Kabanata 3
"Bakit mo pa ba ipinakuha sa akin ang mga gamit mo, ate? Hindi mo na naman kakailanganin ang mga ito." Pinagulong ni Aiven ang mga maletang dala niya."Ayokong mag-iwan ng kahit anong bakas sa bahay na 'yon." Isinuot ni Arya ang dangling earrings na regalo sa kaniya ng lolo niya sa kaniyang kaarawan. Nagkakahalaga iyon ng sampung milyong piso!"Nakakasilaw naman ang hikaw mo. Ang daming diyamante. Oo nga pala, tama ang hula mo. Pumunta sa mansyon ni Damon si Dionne." Kinuha ni Aiven ang tuxedo na binili ng ate niya."Naibigay mo ba ang USB?" Binuksan ni Arya ang isang drawer na puno ng mga mamahaling kuwintas. Ang lahat ay may angking ganda pero wala ng mas gaganda pa sa iniwang regalo ng kaniyang yumaong ina, ang L'Incomparable necklace na nagkakahalaga ng $55 Million! Ito ang may pinakamalaki at pinaka makinang na diyamante sa buong mundo. Mayroon itong dilaw na bato na tumitimbang ng lagpas 407 carats at nakakabit ito sa isang daan at dalawang diyamante! Marahan niya itong kinuha at isinuot."Oo, ate. Sigurado akong nagkakagulo na ngayon sa mansyon ng mga Walton." Naglakad patungo sa dressing room si Aiven at dali-daling nagbihis."Pakiramdam ko, hindi. Isa si Divina Walton sa ating bisita ngayong gabi." Tumingin si Arya sa kaniyang wristwatch. "Sa mga oras na ito, sigurado akong nasa garden siya. Nakikipagkuwentuhan at nakikipag-plastikan na siya sa mga elite." Ngumiti si Arya. Naglagay siya ng pulang lipstick sa labi niya. "I'm so excited to watch them later. Isa itong malaking scandal kapag nagkataon. Kilala ko si Dionne, she's impulsive. Basta-basta na lang siya kumikilos at nagsasalita. I'm certain that she's already on her way here."Lumabas mula sa dressing room si Aiven. "Ate, sigurado ka na ba? Ibubunyag mo na sa kanilang lahat kung sino ka talaga?" nag-aalalang tanong niya."I'm still having second thoughts. Kumusta pala ang tatay mo? Okay na ba siya?" Tumayo si Arya para tingnan ang kaniyang kabuuan sa malaking salamin."Okay na siya, ate. Maraming salamat sa tulong niyo. Hinding-hindi ko ito makakalimutan. Ilang beses niyo na kaming tinulungan ni tatay," seryosong sambit ni Aiven."Wala 'yon. Tinanggap niyo ako sa inyong pamilya kahit hindi niyo ako tunay na kadugo. Maraming salamat sa pagkupkop sa akin nang nawalan ako ng memorya. Pamilya na ang turing ko sa inyo ni tatay, Ven, at walang magbabago ro'n. Kahit nandito na ulit ako bilang isang Armani, mananatili pa rin ako bilang Ate Arya Villanueva mo." Humarap si Arya kay Aiven. "How do I look?" She smiled while waiting for her brother's response."Sobrang ganda mo pa rin, ate. Mas lalo ka pang gumanda dahil sa makeup, mga alahas at gown. Napakatangà talaga niyang si Damon. Sinayang niya ang isang tulad mo." Hindi maalis ni Aiven ang mga mata niya kay Arya.Tumawa nang malakas si Arya. "Alam mo, let's not talk about him. He doesn't deserve our time. Hindi ba at nangako ako sa'yo? Hindi ko na siya iiyakan at hahabulin pa. Mas mamahalin ko na ang sarili ko at mag-fo-focus na lang ako sa mga goals ko. Tatlong taon din akong nanahimik, nagtimpi at nakisama sa mga Walton. Tatlong taon na rin akong nagmukhang losyang dahil sa mga ugali nila. That's enough. I will never put myself in those situations again."Inilahad ni Aiven ang kaniyang kamay kay Arya. Lubos niya itong hinahangaan at nirerespeto higit kanino man. "Tara na sa baba? Baka hinihintay na nila tayo?""Not yet. I still have one more thing to do." Arya winked at Aiven.Umalon ang noo ni Aiven. