Sandra's POV
NAMAMANHID ang aking tuhod at halos masunog na ang balat dahil sa init ng araw, ngunit ang mga bagay na ito ay hindi ko ininda.Nakaluhod ako ngayon sa harapan ng main building ng kompanya ng aking fiancé na si Mico. Pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga tao ngunit wala na akong pakialam, kailangan kong magpaliwanag. Kailangan kong humingi ng tawad sa lalaking mahal ko."Siya 'yong fiancé ni Sir Mico, hindi ba?""Oo, yata? Nabaliw na ba siya? Bakit siya nakaluhod sa semento, ang init-init?"Narinig ko ang bulungan ng mga empleyado na ngayon ay lumalakad papasok ng gusali. Halos lahat sila ay napapatingin sa akin dahil sa ginagawa ko. Kahit ganoon, mariin na lang akong lumunok at binabaliwala ang mga bagay na kanilang sinasabi."Tumayo ka nga diyan! Ano bang kalokohan ang ginagawa mo?" bulyaw ni Mico na ngayon ay naglalakad patungo sa aking kinaroroonan.Sunod-sunod ang pagpatak ng aking mga luha nang sa wakas ay makita ko siya. Sinubukan kong tumayo ngunit nang gawin ko iyon, tila nanlambot ang aking tuhod, dahilan upang muli akong matumba. Mabuti na lang at agad niyang naalalayan ang aking braso.Marahan kong inangat ang aking mukha at nagtama ang mata naming dalawa."Patawarin mo ko, Mico! Hindi ko sinasadya. Maniwala ka, hindi ko sinasadya ang nangyari," basag ang tinig kong saad sabay sa maaalat na luhang pumapatak mula sa aking mata."Tama na! Doon tayo sa loob mag-usap. Nakakahiya ka!" sigaw niya sa akin.Mariin akong napapikit nang maramdaman ang mariin na paghawak ng kamay niya sa aking braso, saka niya ako sapilitang pinalakad patungo sa loob ng gusali.Muli kaming pinagtinginan ng mga empleyado sa paligid at sa pagkakataong ito, tila nanliliit ang aking pakiramdam.***"Bakit pinapasok mo pa rito ang maruming babae na 'yan? Sana pinalayas mo na lang."Halos hindi ko maitaas ang aking ulo at hindi makatingin nang diretso sa mata ng mommy ni Mico habang ito ay pailalim na nakatingin sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak sa masasakit na bagay na kanyang sinasabi."Sabi ko na sa 'yo, eh. Walang maidudulot na maganda ang babaeng iyan!" muling bulyaw ng nanay niya, saka pinag-cross ang paa at umayos ng upo sa sofa na nandoon."Sis, ano ba kasing trip mo? You already make our family pahiya na nga, eh. What if malaman ng mga people ang doings mo? So masisira pa ang reputation ng family namin. Like, duh! Iyon ba ang gusto mo para kay kuya? So pathetic!" dagdag pa ng kapatid na babae ni Mico na ngayon ay tinitingnan ang bagong linis niyang kuko.Wala akong nagawa kung hindi ang yumuko at hayaan ang pagpatak ng aking mga luha. Tinatanggap ko na lang ang masasakit na salita na binabato nila sa akin."Tama na nga! Nangyari na ang nangyari!"Tumaas ang aking ulo nang marinig ang bagay na iyon mula kay Mico. Tila nabuhayan pa ako ng loob dahil inakala kong ipagtatanggol niya ako, ngunit akala ko lang pala iyon.Nagpameywang siya at bumuntonghininga. Tumingin siya sa akin na animoy isa akong maruming babae."I'm sorry, Sandy. Pero buo na ang desisyon ko. Wala na tayo. Wala nang matutuloy na kasal. Matagal akong naghintay pero ibang lalaki lang pala ang titikhim sa 'yo. Alam mo ba kung gaano kasakit sa 'kin 'yon?" sunod-sunod niyang wika."I'm sorry, Mico. Please! It was a mistake!" pagmamakaawa ko sa kanya.Tumayo ako at lumuhod, saka hinawakan