Share

Chapter 13

Sandra's POV

NANGINGINIG ang aking katawan habang dahan-dahang hinahakbang ang paa palayo sa silid na iyon. Litong-lito ang aking isip at ang mga mata ko ay nanlalaki dahil sa aking narinig.

'Paano? Paano naiisip ng babaeng ito ang mga bagay na iyon? Totoo ba? Kaya ba niyang gawin ang ganoong bagay sa isang inosenteng bata?'

Mabilis akong nagtungo sa aking silid at sinarado ang pinto. Animoy nais nang tumalon ng puso ko palabas ng aking dibdib dahil sa kaba na nararamdaman.

Nagsimulang mangilid ang luha ko dahil sa takot. Hindi pa rin mawala ang panginginig ng katawan ko at hindi ko mapakalma ang sarili. Tila walang lakas ang aking paa nang ihakbang ko ito patungo sa kama, mabuti na lang at agad kong naisuporta ang aking kamay sa higaan, dahilan upang hindi ako tuluyang bumagsak.

'Anong gagawin ko? Kung totoo ang bagay na sinasabi niya? H-Hindi ko maaaring payagang mangyari ang bagay na 'yon.'

Hindi ko alam kung ilang butil ng luha na ang aking nailuha. Noong gabing iyon ay hindi rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (20)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Luhh lagot ka Sandra hahaha
goodnovel comment avatar
Melai Balinas
next level po ulit thank you sa mgandanb story
goodnovel comment avatar
Maximina Pineda
oo nga makatakas sna c sandy..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status