Kabanata 4
"Anong ginagawa mo rito?" Lumingos sa paligid si Damon. "Nasaan si Arya?" kunot-noong tanong niya."I'm working here," pagsisinungaling ni Aiven.Marahang nagpakawala nang malalakas na tawa si Damon. "Gabi na, nakuha mo pang magbiro. Hindi basta-basta tumatanggap ng empleyado ang mga Armani. Kahit nga katulong at driver eh mataas ang standards nila. Huwag mo nga akong lokohin. At saka, alam kong hindi ka pa nananawa sa pakikipag-basag-ulo sa kalye.""Sobrang yaman ng mga Armani pero hindi niyo sila katulad na masyadong mapagmataas. Hindi nila tinitingnan kung gaano kataas ang grado mo noong kolehiyo o kung gaano ka kagaling, mas tumitingin sila sa ugali. Kadalasan kasi, mas tuso at mas mapanlinlang ang mga taong sobrang daming nalalaman." Ngumiti nang nakakaloko si Aiven.Damon clenched his jaw. "So, you're really working for them?"Tumango si Aiven."How about my wife? Nandito rin ba siya?" Damon said out of nowhere. Maging siya ay nagugulat sa mga lumalabas sa bibig niya.Kinagat nang mabilis ni Aiven ang dila niya. "Akala ko ba, ayaw mo na kay ate? Pinapirma mo na nga siya sa divorce papers, 'di ba? Bakit hinahanap mo siya ngayon?" Biglang sumeryoso ang mukha niya."I'm just asking. Masama bang magtanong? Anyway, matutulungan mo ba akong makapasok sa loob?" Tumingin si Damon sa mga maskuladong lalaking nakabantay sa harap ng gate. Nagngitngit ang mga ngipin niya."Ang tapang-tapang mo kay Ate Arya tapos duwag ka sa mga 'yan," bulong ni Aiven."Anong sabi mo?" Nagsalubong ang mga kilay ni Damon."Hindi mo ba talaga minahal ang kapatid ko? Naging mabuti siyang asawa sa'yo. Lahat ng mayroon siya at lahat ng pangarap niya, nagawa niyang isuko dahil mahal ka niya. Akala mo ba ang lolo mo ang dahilan kung bakit siya nagpakasal sa'yo? Si Ate Arya mismo ang nakiusap sa lolo mo na i-arrange marriage kayo. Ang mas nakakatawa, alam ni ate na hindi kayo ang nagbayad ng medical bills ko noon pero sinakyan niya ang mga kasinungalingan niyo." Nais malaman ni Aiven kung ano ang magiging reaksyon ni Damon kapag nalaman na nito ang totoo.Damon swallowed his saliva. He got confused when he noticed Aiven's attire. He's certain that it costs a fortune. His eyebrows furrowed when he spotted the Rolex watch on Aiven's hand. "Did you win the lottery?" he said, unconsciously.Tumawa si Aiven at pagkatapos ay umiling. "Ipinahiram lang ito sa akin ni Don Fridman," aniya.Nakasimangot na si Damon. 'Nagustuhan siya ng matandang 'yon? Basagulero ang isang 'to. Ano ang nakita ng mga Armani sa kaniya at ganito siya kung ituring?' Napatingin siya sa screen ng cell phone ni Aiven nang bigla iyong tumunog. Nakaramdam siya ng kaunting saya nang makita niyang tumatawag si Arya.Matagal nang nag-ri-ring ang cell phone ni Aiven pero hindi pa rin niya ito sinasagot."Nag-away ba kayo ng ate mo?" tanong ni Damon."It's none of your business." Pinatay ni Aiven ang kaniyang cell phone. "Ano? Gusto mo pa bang pumasok sa loob o dito ka na lang sa labas?"Mabilis na sumunod si Damon kay Aiven. Halos hindi siya makapaniwala na pinalampas silang dalawa sa gate. No questions, no commotions. 'Aiven, paano mo napapasunod ang mga tauhan ng mga Armani ng gano'n-gano'n na lang? Ano ba talaga ang ugnayan mo sa kanila?' isip-isip niya.~~~Inawat ng mga maskuladong lalaki sina Divina at Erin at pinaglayo-layo ang mga ito. Katabi ni Divina sa table ang kaniyang anak na si Dionne."Dionne," mahinang tawag ni Divina. Hindi siya pinansin ng kaniyang anak. Hinawakan niya ang kamay nito pero agad ding kumawala sa kaniyang pagkakahawak si Dionne. "Dionne, mamaya tayo mag-usap pagdating natin sa bahay. May malaki kang kasalanan sa akin," bulong niya.Umismid si Dionne. "At ako pa ngayon ang may atraso? Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng kapal ng mukha, m-mama." Natawa siya."Sumosobra ka na, Dionne," impit na sigaw ni Divina.Dionne shifted her head. She looked directly into her mother's eyes. "Until now, I am convincing myself that you're not a cheater. I am still hoping that our family is well and happy but…" She chuckled. Her tears were about to fall. "Everything was a lie. It was just a fairytale. You wrecked our home just like how you destroy my respect and trust… OUR RESPECT AND TRUST."Hindi nakapagsalita si Divina. Nagkunwari na lamang siyang walang narinig."May I join you?"Napalingon ang mag-inang Walton sa nagsalita. Pareho silang nagulat nang makita nila ang pamilyar na mukha!"Anong ginagawa mo rito?" Pinasadahan ng tingin ni Divina si Arya mula ulo hanggang paa. "Hindi ko alam na ambisyosa ka pala. Matapos mong huthutan ang anak ko, ang mga Armani naman ang balak mong gatasan. May balak kang akitin si Don Fridman 'no?""Mama, tama na. We're in the middle of the party. Hindi pa ba sapat ang gulong ginawa niyo kanina? Hayaan mo na si Ate Arya," inis na suway ni Dionne sa kaniyang ina."Kahit talaga bihisan mo ang isang daga, daga pa rin." Inirapan ni Divina si Arya."Mag-ina nga kayo ni Damon. Pareho kayong mapanghusga at mapangmata sa kapwa niyo." Tiningnan ni Arya ang table nina Divina. Kukunin pa sana niya ang wine glass nang bigla siyang tinapunan ng alak ni Divina sa kaniyang suot na damit.Tumawa nang malakas si Divina. "Perfect! Now, wipe my expensive shoes with your maid uniform." Namilog ang mga mata niya nang hindi sinunod ni Arya ang utos niya. "Ano pang itinu-tunganga mo riyan? Hubarin mo na ang damit mo at punasan mo ang sapatos ko!" sigaw niya.Ngumiti si Arya. "Wala ka na ngang kwentang ina, wala ka pa ring kwentang mother-in-law," mariing sabi niya. Napahawak siya sa pisngi niya nang sampalin siya ni Divina Walton!"Ang isang hampaslupa na tulad mo ay walang lugar sa ganitong klaseng lugar at pagtitipon. Bukas na bukas, tatawagan ko ang agency na nagpasok sa'yo rito bilang katulong ng mga Armani at ipapatanggal kita sa trabaho mo! Nakakahiyang naging manugang kita! Wala ka ngang pinag-aralan, wala ka pang manners!" Dinuró ni Divina si Arya.Dahil hindi na natiis ni Mariz ang nangyayari sa kaniyang amo, ay agad siyang lumapit dito. Galit na galit siya habang nakatingin kay Divina Walton. 'Talagang totoo ang sinabi ni Senyorita Arya. Napaka-itim ng budhi ng ilaw ng tahanan ng mga Walton. Paano nagawang tumagal ni senyorita sa mansyon ng mga ito? Sigurado akong nagpupuyos na sa galit si Don Fridman sa mga oras na ito!'Limang minuto bago ang main event, tinawagan ni Arya ang secretary ng kaniyang lolo na si Mariz para utusang magpanggap bilang tagapagmana ng mga Armani. Agad din siyang nagpakuha ng uniporme ng kanilang katulong para iyon ang kaniyang isuot. Nais niyang ipakita sa kaniyang lolo ang tunay na kulay ni Divina Walton. At hindi nga siya nabigo."Senyorita Armani, ikinagagalak kong makilala ka ngayong gabi. Nais kong sabihin sa'yo na ginawang katatawanan ng babaeng ito ang iyong party. Isa siyang walang kwen–""Mrs. Walton, as far as I can remember, ikaw ang sumira sa party ko. First, you chose to reveal yourself as Mr. Hamilton's mistress in my place. Second, you proudly showed everyone how rude you are. Aren't you going to apologize to my employee?" Hindi mapigilan ni Mariz ang kaniyang sarili na