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang kinabahan. Ano na naman kaya ang pina-plano ng kaniyang kinakapatid?~~~"Talaga? Inimbitahan ka ng mga Armani? Ibig sabihin ba no'n?" usisa ni Erin, ang CEO ng Hamilton Realty Corporation. Minsan na rin niyang ipinahiya si Arya sa harap ng maraming tao. Isa siya sa mga kinamumuhian ni Arya sa mundo ng negosyo."Sigurado akong naging interesado sila sa business plan na ini-email sa kanila ng panganay kong anak. Halos pitong taon din kaming nireject ni Don Fridman. Malamang ay ang kaisa-isa niyang apo ang nagkumbinsi sa kaniya na bigyan kami ng pagkakataong patunayan ang aming sarili. Balita ko, dalaga pa raw siya! Tamang-tama, on-process na ang diborsyo ng anak ko sa walang kwenta niyang asawa!" Tumango si Divina Walton nang alukin siya ng red wine ng waitress. Taas-noo siyang nag-alok ng toast sa mga elite."Hindi ba't kay Greta mo ipinagsisiksikan si Damon? Bakit parang nag-iba yata ang ihip ng hangin?" pabirong tanong ni Erin."Wala rin namang problema kung makakatuluyan ni Damon ang first love niyang si Greta. Maganda siya, matalino, mayaman ang angkan. Halos perpekto na. Ang kaso, may mas hihigit pa sa kaniya at iyon ay ang apo ni Don Fridman! Sino ba namang ina ang hindi maghahangad ng the best para sa kaniyang anak, 'di ba, Erin?" Ngumiti si Divina. Nagsimula nang magbulungan ang mga tao sa paligid niya nang dumating ang asawa ni Erin na si Lucio.Agad na humalik si Erin sa kaniyang asawa na ngayon ay palihim na nakatingin kay Divina."So, this is Divina Walton?" tanong ni Rupert.Tumaas ang isang kilay ni Erin. "Paano mo siya nakilala? Unang beses niyo lang namang nagkita ah?" naguguluhang tanong niya.Sasagot na sana si Rupert nang biglang dumating si Aiven."Waiter! Whiskey please." Aiven said.Kumunot ang noo ni Divina nang namukhaan niya si Aiven. 'Anong ginagawa ng basagulerong kapatid ni Arya rito? Paano siya nakapasok sa mansyon ng mga Armani?' Marami siyang nais itanong dito pero mas pinili niyang manahimik at obserbahan na lang ang ikikilos ni Aiven."Bakit hindi si Mrs. Walton ang tanungin mo, Mrs. Hamilton?" ani Aiven."At sino ka naman?" tanong ni Erin."O sa halip na magtanong ka ay hintayin mo na lamang ang pagdating ng bunsong anak ni Mrs. Walton. Sigurado akong mabibigyang linaw niya ang mga tanong mo." Ngumiti si Aiven nang makita niya kung gaano ka-nerbyos ng mukha ni Divina. 'Gan'yan nga! Matakot ka! Mag-isip ka! Magsisimula pa lang ang bangungot mo, Divina Walton. Pagbabayaran mo ang lahat ng kalapastanganang ginawa mo kay Ate Arya.'"Ano bang sinasabi mo, Aiven? Hindi makakapasok dito si Dionne dahil wala siyang imbistasyon." Lumingos si Divina kay Erin. "Rupert and I met in a business meeting. I offered him a group insurance plan for your employees," she explained."She's right. I had acquired a group insurance plan from them." Rupert hugged his wife but he couldn't take his eyes off of Divina. She's too hot and sexy tonight!"Ah oo. Naalala ko na. Nabanggit mo nga pala sa akin ang tungkol doon." Nawala ang kaba sa