Share

Chapter 2- Juancho Bec

Isang make-up artist si Pan. Tumatanggap rin siya ng raket kapag tungkol sa photoshoot ang request ng kliyente sa kaniya. Wala siyang inuurungan lalo na’t kailangan niya ng pera para pangchemotherapy sa adoptive daughter niya na iniwan lang sa kaniya ng kaniyang pinsan at hindi na binalikan.

Pagkagising niya kaninang umaga, wala na si Juancho sa tabi niya ngunit nag-iwan ito ng note sa table na, “umalis ka agad kasama ng mga basura mo.”

Napabuntong hininga siya at nasaktan ng konti nang mabasa ang basura. Pakiramdam niya ay siya talaga ang tinutukoy ni Juancho na basura.

Nasa skwelahan siya ngayon dahil siya ang make-up artist ng mga senior high students para sa kanilang pictorial sa nalalapit na Graduation day.

“Pan, nabalitaan mo na ba? Narito na raw si Juancho sa Pinas.” Napatingin si Pan sa kaibigan niyang si Bobby. Ang photographer sa pictorial.

“T-Talaga?” medyo nautal siya.

“Oo. May nakakita raw sa kaniya kahapon sa birthday ng boyfriend mo. Teka, bakit wala ka sa birthday ni Logan?”

Nag-iwas ng tingin si Pan. Pumunta siya, sandali nga lang dahil nahuli niya itong nakipaglaplapan sa iba.

“Sorry, nabusy ako kahapon e.”

“Sayang. Dumating si Juancho kahapon tapos ang sabi e sobrang gwapo daw niya. Naku bes, hindi ba ano kayo non dati?”

“Tumahimik ka nga diyan. Baka mamaya, may makarinig sayo.”

“Na? Ano namang masama kung banggitin ko ang pangalang Juancho? Wala naman siya dito.”

“Bakit niyo ‘ko pinag-uusapan?”

Sabay na nanlaki ang mata ni Pan at Bobby nang marinig ang boses ni Juancho sa likuran nila. At maliban doon, may narinig rin silang iba pang boses.

“Woah.. Sikat pala ang ating kaibigan. Fan mo ba yan bro?”

‘Juancho? Anong ginagawa ni Juacho dito?’ Tanong ni Pan sa isipan niya. Sa katunayan, gusto nalang niyang tumakbo palayo.

Humarap siya sa likuran nila at sabay sila ng kaibigan niyang si Bobby na napasinghap. ‘Si Juancho nga!’

Nagbaba si Pan ng tingin sa mga paa niya nang magtagpo ang paningin nila ni Juancho. Ngayon pa siya nahiya sa mga ginawa niya kagabi.

“Hi miss, kilala mo ba ang aming bestpren?” pagpapapansin ng isang lalaki na kulay berde ang buhok.

“Kilala siya ng kaibigan ko!” Sabi ni Bobby at tinuro si Pan.

“Huh? Bakit ako?” react niya.

Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ni Juancho nang magreact siya ng ganoon. Bigla siyang nahiya kaya nagbaba siya ulit ng tingin.

Iniisip niya, iniisip siguro ni Juancho na makapal ang mukha niya kung ideny niya ito samantalang, sinunggaban niya ito kagabi.

“So ano? Magkakilala kayo?”

Hindi na nakasagot si Pan dahil biglang may tumikhim sa tabi nila. Nakita niya ang isang principal kasama ang tatlong head teachers.

“Ma’am Diosdos, pwedeng pakihatid si Engr. Bec, Engr. Lawos at Engr. Vegas doon sa office ko? Kakausapin ko lang itong photographer at make-up artist natin.” Sabi ng principal.

Agad naman na humarap ang isang guro na nakasalamin kay Juancho at sa iba pang mga kasamahan nito.

“Dito po tayo, mga sir.”

Sumipol ang isang kasamahan ni Juancho habang siya ay nakatitig nang mariin kay Pan habang pasunod doon sa guro.

Naramdaman naman ni Pan ang pagkurot ni Bobby sa tagiliran niya.

“Ang mata beshy ko, kung saan tumitingin.”

“Tumigil ka nga!!” Saway niya

“Pasensya na kayo. May pinapatayo kasi kaming bagong building dahil kada taon dumadami ang mga studyante. Hindi namin inaasahan na ngayon pala dadating ang Engr. na titingin.”

Ngumiti si Pan at Bobby. “Walang problema po iyon ma’am. Mukhang tadhana po yata ang nagpapunta dito kay Engr.”

