Sandra's POVMARAHIL may mga bagay na sadya nating nararanasan upang mapagtagumpayan ang buhay. Baka kaya tayo sinusubok nang ganito ng tadhana ay dahil alam niyang kaya nating lumaban. Ngunit paano kung nais mo nang sumuko? Paano kung nais mo nang wakasan ang lahat dahil akala mo, hindi mo na kaya. Susuko ka na lang ba basta-basta? Hindi. Hindi dapat. May mga tao ang mas nakararanas ng mas matinding pagsubok bukod sa atin. Isa lang tayo sa maraming tao na iyon. Kaya sana, kahit anong pagsubok ang ibato sa atin ng tadhana, walang susuko. Kakapit at lalaban tayo upang mapagtagumpayan ang lahat. Lagi mong tandaan na kung nasa ibaba ang iyong buhay ngayon, pasasaan ba't iikot din ang gulong at makadarating ka rin sa tuktok.Ito ang mga bagay na sinabi sa 'kin ni nanay noong bata pa ako. Hindi sila sumuko noon, bagkus, lumaban sila para sa 'kin, para sa isang babaeng gaya ko, ang babaeng si Sandy.***UMIIKOT ang aking paningin at naririnig ko ang nagkakagulong tao sa aking paligid. Nanla
Sandra's POVDAHIL sa isang pagkakamali, ang lahat sa akin ay nawala. Ang itinakdang kasal ay hindi natuloy. Nawalan ako ng trabaho at maging ang kalayaan ko ay tila nawala na rin sa akin, dahil alam kong kahit saan ako magpunta, isang maling hakbang ko lang ay malalaman ni Lucas na buhay ako.Maging ang halos buong pagkatao ko ay nawala. Marahil, pati ang hawak kong buhay ngayon ay hiram na lang. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, isang bagay ang pinagpapasalamat ko sa Diyos. Kahit paano, isang bagay ang tinupad niya sa mga hiling ko – ang mabuhay ang anak ko.Marahan akong tumingin sa incubator tube na nasa tabi ng aking kama at sinilayan ang mukha ng aking anak na ngayon ay mahimbing na natutulog. Sumilay ang ngiti sa aking labi habang minamasdan ang maliit na anghel na ito.'Napakalakas mo, anak. Salamat at hindi ka sumuko.'Naaalala ko pa noong araw na iyon. Noong nagsimulang manginig ang katawan ng anak ko. Sinigaw ko sa kanya na lumaban siya at hindi naman niya ako binigo
Sandra's POVHALOS lumuwa ang mga mata namin ni Jennie habang nakatayo at nakatingin sa loob ng condo ni Gab. Hindi namin inakala na totoo ang lahat ng kanyang sinasabi at ang lugar na nasa harapan namin ngayon ang siyang patunay.Ang unit niya ay nasa penthouse at mayroon itong malawak na lugar. Mataas ang ceiling na animoy isang mansion."A-Ang laki naman ng bahay mo," wika ko kay Gab."Maliit pa ito kumpara sa bahay namin sa Manila. Anyway, dito ka muna tumigil pansamantala, Sandy. Habang wala ka pang plano," pag-alok sa akin ni Gab.Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tama siya, wala pa nga akong plano. Pakiramdam ko ay ito na ang pangalawa kong buhay at kailangan mas maayos ko ito."Kita mo, ang laki pala ng bahay mo, doon ka kanila lola nakikisiksik," inis na wika ni Jennie."Eh, sa lagay mas gusto ko roon," tugon naman ni Gab.Nag-ismid na lang si Jennie nang pabiro, saka tumingin sa akin."Oo nga pala, Sandy. Kailangan ko nang bumalik sa Manila, ang tagal ko na ring naka-leave, b
Sandra's POVNAGTUNGO ako sa isang sanlaan at inisip na isanla ang kuwintas na binigay sa akin ni Lucas. Ganti ko na rin ito sa mga bagay na naranasan ko sa kanila, ngunit hindi ko akalain na mabibigla ako sa halaga ng bagay na ito."Ate, hindi nga? Totoo bang ganoon kamahal ang kuwintas na 'yan?" gulat kong tanong sa babaeng nandito sa jewelry store."Yes, ma'am. Mahigit dalawang milyon po ang halaga nito. Hindi pa iyon ang original price."Mariin akong napalunok nang muling sabihin ng babaeng iyon ang presyo. Nanginginig ang aking kamay nang kunin kong muli ang kuwintas."I'm sorry, ma'am. Kung dito nyo po iyan isasanla, hindi po namin kakayanin maglabas ng ganito kalaking halaga. Doon po dapat kayo sa mas malaking sanlaan," pagtanggi niya.Naglakad ako palayo sa lugar na iyon na hindi pa rin makapaniwala. 'Bakit naman ako reregaluhan ni Lucas ng ganito kamahal na kuwintas?'Ngunit buo na ang aking desisyon. Kailangan mawala ang bagay na ito sa aking kamay. Nagtungo ako sa mas malak