dibdib ni Erin. Napatingin siya kay Aiven. Umiiling ito."Facts are often used to hide other facts. Maiwan ko na muna kayo. May importante pa akong kailangang gawin." Mabilis na umalis si Aiven nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cell phone sa bulsa ng kaniyang pantalon.Salubong ang mga kilay ni Divina habang pinagmamasdan ang papalayong si Aiven. Ibinalik niya ang kaniyang tingin kay Erin. "Paano nakapasok ang isang hampaslupa sa mansyon ng mga Armani?" nagngangalit niyang tanong."Do you know him?" Erin asked."Kapatid siya ng walang kwentang asawa ng anak ko!" Nagpasalin ng red wine sa kaniyang wine glass si Divina nang may dumaang waitress sa puwesto nila."He's wearing a limited edition tuxedo. I think, hindi siya isang hampaslupa na gaya ng inaakala mo. Hindi mo ba napansin? Nakasuot din siya ng Rolex!" Ipinulupot ni Erin ang kaniyang braso kay Rupert.Mas lalong napuno ng mga katanungan ang isip ni Divina. 'Gaano ba kalaki ang perang ibinigay ni Damon sa babaeng 'yon at nakabili ng mga mamahaling gamit ang basagulero niyang kapatid?'Tila huminto ang mundo ni Divina nang marinig niya ang basag na boses ng kaniyang anak na si Dionne. Marahan niya itong nilingon at nakumpirma niyang umiiyak nga ito!"Dionne, anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Tumindig ang balahibo ni Divina nang maalala niya ang mga sinabi ni Aiven kanina. Paano niya nalaman na darating si Dionne? Mas lalo lamang siyang naguluhan.Bakas ang kalungkutan at galit sa mukha ni Dionne. Hindi siya makapagsalita.Hinawakan ni Divina sa kamay si Dionne. Kakaladkarin na sana niya ito palayo pero nagawa nitong alisin ang pagkakahawak niya!Magsasalita na sana si Dionne nang mapansin niya ang mag-asawang Erin at Rupert. Isang pilyang ngiti ang kumurba sa labi niya. Kinuha niya ang kaniyang cell phone sa loob ng sling bag niya at buong tapang na ipinakita sa kaniyang ina ang litrato kung saan nakikipaghalíkan ito sa isang lalaki!"Totoo ba ang litratong ito? Are you cheating on us? Niloloko mo ba si papa?" galit na galit na sigaw ni Dionne. Nakuha niya ang atensyon ng lahat, kabilang na ang kay Arya. Nakasilip ito mula sa may veranda.Nanlaki ang mga mata ni Divina. Agad na gumapang ang takot sa kaniyang sistema nang mapansin niyang malinaw ang kuha sa mga mukha nila ni Rupert! Paano nalaman ng anak niya ang tungkol sa kaniyang pangangaliwa? Saan niya nakuha ang litratong 'yon?"Sagutin mo ako, mama! There are almost thirty photos here! Kabit mo ba ang lalaking ito?" Itinuro ni Dionne si Rupert.Halos mawalan ng balanse si Divina sa ginawa ng anak niya! Nagsimula na rin silang pag-usapan ng mga tao sa paligid."Rupert, what's the meaning of this?" Nang hindi sumagot si Rupert ay kinuha ni Erin ang cell phone ni Dionne. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makumpirma niyang asawa nga niya ang lalaki sa litrato! Umawang ang kaniyang bibig. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa kaniyang asawa. "How dare you? Kailan mo pa ako ginagàgo?" sigaw niya."Dionne, please stop this nonsense! Walang katotohanan ang mga litratong 'yan! We're living in a modern world now! Anyone can edi—" Nahintakutan si Divina nang bigla siyang sinampal at sinabunutan ni Erin.Hindi magkaintindihan si Rupert sa pag-awat kina Erin at Divina. Walang may gustong magpatalo sa kanila!"Gan'yan nga. Sirain at ipahiya niyo ang isa't-isa." Tinitigan niya si Divina na ngayon ay gulong-gulo na ang buhok. Maging ang damit na suot nito ay may punit na rin dahil sa sobrang galit ni Erin. "Tatlong taon akong nanahimik. Iginalang at nirespeto kita bilang mother-in-law ko pero wala kang ginawa kung hindi ang saktan at ipahamak ako. Ngayong wala na akong koneksyon sa'yo, oras na para itama ang mga pagkakamali ko noon. I was so stupid! I tolerated your cheating. Well, late is better than never.""Apo, bakit hindi ka pa bumababa?" tanong ni Don Fridman.Ngumiti si Arya. Nagtatakbo siya palapit sa kaniyang lolo at niyakap ito."I'm just waiting for you, daddylo." Masiglang naglakad si Arya kasabay ni Don Fridman."Huwag mo na ulit akong iiwan, apo. Ikaw na lang ang inaasahan kong magpapatakbo ng mga maiiwan ko kapag tinawag na ako ni Lord," pabirong sambit ni Don Fridman."Daddylo, ang lakas-lakas mo pa. Kayang-kaya mo pang i-manage ang Aramani Group. Matagal pa tayong magkakasama," naluluhang turan ni Arya. "I'm sorry if I left you for my first love. Pangako, daddylo, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo. Babawi ako sa'yo. Pangako, daddylo.""What's the name of that jerk? I'll make sure to put serious damage on his businesses." Don Fridman clenched his fists.Tanging ngiti lamang ang naisagot ni Arya. Ayaw niyang i-involve ang lolo niya sa mga plano niya."Leave it up to me, daddylo. I don't want to stress you out," Arya said.Samantala, nasa labas na ng mansyon ng mga Armani si Damon. Nais niyang sundan si Dionne sa loob dahil alam niyang gagawa ito ng gulo pero hindi siya papasukin ng mga guwardiya!"How come you allowed my sister to go inside and you can't let me in? I am a Walton! Hindi niyo ba ako kilala?" inis na sabi ni Damon."Pasensya na po, sir. No invitation, no entry po," wika ng isang guwardiya.Malakas na sinipa ni Damon ang gate. Mayamaya pa ay may mga maskuladong lalaki ang lumapit sa kaniya. Kinaladkad siya ng mga ito papunta sa kalsada."Fúck!" The only word Damon could utter at the moment."Gusto mo bang makapasok sa loob, kuya?"Nagsalubong ang mga kilay ni Damon nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Boses 'yon ni Aiven!Kabanata 4"Anong ginagawa mo rito?" Lumingos sa paligid si Damon. "Nasaan si Arya?" kunot-noong tanong niya."I'm working here," pagsisinungaling ni Aiven.Marahang nagpakawala nang malalakas na tawa si Damon. "Gabi na, nakuha mo pang magbiro. Hindi basta-basta tumatanggap ng empleyado ang mga Armani. Kahit nga katulong at driver eh mataas ang standards nila. Huwag mo nga akong lokohin. At saka, alam kong hindi ka pa nananawa sa pakikipag-basag-ulo sa kalye.""Sobrang yaman ng mga Armani pero hindi niyo sila katulad na masyadong mapagmataas. Hindi nila tinitingnan kung gaano kataas ang grado mo noong kolehiyo o kung gaano ka kagaling, mas tumitingin sila sa ugali. Kadalasan kasi, mas tuso at mas mapanlinlang ang mga taong sobrang daming nalalaman." Ngumiti nang nakakaloko si Aiven.Damon clenched his jaw. "So, you're really working for them?"Tumango si Aiven."How about my wife? Nandito rin ba siya?" Damon said out of nowhere. Maging siya ay nagugulat sa mga lumalabas sa bibig niya.