kampihan si Arya, hindi dahil amo niya ito kung hindi dahil malaki ang respeto niya sa mga katulong. Sa loob ng sampung taong pagtatrabaho sa mga Armani, hindi niya kailanman nakitang nagmalupit si Don Fridman sa mga tauhan niya."Senyorita, mukhang hindi naging malinaw sa'yo ang nangyari. Tinapunan niya ng red wine ang mamahalin at limited edition kong sapatos! Kahit sinong elitista na ginawan ng ganito ay magagalit! Hindi ba?" Lumingon siya sa mga kapwa niya elite. Ngumiti siya nang sumang-ayon ang mga ito sa kaniya. Agad ding napawi ang ngiti niya nang makita niyang pinunasan ni Mariz ng panyo nito ang basang uniporme ni Arya."Mrs. Walton, kung hindi ka hihingi ng sorry kay Arya ngayon, hindi ko na itutuloy ang business meeting ko bukas sa anak mong si Damon," seryosong sambit ni Mariz.Tumaas ang kilay ni Divina. Hindi niya gustong humingi ng tawad kay Arya pero hindi rin naman siya papayag na mawala pa ang malaking oportunidad sa kanilang pamilya! Naalala na naman niya ang pitong taong pagtanggi ni Don Fridman sa kaniya. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay. Labag man sa loob ay humingi siya ng tawad kay Arya."I…I'm s-sorry, Arya," Divina Walton murmured."Hindi ko marinig," nagpipigil sa tawang sambit ni Arya.'Bítch!' Divina thought. "I'm sorry," she quickly said."Masyadong mabilis. Hindi ko naintindihan." Tuwang-tuwa si Arya habang pinapanood niya ang inis na inis na pagmumukha ni Divina."Senyorita, nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Hindi ko na 'yon, uulitin pa," iritang wika ni Divina."Senyorita Mariz, hindi ko po talaga narinig. Hindi ko po naintindihan ang sinabi niya." Kumindat si Arya kay Mariz."Mrs. Walton, say it again. Remember, your company's future is in your hands." Mariz crossed her arms. She's laughing loudly in her head."Kasalanan ko bang bingi ang katulong niyo?" Kinuha ni Divina ang kaniyang pamaypay at hinanginan ang sarili. Nag-iinit na siya sa sitwasyon. Kanina pa niyang gustong sabunutan at ingudngod si Arya!"Anong sabi mo, Mrs. Walton?" Tumaas ang mga kilay ni Mariz."I'M SORRY, ARYA! I'M SORRY! IS IT ENOUGH? OKAY NA HA? OKAY NA?" Pulang-pula na ang mukha ni Divina. Kaunting segundo na lang at sasabog na siya!"Sino ang nang-aaway sa paborito kong katulong?" nakangiting tanong ni Don Fridman. Nakisakay na siya sa pagpapanggap ng kaniyang kaisa-isang apo.'Paboritong katulong? Isang araw pa lamang buhat nang umalis si Arya sa mansyon ng anak ko ah,' isip-isip ni Divina."Divina Walton, it's nice to see you here." Inakbayan ni Don Fridman si Arya. "This woman kept on insisting to give your family a chance. Siya ang nag-convince sa amin ng aking apo na i-consider ang business proposal niyo. She's your daughter-in-law, right? You're lucky to have her. Matalino siya at mapagpakumbaba. That's why I am appointing her as the General Manager of the Armani Group. She passed the test that I gave her so…congratulations, hija!" Niyakap ni Don Fridman si Arya."Congratulations, Arya. You deserve it," Mariz said with a wide smile.Kumunot ang noo ni Arya. 'Daddylo, anong pina-plano mo?'Natumba si Divina sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya matanggap na mula sa pagiging katulong ay agad na umakyat ang ranggo ni Arya bilang General Manager pa! Sumakit na agad ang ulo niya. Alam niyang haharangin nito ang anumang business transactions nila sa mga Armani.Samantala, tulalang pinagmamasdan ni Damon ang kaniyang dating asawa. Hindi na siya nagtataka kung bakit nito ibinalik ang mga perang ibinibigay niya rito. Ang magkapatid na Villanueva ay tunay ngang nagtatrabaho na sa mga Armani! Bumalik ang wisyo niya nang tumunog ang cell phone niya.{"I can't make it tomorrow, Mr. Walton, but our general manager is available. Present your proposal to her. If she approves it, I will gladly invest in your company. Good luck! Regards, Mariz Armani."}Nilingon ni Damon si Mariz. Kumaway ito sa kaniya. Nginitian niya ito at kinawayan pabalik. Ang inipon niyang lakas ng loob at pag-asa ay unti-unting nawawala. Paano niya ku-kumbinsihin ang kaniyang dating asawa na aprubahan ang business proposal niya? Alam niyang galit na galit ito sa kaniya dahil sa ginawa nila rito.Kabanata 5“Paano nakapasok ang babaeng ‘yon sa buhay ng mga Armani? Maging ang kaniyang walang kwentang kapatid ay naroroon din! Ang kakapal ng mga mukhang makihalubilo sa ating mga mayayaman! Nakakatakot ang kanilang pagiging ambisyosa at ambisyoso!” Itinapon ni Divina ang kaniyang bag sa sofa. Naglakad siya nang pabalik-balik habang sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Iniisip pa rin niya kung paano naging malapit si Arya kay Don Fridman sa loob lang ng maikling panahon!“Huwag niyong ibahin ang usapan, mama. Kanina niyo pa isinasali sa usapan ang magkapatid na Villanueva. Let's talk about your infidelity! Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon ng Rupert na ‘yon? Bakit niyo nagawang pagtaksilan si papa? Paano niyo kamin nagawang lokohin?” galit na galit na sambit ni Dionne.Huminto sa paglalakad si Divina. Marahan niyang ini-angat ang kaniyang paningin kay Dionne. “Ikaw na bata ka. Isa ka pa! Kailan mo ba gagamitin ‘yang utak mo, ha? Doon ka pa talaga nag-eskandalo sa mansyon ng mga Arma
Kabanata 6 “Excuse me, miss. I have a reservation under Mr. Damon Walton’s name. Andito na ba siya?” Pormal na pormal ang ayos ni Greta. Nakataas ang kaniyang isang kilay habang hinihintay ang sagot ng front desk staff. “Please proceed to the VVIP room number 8, Miss…” “Greta. Greta De Vil.” Agad niyang kinuha ang keycard sa staff at taas-noong naglakad patungo sa nasabing silid. Inis na inis si Greta kay Damon dahil hindi man lamang siya nito tinawagan buong magdamag. Nabalitaan niya ang nangyaring kaguluhan sa party ng mga Armani kagabi, sangkot ang kaniyang itinuturing na future mother-in-law. Sa kagustuhang malaman ang buong detalye ng kuwento ay tinawagan niya si Divina Walton at nagtanong ng mga bagay-bagay rito. Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay aksidenteng nabanggit ni Divina na nagta-trabaho na sa mga Armani ang dati nitong manugang na si Arya. Naulit din nito ang tungkol sa pagkaka-promote ni Arya bilang General Manager ng Armani Groups. “Arya, hindi ko alam na talentado
Kabanata 7 “Hey, where are you going? We have a meeting.” Kunot na kunot ang noo ni Damon habang hawak-hawak niya ang braso ni Arya. Nakita niya itong nagmamadaling naglalakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Tinitigan ni Arya nang mata sa mata si Damon. Lumipat ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso. Agad naman iyong inalis ni Damon. “You're twenty minutes late. Ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako,” mahinang sabi ni Arya. “I'm sorry. I got stuck in heavy traffic. Can you please reconsider?” Ngayon lang napansin ni Damon ang suot ni Arya. Sobrang bagay ng dress nito sa kaniya. Mas binigyan din ng makeup nito ang maganda nitong mukha. Parang ibang tao ang kaharap niya. His ex-wife is modest and conservative. Ayaw rin nitong maglagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi tuloy niya maitanggi sa kaniyang sarili na kaakit-akit at kahali-halina ngayon ang kaniyang dating asawa. Hindi rin niya mapigilang mapakagat sa kaniyang labi. “Stop staring at me like that,
Kabanata 8 “That whóre! I really want to smash her into tiny pieces!” galit na galit na sigaw ni Arya. Pagkagaling niya sa hotel ay dumiretso siya agad sa bagong tinutuluyan niyang condotel para maglabas ng inis sa katawan. She's doing boxing right now. “Gusto niyo po bang i-bribe ko ang mga biggest investors sa business ni Miss Greta para iwan siya ng mga ito? I can do it if you want to, senyorita. It's just a piece of cake for me,” suhestiyon ni Mariz habang pinag-aaralan ang profile ng mga investors sa negosyo ng dalawang pamilya - De Vil at Walton. Pinunasan ni Arya ang kaniyang pawis sa mukha. Fit na fit sa kaniya ang suot niyang gym outfit. Lalong lumabas ang halos perpektong kurba ng kaniyang katawan. Lumabas siya ng ring at dumiretso sa bench para kumuha ng tubig. Mabilis niya iyong ininom. Uhaw na uhaw siya dahil may isang oras na rin siyang nag-eensayo. Bago pa man niya makilala si Damon, hilig na niya ang mag-boxing. Mahusay rin siya sa taekwondo at karate. Madalas kasi s
Kabanata 9 “Ivy, hindi talaga siya umalis sa puwesto niya buong maghapon?” tanong ni Arya habang nakatingin sa natutulog na si Damon. “Opo, senyorita. Hindi pa rin po siya kumakain. Wala po siyang bukambibig kung hindi kayo. Palagi po siyang nakaabang sa pagdating niyo,” tugon ni Ivy. ‘Damon, why are you doing this? Are you really desperate to close that deal?’ Arya thought. “Gisingin ko na po ba, senyorita?” Ibinaba ni Ivy ang dala niyang documents sa table. “Hindi. Hayaan mo lang siyang matulog. It's already six, makakauwi ka na. Salamat sa paghihintay sa akin.” Umupo si Arya sa office chair. “Sure po ba kayo, senyorita? Wala na po ba kayong ipag-uutos? Bilin po kasi ni Sir Aiven na huwag daw po akong aalis hanggang hindi po siya dumarating. Ayaw raw po niya kayong maiwan mag-isa kasama si Sir Walton,” salaysay ni Ivy. “No. It's okay. Overtime ka na nga ng two hours dahil sa paghihintay sa akin. I'm sure na hinihintay ka na ng baby mo. Huwag mo akong alalahanin, kaya ko naman
Kabanata 10 “Nasaan ako?” tanong ni Damon habang kinukusot ang kaniyang mga mata. Nakahiga siya sa isang lumang sofa sa loob ng isang maliit na silid. “Gutom ka na ba?” Hinubad ni Arya ang suot niyang apron. Kinuha niya ang niluto niyang sinigang na bangus at garlic buttered shrimp. Marahan niya iyong ipinatong sa mesa. Napahawak sa kaniyang tiyan si Damon. Pasado alas nuebe na ng gabi, kaya gutom na gutom na siya pero mas naglalawày siya ngayon sa hulma ng katawan ni Arya. Nakasuot lamang ito ng hapit na sando at isang maikling short. “Nagpatulong na ako sa security para buhatin ka patungo sa company car ko. Kailangan na kasi nilang isara ang company. Pasensya ka na sa condotel ko. Ito lang kasi ang kaya ng budget ko.” Bumalik si Arya sa kitchen area para kumuha ng mga plato, kutsara, tinidor at baso. “Nakakatulog ka rito?” Inilibot ni Damon ang kaniyang mga mata sa silid ni Arya. “Oo naman. Kumpara sa malaking kama sa mansyon mo, mas mahimbing ang tulog ko sa single bed ko rito
