Home / Romance / Longing For The Billionaire's Affection / Chapter 4- Ayaw mo ba talaga sa offer ko?

Share

Chapter 4- Ayaw mo ba talaga sa offer ko?

Malalaki ang hakbang ni Logan na lumapit sa kaniya at hinablot ang kamay niya. “Anong ginagawa mo sa kotse ni Juancho?”

“Paki mo?”

“PAN!”

“Ano ba Logan? Hindi ba sabi ko break na tayo? Kaya pwede ba huwag mo na akong pakialaman?”

Umalis siya at hindi nagpapigil kahit na ilang beses pa siyang tinawag ni Logan.

Umuwi si Pan sa bahay nila. Gabi na at ang gising na lang ay ang lola niya. “Pan, ginabi ka ata? Sabi ni Zahara umuwi ka kanina.”

Hindi masabi ni Pan kung saan siya nagpunta sa lola Iseng niya. “May raket po kasi la kaya umalis po ako agad. Si Zahara po?”

“Tulog na kanina. Umiyak yun kanina dahil sumasakit na naman ang likod niya.”

Nag-alala si Pan. “La, tinawagan niyo sana ako. Kamusta na siya?”

“Nakatulog na. Nawala rin naman agad ang sakit.”

Napaupo si Pan sa sofa at napahilamos sa mukha niya. Kailangan niya ng malaking halaga para sa bone marrow transplant ng anak. Pero paano niya yun gagawin kung nauubos na ang kinikita niya sa gamot pa lang ni Zahara.

Idagdag pa na kailangan pa magpa-chemo ng anak niya.

“Pan, bakit ayaw mong lumapit sa ina mo-"

“La, ayoko. Inabandona na niya ako. Ayokong lumapit sa kaniya kahit na ikamatay ko pa. At alam ko naman na hindi niya tatanggapin si Zahara.”

Ang ina ni Pan ay nagpakasal muli sa ibang lalaki. Iniwan siya at ang papa niya dahil nanglalake. Namatay ang papa niya dahil inatake sa puso kaya naiwan siya sa lola niya.

Lumaki si Pan na may galit sa ina niya.

“Huwag po kayong mag-alala La, may nahanap na po akong paraan para sa pampagamot ni Zahara.”

Ang iniisip ni Pan na paraan ay si Juancho, ngunit matapos ang araw na yun, walang Juancho ang tumawag sa kaniya.

Isang buwan ang nakalipas, busy na si Pan kasama ni Bobby dahil ngayon ang araw ng graduation pictorial ng mga senior high school students.

Busy si Pan sa pagmi-make up ng bawat isang studyante. Halos wala siyang oras  para pansinin ang mga nasa paligid niya.

“Juancho!” Ngunit natigilan siya nang marinig ang pangalan na yun. Napatingin siya sa labas ng bintana at nakita niya si Juancho na naglalakad sa hallway, habang may suot na puting hat at sa tabi niya ay naroon ang isang babae na nakasuot rin ng white hard hat.

Isang buwan na hindi niya ito nakita. Ang alam niya ay hindi rin nagpupunta si Juancho sa skwelahan kaya hindi niya inaasahan na makikita niya ito ngayon.

Hindi niya napansin na napatagal ang titig niya kay Juancho, at nakita niya kung paano tignan ni Juancho ang babaeng kasama. Ngumiti rin ito habang nag-uusap sila.

Ang ngiting iyon ay hindi niya nakita no’ng magkita silang muli.

Ito ba ang tumawag sa kaniya ng babe no’ng nakaraang buwan? Pagtataka ni Pan.

“Pan!” Pagkuha ni Bobby sa attention niya.

Saka pa narealize ni Pan na marami ng nakapila sa linya dahil tumigil siya sandali sa pagmi-make up. Agad niya yun tinapos para makausad ang iba.

Pagdating ng hapon, pagod na pagod si Pan dahil halos wala siyang pahinga. Tumingin si Bobby sa kaniya at nginisihan siya. “Dumaan lang si Juancho, nadistract ka na agad.”

Ngumuso siya. “Napatingin lang naman.”

Biglang may kumatok sa pinto at tumambad sa harapan nila si Josh—ang best friend ni Pan at boyfriend ni Bobby.

Isang professor sa skwelahan na ito si Josh. Kaya nakuha ni Pan at Bobby ang partnership na ito dahil kay Josh. Nirecommend sila nito sa principal.

“Kamusta ang photographer at make-up artist namin dito?”

“Babe!” Sigaw ni Bobby at tumakbo kay Josh para yumakap. Si Pan naman ay napailing na lang. “Heto, pagod pero ayos lang dahil may kita naman.”

“Magaling kung ganoon. May dala akong pagkain sa inyo.”

Nilapag ni Josh ang pagkain na dala niya habang si Bobby ay nagpaalam. “Babe, saan ang CR niyo dito? Makikiihi muna ako.”

“Samahan na kita,”

“Huwag na. Samahan mo nalang dito si Pan at mukhang nagiging marupok kay Juancho.”

Nanlaki ang mata ni Josh at bumaling sa kaniya. “Masama yan Pan, may boyfriend ka di ba?”

“Pwede ba huwag niyo ‘kong tuksuin dalawa? Saka isa pa, wala na kami ni Logan. Nahuli ko siyang may kahaIikang iba sa birthday niya kaya hiniwalayan ko na.”

Napanganga ang dalawa at pinalakpakan siya. “Kaya ka pala panay sulyap kay Juancho dahil single ka na pala ah!” Sabi ni Bobby na tinutukso siya.

Tumayo si Pan at kinuha ang camera ni Bobby. “Diyan na nga kayo.” Sabi niya at umalis.

Naglibot libot siya sa school campus at napadpad siya doon sa building na kasalukuyang ginagawa. Isang buwan pa lang ang nakalipas pero may naitayo ng building ang mga construction workers.

Agad niya yung pinicturan, hindi niya namalayan na may lumapit pala sa likuran niya.

“Don’t you know na delikado ang ginagawa mo?”

Napatalon sa gulat si Pan at bumaling sa nagsalita.

“Anong ginagawa mo dito? Nagpapapansin ka na naman ba sa akin?” walang buhay na tanong ni Juancho sa kaniya.

Lumalim ang gatla sa noo ni Pan dahil kita namang nagpi-picture lang siya ng building. Pero hindi na niya inabala ang sarili na magpaliwanag.

“This area is hazardous. Bawal kang pumunta dito na wala man lang suot na hard hat. Hindi ko alam na wala pa lang laman yang utak mo.”

 Iniisip ni Pan kung may galit ba sa kaniya si Juancho at palagi nalang siya nitong nilalait. Pero hindi niya ito pwedeng galitin dahil pera ang tingin niya kay Juancho.

“Bakit ka galit? Hindi mo ba ako namiss?” nang-aakit ang boses niya.

Itinaas ni Pan ang kamay niya para hawakan ang pisngi ni Juancho ngunit tinampal lang ni Juancho ang kamay niya.

“Tigilan mo na ako. Alam mo ba kung bakit nawala ako ng isang buwan dito? Dahil kay Logan. Kailangan kong umalis para tantanan niya ako. Bakit hindi ka nalang bumalik sa kaniya ng sa ganoon ay tigilan na niya ako?”

‘Dahil ba ito sa nahuli niya ako na lumabas sa sasakyan ni Juancho?’ takang tanong ni Pan sa isipan niya.

“Paano kung ayaw ko?” ngumiti siya ng pagkatamis-tamis, ngunit hindi man lang tinablan si Juancho ng mapang-akit na ngiti niya.

Mas lumapit si Pan sa katawan ng binata at agad niyang hinawakan ang bayag nito sa ibaba. “Ayaw mo ba talaga sa offer ko?” ngumiti siya. “Itong kaibigan mo kasi tumayo agad hinawakan ko pa lang.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status