Kabanata 5“Paano nakapasok ang babaeng ‘yon sa buhay ng mga Armani? Maging ang kaniyang walang kwentang kapatid ay naroroon din! Ang kakapal ng mga mukhang makihalubilo sa ating mga mayayaman! Nakakatakot ang kanilang pagiging ambisyosa at ambisyoso!” Itinapon ni Divina ang kaniyang bag sa sofa. Naglakad siya nang pabalik-balik habang sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Iniisip pa rin niya kung paano naging malapit si Arya kay Don Fridman sa loob lang ng maikling panahon!“Huwag niyong ibahin ang usapan, mama. Kanina niyo pa isinasali sa usapan ang magkapatid na Villanueva. Let's talk about your infidelity! Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon ng Rupert na ‘yon? Bakit niyo nagawang pagtaksilan si papa? Paano niyo kamin nagawang lokohin?” galit na galit na sambit ni Dionne.Huminto sa paglalakad si Divina. Marahan niyang ini-angat ang kaniyang paningin kay Dionne. “Ikaw na bata ka. Isa ka pa! Kailan mo ba gagamitin ‘yang utak mo, ha? Doon ka pa talaga nag-eskandalo sa mansyon ng mga Arma
Kabanata 6 “Excuse me, miss. I have a reservation under Mr. Damon Walton’s name. Andito na ba siya?” Pormal na pormal ang ayos ni Greta. Nakataas ang kaniyang isang kilay habang hinihintay ang sagot ng front desk staff. “Please proceed to the VVIP room number 8, Miss…” “Greta. Greta De Vil.” Agad niyang kinuha ang keycard sa staff at taas-noong naglakad patungo sa nasabing silid. Inis na inis si Greta kay Damon dahil hindi man lamang siya nito tinawagan buong magdamag. Nabalitaan niya ang nangyaring kaguluhan sa party ng mga Armani kagabi, sangkot ang kaniyang itinuturing na future mother-in-law. Sa kagustuhang malaman ang buong detalye ng kuwento ay tinawagan niya si Divina Walton at nagtanong ng mga bagay-bagay rito. Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay aksidenteng nabanggit ni Divina na nagta-trabaho na sa mga Armani ang dati nitong manugang na si Arya. Naulit din nito ang tungkol sa pagkaka-promote ni Arya bilang General Manager ng Armani Groups. “Arya, hindi ko alam na talentado
Kabanata 7 “Hey, where are you going? We have a meeting.” Kunot na kunot ang noo ni Damon habang hawak-hawak niya ang braso ni Arya. Nakita niya itong nagmamadaling naglalakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Tinitigan ni Arya nang mata sa mata si Damon. Lumipat ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso. Agad naman iyong inalis ni Damon. “You're twenty minutes late. Ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako,” mahinang sabi ni Arya. “I'm sorry. I got stuck in heavy traffic. Can you please reconsider?” Ngayon lang napansin ni Damon ang suot ni Arya. Sobrang bagay ng dress nito sa kaniya. Mas binigyan din ng makeup nito ang maganda nitong mukha. Parang ibang tao ang kaharap niya. His ex-wife is modest and conservative. Ayaw rin nitong maglagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi tuloy niya maitanggi sa kaniyang sarili na kaakit-akit at kahali-halina ngayon ang kaniyang dating asawa. Hindi rin niya mapigilang mapakagat sa kaniyang labi. “Stop staring at me like that,