Kabanata 11 “Ang kapal ng mukha mong babae ka! Balak mo talagang agawin sa akin si Damon!” sigaw ni Greta habang dinuduró si Arya. “Greta, mali ka ng inaakala. Stop this nonsense! Let's talk about this at home,” ani Damon habang pigil-pigil niya si Greta. “MALANDI KA TALAGANG BABAE KA! HINDI KA PA NAKONTENTO SA TATLONG TAON! NAPAKASIBA MO!” Halos lumabas na lahat ng ugat sa leeg ni Greta sa kasisigaw. Tumawa nang mapait si Arya. “Hinay-hinay lang, girl. Masyado mo namang nilalait ANG SARILI MO. Sa pagkaka-alala ko, AKO ANG DATING ASAWA at ikaw, IKAW ANG SAWSAWERA, MANG-AAGAW AT MALANDI. Siguro, araw-araw mong pinapantasya na i-divorce na ako ni Damon para maangkin mo na siya nang tuluyan. Pasensya ka na ha kung natagalan. Natuyo tuloy nang husto ‘yang pagkababaé mo,” mapang-asar na sambit niya habang nakatingin sa pagitan ng mga hita ni Greta. Nagulat sina Damon at Greta sa mga salitang lumabas sa bibig ni Arya. “Dàmn! Nakalimutan ko. Sanay nga pala kayo na hindi ako lumalaban. S
Kabanata 12 “ANO? PAANONG NAHARANG ANG DELIVERABLES NATIN?” Natigil sa pagsusulat si Dionne nang marinig niya ang malakas na sigaw ng kaniyang ina. May kausap ito sa telepono. “HANAPIN NIYO ANG MGA ITEMS! HINDI P'WEDENG MAWALA NA LANG NANG BASTA-BASTA ANG MGA ‘YON! TRENTA MILYONES ANG HALAGA NO’N! HIHINTAYIN ‘YON NI MR. YI!” Nang maramdaman ni Divina na may nakatingin sa kaniya ay bigla siyang huminahon. Marahan niyang nilingon si Dionne. “Mama, may problema na naman ba sa business natin? Mukhang stress na stress ka ah. Alam na ba ‘yan ni kuya?” usisa ni Dionne. Tinakpan ni Divina ang telepono.“Ikaw na bata ka! Masamang makinig at makisawsaw sa usapan ng matatanda! Bakit ba dito ka nag-aaral sa kuwarto ko? Doon ka sa study room mo!” bulyaw niya. Tumaas ang isang sulok ng itaas na labi ni Dionne. Lalabas na sana siya ng silid ng kaniyang mama nang may naalala siyang sabihin. “Mama, bawal kang makipagkita kay Rupert ha. Pinapaalala ko lang din na mainit pa ang mga mata ng media sa
Kabanata 109 “Binibini, panoorin mong mabuti ang aking inihandang munting palabas para sa iyo. Malay mo, ikaw pala ang star of the show," nakangising turan ni Don Vandolf sabay akyat muli sa stage. “Anak, ano bang sinasabi ng matandang ‘yon? Naguguluhan ako," kinakabahang sabi ni Marissa. “Hindi ko rin alam, mama. Tingnan na lang natin." Pinagpapawisan na ng malalamig si Mariz. Mas lalong nadagdagan ang kaba niya nang mahagip ng kaniyang mga mata ang mga dumating na pulis. ‘ShiT! Ano bang nangyayari?’ “Senyorita, kinakabahan ako. May hindi tama rito," bulong ni Damon. “Manahimik ka nga! Hindi ka nakakatulong!" Pinagtinginan ng mga tao si Mariz dahil napalakas ang boses niya. “Oh! Anong tinitingin-tingin niyo riyan?!" Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga tao kina Mariz at nag focus na lamang sa ipalalabas sa harapan. Maya-maya pa ay nagsimula na ang video clip. Agad na napatayo sa upuan si Mariz nang makita niya ang kaniyang sarili sa screen. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ag
Kabanata 108“Sobrang baliw ng babaeng ‘yon. Pagpasensyahan mo na ang ex-wife ni Damon, Senyorita Mariz. Lumuwag ang turnilyo no’n sa utak dahil nakipaghiwalay ang anak ko sa kaniya. Ngayon, akala niya ay may kakayahan na siyang makipagsabayan sa ating mga mayayaman,” natatawang sabi ni Divina.‘Talaga nga palang boba ang isang ‘to. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam na ang inaasam-asam niyang yaman at malahian ay nasa puder na niya ng tatlong taon. T0nta! Pasalamat ka at nanay ka ng lalaking matagal ko nang pinapantasya!’ sigaw ng isip ni Mariz habang pekeng nakangiti kay Divina Walton.“Oo nga, senyorita. Sobrang trying hard ni Arya. Isa siyang social climber at gold digger. Mabuti na lang talaga at nauntog ang anak namin bago pa maubos ng babaeng ‘yon ang yaman naming mga Walton,” salaysay naman ni Denver.‘Isa ka pa! Pare-pareho lang kayong mga inutiL at walang alam! Mabuti na lang at isa rin akong Armani. I saved all of you from disgrace and humiliation!’ Napalingon si Mar