“Tumigil ka na sabi,” puno ng gigil na sabi ni Pan at kinurot pa muli ang kaibigan dahil tinutukso siya nito.

“Sorry but what?” ani ng principal na hindi nagets ang sinabi ni Bobby.

“Wala po ma’am..Hehe..”

“Ah okay… So ano, dito tayo para mapag-usapan natin agad ang plano at masettle ang agreement?”

“Sige po ma’am.. Lead the way po.” Nakangiting sabi ni Bobby.

Sumunod sila papuntang auditorium at doon na rin sila nagmeeting para sa pictorial date, lay-out ng yearbook at kung magkano ang expenses na aabutin.

Pagkatapos ng meeting, lihim na nilinga ni Pan ang kaniyang paningin, nagbabasakaling makita niya si Juancho. Ngunit hindi niya ito nakita sa loob ng school campus kaya wala siyang nagawa kun’di ang umalis na lang.

“Mauna na ako sayo, Pan. May lakad pa kasi ako.” Sabi ni Bobby.

“Ayos lang. Mag-iingat ka pag-uwi.”

Umalis na si Bobby habang siya ay naghintay ng taxi na dadaan sa harapan niya ngunit ang nakita niya ay ang sasakyan ni Juancho na siyang sinakyan niya kagabi.

Agad niya yung pinara. Akala niya ay lalagpasan siya nito, kaya laking pasasalamat niya na huminto si Juancho sa harapan niya.

“Pwedeng makisabay?”

“Hindi pwede. Iba ang rota ng condo ko sa bahay mo. It’s inconvenient.”

“Sige na Juancho. Hindi ba magkaibigan naman tayo?” nginitian niya ito ng matamis.

Bumukas ang bintana sa likuran at lumabas doon ang ulo ng lalaking engr. kanina na berde ang kulay ng buhok. “Hi miss. So magkakilala kayo nitong bespren ko?”

Tapos sa tabi no’ng lalaking may berde ang buhok, may boses babae doon na hindi nakita ni Pan ang mukha. “Babe, sino siya?”

Akala niya ay ang lalaking berde ang buhok ang tinanong nito, laking gulat niya na si Juancho ang sumagot. “She’s my brother’s girlfriend.”

Biglang nahiya si Pan at agad na umatras. Tumaas naman ang sulok ng labi ni Juancho at sinara ang bintana ng sasakyan saka pinaharurot paalis.

Napahilamos si Pan sa mukha niya. Nahiya siya ng sobra. Hindi niya aakalain na may girlfriend pala ang lalaking inaya niya kagabi ng sex.

Sumakay nalang siya ng taxi at umuwi sa bahay nila.

Pagdating niya sa apartment niya, nakita niya si Logan na nakahawak sa kamay ng anak-anakan niya.

“Hi mama,” sabi ni Zahara, ang pangalan ng adoptive daughter niya.

“Bakit nasa labas ka? Nasaan si lola?”

“Nasa loob po ng house mama.. Pumunta po kasi si tito at hanap niya po kayo.”

Tumingin si Pan kay Logan bago niya bulungan si Zahara. “Pasok ka muna sa loob ng bahay, anak. May pag-uusapan si mama at tito.”

Sumunod si Zahara sa kaniya at pumasok ng bahay.

Nang sila nalang ni Logan ang natira, agad niya itong hinarap. “Bakit ka nagpunta dito? Hindi pa ba sapat ang sinabi ko na break na tayo?”

Hinablot ni Logan ang kamay niya. “At sinong nagsabi na papayag ako? Nakipagbreak ka sa akin kanina sa chat. Matino ba yun?”

“Ako pa ang sasabihan mo ng matino? Hindi ba ikaw ang may kahaIikan at kalaplapan kagabi sa bar?”

Nanlaki ang mata ni Logan dahil hindi niya alam na nagpunta ng bar si Pan kagabi.

“Pan, m-magpapaliwanag ako.”

“Umalis ka na, Logan!”

“Mag-usap muna tayo-“

“Sabi ko, umalis ka na!”

Walang nagawa si Logan, kun’di ang umalis. Nang makaalis ang sasakyan niya, lumitaw naman ang sasakyan ni Juancho. Bumisina ito sa tabi ni Pan.

“Naiwan mo ang basura mo sa condo.” Sabi niya sabay pakita ng pitaka ni Pan.

Akmang kukunin ni Pan sa kamay niya ang pitaka ng nilaya niya yun agad. “Pumasok ka sa sasakyan ko bago mo makuha itong basura mo.” Sabi niya sabay ngisi ng nakakaloko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status