Sandra's POVNILAGAY ko ang huling kahon sa likod ng aking sasakyan."Nay, ito na ba lahat?" tanong ko kay nanay na ngayon ay abala sa pag-aayos sa loob ng kotse."Oo, anak. Iyan na 'yung nasa loob, eh. Wala nang naiwan doon," tugon niya sa 'kin."Sige po, I guessed we have to go," pag-aya ko.Tumango naman sina nanay at tatay saka sumakay sa kotse."Levi, sakay na aalis na tayo," pagtawag ko sa anak ko."Sige po, ma."Agad na tumakbo si Levi sa loob ng sasakyan at yumakap kanila nanay at tatay. Sumilay ang ngiti sa aking labi saka napailing. Pakiramdam ko tuloy ay napapalayo na ang loob ng anak ko sa akin dahil sa pagiging abala ko. Matapos iyon ay sinara ko na ang pinto ng kotse at sumakay sa harapan kung saan naghihintay si Gab."Are you ready?" aniya sa pagpasok ko sa loob.Tumango ako sa kanya at nagsimula siyang magmaneho.Sa mga oras na ito, alam kong nagsisimula nang lumiit ang aking mundo. Ang mundo sa pagitan ng mga taong iniiwasan ko.Nagdesisyon kami ni Gab na bumalik na s
Sandra's POVNATIGILAN ako sa paghakbang nang makita ko ang lalaking kaharap ngayon ng aking anak. Kunot-noo namang napalingon sa 'kin si Gab."May problema ba?" aniya saka muling tumingin sa glass door ng kanyang opisina at bumalik ng tingin sa 'kin. "Kilala mo ba siya?" tanong niya.Tumango ako at huminga nang malalim."Yes. His my ex-fiance, si Mico Salvador," tugon ko.Muling tumingin si Gab sa loob at sa pagkakataong ito, naiintindihan na niya kung bakit ganito ang aking reaksyon. Napahakbang ako pabalik dahil pakiramdam ko ay hindi pa ako handang makaharap si Mico sa ganitong sitwasyon. Hindi ko napaghandaan ang pagkikitang ito."Pero anong ginagawa niya rito?" bulong ko."I guessed you are not yet ready to see him," wika ni Gab saka ngumiting nakatingin sa akin.Hinawakan niya ang aking balikat at nakaramdam ako ng pagkapanatag."Ako na ang bahala. Kakausapin ko muna siya. Magtago ka na muna sa lugar na hindi ka niya makikita," aniya saka sinimulang buksan ang pinto ng kanyang
Sandra's POVSA PAG-UWI namin ni Levi sa bahay, naabutan namin doon sina nanay at tatay. Napangiti ako dahil nababakas ang tuwa sa kanilang mukha, tila maganda ang kinalabasan ng kanilang pinuntahan. Nakatutuwa lang na nakapag-enjoy sila kahit paano."Pakipasok si Levi sa kwarto," utos ko sa kasambahay at binuhat niya si Levi na nasa aking braso. Nakatulog na rin kasi ito dahil sa sobrang pagod."Nay, tay, kumusta po ang lakad nyo?" tanong ko saka lumakad palapit sa kanilang kinaroroonan at umupo sa sofa kung saan sila nakaupo."Naku! Anak, kung alam mo lang. Ang daming naghahanap sa 'yo roon, pero pilit naming binabago ang usapan. Alam naman kasi namin ng tatay mo na hindi namin pwedeng sabihin na kasama ka pa namin, kaya ayon, kung minsan, eh, nililihis talaga namin ang usapan," pagkuwento ni nanay."Ganoon po ba? Hindi pa rin pala ako nakakalimutan ng mga kapit-bahay natin na 'yon.""Oo naman. Pero kailan ka nga ba talaga magpapakita ulit sa kanila? Kailan ba tayo makakabalik sa da
Sandra's POVANG LAHAT ay naghihintay na muling magsalita si Mico, ngunit tila napako ang kanyang paa sa kinatatayuan habang nakatingin sa akin. Tumaas ang magkabilang gilid ng aking labi nang makita ko ang namumutla niyang mukha."Mr. Mico, please proceed," muli kong pagtawag sa kanyang pansin dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin siya."W-Why are you here? Anong ginagawa mo sa loob ng conference room na ito?" sunod-sunod niyang sigaw.Natahimik naman ang ibang miyembro ng meeting. Nagkatinginan ang mga ito habang kunot ang noo at nababakas ang pagtataka. Tumingin sa akin ang mga miyembro at nagkibit-balikat lang ako."Mico, what are you talking about?" saad ng isang matanda na kasama sa meeting."S-Sir, this woman! She's Sandra, my ex-fiance."Tumaas ang aking kilay nang sabihin ni Mico ang bagay na iyon. Muling nabakas ang pagtataka sa mukha ng mga taong nasa loob at nagtitinginan na may halong bulungan ang kanilang ginagawa."I guessed this is another mistake, right?" nakangiti k