Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"
Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita
Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal
Sandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas
Sandra's POV"Yes, Hon. Ngayong gabi lang. Tutal naman ikakasal na tayo next week. Nag-book ako ng room, sunduin mo na lang ako roon after ng work mo."Hindi ko mapigilan ang saya na nararamdaman ng aking puso sa mga oras na ito. Sa wakas ay ikakasal na rin ako sa lalaking pinakamamahal ko – si Mico Salvador."Sige, Hon. I love you," matamis kong pagbitiw sa salitang iyon bago ko ibaba ang telepono.Habang ako ay nakatanaw sa labas ng bintana, ang mga ilaw ng nakakasalubong naming sasakyan ay nagbibigay liwanag sa aking mukha na ngayon ay may ngiti. Sinandal ko ang aking ulo sa headrest ng upuan dito sa loob ng taxi na sinasakyan ko, saka ako sandaling nagpahinga.Ngayong gabi ay nagdesisyon akong pumunta sa isang bar at mag-party. Nais kong sulitin ang huling linggo ng aking pagkadalaga dahil sabi nga nila, sa oras na ikaw ay mag-asawa, magsisimula nang magbago ang lahat sa buhay mo, kaya nagdesisyon akong sulitin ang gabing ito bago ikasal."Ma'am, nandito na po tayo."Naputol ang m
Sandra's POVNAMAMANHID ang aking tuhod at halos masunog na ang balat dahil sa init ng araw, ngunit ang mga bagay na ito ay hindi ko ininda.Nakaluhod ako ngayon sa harapan ng main building ng kompanya ng aking fiancé na si Mico. Pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga tao ngunit wala na akong pakialam, kailangan kong magpaliwanag. Kailangan kong humingi ng tawad sa lalaking mahal ko."Siya 'yong fiancé ni Sir Mico, hindi ba?""Oo, yata? Nabaliw na ba siya? Bakit siya nakaluhod sa semento, ang init-init?"Narinig ko ang bulungan ng mga empleyado na ngayon ay lumalakad papasok ng gusali. Halos lahat sila ay napapatingin sa akin dahil sa ginagawa ko. Kahit ganoon, mariin na lang akong lumunok at binabaliwala ang mga bagay na kanilang sinasabi."Tumayo ka nga diyan! Ano bang kalokohan ang ginagawa mo?" bulyaw ni Mico na ngayon ay naglalakad patungo sa aking kinaroroonan.Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha nang sa wakas ay makita ko siya. Sinubukan kong tumayo ngunit nang
Sandra's POVMARIIN kong tinakpan ang aking labi nang makita ang dalawang pulang guhit na nasa pregnancy kit. Nagsimulang gumapang ang maaalat na luha sa aking pisngi nang makita ko ito."F*ck! Hindi to totoo, 'di ba?" inis kong wika sa sarili sabay sa mariing pagsuklay sa aking buhok. "Anong gagawin ko?"Yumuko ako sa loob ng cubicle kung saan ako naroroon. Pakiramdam ko ay binagsakan na ako ng langit at lupa. Tila sinusubok ang aking tatag dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon."Be, ano nang balita?" tanong ni Jennie sabay sa pagkatok niya sa pinto ng banyo."Be... positive," basag ang tinig kong tugon sa kanya.Humagulgol ako ng iyak nang bitiwan ko ang mga salitang iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. 'Paano ko to sasabihin kanila nanay? Paano ko ito paninindigan? Hindi naman kami mayaman at siguradong ikagagalit na naman ito ni tatay.'Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Jennie. Maya-maya lang, nagdesisyon na rin akong lumabas mula sa loob ng banyo.Sa aking pag
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw at nang tuluyan kong makumpirma na ang lalaking iyon nga ang ama ng aking anak. Kasama si nanay, naglakas loob akong sabihin ang bagay na ito kay tatay."Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka naman bangag ka na naman, Sandra?" natatawa-tawa pang wika ni tatay sa akin.Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa sofa at tinitingnan ang litrato ni Lucas na ngayon ay naka-flash sa screen ng laptop na nakapatong sa lamesa."Tay, sigurado po ako. Hindi ako pwedeng magkamali sa mukha ng lalaking 'yon," pagklaro ko sa kanya."E, 'di kung gano'n, puntahan na natin 'yan at singilin. Bilyonaryo pala ang tatay ng batang 'yan, e," natutuwang wika ni tatay saka tumayo.Mabilis kong hinawakan ang kanyang braso saka siya pinigilan."Tay, naman," wika ko sa kanya."Oh, bakit? Hindi ba dapat lang singilin natin siya sa danyos na ginawa niya? 'Yan, oh! Nag-iisang tagapagmana pa 'yang bata na nasa tiyan mo."May halong inis ang tinig ni tatay. Hindi ko naman siya masis