Sandra's POV
TULUYANG lumalim ang gabi. Alam kong sa mga oras na ito, labis na ang pag-iisip nila nanay at tatay kung ano ang nangyari. Alam kong maiintindihan naman nila ang aking desisyon at ipaliliwanag ko naman ito sa tamang panahon, sa ngayon, kailangan kong gawin kung ano ang alam kong tama.Habang ako ay kasalukuyang nakasakay sa loob ng kotse, lihim akong sumulyap sa lalaking katabi ko ngayon, si Lucas.Matalas ang kanyang mga mata, makapal ang kilay at may mataas na balingusan ng ilong. Ang kanyang labi ay 'sing pula ng mansanas at ang kanyang kutis ay tila hindi man lang dinapuan ng lamok mula pagkabata. Napakaperpekto ng lalaking ito.Sino ang mag-aakalang ang lalaking nakita ko lang noon sa tv ay makakasama ko ngayon sa iisang sasakyan at makakasama ko pa sa iisang bubong. Hindi pa rin ako makapaniwala na titira ako sa isang mansion kasama ang isang bilyonaryo."Are you done scanning me?"Naputol ang aking iniisip nang mapagtanto kong nakatingin din pala siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin nang magtama ang aming mga mata, saka ako tumingin sa bintana."One more thing..." wika niya.Muli akong tumingin sa kanya na may kunot na noo."Sa loob ng siyam na buwan, hindi ka pwedeng umibig sa 'kin, naiintidihan mo?"Halos malaglag ako sa aking kinauupuan dahil sa kapreskohan ng lalaking ito."Bakit naman ako magkakagusto sa 'yo? Ang sama kaya ng ugali mo," iritable kong wika saka humalikipkip."Mabuti nang malinaw," aniya."Isa pa, isa lang ang taong mahal ko at 'yon ay si Mico–" naputol ang aking sasabihin nang maalala kong muli ang lalaking iyon, ang lalaking hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.Yumuko ako nang makaramdam ng lungkot at bigat ng balikat."So, where is he now? Aren't you supposed to get married?" pang-aasar pa niya.Mariin ko na lang na kinagat ang aking labi saka tumahimik. Ayoko nang makipagdebate sa lalaking ito dahil kahit anong sabihin ko, alam kong hindi naman siya magpapatalo.Narinig ko pa ang pagngisi niya nang tuluyan akong tumahimik. Makalipas ang ilang oras, napansin kong malayo na kami sa syudad at tanging malalaking bahay na lang ang nakikita ko sa isang malawak na executive village hanggang sa maya-maya lang, tuluyan nang huminto ang sinasakyan naming limousine."We're here," anunsyo nya.Tumingin ako sa labas ng bintana. Nanlaki ang aking mga mata nang mamasdan ang isang malaki at puting bahay. Animoy palasyo ang lawak nito na kung saan may mga rebulto ng lion na may ilaw sa loob bibig, animoy nagsisilbing liwanag sa labas ng double-door.'Ligtas pa ba ko sa lugar na to?' saad ko sa sarili.Maya-maya lang, nagsimulang bumaba ang mga bodyguard ni Lucas at pinagbuksan kami ng pinto. Sa aking paglabas, bumungad sa akin ang mga kasambahay na nakahilera. Nakikita ko lang ito sa mga telenovela, hindi ko akalaing may ganito pala sa totoong buhay?"Let's go," pag-aya ni Lucas saka diretsong naglakad.Sinimulan kong ihakbang ang aking paa kahit naguguluhan pa rin ang isip. Tinitingnan ko ang mga babaeng kasambahay na nakahilera ngayon sa aming nilalakaran. Nakayuko ang kanilang ulo ngunit ang iba ay hindi mapigilang hindi sumulyap sa akin, marahil ay nagtataka sila kung sino ako.Nang tuluyan kaming makapasok sa loob, halos mabali ang aking leeg sa paglibot ng aking paningin sa paligid. Napakataas ng kanilang ceiling at may malaking diamond chandelier. May malawak na hagdan sa aming harapan at napakagandang veranda."Punasan mo 'yang laway mo," pagtawag ni Lucas sa aking atensyon, saka siya ngumisi.Tiningnan ko ang aking labi, wala naman iyong laway."Dumating na ba si Trina?" tanong niya sa lalaking mayordomo saka binigay ang itim niyang coat."Ilang buwan daw siyang mawawala, Sir Lucas. Hindi pa rin po siya makapaniwala sa nabalitaan."Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Lucas."Let her be," maiksi niyang tugon. "Cathy, samahan mo ang babaeng ito sa kanyang kwarto. Magpapahinga na ko.""Yes, sir."Lumapit sa akin ang isang babae na nakasuot ng maid-outfit na animoy Japanese."Ma'am, sumunod po kayo sa 'kin," aniya habang nakayuko ang ulo.Tumango lang ako at nagsimulang maglakad. Isang huling sulyap naman ang ginawa ko sa direksyong kinaroroonan ni Lucas. Dirediretso lang siya sa paglalakad hanggang sa hindi ko na siya matanaw.***"Ito po ang magiging silid nyo, ma'am," saad ng aking kasama.Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kanyang balikad."Miss, hindi mo naman kailangan maging pormal. Pwede bang kausapin mo na lang ako na parang kaibigan lang? Naiilang kasi ako," wika ko sa kanya habang may malaking ngiti sa labi.Natulala naman ang babaeng nasa aking harapan, animoy ngayon lang siya nakakita ng taong ngumingiti."May problema ba?" tanong ko sa kanya."W-Wala naman po, ma'am–""Sandy, tawagin mo kong Sandy," pagputol ko sa kanyang sasabihin."Sige po. Ako po si Cathy," aniya na may ngiti sa labi."Grabe pala ang laki ng bahay na 'to, ano?" namamangha kong wika habang nililibot ang aking paningin sa loob ng silid na magiging kwarto ko.Napakalaki nito at tila dalawang bahay na rin kung susukatin."Opo, ma'am. Isa lang po ito sa limang mansion ng mga Montenegro.""Lima?" gulat kong wika.Tumango naman siya.Literal na mayaman pala talaga ang lalaking iyon. No wonder ganoon siya kayabang."Ms. Sandy, tawagin nyo lang po ako kung may kailangan kayo," aniya."Sandy na lang," muli kong pagtama sa kanyang sinabi. Nahiya naman si Cathy sa akin."S-Sige po, S-Sandy."Ngumiti ako nang marinig ang aking pangalan. Hindi ko alam kung paano tratuhin ni Lucas ang mga katulong dito, ngunit sa mga inaakto ng babaeng ito, sigurado akong strikto siya sa pamamalakad ng mansion na ito.Matapos ang usapan na iyon ay lumabas na siya ng aking silid. Lumakad naman ako patungo sa aking kama habang nakapako pa rin ang pamamangha sa mukha.Hindi pa rin ako makapaniwala na mararanasan kong tumira sa ganitong klaseng lugar. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Tinawagan ko sila nanay na alam kong sa mga oras na ito ay nag-aalala na."Anak, nasaan ka? Sabihin mo sa 'kin ang totoo!"Sunod-sunod na wika ni nanay nang sagutin niya ang telepono. Tumaas ang magkabilang gilid ng aking labi nang marinig ko ang nag-aalala niyang tinig."Nay, okay naman po ako. Nandito ako sa bahay nila Lucas.""Bakit? Anong ginagawa mo diyan?" pagsingit ni tatay."Huminga ako nang malalim at sinandal ang likod sa headboard ng kama, saka muling nagsalita, "tinanggap na po kasi niya ang bata at nagkaroon kami ng kasunduan.""Kasunduan? Anong kasunduan?""Basta po, tatay. Ipapaliwanag ko na lang pagbalik ko."Mariin kong kinuyom ang aking kamay. Hindi ko magawang ipaliwanag sa kanila na ipinagbili ko ang batang hindi pa nailalabas. Marahil ay halohalong emosyon ang mararamdaman ng aking mga magulang sa oras na malaman nila ito, kaya sa ngayon, hindi ko pa ito maamin.Pilit kong binago ang usapan namin, pinaramdam ko sa kanila na nasa maayos akong kalagayan at wala silang dapat ipag-alala. Matapos kumalma ang aking mga magulang, nagpaalam na rin kami sa isa't isa.Sa pagbaba ng aking kamay, tinanaw ko ang malayong kisame at hindi mapigilang hindi mag-isip sa mga bagay na nararanasan ko. Napapabuntonghininga na lang ako dahil sa bilis ng mga pangyayari.Muli akong napatingin sa aking cellphone nang maramdaman ang pag-vibrate nito, saka ko nakita ang pangalan ng katrabaho kong si Jennie."Hello, Jen?""Girl? Nasaan ka ba? Ilang linggo ka nang absent, ha? Awol ka na niyan," sunod-sunod niyang bulyaw sa akin.Napangiti ako nang maalalang napabayaan ko na nga ang aking trabaho."Sorry, Jen. Marami kasing nangyari, saka alam mo naman ang sitwasyon ko ngayon, 'di ba?""Oo nga. Kaso panay ang hanap sa 'yo ni Sir Mico."Nanlaki ang aking mata at agad na napabalikwas ng upo nang marinig ko iyon."Hinahanap niya ko?" tanong ko.Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi naman kaila sa akin na hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Mico. Marahil ay naisip na niyang hindi niya ako kayang iwan."Oo, girl. Hinahanap ka niya. May nakita yata siyang article sa isang magazine, hindi ako sure."Nanlaki ang aking mga mata at bumagsak ang aking balikat. Ang mga ngiti sa aking labi kanina ay unti-unting nawala.'Mukhang nalaman na niyang buntis ako,' wika ko sa isip."Hello? Hello? Nakikinig ka pa ba, Sandy?"Tuluyang nanlambot ang aking katawan. Hindi ko na rin namalayan na naibaba ko na pala ang telepono at hindi na napakinggan ang bagay na nais pang sabihin ni Jennie sa kabilang linya.Sa tingin ko, sa mga oras na ito. Alam na rin ni Mico na anak ng isang Lucas Montenegro ang batang ito.Maya-maya lang, muli kong narinig ang pagtunog ng aking telepono. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang pangalan ni Mico na naka-flash sa screen.Sa dami ng araw na nakalipas, ngayon ko lang ulit nakita ang pangalan ni Mico sa aking cellphone, dahilan upang bumilis ang tibok ng aking puso.Sandra's POVNANGINGINIG ang aking kamay nang sagutin ang tawag na ito."Sandy, how are you?" panimulang wika ni Mico mula sa kabilang linya.Nagsimulang mangilid ang aking luha nang marinig ang tinig niyang iyon. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi mapigilan ang paglundag nito."M-Mico?" nauutal ko pang wika sabay sa paggapang ng luha sa aking pisngi."Sa wakas ay nakausap din kita.""M-Mico, pinapatawad mo na ba ko? Na-realize mo na ba na it was just a mistake?""I'm sorry, Sandy. Hindi ako tumawag dahil diyan." Tila umurong ang aking dila nang sabihin niya ang bagay na iyon. "Tumawag ako dahil gusto kong malaman ang totoo."Mariin akong napalunok habang pinakikinggan ang mga bagay na kanyang sinasabi."Tell me, si Lucas Montenegro ba talaga ang ama ng batang dinadala mo?"Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung paano magsisimula sa pagtugon sa kanya. Mabilis na umagos ang luha sa aking mga mata at mariin kong tinakpan ang aking bibig.Sinasabi ko na
