Sandra's POVHINDI ko sinasadyang tumayo sa labas ng pinto ng silid ni Lucas habang nakikinig sa usapan nila ng babaeng si Trina. Nais kong malaman ang kanilang usapan dahil hindi ko maintindihan ang bagay na nararamdaman ng aking puso.Nang marinig ko ang sinabi kanina ni Trina, nagsimulang kumirot ang bagay na nasa loob ng aking dibdib. Akala ko noon ay isa lang siyang espesyal na kaibigan para kay Lucas base sa kanilang litrato, ngunit nagkamali ako, siya pala ay fiancé ni Lucas.Nagsimulang bumagsak ang aking balikat dahil sa nadarama ko.'Ano naman ang laban ko sa isang fiancé?'"Ilang buwan kang nawala, tapos ngayon ka lang ulit magpapakita? Anong kailangan mo, Trina?" saad ni Lucas.Sa mga oras na iyon, nakita ko ang maliit na siwang sa pinto. Lumingon muna ako sa kaliwa at kanan upang masigurado na walang nakatingin sa akin. Sinimulan kong sumilip sa pinto upang mas makita nang maayos ang dalawang ngayon ay nag-uusap sa loob."'Wag ka nang magalit, honey. May inasikaso lang ak
Sandra's POVNANGINGINIG ang aking katawan habang dahan-dahang hinahakbang ang paa palayo sa silid na iyon. Litong-lito ang aking isip at ang mga mata ko ay nanlalaki dahil sa aking narinig.'Paano? Paano naiisip ng babaeng ito ang mga bagay na iyon? Totoo ba? Kaya ba niyang gawin ang ganoong bagay sa isang inosenteng bata?'Mabilis akong nagtungo sa aking silid at sinarado ang pinto. Animoy nais nang tumalon ng puso ko palabas ng aking dibdib dahil sa kaba na nararamdaman.Nagsimulang mangilid ang luha ko dahil sa takot. Hindi pa rin mawala ang panginginig ng katawan ko at hindi ko mapakalma ang sarili. Tila walang lakas ang aking paa nang ihakbang ko ito patungo sa kama, mabuti na lang at agad kong naisuporta ang aking kamay sa higaan, dahilan upang hindi ako tuluyang bumagsak.'Anong gagawin ko? Kung totoo ang bagay na sinasabi niya? H-Hindi ko maaaring payagang mangyari ang bagay na 'yon.'Hindi ko alam kung ilang butil ng luha na ang aking nailuha. Noong gabing iyon ay hindi rin
Sandra's POVTUMAYO ako nang tuwid habang nanginginig ang katawan. Dahan-dahan akong humarap sa taong nasa aking likuran at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung sino siya."M-Mang Ben," pagtawag ko sa pangalan ng mayordomo ng mansion."Saan kayo pupunta, Ms. Sandra? Bakit dala mo ang iyong maleta?" muli niyang tanong.Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi nang mapagtantong maaaring hindi na ako makaalis sa lugar na ito dahil naaktuhan niya ako. Ayokong tanggapin na dito na matatapos ang aking buhay."M-Mang Ben, ayoko nang magsinungaling pa. Pwede bang hayaan mo na lang akong makaalis sa lugar na ito? Ayoko nang manatili rito.""Pero bakit, Ms. Sandra? Maayos naman kayo ni Sir Lucas at malaki ang pinagbago niya dahil sa 'yo," aniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Sir Lucas, kung aalis ka, siguradong babalik siya sa dati," muli niyang wika.Marahan kong tinanggal ang kamay ni Mang Ben sa aking balikat. Hindi
Sandra's POV"Delivery po."NAKAHINGA kami nang maluwag nang marinig namin ang sigaw na iyon mula sa pinto. Nagkatinginan pa kami ni Jennie at natawa sa isa't isa."Hindi na talaga ako magkakape, girl! Nagiging nerbyosa na ko," natatawa niyang biro saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Wait lang, kuya!" sigaw niya sa delivery boy na nasa labas.Binuksan ni Jennie ang pinto at kinuha ang pagkain na in-order niya roon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip dahil mula sa lamesang kinaroroonan ko, bahagya akong sumilip sa pinto.Nagtama ang mata namin ng delivery guy na iyon at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Nagtaka si Jennie at gayon din ako. Nababakas sa mukha ni kuyang delivery ang pagtataka at animoy pamilyar ako sa kanya."Kuya, may problema ba?" pagputol ni Jennie sa pag-uusisa ng lalaki."H-Ha? W-Wala naman. Sige po, salamat po, ma'am," nauutal pang wika ng lalaki saka tumalikod.Ngunit bago siya lumakad, muli siyang lumingo sa akin at isang huling sulyap ang kanyang g