ang kanyang braso. Napasinghap naman ang mommy at kapatid niyang babae, ngunit wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba, ang mahalaga sa 'kin ay mapatawad ng lalaking ito."Mico, I didn't know that it was not my room. Please, I beg you! Give me another chance," muli kong pagmamakaawa.Mariing hinawakan ni Mico ang aking kamay, saka ito marahas na inalis sa pagkakahawak ko sa kanya, dahilan upang ako ay matumba sa sahig."I think deserve!" wika ng kapatid niyang babae saka tumawa."Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa mga guwardiya," saad ni Mico sabay sa pagtalikod niya sa akin."Alam mo, girl! Kung ako sa 'yo aalis na lang ako. Kasi darating na rin si ate Alice."Tinapunan ng masamang tingin ni Mico ang kanyang kapatid. Nababakas naman ang pagtataka sa aking mukha dahil sa kanyang sinabi. Tila nagulat naman ang kapatid ni Mico at umiwas ito ng tingin, saka hinipan ang kanyang daliri na animoy nagmamaang-maangan."Sino si Alice?" kunot-noo kong tanong."'Wag ka nang marami pang tanong, babae! Lumabas ka na lang at umalis sa building na to, dahil kapag dumating ang daddy ni Mico, baka siya pa ang magpalayas sa 'yo," pagsingit sa usapan ng mommy ni Mico."Hindi! Hindi ako aalis." Mabilis akong tumayo at muling lumapit kay Mico at hinawakan ang kanyang kamay. "Tell me, sino si Alice?" nangingilid ang luha kong tanong sa kanya.Muli niyang marahas na inalis ang kamay ko."Pwede ba, Sandy? Umalis ka na!"Maya-maya lang ay tinawagan ng mommy ni Mico ang mga guard na nasa labas. Mabilis silang nagtungo sa aming kinaroroonan at sapilitan akong hinawakan sa braso."Mico! Mico!"Halos mapatid ang ugat sa aking leeg kasisigaw sa kanyang pangalan habang ang mga guard ay sapilitan akong hinahatak palabas. Hindi ko na mabilang kung ilang luha pa ang lumagaslas mula sa aking mga mata. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang pinahiya ang sarili upang mapatawad lang nila.Ang lahat ng empleyado sa gusali ay nakatingin sa aking direksyon, habang ang mga guwardiya ay kinakaladkad ako palabas ng building.Isang nakahihiyang pangyayari ngunit hindi ko ito pinagsisisihan. Ginagawa ko ito upang maibalik ang loob ng lalaking mahal ko, ngunit tila ang lahat ng tungkol sa amin ay talagang tapos na."Aah!"Malakas akong napasigaw nang itulak ako ng dalawang guwardiya, dahilan upang matumba sa sahig ang aking katawan at masugat ang aking tuhod."'Wag ka nang mag-eskandalo rito. Kapag ginawa mo pa ulit to, ipapahuli ka na namin at ipapakulong!" banta ng dalawang lalaki.Tanging malalalim na hikbi na lang ang namumutawi sa aking labi. Ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib at ang kirot sa loob ng aking puso.'Wala na. Tapos na ang lahat sa amin ng lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko akalain na ganoon kadali matatapos ang lahat ng ito.'Pinilit kong igalaw ang aking katawan. Tinukod ang kamay at marahang tumayo. Ramdam ko ang pulang likido na namumuo sa aking tuhod dahil sa sugat na aking natamo, ngunit mas masakit pa rin ang kirot na nararamdaman ko sa loob ng aking puso.***Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay. Tulala ang aking mga mata sa buong magdamag. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa may lamesa rito sa kusina. Hawak ko ang isang baso na may lamang tubig ngunit hindi naman nababawasan.Hanggang sa maya-maya lang ay dumating na rin si nanay sa aming bahay, nagmamadali siyang lumapit sa akin at nababakas ang galit niyang mukha."Sandra! Ano itong naririnig ko na nag-eskandalo ka raw sa harap ng building ng mga Salvador?" galit na wika niya.Hindi ako tumugon at nanatiling tulala."Ano ka ba namang bata ka! Ano ba kasing nangyari?!" aniya, sabay sa pagtapik ng kamay niya sa aking balikat.Tila ang hampas na iyon ay hindi ko naramdaman dahil mas matimbang pa rin ang sakit na nadarama ko sa aking puso."Ano na naman ang sasabihin ng tatay mo pag-uwi no'n?" dugtong pa niya. Halata sa kanyang tinig ang pag-aalala.Nang banggitin ni nanay ang bagay na iyon, sabay kaming napalingon sa pinto nang marinig namin ang pagbukas nito."Sandra! Sandra!" malakas na sigaw ni tatay sa paghanap sa akin. Nang matamaan ng mata niya ang aking kinaroroonan, agad itong nangnisik at dali-daling nagtungo sa akin."Mathew!" malakas na napasigaw si nanay nang makita niya ang paghagis ng aking mukha dahil sa malakas na sampal ni tatay."Ano tong nalaman ko na hindi na raw matutuloy ang kasal nyo ni Mico?!" galit na galit na wika ni tatay. "Hindi ka ba talaga nag-iisip na bata ka? Mayaman ang pamilya nila. Paano na 'yong pinagkasunduan namin ng tatay ni Mico? 'Yong itatayo naming negosyo?""Mathew, 'wag ka namang magsalita nang ganyan sa anak mo!" pagpigil ni nanay kay tatay habang nakayakap sa akin."Kaya hindi nag-iisip 'yang anak mo, eh! Kinukunsinti mo kasi! Paano na ngayon? Hahayaan na lang nating mawala 'yong opportunity? Iyon na sana ang mag-aahon sa 'tin, Sandra!" sunod-sunod na bulyaw ni tatay na animoy may malaki akong pagkakasala sa kanya."Sorry po, tay. Gagawan ko po ng paraan," umiiyak kong tugon sa aking ama.Matalas pa rin ang mga tingin niya sa akin. Umamba pa siyang sampalim ako ngunit muli siyang pinigilan ni nanay."Tama na nga 'yan!" sigaw ni nanay sa kanya."Kausapin mo 'yang anak mo, ha! Hindi na ko natutuwa!" muling bulyaw ni tatay saka padabog na naglakad palayo sa aming kinaroroonan at pumasok sa silid nila ni nanay."Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni nanay saka pinahiran ang luha sa aking mga mata."Nay, bakit gano'n si tatay?" paghihinagpis ko sabay sa sunod-sunod na paghikbi.Hindi ko na mabilang kung ilang luha na ang aking nailuha at ilang oras na akong umiiyak ngayong araw."Hayaan mo na, anak. Pagod lang ang tatay mo sa trabaho," pagpapagaan ni nanay sa loob ko habang hinihimas ang aking likod.Mahigpit niya akong niyakap at doon muli akong humagulgol na animoy bata.***Lumipas ang ilang araw, hindi ko na nakausap pa si Mico. Kahit anong tawag ko sa kanyang cellphone ay hindi na niya sinasagot. Sa tingin ko ay nagpalit na rin siya ng numero.Sa ngayon, nakapalumbaba akong nakatitig sa screen ng aking computer dito sa opisina kung saan ako nagtatrabaho."Sandy, kape gusto mo? Mukhang antok ka na naman, eh," pang-aasar sa akin ng katrabaho kong si Jennie."Hindi na salamat," tugon ko saka ngumiti sa kanya.Nitong mga nakalipas na araw ay madalas nga akong inaantok. Halos bagsak ang aking katawan sa tuwing umuuwi sa bahay.Napalingon ako sa aking tabi nang maramdaman ko ang pag-upo ng aking katrabaho."Hindi na talaga kayo nagkaayos ni boss Mico, ano?" tanong niya sa akin.Mapait akong ngumiti at sinimulan muli ang pagtipa ng mga letra sa keyboard. Umiling lang ako bilang tugon sa kanya.Narinig ko ang buntonghininga niya at humigop ng kape sa hawak niyang tasa."Hayaan mo na 'yon. Ang mahalaga hindi ka niya sinesante. Nandito ka pa rin nagtatrabaho sa kompanya nila."Tumango na lang ako at huminga nang malalim. Iyon na lang din ang iniisip ko. Maswerte pa rin ako dahil hindi nila sinama ang personal life namin sa trabaho. Kahit paano, dito pa rin ako nagtatrabaho sa kompanya nila bilang admin assistant ng marketing department. Nasa kabilang building kasi ang opisina ni Mico kung saan ako nagtungo noon.Ngunit sa araw-araw na pumapasok ako sa kompanyang ito, hindi ko maiwasan ang hindi mahiya dahil sa mga nangyari. Kung minsan, kapal ng mukha at kapit sa pera na lang talaga ang pinanghahawakan ko at dahilan ng pagpasok ko rito. Kung may mahanap sana akong mas magandang trabaho, aalis na ako rito."Be, pakiabot naman 'yong papel sa printer," pagputol ni Jennie sa mga bagay na aking iniisip.Sandali akong tumingin sa kanya at bumalik ng tingin sa papel na tinutukoy."Sige," tugon ko saka marahang tumayo.Ngunit sa aking pagtayo, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo. Mabuti na lang at naihawak ko ang aking kamay sa upuan na malapit sa akin."Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ng kasama ko na ngayon ay napatayo dahil sa akin.Tumango lang ako at tumugon ng ngiti sa kanya. Maya-maya lang, muli akong nakaramdam ng pagkahilo at pag-ikot ng tiyan, dahilan upang ako ay muntik nang maduwal.Mabilis kong tinakpan ang aking bibig. Nang marinig ng aking kasama ang bagay na iyon, lumapit siya sa 'kin at hinimas ang aking likod."Sandy, okay ka lang ba talaga?""H-Hindi ko rin alam eh. Baka sa pagod lang," tugon ko saka pilit na tumawa."Hindi kaya buntis ka?"Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang bagay na kanyang sinabi. Nabalot ng kaba ang aking puso nang mapagtanto ang bagay na iyon...Sandra's POVMARIIN kong tinakpan ang aking labi nang makita ang dalawang pulang guhit na nasa pregnancy kit. Nagsimulang gumapang ang maaalat na luha sa aking pisngi nang makita ko ito."F*ck! Hindi to totoo, 'di ba?" inis kong wika sa sarili sabay sa mariing pagsuklay sa aking buhok. "Anong gagawin ko?"Yumuko ako sa loob ng cubicle kung saan ako naroroon. Pakiramdam ko ay binagsakan na ako ng langit at lupa. Tila sinusubok ang aking tatag dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon."Be, ano nang balita?" tanong ni Jennie sabay sa pagkatok niya sa pinto ng banyo."Be... positive," basag ang tinig kong tugon sa kanya.Humagulgol ako ng iyak nang bitiwan ko ang mga salitang iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. 'Paano ko to sasabihin kanila nanay? Paano ko ito paninindigan? Hindi naman kami mayaman at siguradong ikagagalit na naman ito ni tatay.'Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Jennie. Maya-maya lang, nagdesisyon na rin akong lumabas mula sa loob ng banyo.Sa aking pag
Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw at nang tuluyan kong makumpirma na ang lalaking iyon nga ang ama ng aking anak. Kasama si nanay, naglakas loob akong sabihin ang bagay na ito kay tatay."Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka naman bangag ka na naman, Sandra?" natatawa-tawa pang wika ni tatay sa akin.Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa sofa at tinitingnan ang litrato ni Lucas na ngayon ay naka-flash sa screen ng laptop na nakapatong sa lamesa."Tay, sigurado po ako. Hindi ako pwedeng magkamali sa mukha ng lalaking 'yon," pagklaro ko sa kanya."E, 'di kung gano'n, puntahan na natin 'yan at singilin. Bilyonaryo pala ang tatay ng batang 'yan, e," natutuwang wika ni tatay saka tumayo.Mabilis kong hinawakan ang kanyang braso saka siya pinigilan."Tay, naman," wika ko sa kanya."Oh, bakit? Hindi ba dapat lang singilin natin siya sa danyos na ginawa niya? 'Yan, oh! Nag-iisang tagapagmana pa 'yang bata na nasa tiyan mo."May halong inis ang tinig ni tatay. Hindi ko naman siya masis
Sandra's POV"H-HINDI mo ba ako natatandaan?"Tiningnan akong mabuti ni Lucas saka nagsalita."No. Should I?"Sinubukan kong ihakbang muli ang aking paa palapit sa kanya, ngunit agad na akong hinawakan ng mga bodyguard at tila hindi ako hinahayaang makahakbang pa nang isa."Miss, diyan ka lang," saad ng isang lalaki."A-Ako 'yong nagkamali ng pasok sa kwarto mo noong nakaraan pang linggo tapos–""I get it! I get it! Anong kailangan mo?"Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang tila naalala ako ni Lucas nang banggitin ko iyon. Tinaas niya ang kanyang palad, ito ay nagbigay hudyat sa mga bodyguard na bitiwan ako.Mariin akong lumunok at kinuyom ang kamay. Pilit akong kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang bagay na ito.'Nandito na tayo, Sandra. Gagawin ko ang lahat kahit mapahiya pa ako.'"Sir, tutal naman kinuha mo na ang lahat sa akin, baka naman pwede mo kong bigyan ng pera," Matapang kong wika. Nakita ko naman ang pagtaas ng kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Muli akong lumun
Sandra's POVMATAPOS naming maayos ang lahat ng dapat asikasuhin sa ospital at mga papeles na kailangan ibigay rito, nagdesisyon na kaming umuwi. Sinigurado kong maayos sina nanay sa bahay, saka ako bukal sa loob na sumama sa mga lalaking tauhan ni Lucas.Sumakay ako sa kotse nila. Halong kaba at pagkagulo ng isip ang bumabalot sa akin ngayon.Maya-maya lang, dumating kami sa kompanya ng mga Montenegro, ito ang parehong gusali na pinuntahan ko noon kung saan hindi ako pinaniwalaan ni Lucas.Sinamahan ako ng mga tao ni Lucas patungo sa elevator at hinatid sa kanyang opisina."Sir Lucas, nandito na po si Sandra," anunsyo ng isang lalaki saka binuksan ang pinto.Kahit may kaba, sinimulan kong ihakbang ang aking paa papasok sa loob ng opisina.Nakita ko si Lucas na nakaupo sa isang leather swivel chair. Nakapalumbaba siya at may matalas na tingin sa akin.Halos tumalon ang aking balikat nang isara ng mga lalaking iyon ang pinto ng opisina.Mariin akong lumunok at muling lumakad palapit sa
Sandra's POVTULUYANG lumalim ang gabi. Alam kong sa mga oras na ito, labis na ang pag-iisip nila nanay at tatay kung ano ang nangyari. Alam kong maiintindihan naman nila ang aking desisyon at ipaliliwanag ko naman ito sa tamang panahon, sa ngayon, kailangan kong gawin kung ano ang alam kong tama.Habang ako ay kasalukuyang nakasakay sa loob ng kotse, lihim akong sumulyap sa lalaking katabi ko ngayon, si Lucas.Matalas ang kanyang mga mata, makapal ang kilay at may mataas na balingusan ng ilong. Ang kanyang labi ay 'sing pula ng mansanas at ang kanyang kutis ay tila hindi man lang dinapuan ng lamok mula pagkabata. Napakaperpekto ng lalaking ito.Sino ang mag-aakalang ang lalaking nakita ko lang noon sa tv ay makakasama ko ngayon sa iisang sasakyan at makakasama ko pa sa iisang bubong. Hindi pa rin ako makapaniwala na titira ako sa isang mansion kasama ang isang bilyonaryo."Are you done scanning me?"Naputol ang aking iniisip nang mapagtanto kong nakatingin din pala siya sa akin. Agad
