Share

Kabanata 2

Author: Docky
last update Last Updated: 2023-10-31 07:12:01

"Mama, totoo ba na on-process na ang divorce nina Ate Arya at Kuya Damon?" tanong ni Dionne, ang nakababatang kapatid ni Damon.

Ngumiti si Divina Walton, ang current vice president ng Walton Insurance Incorporated. Si Damon ang kasalukuyang presidente ng naturang kumpanya.

"Oo, totoo ang nabalitaan mo. Greta is back at dahil wala na ang iyong grandpa, there is no more reason para ituloy ng kuya mo ang relasyon niya sa babaeng 'yon. Besides, she's worthless. Arya is just an obedient housewife. She's nothing compared to Greta." Nag-aayos ng kaniyang sarili si Divina. Pulang-pula ang kaniyang labi, gano'n din ang kaniyang mga pisngi. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Dionne sa salamin. "Bakit malungkot ka? Don't tell me, naaawa ka sa babaeng 'yon?"

"Mama, she has a name. She's ARYA. Three years niyo na siyang tinatawag na "babaeng 'yon". And, she's not worthless. Did you forget how she saved our company from the verge of bankruptcy? She's great at sales and numbers!" Napahawak sa kaniyang pisngi si Dionne nang bigla siyang sinampal ng kaniyang Mama Divina.

"Kailan ka pa kumampi sa babaeng 'yon? Dionne, pare-pareho nating ayaw sa kaniya! No one in this family, well except your grandpa, treated her well. Kung kailang wala na siya sa pamilyang ito, saka mo sasabihin ang mga bagay na 'yan? Tontà ka ba? At saka gumising ka nga! Mahirap pa sa daga ang babaeng 'yon. Wala kang mapapala sa kaniya kaya tigil-tigilan mo 'yan. Wala akong anak na maawain." Nagpatuloy sa pag-aayos si Divina.

Yumuko si Dionne. Hawak niya ang namumula niyang pisngi. "I'm sorry, mama," mahina niyang sabi. Noon pa niya gustong makipag-close kay Arya kaso mahina ang loob niya. Hindi niya kayang suwayin at kalabanin ang kaniyang pamilya. Isa lamang siyang college student. Wala pa siyang kakayahang tumayo sa sarili niyang mga paa kaya kailangan niyang maging masunurin sa kaniyang mga magulang. Sa lahat ng kilos at desisyon niya, palagi niyang isinasaalang-alang ang mararamdaman at iisipin ng mga ito.

"Get back to your senses, Dionne. Simula ngayon, ayaw na ayaw ko nang maririnig ang pangalan ng babaeng 'yon." Tumayo si Divina. Kinuha niya ang kaniyang mamahaling bag.

"Aalis ka ba, mama?" tanong ni Dionne.

"Ano sa tingin mo?" masungit na tugon ni Divina.

Hindi na nagsalita si Dionne.

Naglakad na si Divina patungo sa may pintuan. "Oo nga pala. Pagdating ng papa mo galing sa business trip niya, sabihin mo sa kaniya na sumunod siya sa akin. Hindi ako p'wedeng ma-late kaya uuna na ako sa kaniya." Isasara na sana niya ang pinto nang nagsalitang muli si Dionne.

"Teka, mama. Hindi mo pa sinasabi sa akin kung saan ka pupunta. Paano ka masusundan ni papa mamaya?" Nagpigil ng tawa si Dionne.

"Oo nga pala. Papunta ako sa Villa ng mga Armani. Ngayong gabi, makikilala ko na kung sino ang nag-iisang tagapagmana ni Don Fridman. Isa lang naman ang pamilya natin sa masuwerteng nabigyan ng imbitasyon. Sa pagkakaalam ko, mga VVIP business partners at clients lang nila ang invited sa event. We're not even one of them so, we're so lucky! Tapos, bukas, may business meeting na agad si Kuya Damon mo sa apo ni Don Fridman. Oh 'di ba? Bumuhos ang suwerte simula nang mawala ang babaeng 'yon sa mga buhay natin!" Tumawa nang malakas si Divina. "I can't wait to meet those multi-billionaires!" She giggled before she left her room.

Naiwang tulala si Dionne. "Matagal nang nililigawan ng pamilya namin ang mga Armani. Ano kayang nangyari? Bakit bigla na lang silang naging open sa amin?" Inalog niya ang ulo niya. "Hindi ko na dapat iniisip 'yon. Tama si mama. This time, we're lucky." Bumuntong hininga siya. "Makapag-review na nga lang. Prelim na nga pala namin next week. Magagalit na naman si mama kapag hindi ako ang nanguna sa ranking."

