Sandra's POV
MARIIN kong tinakpan ang aking labi nang makita ang dalawang pulang guhit na nasa pregnancy kit. Nagsimulang gumapang ang maaalat na luha sa aking pisngi nang makita ko ito."F*ck! Hindi to totoo, 'di ba?" inis kong wika sa sarili sabay sa mariing pagsuklay sa aking buhok. "Anong gagawin ko?"Yumuko ako sa loob ng cubicle kung saan ako naroroon. Pakiramdam ko ay binagsakan na ako ng langit at lupa. Tila sinusubok ang aking tatag dahil sa mga nangyayari sa akin ngayon."Be, ano nang balita?" tanong ni Jennie sabay sa pagkatok niya sa pinto ng banyo."Be... positive," basag ang tinig kong tugon sa kanya.Humagulgol ako ng iyak nang bitiwan ko ang mga salitang iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. 'Paano ko to sasabihin kanila nanay? Paano ko ito paninindigan? Hindi naman kami mayaman at siguradong ikagagalit na naman ito ni tatay.'Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan namin ni Jennie. Maya-maya lang, nagdesisyon na rin akong lumabas mula sa loob ng banyo.Sa aking paglabas, nakita ko si Jennie na ngayon ay nakatayo sa harapan ng pinto kung saan ako lumabas."Anong plano mo?"Nababakas sa mukha ni Jenny ang pag-aalala sa akin."Hindi ko alam."Patuloy sa pagluha ang aking mga mata. Naramdaman ko ang kamay ni Jennie sa aking balikat, saka niya ako niyakap nang mahigpit. Kahit paano, nakatulong sa pagpapagaan ng aking loob ang bagay na iyon.Pinilit kong ipagpatuloy ang araw kahit mahirap. Hindi ako nagpahalata sa mga kasama ko sa trabaho na mayroon akong pinagdaraanan ngayon. Ang tanging nakakaalam lang ng lahat ay si Jennie. Matapos ang araw sa opisina, kabado akong umuwi sa aming bahay.***"Ano? Buntis ka?!" malakas na sigaw nina nanay at tatay nang aminin ko ang bagay na ito.Nagdesisyon akong sabihin na ito agad dahil doon din naman ito tutungo. Wala ring mangyayari kung itatago ko pa ang pagbubuntis ko."Aba, Sandra! Wala tayong ipalalamon diyan sa anak mo na hindi naman natin alam kung sinong ama," sunod-sunod na wika ni tatay.'Tama siya. Wala akong ideya kung sino ang ama ng batang ito. Hindi ko na rin maalala ang kanyang hitsura at sa tingin ko, wala na rin siya sa hotel room kung saan ako pumasok noon.'Sa ngayon, hindi ko mahanap ang sasabihin sa aking mga magulang. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak at tumahimik na lamang."Ipalaglag mo 'yan."Sabay kaming napalingon ni nanay nang marinig ang sinabing iyon ni tatay."Mathew, naririnig mo ba ang sarili mo?" wika ni nanay sa kanya."Alam ko. Pero nabuo sa kasalanan ang batang 'yan at hindi rin naman 'yan ginusto ng anak mo. Isa pa, malas 'yang batang 'yan. Iyan ang dahilan kung bakit nawala ang business na pinakaaasam natin. Ikakasal na sana 'yang anak mo at gaganda ang buhay, pero anong nangyari?" sunod-sunod na sumbat ni tatay."Huwag mo namang sisihin ang isang inosenteng bata," inis na sagot ni nanay sa kanya.Pilit na pinakalma ni tatay ang sarili, saka humigop ng kape na nasa kanyang harapan dito sa hapag-kainan."Kayo ang bahala. Kung anong desisyon nyo," muling wika ni tatay.Tumayo siya at nagtungo sa sala, saka nagbukas ng telebisyon na animoy walang problema at hinayaan na lang kami ni nanay sa kung ano man ang aming desisyon.Napatingin naman ako kay nanay nang hawakan niya ang aking kamay."Hayaan mo na, Anak. Kasalanan sa Diyos ang sinasabi ng tatay mo. Nadala lang din siguro ng galit. 