Kabanata 8 “That whóre! I really want to smash her into tiny pieces!” galit na galit na sigaw ni Arya. Pagkagaling niya sa hotel ay dumiretso siya agad sa bagong tinutuluyan niyang condotel para maglabas ng inis sa katawan. She's doing boxing right now. “Gusto niyo po bang i-bribe ko ang mga biggest investors sa business ni Miss Greta para iwan siya ng mga ito? I can do it if you want to, senyorita. It's just a piece of cake for me,” suhestiyon ni Mariz habang pinag-aaralan ang profile ng mga investors sa negosyo ng dalawang pamilya - De Vil at Walton. Pinunasan ni Arya ang kaniyang pawis sa mukha. Fit na fit sa kaniya ang suot niyang gym outfit. Lalong lumabas ang halos perpektong kurba ng kaniyang katawan. Lumabas siya ng ring at dumiretso sa bench para kumuha ng tubig. Mabilis niya iyong ininom. Uhaw na uhaw siya dahil may isang oras na rin siyang nag-eensayo. Bago pa man niya makilala si Damon, hilig na niya ang mag-boxing. Mahusay rin siya sa taekwondo at karate. Madalas kasi s
Kabanata 9 “Ivy, hindi talaga siya umalis sa puwesto niya buong maghapon?” tanong ni Arya habang nakatingin sa natutulog na si Damon. “Opo, senyorita. Hindi pa rin po siya kumakain. Wala po siyang bukambibig kung hindi kayo. Palagi po siyang nakaabang sa pagdating niyo,” tugon ni Ivy. ‘Damon, why are you doing this? Are you really desperate to close that deal?’ Arya thought. “Gisingin ko na po ba, senyorita?” Ibinaba ni Ivy ang dala niyang documents sa table. “Hindi. Hayaan mo lang siyang matulog. It's already six, makakauwi ka na. Salamat sa paghihintay sa akin.” Umupo si Arya sa office chair. “Sure po ba kayo, senyorita? Wala na po ba kayong ipag-uutos? Bilin po kasi ni Sir Aiven na huwag daw po akong aalis hanggang hindi po siya dumarating. Ayaw raw po niya kayong maiwan mag-isa kasama si Sir Walton,” salaysay ni Ivy. “No. It's okay. Overtime ka na nga ng two hours dahil sa paghihintay sa akin. I'm sure na hinihintay ka na ng baby mo. Huwag mo akong alalahanin, kaya ko naman
Kabanata 10 “Nasaan ako?” tanong ni Damon habang kinukusot ang kaniyang mga mata. Nakahiga siya sa isang lumang sofa sa loob ng isang maliit na silid. “Gutom ka na ba?” Hinubad ni Arya ang suot niyang apron. Kinuha niya ang niluto niyang sinigang na bangus at garlic buttered shrimp. Marahan niya iyong ipinatong sa mesa. Napahawak sa kaniyang tiyan si Damon. Pasado alas nuebe na ng gabi, kaya gutom na gutom na siya pero mas naglalawày siya ngayon sa hulma ng katawan ni Arya. Nakasuot lamang ito ng hapit na sando at isang maikling short. “Nagpatulong na ako sa security para buhatin ka patungo sa company car ko. Kailangan na kasi nilang isara ang company. Pasensya ka na sa condotel ko. Ito lang kasi ang kaya ng budget ko.” Bumalik si Arya sa kitchen area para kumuha ng mga plato, kutsara, tinidor at baso. “Nakakatulog ka rito?” Inilibot ni Damon ang kaniyang mga mata sa silid ni Arya. “Oo naman. Kumpara sa malaking kama sa mansyon mo, mas mahimbing ang tulog ko sa single bed ko rito
Kabanata 11 “Ang kapal ng mukha mong babae ka! Balak mo talagang agawin sa akin si Damon!” sigaw ni Greta habang dinuduró si Arya. “Greta, mali ka ng inaakala. Stop this nonsense! Let's talk about this at home,” ani Damon habang pigil-pigil niya si Greta. “MALANDI KA TALAGANG BABAE KA! HINDI KA PA NAKONTENTO SA TATLONG TAON! NAPAKASIBA MO!” Halos lumabas na lahat ng ugat sa leeg ni Greta sa kasisigaw. Tumawa nang mapait si Arya. “Hinay-hinay lang, girl. Masyado mo namang nilalait ANG SARILI MO. Sa pagkaka-alala ko, AKO ANG DATING ASAWA at ikaw, IKAW ANG SAWSAWERA, MANG-AAGAW AT MALANDI. Siguro, araw-araw mong pinapantasya na i-divorce na ako ni Damon para maangkin mo na siya nang tuluyan. Pasensya ka na ha kung natagalan. Natuyo tuloy nang husto ‘yang pagkababaé mo,” mapang-asar na sambit niya habang nakatingin sa pagitan ng mga hita ni Greta. Nagulat sina Damon at Greta sa mga salitang lumabas sa bibig ni Arya. “Dàmn! Nakalimutan ko. Sanay nga pala kayo na hindi ako lumalaban. S