Sandra's POVKINAGABIHAN, ang inakala kong magiging maayos na buhay ay nagbago. Minulat ko ang aking mga mata nang makarinig ng ingay mula sa salas. Wala si Jennie sa aking tabi at alas-otso na rin ng gabi. Marahan akong umupo habang sinasapo ang malaki kong tiiyan, saka kunot-noong tumingin sa paligid."Nasaan si Jen? Alam ko sabay kaming natulog," wika ko sa hangin.Nagkibit-balikat ako saka nilapat ang paa sa sahig. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw."Sino po sila?"Kumunot ang aking noo nang marinig si lolo na nag-uusap at binuksan ang pinto ng bahay. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang mga tao ni Lucas sa pagbukas ng pinto "Napag-alaman po namin na nandito raw si Ms. Sandra Montes.""H-Ha?""Nandito kami para sunduin siya."Tila binuhusan ng malamig na tubig ang aking katawan at ang aking mga paa ay nanigas sa kinatatayuan ko. Kahit isang hakbang ay hindi ko magawa kaya nanatili akong nandoon at nakatayo.Maya-maya lang, bahagyang sumilip
Sandra's POVMARAHIL may mga bagay na sadya nating nararanasan upang mapagtagumpayan ang buhay. Baka kaya tayo sinusubok nang ganito ng tadhana ay dahil alam niyang kaya nating lumaban. Ngunit paano kung nais mo nang sumuko? Paano kung nais mo nang wakasan ang lahat dahil akala mo, hindi mo na kaya. Susuko ka na lang ba basta-basta? Hindi. Hindi dapat. May mga tao ang mas nakararanas ng mas matinding pagsubok bukod sa atin. Isa lang tayo sa maraming tao na iyon. Kaya sana, kahit anong pagsubok ang ibato sa atin ng tadhana, walang susuko. Kakapit at lalaban tayo upang mapagtagumpayan ang lahat. Lagi mong tandaan na kung nasa ibaba ang iyong buhay ngayon, pasasaan ba't iikot din ang gulong at makadarating ka rin sa tuktok.Ito ang mga bagay na sinabi sa 'kin ni nanay noong bata pa ako. Hindi sila sumuko noon, bagkus, lumaban sila para sa 'kin, para sa isang babaeng gaya ko, ang babaeng si Sandy.***UMIIKOT ang aking paningin at naririnig ko ang nagkakagulong tao sa aking paligid. Nanla
Sandra's POVDAHIL sa isang pagkakamali, ang lahat sa akin ay nawala. Ang itinakdang kasal ay hindi natuloy. Nawalan ako ng trabaho at maging ang kalayaan ko ay tila nawala na rin sa akin, dahil alam kong kahit saan ako magpunta, isang maling hakbang ko lang ay malalaman ni Lucas na buhay ako.Maging ang halos buong pagkatao ko ay nawala. Marahil, pati ang hawak kong buhay ngayon ay hiram na lang. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, isang bagay ang pinagpapasalamat ko sa Diyos. Kahit paano, isang bagay ang tinupad niya sa mga hiling ko – ang mabuhay ang anak ko.Marahan akong tumingin sa incubator tube na nasa tabi ng aking kama at sinilayan ang mukha ng aking anak na ngayon ay mahimbing na natutulog. Sumilay ang ngiti sa aking labi habang minamasdan ang maliit na anghel na ito.'Napakalakas mo, anak. Salamat at hindi ka sumuko.'Naaalala ko pa noong araw na iyon. Noong nagsimulang manginig ang katawan ng anak ko. Sinigaw ko sa kanya na lumaban siya at hindi naman niya ako binigo
Sandra's POVHALOS lumuwa ang mga mata namin ni Jennie habang nakatayo at nakatingin sa loob ng condo ni Gab. Hindi namin inakala na totoo ang lahat ng kanyang sinasabi at ang lugar na nasa harapan namin ngayon ang siyang patunay.Ang unit niya ay nasa penthouse at mayroon itong malawak na lugar. Mataas ang ceiling na animoy isang mansion."A-Ang laki naman ng bahay mo," wika ko kay Gab."Maliit pa ito kumpara sa bahay namin sa Manila. Anyway, dito ka muna tumigil pansamantala, Sandy. Habang wala ka pang plano," pag-alok sa akin ni Gab.Ngumiti ako sa kanya at tumango. Tama siya, wala pa nga akong plano. Pakiramdam ko ay ito na ang pangalawa kong buhay at kailangan mas maayos ko ito."Kita mo, ang laki pala ng bahay mo, doon ka kanila lola nakikisiksik," inis na wika ni Jennie."Eh, sa lagay mas gusto ko roon," tugon naman ni Gab.Nag-ismid na lang si Jennie nang pabiro, saka tumingin sa akin."Oo nga pala, Sandy. Kailangan ko nang bumalik sa Manila, ang tagal ko na ring naka-leave, b