Share

Chapter 5- Pan D. Sal

Agad na hinablot ni Juancho ang kamay niya at kinaladkad ito papuntang empty room na siyang naging tambayan nila pansamantala.

Agad na nilock ni Juancho ang pinto ng classroom at agad na hinawakan ang panga ni Pan habang isinandal ito sa pader. Sinagad ang pasensya niya at sagad na sagad na talaga siya.

"Talaga bang hindi ka titigil?"

Ang totoo ay kinakabahan si Pan pero pilit niyang pinapakita na hindi siya kinakabahan.

"Seryoso ako sa offer ko sa'yo Juancho. Katawan ko, kapalit ang pera mo."

Puno ng pagnanasa ang mga mata ni Juancho habang nakatingin sa kaniya. Ngunit maliban sa pagnanasa na yun, naroon rin ang dismaya at galit.

Hindi maintindihan ni Pan kung bakit galit si Juancho sa kaniya. Wala naman siyang ibang ginawang mali kun'di ang pumayag lang na may mangyari sa kanilang dalawa.

"Bakit sa akin? Bakit hindi kay Logan? Anong gusto mong mangyari? Pag-awayin kami?"

Kahit hindi tunay na magkapatid si Logan at Juancho, tinuring nila ang isa't-isa na magkapatid dahil magkaibigan sila bago pa nagpakasal ang mama niya at papa ni Logan.

Kung bakit hindi si Logan ang hinuhuthutan ni Pan ng pera, simple lang ang sagot. Mas kailangan ni Pan ang koneksyon ni Juancho sa ama niya.

Alam ni Pan na mayaman rin ang ama ni Juancho. Isa itong director sa isang kilalang hospital. Marami siyang naririnig na magaling na doctor si Juan Bec at gusto sana niyang maging doctor ni Zahara ang magaling na doctor na yun.

Gusto niyang si Juan Bec ang mago-opera sa anak niya. Ngunit anong magagawa niya kung mga VIP clients lang ang tinatanggap ng isang legendary na doctor.

Kaya gusto niyang mapalapit kay Juancho. Umaasa siyang sa pamamagitan ni Juancho, pwede niyang mapakiusapan ang ama nito na siyang mag-opera kay Zahara.

Pero hindi niya yun aaminin muna. Mailap ang binata sa kaniya. Plano niyang pumasok muna sa buhay nito sa pamamagitan ng mga pang-aakit niya.

"Bakit hindi sa'yo?” puno ng lambing ang boses ni Pan. “Mas gwapo ka.. Mas maganda ang katawan mo, mas magaling sa kama at..." binitin ni Pan ang huling sasabihin niya. Hinawakan niya muli ang bayag ni Juancho at nakapa niyang tayong tayo na ang sandata nito. "Ay mas mahaba at malaki ang sa'yo."

Narinig niya ang pagmura ni Juancho sa tenga niya. Kagat labing ipinasok ni Pan ang kamay niya sa loob ng pantalon ni Juancho at kinapa ang sandata nito.

Agad niya yung hinawakan at dahan dahang tinaas baba. Nakikita niyang naging apektado na rin si Juancho sa mga pang-aakit niya.

Kahit siya rin ay nag-iinit na. Luluhod na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto. Agad na napatigil si Pan at nataranta.

Naghanap siya ng matataguan ngunit wala siyang makitang kahit na anong pwede niyang pagtaguan. Binuksan ni Juancho ang pinto, kinakabahan si Pan at baka may pumasok at makita siya. Baka mamaya ay maissue siya.

"Hi Engr. Bec." Narinig ni Pan ang boses ni Josh. Agad siyang pumunta sa likuran ni Juancho at sumilip.

Pinandilatan siya ni Josh ng mata. Doon pa lang, alam na ni Pan na siya talaga ang pakay ni Josh. Agad siyang lumabas at humawak sa kamay ni Josh. Nagpapasalamat siya sinundo siya ng best friend niya dahil baka pagnagkataon na iba ang naroon ay baka napahamak na siya.

Tumiim bagang naman si Juancho nang makita niya ang kamay ni Pan na nakapulupot sa kamay ng isang professor.

“Mauna na po kami,” nakangiting sabi ni Pan ngunit walang expression lang siyang tinignan ni Juancho. Umalis na sila ni Josh na nagbubulungan.