Bago pumunta si Dionne sa kaniyang silid ay naisipan niyang pumunta muna sa mansyon ng kaniyang Kuya Damon. Katapat lamang iyon ng kanilang mansyon kaya mabilis lang din siyang nakarating doon.

"Ate Arya is a good wife. She got my respect because she's firm and kind. Sa kabila ng pagtrato naming mga Walton sa kaniya, tumagal pa rin siya ng tatlong taon sa bahay na ito." Umakyat si Dionne sa ikalawang palapag. Alam niya kung saan ang kuwarto ni Arya sa mansyon dahil palihim niya itong pinupuntahan sa tuwing pinapahiya ito ng kaniyang mama at papa.

Dahan-dahang hinawakan ni Dionne ang doorknob. Nagulat siya nang bigla itong bumukas. Nakita niya ang isang hindi pamilyar na mukha!

"Sino ka? Anong ginagawa mo sa mansyon ng kuya ko?" sigaw ni Dionne.

"Ikaw ba si Miss Dionne Walton?" tanong ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Dionne. Napaatras siya nang naglakad ang lalaki palapit sa kaniya. "Si-Sino ka? Paano ka nakapasok di-dito? Se-Security! Security!" tarantang sigaw niya.

"Huwag ka nang sumigaw. Tayo lang ang nandito." Binigyan ng lalaki ng pera ang mga bantay sa mansyon para hayaan siyang makapasok doon at pagkatapos ay umalis ang mga ito. Babalik lang sila matapos ang sampung minuto. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita sasaktan. May gusto lang akong ibigay sa'yo." Isang usb ang iniabot niya kay Dionne.

"A-Ano 'to?" Nanginginig na sa takot ang mga tuhod ni Dionne.

Ngumiti ang lalaki. "See it for yourself."

Nalipat ang tingin ni Dionne sa bitbit na maleta ng lalaki. "Magnanakaw ka ba?" diretsong tanong niya.

Tumawa ang lalaki. "These are my sister's belongings so…"

"Si-Sister? Kapatid ka ni Ate Arya?" hindi makapaniwalang turan ni Dionne. Nakahinga siya bigla nang maluwag. Natunaw ang takot na kanina pang bumabagabag sa kaniyang sistema.

"Aha. At naparito lang ako para kunin ang iba niyang mga gamit. By the way, I'm Aiven but you can call me Ven." Kinindatan niya si Dionne.

Lumingon si Dionne sa paligid. "Are you with her? Kumusta si ate? May matutuluyan na ba kayo?" nag-aalalang tanong niya.

"As far as I can remember, walang sinuman sa pamilya ng mga Walton ang may pakialam sa ate ko." Bumagting ang panga ni Aiven. Dumilim ang kaniyang mga mata. "You and your family never treated her well."

Taas-noong nagsalita si Dionne. "What do you expect? We will treat her like a queen? As far as I can remember too, binayaran lang siya ni kuya para maging asawa. And oh! Hindi ba sa'yo ginamit ni Ate Arya ang perang nakuha niya mula sa amin? Ipinagamot ka niya, 'di ba?" Ngumiti siya nang makita niyang nagsalubong ang mga kilay ni Aiven.

"Pinakasalan ni Ate Arya ang kapatid mo dahil mahal niya ito at dahil na rin sa nagmakaawa ang LOLO mo sa kaniya. It's his dying wish. Binayaran?" Tumawa nang malakas si Aiven. "Ni singkong duling, walang ginastos ang pamilya mo para sa pagpapagamot ko. Ibang tao ang nagbayad ng medical bills ko noon."

"You're lying. Ayaw mo bang tanggapin na kasalanan mo kung bakit naging miserable ang buhay ng ate mo?" Muling napaatras si Dionne nang muling humakbang si Aiven palapit sa kaniya.

"Believe what you want to believe but, I am telling you the truth." Ngumiti si Aiven nang ma-corner niya si Dionne sa pader. Tinitigan niya ito sa mga mata. "Sabihin mo sa walang bayag mong kapatid na pagsisisihan niyang nakipaghiwalay siya sa kapatid ko. Sabihin mo rin sa nanay at tatay mo na magsimula na silang magdasal sa lahat ng mga santong kilala nila. Your family's downfall is about to begin. Hindi niyo kilala kung sino ang inapi niyo." Pagkasabi noon ay umalis na siya sa mansyon ni Damon, dala ang ilan sa mga importanteng gamit na naiwan ng kaniyang kapatid.

Bumilis ang paghinga ni Dionne. Hindi niya alam kung bakit nagdala na naman ng takot sa kaniya ang mga salitang binitiwan ni Aiven. Napaupo siya sa sahig. Naisipan niyang tingnan kung ano ang nilalaman ng usb. Nang makita niya ang mga laman noon, halos twenty minutes siyang nawala sa kaniyang sarili hanggang sa dumating ang kaniyang kuya.

Mabilis na nagtatakbo si Damon nang makita niya si Dionne. Tulala ito at animo'y wala sa sarili. Gulong-gulo rin ang buhok nito!

"Dionne, anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba? Anong ginagawa mo rito? Bakit gan'yan ang hitsura mo?" sunod-sunod na tanong ni Damon. Nakaguhit sa buong mukha nito ang labis na pag-aalala sa kaniyang nag-iisang kapatid. Malamig at hindi maganda ang trato niya kay Arya pero pagdating sa mga babae sa pamilya niya ay napaka-maalaga at napaka-protective niya!

Bumalik sa wisyo si Dionne nang maramdaman niyang may nakahawak sa kaniyang mga balikat. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang nag-aalalang mukha ng kaniyang kapatid. Bigla na lamang siyang napaiyak. Niyakap niya nang mahigpit ang kaniyang Kuya Damon.

"Kuya, buti na lang at dumating ka," umiiyak na sambit ni Dionne.

"Please, calm down. Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" naguguluhang tanong ni Damon.

"Nanggaling dito si Aiven." Suminghot si Dionne.

"Aiven? Arya's brother?" Damon asked.

Tumango si Dionne.

Nanlaki ang mga mata ni Damon. Agad siyang naghanap ng pasa sa katawan ng kaniyang kapatid. "Sinaktan ka ba ng basagulerong 'yon?" galit na tanong niya.

"Okay lang ako, kuya. Hindi niya ako sinaktan," agad na sagot ni Dionne.

"Eh bakit ka umiiyak?" nagtatakang tanong ni Damon.

Dahan-dahang ipinakita ni Dionne ang kaniyang cell phone sa kaniyang kapatid. Nakasalpak na roon ang usb. Mabilis naman iyong kinuha ni Damon.

Halos lumuwa ang mga mata ni Damon nang makita niya ang mga litrato sa gallery ng cell phone ni Dionne. "Where did you get this?" Halata ang galit sa tono ng pananalita niya.

"Ibinigay ni Aiven sa akin kanina. Kuya, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang mga litratong 'yan. Edited lang ang mga 'yan, 'di ba? 'Di ba?" Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ni Dionne.

Napaupo si Damon sa sahig. Nabitiwan niya ang cell phone ni Dionne. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa kaniyang kapatid dahil maging siya ay nagulat sa kaniyang mga nakita!

"Kuya, hindi 'yan magagawa ni mama sa atin, lalong-lalo na kay papa! HINDI NIYA MAGAGAWANG MANGALIWA!" Hindi na napigilan ni Dionne ang kaniyang emosyon.

Ikinuyom ni Damon ang kaniyang mga kamay. Isa ang kaniyang mama sa mga hinahanggan niyang personalidad. Buong akala niya ay mayroon na siyang perpektong pamilya. Akala niya lang pala!

"Dionne, I'm sorry. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong mo. Kung may makakasagot man ng mga tanong na 'yan, si mama lang 'yon." Damon clenched his jaw. Gustong-gusto niyang sumigaw. Ayaw na ayaw niya sa mga babaeng manloloko lalo na sa mga babaeng mukhang pera! Looks like her mother is one of those kind!

Muling kinuha ni Damon ang cell phone ni Dionne at patuloy na nag-browse sa gallery nito. Sa pangalawang pagkakataon ay namilog ulit ang kaniyang mga mata nang makita niya ang official receipt ng hospital bills noon ni Aiven. Nakasulat sa resibo na si Ruben Dela Cruz ang nagbayad ng lahat ng medical expenses ng kapatid ni Arya. Matagal na niyang nais mapasakamay ang official receipt na iyon dahil ayaw niyang umurong bigla si Arya sa kanilang kasunduan kaso nabigo siya. Hiniling kasi ng lolo niya na si Arya ang kaniyang pakasalanan kapalit ng Walton Insurance Incorporated at buong akala niya ay napapayag niya si Arya dahil sa mga kasinungalingan nila ng pamilya niya. Sa madaling salita, si Arya ang dahilan kung bakit siya kinikilalang presidente sa nasabing kumpanya.

"Matagal nang alam ni Arya na hindi sa pamilya natin nanggaling ang perang sumalba sa buhay ng kaniyang kapatid? Pero bakit?" Hinilot ni Damon ang kaniyang sintido. "Bakit siya nanatili rito? Bakit niya tiniis ang lahat ng pagmamaltrato nina mama at papa sa kaniya? Bakit niya tiniis ang ugali ko?"

Tumigil sa pag-iyak si Dionne. Hindi pa niya alam ang tungkol sa bagay na iyon. Sa loob ng tatlong taon, pinaniwalaan niyang mukhang pera ang babaeng pinakasalan ng kapatid niya gaya nang palaging sinasabi ng kaniyang Mama Divina. "Totoo ang mga sinabi ni Aiven kanina? Wala silang utang na loob sa atin?" aniya.

Tumango lamang si Damon bilang tugon. Napatingin siya sa kaniyang cell phone nang bigla itong tumunog. Isang notification mula sa kaniyang bangko ang kaniyang natanggap.

{"Your account number ending in 234 received Php 500,000.00 from account number ending in 789."}

"Arya, what are you up to? Bakit mo ibinalik sa akin ang kalahating milyong pisong ibinigay ko sa'yo? Are you mocking me? Kulang pa ba ito?" Dahil sa ego ni Damon, muli siyang nagtransfer ng isang milyong piso sa bank account ng asawa niya! Tumawa siya nang malakas nang hindi ito agad ibinalik ni Arya sa kaniya. "I'm right. Kulang ang kalahating mil—" Muling tumunog ang cell phone niya.

{"Your account number ending in 234 received Php 1,000,000.00 from account number ending in 789."}

Galit na galit na itinapon ni Damon ang kaniyang cell phone sa sahig. "That bítch!" Napatingin siya kay Dionne nang magsalita ito.

"Kuya, nagtataka ka 'di ba? Kung bakit nanatili rito si Ate Arya? Kung bakit niya tiniis ang lahat ng pagmamaltrato nina mama at papa at kung bakit niya natiis ang ugali mo?" Tumayo si Dionne at kinuha ang cell phone ng kaniyang kuya sa sahig. Nakatingin lang sa kaniya si Damon. "The answer is too obvious. She loves you. Mahal na mahal ka ni Ate Arya at ang pagbalik niya ng perang ibinigay mo sa kaniya ay isang patunay na hindi siya isang bayarang babae." Ibinigay niya ang cell phone ng kuya niya rito.

Hindi nakapagsalita si Damon.

"Maiwan na muna kita, kuya. Susundan ko si mama. She owes me an explanation." Umalis na si Dionne sa mansyon ni Damon.

Sinabunutan ni Damon ang kaniyang sarili nang bigla niyang nakita si Arya sa kaniyang imahinasyon. Nasanay na siya sa presensya nito kaya ngayon, kahit saang parte ng mansyon siya tumingin ay nakikita niya ang nakangiting si Arya. Kung may nagustuhan man siya sa ugali nito, iyon ay ang pagiging mahinhin, masunurin at kalmado nito.

"Damon, wake up! You need to prepare for tomorrow. Kailangan mong mag-focus. Huwag mo munang isipin ang lahat nang nangyari ngayon. Wala kang dapat isipin kung hindi ang tungkol sa business presentation mo," aniya sa kaniyang sarili. Bumuntong hininga siya.

Sinampal ni Damon ang kaniyang sarili nang marinig na naman niya ang mahinahong boses ng kaniyang dating asawa. Mabilis siyang tumayo at naglakad patungo sa shower room. He needs to get rid of his thoughts about Arya pero makalipas ang ilang minutong pagbababad sa banyo...

"Arya, pakidala rito ng bath towel ko. Nakalimutan ko kasi. Salamat," sabi ni Damon. Napapikit siya nang mariin. Muli niyang binuhay ang shower. "Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit puro si Arya na lang ang tumatakbo sa isip ko buhat nang umuwi ako rito sa mansyon? Naninibago lang ba ako o na-namimiss ko siya?" bulong niya habang dinadama ang pagdampi ng tubig sa kaniyang buong katawan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
hanggang 1 million lng pala kaya mo Damon..dun kna sa kabit mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 3

    Kabanata 3"Bakit mo pa ba ipinakuha sa akin ang mga gamit mo, ate? Hindi mo na naman kakailanganin ang mga ito." Pinagulong ni Aiven ang mga maletang dala niya."Ayokong mag-iwan ng kahit anong bakas sa bahay na 'yon." Isinuot ni Arya ang dangling earrings na regalo sa kaniya ng lolo niya sa kaniyang kaarawan. Nagkakahalaga iyon ng sampung milyong piso!"Nakakasilaw naman ang hikaw mo. Ang daming diyamante. Oo nga pala, tama ang hula mo. Pumunta sa mansyon ni Damon si Dionne." Kinuha ni Aiven ang tuxedo na binili ng ate niya."Naibigay mo ba ang USB?" Binuksan ni Arya ang isang drawer na puno ng mga mamahaling kuwintas. Ang lahat ay may angking ganda pero wala ng mas gaganda pa sa iniwang regalo ng kaniyang yumaong ina, ang L'Incomparable necklace na nagkakahalaga ng $55 Million! Ito ang may pinakamalaki at pinaka makinang na diyamante sa buong mundo. Mayroon itong dilaw na bato na tumitimbang ng lagpas 407 carats at nakakabit ito sa isang daan at dalawang diyamante! Marahan niya ito

    Last Updated : 2023-11-17
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 4

    Kabanata 4"Anong ginagawa mo rito?" Lumingos sa paligid si Damon. "Nasaan si Arya?" kunot-noong tanong niya."I'm working here," pagsisinungaling ni Aiven.Marahang nagpakawala nang malalakas na tawa si Damon. "Gabi na, nakuha mo pang magbiro. Hindi basta-basta tumatanggap ng empleyado ang mga Armani. Kahit nga katulong at driver eh mataas ang standards nila. Huwag mo nga akong lokohin. At saka, alam kong hindi ka pa nananawa sa pakikipag-basag-ulo sa kalye.""Sobrang yaman ng mga Armani pero hindi niyo sila katulad na masyadong mapagmataas. Hindi nila tinitingnan kung gaano kataas ang grado mo noong kolehiyo o kung gaano ka kagaling, mas tumitingin sila sa ugali. Kadalasan kasi, mas tuso at mas mapanlinlang ang mga taong sobrang daming nalalaman." Ngumiti nang nakakaloko si Aiven.Damon clenched his jaw. "So, you're really working for them?"Tumango si Aiven."How about my wife? Nandito rin ba siya?" Damon said out of nowhere. Maging siya ay nagugulat sa mga lumalabas sa bibig niya.

    Last Updated : 2023-11-20
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 5

    Kabanata 5“Paano nakapasok ang babaeng ‘yon sa buhay ng mga Armani? Maging ang kaniyang walang kwentang kapatid ay naroroon din! Ang kakapal ng mga mukhang makihalubilo sa ating mga mayayaman! Nakakatakot ang kanilang pagiging ambisyosa at ambisyoso!” Itinapon ni Divina ang kaniyang bag sa sofa. Naglakad siya nang pabalik-balik habang sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Iniisip pa rin niya kung paano naging malapit si Arya kay Don Fridman sa loob lang ng maikling panahon!“Huwag niyong ibahin ang usapan, mama. Kanina niyo pa isinasali sa usapan ang magkapatid na Villanueva. Let's talk about your infidelity! Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon ng Rupert na ‘yon? Bakit niyo nagawang pagtaksilan si papa? Paano niyo kamin nagawang lokohin?” galit na galit na sambit ni Dionne.Huminto sa paglalakad si Divina. Marahan niyang ini-angat ang kaniyang paningin kay Dionne. “Ikaw na bata ka. Isa ka pa! Kailan mo ba gagamitin ‘yang utak mo, ha? Doon ka pa talaga nag-eskandalo sa mansyon ng mga Arma

    Last Updated : 2023-11-26
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 6

    Kabanata 6 “Excuse me, miss. I have a reservation under Mr. Damon Walton’s name. Andito na ba siya?” Pormal na pormal ang ayos ni Greta. Nakataas ang kaniyang isang kilay habang hinihintay ang sagot ng front desk staff. “Please proceed to the VVIP room number 8, Miss…” “Greta. Greta De Vil.” Agad niyang kinuha ang keycard sa staff at taas-noong naglakad patungo sa nasabing silid. Inis na inis si Greta kay Damon dahil hindi man lamang siya nito tinawagan buong magdamag. Nabalitaan niya ang nangyaring kaguluhan sa party ng mga Armani kagabi, sangkot ang kaniyang itinuturing na future mother-in-law. Sa kagustuhang malaman ang buong detalye ng kuwento ay tinawagan niya si Divina Walton at nagtanong ng mga bagay-bagay rito. Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay aksidenteng nabanggit ni Divina na nagta-trabaho na sa mga Armani ang dati nitong manugang na si Arya. Naulit din nito ang tungkol sa pagkaka-promote ni Arya bilang General Manager ng Armani Groups. “Arya, hindi ko alam na talentado

    Last Updated : 2023-11-28
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 7

    Kabanata 7 “Hey, where are you going? We have a meeting.” Kunot na kunot ang noo ni Damon habang hawak-hawak niya ang braso ni Arya. Nakita niya itong nagmamadaling naglalakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Tinitigan ni Arya nang mata sa mata si Damon. Lumipat ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso. Agad naman iyong inalis ni Damon. “You're twenty minutes late. Ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako,” mahinang sabi ni Arya. “I'm sorry. I got stuck in heavy traffic. Can you please reconsider?” Ngayon lang napansin ni Damon ang suot ni Arya. Sobrang bagay ng dress nito sa kaniya. Mas binigyan din ng makeup nito ang maganda nitong mukha. Parang ibang tao ang kaharap niya. His ex-wife is modest and conservative. Ayaw rin nitong maglagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi tuloy niya maitanggi sa kaniyang sarili na kaakit-akit at kahali-halina ngayon ang kaniyang dating asawa. Hindi rin niya mapigilang mapakagat sa kaniyang labi. “Stop staring at me like that,

    Last Updated : 2023-11-28
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 8

    Kabanata 8 “That whóre! I really want to smash her into tiny pieces!” galit na galit na sigaw ni Arya. Pagkagaling niya sa hotel ay dumiretso siya agad sa bagong tinutuluyan niyang condotel para maglabas ng inis sa katawan. She's doing boxing right now. “Gusto niyo po bang i-bribe ko ang mga biggest investors sa business ni Miss Greta para iwan siya ng mga ito? I can do it if you want to, senyorita. It's just a piece of cake for me,” suhestiyon ni Mariz habang pinag-aaralan ang profile ng mga investors sa negosyo ng dalawang pamilya - De Vil at Walton. Pinunasan ni Arya ang kaniyang pawis sa mukha. Fit na fit sa kaniya ang suot niyang gym outfit. Lalong lumabas ang halos perpektong kurba ng kaniyang katawan. Lumabas siya ng ring at dumiretso sa bench para kumuha ng tubig. Mabilis niya iyong ininom. Uhaw na uhaw siya dahil may isang oras na rin siyang nag-eensayo. Bago pa man niya makilala si Damon, hilig na niya ang mag-boxing. Mahusay rin siya sa taekwondo at karate. Madalas kasi s

    Last Updated : 2023-11-29
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 9

    Kabanata 9 “Ivy, hindi talaga siya umalis sa puwesto niya buong maghapon?” tanong ni Arya habang nakatingin sa natutulog na si Damon. “Opo, senyorita. Hindi pa rin po siya kumakain. Wala po siyang bukambibig kung hindi kayo. Palagi po siyang nakaabang sa pagdating niyo,” tugon ni Ivy. ‘Damon, why are you doing this? Are you really desperate to close that deal?’ Arya thought. “Gisingin ko na po ba, senyorita?” Ibinaba ni Ivy ang dala niyang documents sa table. “Hindi. Hayaan mo lang siyang matulog. It's already six, makakauwi ka na. Salamat sa paghihintay sa akin.” Umupo si Arya sa office chair. “Sure po ba kayo, senyorita? Wala na po ba kayong ipag-uutos? Bilin po kasi ni Sir Aiven na huwag daw po akong aalis hanggang hindi po siya dumarating. Ayaw raw po niya kayong maiwan mag-isa kasama si Sir Walton,” salaysay ni Ivy. “No. It's okay. Overtime ka na nga ng two hours dahil sa paghihintay sa akin. I'm sure na hinihintay ka na ng baby mo. Huwag mo akong alalahanin, kaya ko naman

    Last Updated : 2023-12-02
  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 10

    Kabanata 10 “Nasaan ako?” tanong ni Damon habang kinukusot ang kaniyang mga mata. Nakahiga siya sa isang lumang sofa sa loob ng isang maliit na silid. “Gutom ka na ba?” Hinubad ni Arya ang suot niyang apron. Kinuha niya ang niluto niyang sinigang na bangus at garlic buttered shrimp. Marahan niya iyong ipinatong sa mesa. Napahawak sa kaniyang tiyan si Damon. Pasado alas nuebe na ng gabi, kaya gutom na gutom na siya pero mas naglalawày siya ngayon sa hulma ng katawan ni Arya. Nakasuot lamang ito ng hapit na sando at isang maikling short. “Nagpatulong na ako sa security para buhatin ka patungo sa company car ko. Kailangan na kasi nilang isara ang company. Pasensya ka na sa condotel ko. Ito lang kasi ang kaya ng budget ko.” Bumalik si Arya sa kitchen area para kumuha ng mga plato, kutsara, tinidor at baso. “Nakakatulog ka rito?” Inilibot ni Damon ang kaniyang mga mata sa silid ni Arya. “Oo naman. Kumpara sa malaking kama sa mansyon mo, mas mahimbing ang tulog ko sa single bed ko rito