'Wag mo siyang pakinggan," payo ni nanay sa akin na kahit paano ay nagpagaan sa aking pakiramdam.Tumango ako at ngumiti sa kanya. Kung alam lang ni nanay, nais ko na rin talagang gawin ang bagay na sinasabi ni tatay ngunit hindi ko iyon magawa dahil natatakot ako.***Makalipas ang dalawang araw, hindi ako pumasok sa opisina dahil kailangan kong ipa-check up ang pagbubuntis ko. Nakumpirma kong ang lalaking iyon nga ang ama ng batang pinagbubuntis ko dahil akma sa araw ang mga sinabi ng doktor. Wala akong nagawa kung hindi ang bumuntonghininga.Habang ako ay nakasakay sa jeep at bumabyahe pauwi, lumilipad ang aking isip sa mga maaaring mangyari sa aking buhay. Isipin ko palang na papasok ako sa opisina na may malaking tiyan, nahihiya na ako. Iniisip ko kung aalis ba ako ng trabaho o ano.Sa pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si nanay na nag-aayos ng lamesa. Wala naman si tatay dahil lumabas ito. Madalas na ring lumalabas si tatay, animoy ayaw na niya kaming makita dahil madalas lang siyang magalit sa amin."Nay, tulungan na kita diyan," wika ko saka nilapag ang dala kong gamit sa sofa."Hindi na, anak. Magpahinga ka na lang muna diyan sa sofa," tugon niya sa 'kin habang nagpupunas.Ngumiti ako sa kanya at sinunod na lang ang nais. Dahil abala pa si nanay, binuksan ko ang TV. Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nanood ng telebisyon. Masiyado kasi akong abala sa trabaho kaya maging ang panonood ng balita ay hindi ko na rin nagawa.Sa pagbukas nito, agad na bumungad sa akin ang balita at mga aksidente na nangyayari sa kalsada. Hanggang sa maya-maya lang, naputol ang pinapanood ko dahil sa pagsulpot ng isang flash report."Breaking news! Matapos ang pananaksak sa bilyonaryong si Lucas Montenegro, nahuli na ang suspect na gumawa nito. Matatandaan na noong isang linggo ay sinaksak si Mr. Lucas ng isang lalaki na nag-abang sa kanya sa airport.Ayon sa suspect, napagkamalan niya raw si Mr. Lucas na ang taong may atraso sa kanya. Nakalusot sa mga body guard ang suspect nang utusan ni Mr. Lucas ang mga ito na sandaling lumayo upang makausap ang mga nais magpalitrato sa kanya, dahil dito, nagawa ng suspect ang pananaksak, dahilan upang isugod sa ospital si Mr. Lucas.Kasalukuyang nakapiit sa kulungan ang suspect at sinampahan na ng kasong attempted murder. Samantala, mabuti na ang kalagayan ni Mr. Lucas Montenegro at kasalukuyang nagpapagaling sa St. Street Medical Center. Ngunit ayon sa pagsusuri ng mga doktor, dahil sa nangyaring insidente, naapektuhan ang reproductive system ni Mr. Lucas dala ng malalim na pagkakasaksak sa ibabang bahagi ng kanyang katawan at dahil dito, maaaring hindi na siya magkaroon pa ng anak sa natural na paraan."Kumunot ang aking noo sa balitang pinanonood ko. Tila tutok na tutok ako rito dahil ngayon lang ako nakarinig ng ganitong balita."Kawawa naman 'yong lalaki. Ang yaman-yaman niya kaso hindi na siya magkakaanak," wika ko sa hangin saka nagpalumbaba. "Kung sa bagay, marami nang nagagawa ang siyensya ngayon. Mapera naman siya, kaya niyang gawan ng paraan 'yan," side comment ko pa.Muli akong bumalik sa panonood nang marinig ang pagsasalita ng isang lalaki."Actually, I don't mind having a child or something. Ang iniisip ko lang siguro ay 'yong magmamana ng lahat ng mayroon ako. But I guess matagal pa naman 'yon, saka ko na iisipin," wika ng lalaking nasa TV ngayon at ini-interview ng reporter.Nakahiga siya sa kama at halatang nasa private room. Pahapyaw na pinasulyap din ang loob ng silid niya at tila nasa isa lamang siyang condo. Hindi