Kabanata 116 - ANG PAGWAWAKAS“JETTY, ARYA, COME HERE! WE’RE HERE!” palakat ni Jacob habang karga-karga niya ang kaniyang anak na si Jia.“Hakob, nasaan si Yael? Parang hindi ko siya nakikita," tanong ni Jackson, karga naman niya si Sonya.“Mahuhuli lang daw siya ng kaunti. May kailangang gawin sa school niya eh." Ibinaba ni Jacob si Jia at hinayaang maglaro sa may damuhan.Ibinaba rin ni Jackson ang anak niyang si Sonya at inayos ang mga pagkain at red wine. “Hindi ako makapaniwalang mas gusto pang matulog nina Freya at Eya kaysa sumama sa picnic na ito.”Tumawa nang mahina si Jacob. "Hayaan mo na. They needed it. Minsan lang sila maging malaya,” pabiro niyang sabi.Napangiti at napatingin sina Jackson at Jacob kay Jett nang bigla silang inakbayan nito."Kumusta? Ang tagal mong nawala ha! Ano? Nakabuo na ba kayo?” sunod-sunod na tanong ni Jacob. Tumaas pa ng ilang beses ang kaniyang dalawang kilay."How's your honeymoon? Ginawa mo ba naman ang mga turo namin sa'yo?” biro naman ni Jac
Kabanata 115“A-Arya…”“Bitiwan niyo ako. Hindi pa ako tapos sa lalaking ‘yan," nagpupumiglas na sambit ni Jett."Gusto mo bang makulong?” inis na tanong ni Jacob.Umiling si Jett. “Pakakasalan ko pa si Arya. Bubuo pa kami ng pamilya.”“Kung gano’n, kumalma ka. Tingnan mo nga ang hitsura ni Damon. Halos hindi na siya makalakad at halos hindi na makilala ang mukha niya. Alam mo naman siguro na may kaukulang parusa ang ginawa mo, oras na magkaso sa’yo si Damon," ani Jacob."Ang kapal naman ng mukha niya kung magkakaso pa siya eh kulang pa nga ‘yan sa mga ginawa niya kay Ary—”“Jacob." Sumenyas si Jackson na ilayo na muna si Jett kina Arya at Damon. Agad naman siyang naintindihan ng kaniyang kapatid. Nagtakip na lamang siya ng kaniyang tainga nang magsisigaw si Jett habang kinakaladkad ito ni Jacob palayo. “Now, let’s see if Arya is going to hurt her ex-husband or not," nakangiting sambit niya."Arya…”Walang emosyon si Arya habang nakatingin sa bugbog saradong si Damon.“Arya, bakit mo
Kabanata 114Mabilis na kumawala si Divina sa mga bisig ni Denver. Gumapang siya patungo kay Arya.“Arya, I’m sorry. Patawarin mo ako sa kung paano kita itinrato. Wala akong alam. Hindi ko alam na apo ka pala ni Don Fridman. Arya, please, huwag mo kaming ipakulong. Kahit naman papaano ay may pinagsamahan tayo. Tatlong taon ka naming kinupkop, pinakain at binihisan, Ar—”“So, dapat pa pala akong magpasalamat sa’yo? Gano’n ba, Divina?" natatawang sambit ni Arya."Arya, hindi naman sa gano’n. Nais ko lang ipaalala sa’yo na minsan ka ring naging isa sa amin, na minsan ka ring naging isang Walton,” malumanay at nakangiting turan ni Divina.“Oo nga naman. Salamat ha kasi ipinahiram niyo sa akin ang apelyidong Walton ng tatlong taon. Isang karangalan," sarkastikong wika ni Arya."Walang anuman, hija. Paano? Ipapa abswelto mo na ba kami, huh?” Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Divina. Hahawakan na sana niya ang kamay ni Arya nang bigla siyang tinabig nito.“Who told you to stand, Mrs.