    Last Updated : 2023-12-03

Latest chapter

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 109

    Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 108

    Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 107

    Kabanata 107“Ladies and gentlemen, may I have your attention please…”"Balae, lumapit ka na kay Don Fridman at sabihin mong tulungan niya tayong makawala sa mga lalaking ito! Ang anak mo, kanina pa siyang sinasaktan ni Arya! Baliw na yata ang isang ‘yon! Baka kung ano pang gawin niya sa mamanugangin ko!” nahihintakutang sabi ni Denver.Napapalibutan pa rin ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit ang mga Walton at si Marissa habang patuloy naman si Arya sa pagpapakanta kay Mariz!"Don Armani saw us earlier. He knows about this commotion and yet, he did nothing but climb up the stage. Now, he's holding a microphone and making an announcement without even batting an eye on Mariz. Something’s not right,” Damon murmured."Ano bang ibinubulong-bulong mo riyan, Damon? Patumbahin mo na ang mga lalaking ito at iligtas mo ang fiancee mo sa kamay ng baliw mong ex-wife!” malakas na utos ni Marissa."Tama si kuya. May hindi tama sa nangyayari rito. Imposibleng hayaan lang ni Don Fridman na sakta

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 106

    Kabanata 106“Did you see, Jam?" tanong ni Arya kay Aiven.Umiling si Aiven.“The party is about to start. Wala pa siya. He didn't even call or text me about his whereabouts. Ano kayang nangyari sa kaniya? Even his brothers aren't around. I only saw Don Vandolf and his sisters-in-law. Sana naman walang masamang nangyari sa kanila,” nag-aalalang sambit ni Arya."Hindi pa rin bumabalik si Damon, ate. Sinundan namin siya ni Dionne kaso bigla na lamang siyang nawala. Sinundan din namin sina Mariz at Marissa but we also lost them. I'm sorry, ate,” nakayukong turan ni Aiven. Bakas ang panghihinayang at lungkot sa boses niya.Tinapik ni Arya ang balikat ni Aiven. "It's okay. I'm sure they will arrive later. Hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito lalo na malapit nang ma bankrupt ang mga Walton.” Natigilan siya sa pagsasalita nang maalala niya ang mga sinabi ni Aiven. "Wait, did you say, you also saw Mariz and Marissa?”Tumango si Aiven. "Hindi ko ba naulit sa'yo, ate? Sinundan ko si Dam

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 105

    Kabanata 105“That mor0n! He wasted our time!" inis na sambit ni Mariz habang bumababa sa kaniyang sasakyan."Relax. Marami pa namang pagkakataon para magkita at magkausap kayo.” Pagkababa ni Marissa sa sasakyan ay tiningala niya ang lumang gusali. "Mukhang wala namang naging problema buhat nang umalis tayo." “Let's go," Mariz said.Papasok na sana ng tuluyan ang mag-ina sa loob nang bigla silang nakarinig ng busina ng sasakyan. Kapwa sila napalingon sa kanilang likuran.Kumunot ang noo ni Mariz. “Are you expecting some visitors, mama?"Umiling si Marissa. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan.“Damon?" magkasabay na sambit nina Mariz at Marissa.Lumingon muna si Damon sa paligid. Nang masiguro niyang walang nakasunod sa kaniya ay saka siya nagtatakbo palapit sa mag-ina.“Senyorita Armani!"Nagkatinginan sina Mariz at Marissa.“Bakit hindi ka sumipot kanina at saka paano mo kami nasundan dito?" nagtatakang tanong ni Mariz.“Nasundan kasi ako nina Dionne at Aive–”"Kasama ni Dionne