Sandra's POVNANGINGINIG ang aking kamay nang sagutin ang tawag na ito."Sandy, how are you?" panimulang wika ni Mico mula sa kabilang linya.Nagsimulang mangilid ang aking luha nang marinig ang tinig niyang iyon. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi mapigilan ang paglundag nito."M-Mico?" nauutal ko pang wika sabay sa paggapang ng luha sa aking pisngi."Sa wakas ay nakausap din kita.""M-Mico, pinapatawad mo na ba ko? Na-realize mo na ba na it was just a mistake?""I'm sorry, Sandy. Hindi ako tumawag dahil diyan." Tila umurong ang aking dila nang sabihin niya ang bagay na iyon. "Tumawag ako dahil gusto kong malaman ang totoo."Mariin akong napalunok habang pinakikinggan ang mga bagay na kanyang sinasabi."Tell me, si Lucas Montenegro ba talaga ang ama ng batang dinadala mo?"Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung paano magsisimula sa pagtugon sa kanya. Mabilis na umagos ang luha sa aking mga mata at mariin kong tinakpan ang aking bibig.Sinasabi ko na
Sandra's POVMABILIS kong tinakpan ang aking mata at tumalikod sa kanya."M-Magdamit ka nga!" sigaw ko sabay sa pamumula ng aking mukha na animoy kamatis."Kwarto ko to kaya gagawin ko kung anong gusto ko rito. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong niya."K-Kala ko kasi kwarto ko," nauutal kong wika habang naka-face the wall.Narinig ko ang kanyang pagngisi."Kalokohan! Baka gusto mo lang talagang makita ang katawan ko.""Ang kapal mo, ha!"Humarap ako sa kanya dahil sa inis na sana ay hindi ko ginawa, dahil muli kong nasilayan ang kanyang katawan."Ah! Bastos!" sigaw ko.Otomatikong kumuha ng kahit anong gamit ang aking kamay sa may lamesa na katabi ko at akmang ibabato ito sa kanya. Ngunit hindi ko pa man iyon nabibitiwan, nanlaki ang aking mga mata nang maramdamang may humawak sa aking kamay upang pigilan ako."Are you crazy? Are you trying to kill me?" inis niyang wika.Noon ko lang napagtanto na flower-vase pala ang aking hawak at kung natuloy ang paghampas ko sa kanya nito, baka
Sandra's POVNARARAMDAMAN ko ang malambot na kama na aking hinihigaan. Ang halimuyak sa paligid ay tila amoy ng gamot ngunit matamis.'Nasaan ako?'Maya-maya lang, unti-unting lumiliwanag ang aking pandinig at may mga taong nagsasalita sa aking paligid."Wala na po kayong dapat ipag-alala, ligtas po ang bata," wika ng isang lalaking nagpakunot sa aking noo."Pero gusto ko lang pong sabihin na maselan ang kanyang pagbubuntis. Kailangan niyang mag-ingat sa bawat kilos niya at hindi siya maaaring mapagod. Sa ganitong pagkakataon, Sir Lucas, kailangan ng kanyang anak ang atensyon at kalinga ng isang ama.""What do you mean?""The baby needs you, Sir."Hindi ko man maintindihan ang kanilang pinag-uusapan, tila nagising ang aking diwa dahil sa isang mainit na palad na nakahawak sa aking kamay. Kahit mabigat ang talukap ng aking mata, unti-unti ko itong binuksan at nakita ang isang puting kisame."Are you okay?" wika ng isang lalaki na may malalim na tinig.Sa paglingon ko sa aking kaliwa, n