Kabanata 113“Kulang pa ang paghalik mo sa sahig bilang kaparusahan sa mga ginawa mo sa akin, sa kumpanya at kay lolo, Mariz!" ani Arya habang inginungodngod niya sa sahig ang mukha ni Mariz.“Ano pa bang gusto mo, Arya? Nasa iyo na ang lahat! Bakit ginaganito mo pa a—”“SHUT UP!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni Arya. “Did you already forget that you killed an innocent child, huh, Mariz? Did you forget that you killed my daughter?!” Bilog na bilog ang mga mata niya.“Fetus pa lang naman ang anak mo n—-”Mabilis na binitiwan ni Arya ang buhok ni Mariz at saka tumayo para tapakan ang mukha nito habang lapat pa ang mukha nito sa sahig. Mataas ang takong ng suot niyang sandals kaya talaga namang panay na panay ang paghikbi ni Mariz habang nagmamakaawa sa kaniya!“She already had a heartbeat that time. MAY BUHAY NA ANG BATANG NASA SINAPUPUNAN KO! KE FETUS MAN SIYA O SANGGOL NA, BUHAY NA SIYA! MAY ANAK KA RIN, MARIZ, SIGURO NAMAN ALAM MO KUNG GAANO KASAKIT SA ISANG INA KAPAG NASASAKTAN ANG KANI
Kabanata 112Kumikinang ang kwintas at hikaw ni Arya sa tuwing tatamaan ito ng mga ilaw. Bilyon ang halaga ng mga ito dahil gawa ang kwintas at hikaw sa mataas na karat na purong diyamante at gems, walang sinabi ang suot ni Mariz na twenty four carat gold necklace at dangling earrings. Maging ang mga palamuti sa kaniyang buhok ay kumikinang din, gawa rin sa purong diyamante ang lahat ng bato, hindi tulad sa hair accessories ni Mariz na gawa sa mataas na klase lang ng Russian stones. Bukod sa mga alahas at ibang accessories ay talaga namang agaw pansin din ang suot na gown ni Arya. She's wearing “The Nightingale of Kuala Lumpur" gown that was designed by Faisal Abdullah. This gown is priced at thirty million US dollars! The red long gown is made of crimson silk and taffeta and adorned with over seven hundred fifty diamonds, with a stunning 70-carat pear-cut Belgian diamond!Habang naglalakad si Arya palapit sa kaniyang lolo at sa kaniyang magiging asawa ay hindi niya mapigilang maiyak
Kabanata 111Bago pa man muling magsalita si Don Fridman ay pinalibutan na ng mga pulis ang pamilyang Walton at ang mag-inang Mariz at Marissa.Napayakap si Divina sa kaniyang asawang si Denver. “Ayokong makulong. Nakakadiri sa kulungan. Masikip, mabaho at may mga kasama ka pang mga kriminal at asal-hayop." “Don't worry, darling. Hindi tayo pababayaan ni Senyorita Armani. As long as she's taking our side, then, we have nothing to worry about," kampanteng wika ni Denver. Hinalikan niya sa ulo ang kaniyang asawa.“Tama si papa. We have Mariz at sigurado akong hindi papayag si Don Fridman na lalaking walang ama at ina ang apo niya sa tuhod. Wealthy people cannot afford to have an "ex-convict" word after their names. Napakadali rin para sa kanilang mag manipula ng batas. So sit down and relax. Tingnan niyo, ngiting-ngiti sa atin si Don Fridman. We should smile back at him,” wika ni Damon sabay ngiti kay Don Fridman. Hinawakan niya ang kamay ni Mariz at itinaas niya ito, para mapansin ng
Kabanata 110Lalapit na sana ang mga kabaro ni Tamahome sa table kung saan naroroon ang mga Walton at ang mag-inang Mariz nang pigilan sila ni Jett.“Hindi pa oras para hulihin sila. Let them enjoy the show first," Jett instructed.Marahas na napalupagi sina Divina at Denver sa sahig nang mapagtanto nila ang kanilang kalagayan. Dawit na sila sa kasalanan nina Mariz, Damon at Marissa dahil sa pagsisinungaling nila kanina.“Anong kamalasan pa ba ang dadating sa buhay natin? Simula nang dumating ang babaeng ‘yon, nagkanda leche-leche na ang buhay natin! Siya talaga ang nagdala ng malas sa pamilya natin! Bakit ba kasi hindi agad nakilala ng anak natin si Senyorita Mariz?!” ngalngal ni Divina."Nasa maayos ka pa bang pag-iisip? Makukulong ang anak natin, pati na rin tayo ngayon dahil sa krimeng ginawa nina Senyorita Mariz. Sa tingin mo, bakit niya binihag ang mga Gray? Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay hindi siya totoong Armani.” Pumatak ang butil-butil na pawis ni Denver mula sa kaniyang
Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag
Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar