Home / Romance / Longing For The Billionaire's Affection / Chapter 3- Hindi ka kasing taas gaya ng inaakala mo

Share

Chapter 3- Hindi ka kasing taas gaya ng inaakala mo

Sumakay si Pan sa kotse ni Juancho. Agad na pinaandar ni Juancho ang sasakyan paalis kaya napatingin si Pan sa kaniya.

“Saan tayo pupunta?”

“Scared?”

Tumikhim si Pan at umiling. “Nagtatanong lang.”

Tumingin si Pan sa labas ng bintana. Hindi lang halata ngunit sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Maya-maya pa, nakita niyang dinala siya ni Juancho sa condo nito. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa gawi ng binata.

Kinakabahan siyang nagtanong. “Bakit tayo nandito?”

“Nagpunta ka rin naman dito kahapon, Limot mo na?”

“Oo pero alam mo na may nangyari sa atin.”

Tumitig si Juancho sa mga mata niya dahilan kung bakit natigilan si Pan. Nagtaas baba na rin ang dibdib niya, tanda na kabado siya.

Nang itigil ni Juancho ang sasakyan, hinubad niya ang kaniyang seatbelt at agad na lumapit kay Pan kaya si Pan ay napasandal sa kaniyang inupuan, nanlalaki ang mata at magkasunod na lumunok.

Hinawakan ni Juancho ang pisngi niya at ngumisi. “Bakit parang takot ka ngayon samantalang ang lakas ng loob mo kahapon na ayain ako mag-” pinabitin niya ang huling sasabihin at binulong ang salitang S E X.

“L-Lasing ako k-kahapon,” medyo nautal pa siya dahil sa hininga ni Juancho na tumatama ngayon sa pisngi niya.

“Hmm.. May alak ako sa condo, gusto mong uminom?”

“B-Bakit mo ‘ko papainumin?”

“Para malasing ka…” Sagot nito sabay ngisi.

Ang gwapo ni Juancho, ayon sa isipan ni Pan. Masiyadong perpekto ang kaniyang mukha. Mula sa hugis ng ilong, sa nakadepinang jawline, sa makapal na kilay at sa mga mata nitong nagmimistulang ginto sa tingkad ng pagka-brown.

Pakiramdam ni Pan ay hindi tao ang nasa harapan niya, kun’di isang nilalang na nabubuhay na lamang sa koro-koro.

Iniisip niya kung anong ginawa ni Juancho sa Sicily para mas lalong gumwapo gaya nito.

Na kahit titigan niya lang, pakiramdam niya ay handa ng bumigay ang katawan niya.

Nakita ni Juancho ang pagbuka ng labi ni Pan at pagpikit ng mata. Napangisi siya. “Mukhang hindi mo na kailangang malasing,” sabi nito at agad na sinunggaban ng haIik ang labi ni Pan.

Ekspertong hinubad ng kamay niya ang damit na suot ni Pan habang ang labi ay wala pa ring tigil sa pag-atake. Hindi niya maikakaila, si Pan ang pinakamagandang babaeng natikman niya na kahit pa ilang beses na siyang may nakatagpong iba. Ang larawan pa rin ni Pan ang nananatili sa isipan niya, na para bang may mahika itong ginagamit para hindi niya makalimutan.

Ang simpleng haIikan na iyon ay nauwi sa mainit na salpukan ng laman. Hindi na sila nakapasok ng condo, sa kotse na nila ginawa.

Kinuha ni Juancho ang binti ni Pan at pinalupot niya yun sa bewang niya ng sa ganoon ay mas lalong bumaon ang sandata niya sa loob nito.

At si Pan, matapos niyang pagpawisan at marating ang sulok ng kaligayahan, saka pa siya nagising muli at naisip na bumigay na naman siya sa temtasyon ng isang Juancho Bec.

Hingal na hingal na bumalik si Juancho sa driver’s seat.

“Sobrang sarap ko ba na pinuntahan mo pa ako sa bahay ko at dinahilan ang pitaka ko para lang matikman mo?” tanong ni Pan sa kaniya.

Kumunot ang noo ni Juancho. Kung ano mang paghanga na meron siya kay Pan walong taon na ang nakalipas, matagal na yung nawala. Ayaw niya sa mga babaeng ginamit na ng iba. Lalo’t sigurado siyang maraming beses ng may nangyari kay Pan at Logan kaya bakit niya papahalagaan ang babaeng basura?

“Huwag kang mag-assume. Hindi ka kasing taas gaya ng inaakala mo.”

Tumingin si Pan sa labas ng bintana, wala pa rin siyang suot na damit dahil hinubad ni Juancho lahat. Ang lagkit pa ng hita niya dahil sa dagta ng binata na umaagos mula sa loob niya.

“Bakit ginawa mo sa akin ito kung may girlfriend ka?”

“It’s none of your business..”

Tumingin si Pan sa kaniya, pinagkrus niya ang kaniyang binti at nang-aakit na nginitian si Juancho. “None of my business? O gusto mo talaga ang katawan ko at namiss mo?”

Agad na hinilig ni Juancho ang kaniyang kamay sa upuan niya at hinarap si Pan. “Doing it with you is not bad at all. Pero para yata sobrang laki na ng ulo mo at inakala mong nababaliw ako sa katawan mong gamit na gamit na?”

Hindi na nagtaka si Pan kung iyon ang akala ni Juancho sa kaniya. May relasyon sila ni Logan ng dalawang taon, kahit sino ay aakalain na may nangyari na sa kanila.

“Bakit hindi natin gawin ito. Hindi ako magri-reklamo kung aabutan ka ng lib0g at sa katawan ko gusto mo yang pawiin. Pero bawat gamit mo sa katawan ko katumbas ng pera.”

Naalala ni Pan ang anak niyang si Zahara. Kailangan niya ng malaking pera para may pantustos siya sa chemo ng anak niya.

“Handa ka maging pokp0k?”

Masakit iyon na salita pero wala ng pakialam si Pan doon.

“Sayo lang naman. Exclusive sayo ang katawan ko.”

Kita ni Pan ang pagkadismaya sa mukha ni Juancho. Hindi niya alam kung anong iniisip nito, pero wala na siyang paki doon. Ang mahalaga sa kaniya ay pera.

Kinuha ni Juancho ang pitaka niya at kumuha ng sampung libo doon. Binigay niya yun kay Pan.

Lumapit si Juancho sa tenga niya at bumulong. “Pinatay mo ang konting respeto ko na natitira para sayo. Hindi ko aakalain na sobrang baba ng kalidad mo bilang babae Panasree Soliel D. Salvi.”

Nanlaki ang mata ni Pan nang banggitin ni Juancho ang buo niyang pangalan. Nakaramdam siya ng kirot pero hindi niya mababawi ang sinabi niya.

Mas pipiliin niya ang pera kesa dangal. Kailangan niyang kumita ng pera araw-araw para sa anak niya.

“Suotin mo ang damit mo at lumabas ka sa sasakyan ko. Magtaxi ka pauwi. Nawalan ako ng gana sayo.” Malamig na sabi ni Juancho, na ngayon ay madilim ang mukha at igting pa ang panga habang nakaharap sa unahan.

Sinuot ni Pan ang damit niya at umalis sa sasakyan ni Juancho.

Agad na umalis si Juancho at nilagpasan siya. Pakiramdam ni Pan, mali ang ginawa niyang offer.

Aalis na sana siya, ngunit sa pagtalikod niya, nakita niya si Logan na masamang nakatingin sa kaniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status