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 104

    Kabanata 104“Senyorita?"‘This idi0t still thinks that I am Arya pero sabagay, I will become an Armani later. Everybody will bow to me once they learn that I am a real Armani, that I am also the daughter of Xavier Armani!’ Mariz thought.“Senyorita, bakit niyo po katagpo ang kuya ko?" pag-uulit ni Dionne.Mabilis na umaksyon si Marissa. Para sa kaniya, hindi pa iyon ang tamang panahon para malaman ni Dionne ang tungkol sa kaniyang apo. Hinagip niya ang kamay nito at saka hinim@s-him@s. “Hija, your brother insisted this meeting for business,” pagyayabang ni Marissa. Nilingon niya ang kotse ni Dionne. "Are you with him?”Mabilis na umiling si Dionne."Sad. Did he ask you to meet us instead?” Marissa asked again.Muling umiling si Dionne."I see.” Kunwaring tumingin si Marissa sa suot niyang Patek watch. "Our time is precious. I guess, your brother missed a golden opportunity. Pakisabi na lang sa kaniya na hindi na kami interesado sa business proposal niya. He wasted our time.”Tinitig

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 103

    Kabanata 103“Nasa’n na ba siya? Hindi ako p'wedeng magtagal dito. Baka maisahan ni Jett ang mga tauhan ko," ani Mariz habang palinga-linga sa paligid.“Sigurado ka bang sisipot ang lalaking ‘yon? Kailan mo pala pauuwiin ng Monte Rocca ang anak mo? He needs to see him." Naglagay muna ng sunblock si Marissa habang nakaupo sa harap ng kotse.“Kapag maayos na ang lahat, saka ko muling pababalikin ang anak ko rito sa Monte Rocca. Naghihikahos ang mga Walton. Wala akong mahihita sa kanila," may pag-irap na sabi ni Mariz.“Boba! Eh bakit kikitain mo pa si Damon? Wala rin namang pera ang isang ‘yon!" Tumaas ang isang sulok ng nguso ni Marissa. Ngayon naman ay naglalagay na siya ng dark red lipstick.“I need him. Wala man siyang pera, alam kong mahal pa siya ni Arya kaya magagamit ko pa rin siya laban sa kapatid ko,” mabilis na sagot ni Mariz.Tumaas ang dalawang kilay ni Marissa. ‘Sasabihin ko na ba sa kaniya na hindi talaga sila magkapatid ng Arya na ‘yon? Na gagamitin ko lang siya para mak

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 102

    Kabanata 102 “Pakawalan niyo ako rito! Mga duwag ba kayo? Sa halip na nakikipaglaban kayo ng patas ay itinali niyo ako rito! Bakit? Takot ba kayong mapatay ko kayong lahat, HA?!" gigil na sigaw ni Jett habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa kaniya. “Anong tingin mo sa amin, uto-uto? Tumahimik ka nga riyan at baka hindi ako makapagpigil! Isara mo ‘yang bibig mo kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ng isang tauhan. Ngumisi si Jett sabay dura sa sahig. "Ang sabihin niyo, mga duwag kayo. Pati matandang babae ay pinapatulan niyo.” Napatingin siya kay Dra. Santos na nakagapos din tulad niya. “Tumahimik ka sabi!" "Paano kung ayoko?” nang-aasar na sambit ni Jett. Magpapaputok na sana ng baril ang isang tauhan nang pigilan siya ng mga kasamahan niya. “Ikalma mo ang sarili mo. Utos nina ma’am na huwag nating papatayin ang isang ‘yan. Kailangan pa nating mahuli ang mga kasamahan niya. Kailangan nina ma’am ng malaking pera. Fifty million kada ulo ang hihingin nila sa matandang G

  • Longing for my Ex-Wife's Return   Kabanata 101

    Kabanata 101“Arya…”Matapos makalaya ni Damon ay agad niyang inalam kung saan niya matatagpuan si Arya. Lalapit na sana siya sa ex-wife niya nang bigla siyang harangin ni Aiven.“You have no right to touch her. You’re not her husband anymore,” Aiven said in a serious tone.Ngumisi si Damon. “Who are you to tell me that, huh? You’re not her real brother so fucK off.” Itinulak niya si Aiven. Napaupo ito sa sahig.Mabilis na inalalayang tumayo ni Arya si Aiven. “Damon, ano bang ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong niya. Kasalukuyan siyang nasa OLHOS dahil ipinatawag siya ng reproductive endocrinologist at fertility specialist na nagsagawa ng intrauterine insemination (IUI) o mas kilala sa tawag na artificial insemination (AI) sa kaniya matapos nilang ikasal noon ni Damon.“I’m here to check on something. Ikaw?” Napatingin si Damon sa doktorang nasa harapan nila nina Arya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Doc, long time no see. Anong mayro’n?” Tumaas ang kaniyang dalawang kilay.“Mr. Walto

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status