naman ito mukhang ospital.Ang sabi ay pinahigpit na rin ang bantay sa ospital na iyon upang maiwasang mangyari muli ang insidente.Tinitigan kong mabuti ang lalaki na ngayon ay kausap ng reporter at napasabi sa sariling, "sayang ang lahi, gwapo pa naman."Maya-maya lang, habang tinititigan ko ang kanyang mukha, hindi ko alam kung bakit tila nakita ko na siya.Kumunot ang aking noo at muli siyang tiningnan, hanggang sa magbago na ang palabas sa tv. Doon lang naputol ang mga bagay na aking iniisip."Saan ko ba nakita ang mukhang 'yon?" bulong ko sa hangin habang nakakunot ang noo at pilit na iniisip kung saan ko nakita ang pamilyar niyang mukha.Kinuha ko ang aking cellphone at agad na nag-search sa gooble. Hinanap ko ang pangalan ni Lucas Montenegro at napanganga nang malaman kung gaano siya kayaman.Siya lang naman ang nagmamay-ari ng malalaking mall dito sa pilipinas. Mayroon din siyang resort at iba't ibang residences, ganoon siya kayaman. Tinagurian din siyang The Young Billionaire dahil bata palang siya ay bilyonaryo na siya, tagapagmana kasi siya ng mga Montenegro."Sino ba to?" saad ko saka tinitigang mabuti ang litratong nakita ko na naka-flash sa screen.Hanggang sa maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang pumasok sa aking alaala ang isang bagay.Nagsimulang manginig ang aking kamay, dahilan upang mabitiwan ko ang cellphone na hawak ko."H-Hindi pwede. Totoo ba to?" hindi makapaniwala kong wika."May problema ba, anak?" tanong ni nanay nang mapansin niyang balisa ako at naihulog sa sahig ang hawak kong cellphone kanina.Nanginginig akong humarap kay nanay. Pilit kong binubuksan ang aking labi ngunit hindi lumalabas ang mga salita na nais kong sabihin."Hoy! Sandra! Ano bang nangyayari sa 'yo?" sigaw ni nanay sabay sa pagpitik ng kanyang daliri.Dahil dito, tila bumalik ako sa ulirat at nagawa kong igalaw ang aking labi."N-Nay, ang lalaking ito," nauutal ko pang wika saka pinulot ang nahulog kong cellphone at tinuro ang litrato na naka-flash sa screen.Sinundan naman ni nanay ang direksyon ng aking daliri, saka kumunot ang noo."Oh! Ano 'yang lalaking 'yan?""Siya po ang ama ng batang dinadala ko," saad ko habang nanginginig ang tinig.Hindi ako makapaniwala na isang bilyonaryo ang tatay ng batang dinadala ko. Ano na naman ba itong pinasok ko?Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw at nang tuluyan kong makumpirma na ang lalaking iyon nga ang ama ng aking anak. Kasama si nanay, naglakas loob akong sabihin ang bagay na ito kay tatay."Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka naman bangag ka na naman, Sandra?" natatawa-tawa pang wika ni tatay sa akin.Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa sofa at tinitingnan ang litrato ni Lucas na ngayon ay naka-flash sa screen ng laptop na nakapatong sa lamesa."Tay, sigurado po ako. Hindi ako pwedeng magkamali sa mukha ng lalaking 'yon," pagklaro ko sa kanya."E, 'di kung gano'n, puntahan na natin 'yan at singilin. Bilyonaryo pala ang tatay ng batang 'yan, e," natutuwang wika ni tatay saka tumayo.Mabilis kong hinawakan ang kanyang braso saka siya pinigilan."Tay, naman," wika ko sa kanya."Oh, bakit? Hindi ba dapat lang singilin natin siya sa danyos na ginawa niya? 'Yan, oh! Nag-iisang tagapagmana pa 'yang bata na nasa tiyan mo."May halong inis ang tinig ni tatay. Hindi ko naman siya masis
Sandra's POV"H-HINDI mo ba ako natatandaan?"Tiningnan akong mabuti ni Lucas saka nagsalita."No. Should I?"Sinubukan kong ihakbang muli ang aking paa palapit sa kanya, ngunit agad na akong hinawakan ng mga bodyguard at tila hindi ako hinahayaang makahakbang pa nang isa."Miss, diyan ka lang," saad ng isang lalaki."A-Ako 'yong nagkamali ng pasok sa kwarto mo noong nakaraan pang linggo tapos–""I get it! I get it! Anong kailangan mo?"Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang tila naalala ako ni Lucas nang banggitin ko iyon. Tinaas niya ang kanyang palad, ito ay nagbigay hudyat sa mga bodyguard na bitiwan ako.Mariin akong lumunok at kinuyom ang kamay. Pilit akong kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang bagay na ito.'Nandito na tayo, Sandra. Gagawin ko ang lahat kahit mapahiya pa ako.'"Sir, tutal naman kinuha mo na ang lahat sa akin, baka naman pwede mo kong bigyan ng pera," Matapang kong wika. Nakita ko naman ang pagtaas ng kanyang kilay dahil sa sinabi ko. Muli akong lumun
Sandra's POVMATAPOS naming maayos ang lahat ng dapat asikasuhin sa ospital at mga papeles na kailangan ibigay rito, nagdesisyon na kaming umuwi. Sinigurado kong maayos sina nanay sa bahay, saka ako bukal sa loob na sumama sa mga lalaking tauhan ni Lucas.Sumakay ako sa kotse nila. Halong kaba at pagkagulo ng isip ang bumabalot sa akin ngayon.Maya-maya lang, dumating kami sa kompanya ng mga Montenegro, ito ang parehong gusali na pinuntahan ko noon kung saan hindi ako pinaniwalaan ni Lucas.Sinamahan ako ng mga tao ni Lucas patungo sa elevator at hinatid sa kanyang opisina."Sir Lucas, nandito na po si Sandra," anunsyo ng isang lalaki saka binuksan ang pinto.Kahit may kaba, sinimulan kong ihakbang ang aking paa papasok sa loob ng opisina.Nakita ko si Lucas na nakaupo sa isang leather swivel chair. Nakapalumbaba siya at may matalas na tingin sa akin.Halos tumalon ang aking balikat nang isara ng mga lalaking iyon ang pinto ng opisina.Mariin akong lumunok at muling lumakad palapit sa
Sandra's POVTULUYANG lumalim ang gabi. Alam kong sa mga oras na ito, labis na ang pag-iisip nila nanay at tatay kung ano ang nangyari. Alam kong maiintindihan naman nila ang aking desisyon at ipaliliwanag ko naman ito sa tamang panahon, sa ngayon, kailangan kong gawin kung ano ang alam kong tama.Habang ako ay kasalukuyang nakasakay sa loob ng kotse, lihim akong sumulyap sa lalaking katabi ko ngayon, si Lucas.Matalas ang kanyang mga mata, makapal ang kilay at may mataas na balingusan ng ilong. Ang kanyang labi ay 'sing pula ng mansanas at ang kanyang kutis ay tila hindi man lang dinapuan ng lamok mula pagkabata. Napakaperpekto ng lalaking ito.Sino ang mag-aakalang ang lalaking nakita ko lang noon sa tv ay makakasama ko ngayon sa iisang sasakyan at makakasama ko pa sa iisang bubong. Hindi pa rin ako makapaniwala na titira ako sa isang mansion kasama ang isang bilyonaryo."Are you done scanning me?"Naputol ang aking iniisip nang mapagtanto kong nakatingin din pala siya sa akin. Agad
Sandra's POVNANGINGINIG ang aking kamay nang sagutin ang tawag na ito."Sandy, how are you?" panimulang wika ni Mico mula sa kabilang linya.Nagsimulang mangilid ang aking luha nang marinig ang tinig niyang iyon. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi mapigilan ang paglundag nito."M-Mico?" nauutal ko pang wika sabay sa paggapang ng luha sa aking pisngi."Sa wakas ay nakausap din kita.""M-Mico, pinapatawad mo na ba ko? Na-realize mo na ba na it was just a mistake?""I'm sorry, Sandy. Hindi ako tumawag dahil diyan." Tila umurong ang aking dila nang sabihin niya ang bagay na iyon. "Tumawag ako dahil gusto kong malaman ang totoo."Mariin akong napalunok habang pinakikinggan ang mga bagay na kanyang sinasabi."Tell me, si Lucas Montenegro ba talaga ang ama ng batang dinadala mo?"Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung paano magsisimula sa pagtugon sa kanya. Mabilis na umagos ang luha sa aking mga mata at mariin kong tinakpan ang aking bibig.Sinasabi ko na
