bang ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong niya. Kasalukuyan siyang nasa OLHOS dahil ipinatawag siya ng reproductive endocrinologist at fertility specialist na nagsagawa ng intrauterine insemination (IUI) o mas kilala sa tawag na artificial insemination (AI) sa kaniya matapos nilang ikasal noon ni Damon.“I’m here to check on something. Ikaw?” Napatingin si Damon sa doktorang nasa harapan nila nina Arya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Doc, long time no see. Anong mayro’n?” Tumaas ang kaniyang dalawang kilay.“Mr. Walto