Kabanata 107“Ladies and gentlemen, may I have your attention please…”"Balae, lumapit ka na kay Don Fridman at sabihin mong tulungan niya tayong makawala sa mga lalaking ito! Ang anak mo, kanina pa siyang sinasaktan ni Arya! Baliw na yata ang isang ‘yon! Baka kung ano pang gawin niya sa mamanugangin ko!” nahihintakutang sabi ni Denver.Napapalibutan pa rin ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit ang mga Walton at si Marissa habang patuloy naman si Arya sa pagpapakanta kay Mariz!"Don Armani saw us earlier. He knows about this commotion and yet, he did nothing but climb up the stage. Now, he's holding a microphone and making an announcement without even batting an eye on Mariz. Something’s not right,” Damon murmured."Ano bang ibinubulong-bulong mo riyan, Damon? Patumbahin mo na ang mga lalaking ito at iligtas mo ang fiancee mo sa kamay ng baliw mong ex-wife!” malakas na utos ni Marissa."Tama si kuya. May hindi tama sa nangyayari rito. Imposibleng hayaan lang ni Don Fridman na sakta
Kabanata 106“Did you see, Jam?" tanong ni Arya kay Aiven.Umiling si Aiven.“The party is about to start. Wala pa siya. He didn't even call or text me about his whereabouts. Ano kayang nangyari sa kaniya? Even his brothers aren't around. I only saw Don Vandolf and his sisters-in-law. Sana naman walang masamang nangyari sa kanila,” nag-aalalang sambit ni Arya."Hindi pa rin bumabalik si Damon, ate. Sinundan namin siya ni Dionne kaso bigla na lamang siyang nawala. Sinundan din namin sina Mariz at Marissa but we also lost them. I'm sorry, ate,” nakayukong turan ni Aiven. Bakas ang panghihinayang at lungkot sa boses niya.Tinapik ni Arya ang balikat ni Aiven. "It's okay. I'm sure they will arrive later. Hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito lalo na malapit nang ma bankrupt ang mga Walton.” Natigilan siya sa pagsasalita nang maalala niya ang mga sinabi ni Aiven. "Wait, did you say, you also saw Mariz and Marissa?”Tumango si Aiven. "Hindi ko ba naulit sa'yo, ate? Sinundan ko si Dam
Kabanata 105“That mor0n! He wasted our time!" inis na sambit ni Mariz habang bumababa sa kaniyang sasakyan."Relax. Marami pa namang pagkakataon para magkita at magkausap kayo.” Pagkababa ni Marissa sa sasakyan ay tiningala niya ang lumang gusali. "Mukhang wala namang naging problema buhat nang umalis tayo." “Let's go," Mariz said.Papasok na sana ng tuluyan ang mag-ina sa loob nang bigla silang nakarinig ng busina ng sasakyan. Kapwa sila napalingon sa kanilang likuran.Kumunot ang noo ni Mariz. “Are you expecting some visitors, mama?"Umiling si Marissa. Hinihintay niyang may bumaba sa sasakyan.“Damon?" magkasabay na sambit nina Mariz at Marissa.Lumingon muna si Damon sa paligid. Nang masiguro niyang walang nakasunod sa kaniya ay saka siya nagtatakbo palapit sa mag-ina.“Senyorita Armani!"Nagkatinginan sina Mariz at Marissa.“Bakit hindi ka sumipot kanina at saka paano mo kami nasundan dito?" nagtatakang tanong ni Mariz.“Nasundan kasi ako nina Dionne at Aive–”"Kasama ni Dionne