Sandra's POVMABILIS kong tinakpan ang aking mata at tumalikod sa kanya."M-Magdamit ka nga!" sigaw ko sabay sa pamumula ng aking mukha na animoy kamatis."Kwarto ko to kaya gagawin ko kung anong gusto ko rito. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong niya."K-Kala ko kasi kwarto ko," nauutal kong wika habang naka-face the wall.Narinig ko ang kanyang pagngisi."Kalokohan! Baka gusto mo lang talagang makita ang katawan ko.""Ang kapal mo, ha!"Humarap ako sa kanya dahil sa inis na sana ay hindi ko ginawa, dahil muli kong nasilayan ang kanyang katawan."Ah! Bastos!" sigaw ko.Otomatikong kumuha ng kahit anong gamit ang aking kamay sa may lamesa na katabi ko at akmang ibabato ito sa kanya. Ngunit hindi ko pa man iyon nabibitiwan, nanlaki ang aking mga mata nang maramdamang may humawak sa aking kamay upang pigilan ako."Are you crazy? Are you trying to kill me?" inis niyang wika.Noon ko lang napagtanto na flower-vase pala ang aking hawak at kung natuloy ang paghampas ko sa kanya nito, baka
Sandra's POVNARARAMDAMAN ko ang malambot na kama na aking hinihigaan. Ang halimuyak sa paligid ay tila amoy ng gamot ngunit matamis.'Nasaan ako?'Maya-maya lang, unti-unting lumiliwanag ang aking pandinig at may mga taong nagsasalita sa aking paligid."Wala na po kayong dapat ipag-alala, ligtas po ang bata," wika ng isang lalaking nagpakunot sa aking noo."Pero gusto ko lang pong sabihin na maselan ang kanyang pagbubuntis. Kailangan niyang mag-ingat sa bawat kilos niya at hindi siya maaaring mapagod. Sa ganitong pagkakataon, Sir Lucas, kailangan ng kanyang anak ang atensyon at kalinga ng isang ama.""What do you mean?""The baby needs you, Sir."Hindi ko man maintindihan ang kanilang pinag-uusapan, tila nagising ang aking diwa dahil sa isang mainit na palad na nakahawak sa aking kamay. Kahit mabigat ang talukap ng aking mata, unti-unti ko itong binuksan at nakita ang isang puting kisame."Are you okay?" wika ng isang lalaki na may malalim na tinig.Sa paglingon ko sa aking kaliwa, n
Sandra's POVNANG tuluyan siyang makalapit sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, isang tingin na namamangha sa aking hitsura."Where did you get that dress? Y-You look, different," aniya habang nakangiti ang labi."Siya ba 'yong ex-girlfriend mo, Mico?"Napatingin ako sa babaeng kasama niya nang marinig ko siyang magsalita."Sa kasamaang palad, oo," natatawang wika ni Mico.Mariin kong kinuyom ang aking kamay. Nakikita ko kung paano nila ako maliitin at pagtawanan. Sa tingin ko, ang babaeng ito ay ang tinatawag ng kapatid niyang si Alice. Baka nga noong kami palang ay nilalandi na rin niya ang babaeng ito.Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mata nang maalala ang nakaraan namin ni Mico. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang beses niya akong saktan, minamahal ko pa rin siya.Matapos ang pangungutya at pag-uusap ng dalawa, muling tumingin sa akin si Mico at nagsalita."Anyway, Sandy. Tungkol doon sa bagay na sinabi ko sa 'yo sa telepono, you have to–""May problema ba rit