“Bakit magkasama kayo sa iisang classroom?”

Hindi na sila magkahawak kamay lalo’t may mga studyante na silang nakikita.

“Mamaya ko sasabihin. Mabuti at sinundo mo ‘ko. Para akong aatakihin kanina na baka may ibang nakakita sa amin.”

“Si Bobby nag-utos sa akin na sunduin ka. Alam niya ng pupuntahan mo si Juancho.”

Natahimik si Pan sa tabi. Hindi mawala sa isipan niya ang mukha ni Juancho. Hindi siya manggagamit pero wala lang talaga siyang choice ngayon.

“Dahil ba kay Zahara kaya mo ito ginagawa?” tanong ni Josh.

“Ikaw na nagsabi sa akin, Josh. Isang magaling na doctor ang ama niya. Kung gusto kong magpa-appointment sa ama niya na wala akong pera, si Juancho ang nakikita kong paraan.”

“Siya ba ang dahilan bakit hiniwalayan mo si Logan?”

“Hindi. Aksidente ang pagkikita namin ni Juancho at hiwalay na talaga kami ni Logan bago pa nagkita ang landas namin. Siguro si Juancho ang dahilan kung bakit ayaw ko ng makipagbalikan kay Logan.”

Hindi lang naman isang beses o dalawa o tatlo na naghiwalay silang dalawa. Maraming beses na. Ngayon lang talaga dumistansya ng tuluyan si Pan.

Lumalala na rin kasi ang sitwasyon ni Zahara kaya kailangan niya ng magmadali.

Pagbalik nila ng classroom kung nasaan si Bobby, nakaayos na ang mga gamit nila.

“Saan mo yan nakita, babe?” tanong ni Bobby

“Kay Juancho,” nakangising sagot ni Josh.

“Ay Panasree, ang lande mo bhe.” Natatawang sabi ni Bobby sa kaniya ngunit inirapan niya lang ito.

“Ewan ko sayo, Bob.”

“Oh siya, uwi na tayo. Gusto ko na rin magpahinga.” Sabi ni Bobby sa kaniya pero umiling si Pan.

“Mamaya na ako uuwi, Bob.”

Natigilan si Bobby at Josh at nagkatinginan sila sa isa’t-isa.

Gustong hintayin ni Pan si Juancho. Isang buwan silang hindi nagkita, gusto niyang manabik ng husto si Juancho sa kaniya kahit na maraming panlalait ang aabutin niya.

“Pan, kung gusto mo siya, maiintindihan ko. Pero nagbago na siya Pan. Kita ko kung paano ka niya tignan no’ng nakaraang buwan. Para bang ayaw niya sayo.”

“Alam ko Bob. May iba kasi akong rason.” Sabi niya at ngumiti. Naiintindihan ni Josh ang ibig niyang sabihin kaya hinawakan nito ang kamay ni Bobby.

“Hayaan na natin si Pan dito babe. Umuwi na tayo.”

Walang nagawa si Bobby. Umuwi sila ni Josh at naiwan si Pan sa classroom. Hinintay niya ang oras na tingin niya ay uuwi si Juancho. At pagsapit ng alas singko, nakita niya itong palapit sa hallway kung nasaan siya.

Sinakto niya ang oras ng paglabas niya sa classroom sa pagdaan ni Juancho. Natigilan si Juancho, ang babaeng kasama nito, ang lalaking may kulay berde ang buhok at isang lalaki na singkit ang mata.

“Uy. What a destiny. Ikaw pala yan miss. By the name, my name is Dom Lowis, this is Ark Vegas, si Juancho Bec, at si Architect Lianne.” Sabi ng kulay berde ang buhok na si Dom.

Ngumiti si Pan sa kanila. “Hello. My name is Panasree Soliel D. Salvi. Nice meeting you.”

Natawa si Ark, ang madalas na tahimik lang. “Nakakagutom ang pangalan mo. Pandesal.”

Nanlaki ang mata ni Dom. “Oh. You laughed!” Sabi niya na para bang isang himala na tumawa si Ark.

Kung si Dom tuwang tuwa, si Juancho hindi. Galit na galit siya sa hindi niyang malamang dahilan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status