Kabanata 104“Senyorita?"‘This idi0t still thinks that I am Arya pero sabagay, I will become an Armani later. Everybody will bow to me once they learn that I am a real Armani, that I am also the daughter of Xavier Armani!’ Mariz thought.“Senyorita, bakit niyo po katagpo ang kuya ko?" pag-uulit ni Dionne.Mabilis na umaksyon si Marissa. Para sa kaniya, hindi pa iyon ang tamang panahon para malaman ni Dionne ang tungkol sa kaniyang apo. Hinagip niya ang kamay nito at saka hinim@s-him@s. “Hija, your brother insisted this meeting for business,” pagyayabang ni Marissa. Nilingon niya ang kotse ni Dionne. "Are you with him?”Mabilis na umiling si Dionne."Sad. Did he ask you to meet us instead?” Marissa asked again.Muling umiling si Dionne."I see.” Kunwaring tumingin si Marissa sa suot niyang Patek watch. "Our time is precious. I guess, your brother missed a golden opportunity. Pakisabi na lang sa kaniya na hindi na kami interesado sa business proposal niya. He wasted our time.”Tinitig
Kabanata 103“Nasa’n na ba siya? Hindi ako p'wedeng magtagal dito. Baka maisahan ni Jett ang mga tauhan ko," ani Mariz habang palinga-linga sa paligid.“Sigurado ka bang sisipot ang lalaking ‘yon? Kailan mo pala pauuwiin ng Monte Rocca ang anak mo? He needs to see him." Naglagay muna ng sunblock si Marissa habang nakaupo sa harap ng kotse.“Kapag maayos na ang lahat, saka ko muling pababalikin ang anak ko rito sa Monte Rocca. Naghihikahos ang mga Walton. Wala akong mahihita sa kanila," may pag-irap na sabi ni Mariz.“Boba! Eh bakit kikitain mo pa si Damon? Wala rin namang pera ang isang ‘yon!" Tumaas ang isang sulok ng nguso ni Marissa. Ngayon naman ay naglalagay na siya ng dark red lipstick.“I need him. Wala man siyang pera, alam kong mahal pa siya ni Arya kaya magagamit ko pa rin siya laban sa kapatid ko,” mabilis na sagot ni Mariz.Tumaas ang dalawang kilay ni Marissa. ‘Sasabihin ko na ba sa kaniya na hindi talaga sila magkapatid ng Arya na ‘yon? Na gagamitin ko lang siya para mak
Kabanata 102 “Pakawalan niyo ako rito! Mga duwag ba kayo? Sa halip na nakikipaglaban kayo ng patas ay itinali niyo ako rito! Bakit? Takot ba kayong mapatay ko kayong lahat, HA?!" gigil na sigaw ni Jett habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa kaniya. “Anong tingin mo sa amin, uto-uto? Tumahimik ka nga riyan at baka hindi ako makapagpigil! Isara mo ‘yang bibig mo kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ng isang tauhan. Ngumisi si Jett sabay dura sa sahig. "Ang sabihin niyo, mga duwag kayo. Pati matandang babae ay pinapatulan niyo.” Napatingin siya kay Dra. Santos na nakagapos din tulad niya. “Tumahimik ka sabi!" "Paano kung ayoko?” nang-aasar na sambit ni Jett. Magpapaputok na sana ng baril ang isang tauhan nang pigilan siya ng mga kasamahan niya. “Ikalma mo ang sarili mo. Utos nina ma’am na huwag nating papatayin ang isang ‘yan. Kailangan pa nating mahuli ang mga kasamahan niya. Kailangan nina ma’am ng malaking pera. Fifty million kada ulo ang hihingin nila sa matandang G
Kabanata 101“Arya…”Matapos makalaya ni Damon ay agad niyang inalam kung saan niya matatagpuan si Arya. Lalapit na sana siya sa ex-wife niya nang bigla siyang harangin ni Aiven.“You have no right to touch her. You’re not her husband anymore,” Aiven said in a serious tone.Ngumisi si Damon. “Who are you to tell me that, huh? You’re not her real brother so fucK off.” Itinulak niya si Aiven. Napaupo ito sa sahig.Mabilis na inalalayang tumayo ni Arya si Aiven. “Damon, ano bang ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong niya. Kasalukuyan siyang nasa OLHOS dahil ipinatawag siya ng reproductive endocrinologist at fertility specialist na nagsagawa ng intrauterine insemination (IUI) o mas kilala sa tawag na artificial insemination (AI) sa kaniya matapos nilang ikasal noon ni Damon.“I’m here to check on something. Ikaw?” Napatingin si Damon sa doktorang nasa harapan nila nina Arya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Doc, long time no see. Anong mayro’n?” Tumaas ang kaniyang dalawang kilay.“Mr. Walto