Sandra's POVMABILIS kong tinakpan ang aking mata at tumalikod sa kanya."M-Magdamit ka nga!" sigaw ko sabay sa pamumula ng aking mukha na animoy kamatis."Kwarto ko to kaya gagawin ko kung anong gusto ko rito. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong niya."K-Kala ko kasi kwarto ko," nauutal kong wika habang naka-face the wall.Narinig ko ang kanyang pagngisi."Kalokohan! Baka gusto mo lang talagang makita ang katawan ko.""Ang kapal mo, ha!"Humarap ako sa kanya dahil sa inis na sana ay hindi ko ginawa, dahil muli kong nasilayan ang kanyang katawan."Ah! Bastos!" sigaw ko.Otomatikong kumuha ng kahit anong gamit ang aking kamay sa may lamesa na katabi ko at akmang ibabato ito sa kanya. Ngunit hindi ko pa man iyon nabibitiwan, nanlaki ang aking mga mata nang maramdamang may humawak sa aking kamay upang pigilan ako."Are you crazy? Are you trying to kill me?" inis niyang wika.Noon ko lang napagtanto na flower-vase pala ang aking hawak at kung natuloy ang paghampas ko sa kanya nito, baka
Sandra's POVNARARAMDAMAN ko ang malambot na kama na aking hinihigaan. Ang halimuyak sa paligid ay tila amoy ng gamot ngunit matamis.'Nasaan ako?'Maya-maya lang, unti-unting lumiliwanag ang aking pandinig at may mga taong nagsasalita sa aking paligid."Wala na po kayong dapat ipag-alala, ligtas po ang bata," wika ng isang lalaking nagpakunot sa aking noo."Pero gusto ko lang pong sabihin na maselan ang kanyang pagbubuntis. Kailangan niyang mag-ingat sa bawat kilos niya at hindi siya maaaring mapagod. Sa ganitong pagkakataon, Sir Lucas, kailangan ng kanyang anak ang atensyon at kalinga ng isang ama.""What do you mean?""The baby needs you, Sir."Hindi ko man maintindihan ang kanilang pinag-uusapan, tila nagising ang aking diwa dahil sa isang mainit na palad na nakahawak sa aking kamay. Kahit mabigat ang talukap ng aking mata, unti-unti ko itong binuksan at nakita ang isang puting kisame."Are you okay?" wika ng isang lalaki na may malalim na tinig.Sa paglingon ko sa aking kaliwa, n
Sandra's POVNANG tuluyan siyang makalapit sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, isang tingin na namamangha sa aking hitsura."Where did you get that dress? Y-You look, different," aniya habang nakangiti ang labi."Siya ba 'yong ex-girlfriend mo, Mico?"Napatingin ako sa babaeng kasama niya nang marinig ko siyang magsalita."Sa kasamaang palad, oo," natatawang wika ni Mico.Mariin kong kinuyom ang aking kamay. Nakikita ko kung paano nila ako maliitin at pagtawanan. Sa tingin ko, ang babaeng ito ay ang tinatawag ng kapatid niyang si Alice. Baka nga noong kami palang ay nilalandi na rin niya ang babaeng ito.Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mata nang maalala ang nakaraan namin ni Mico. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang beses niya akong saktan, minamahal ko pa rin siya.Matapos ang pangungutya at pag-uusap ng dalawa, muling tumingin sa akin si Mico at nagsalita."Anyway, Sandy. Tungkol doon sa bagay na sinabi ko sa 'yo sa telepono, you have to–""May problema ba rit
Sandra's POVHINDI ko sinasadyang tumayo sa labas ng pinto ng silid ni Lucas habang nakikinig sa usapan nila ng babaeng si Trina. Nais kong malaman ang kanilang usapan dahil hindi ko maintindihan ang bagay na nararamdaman ng aking puso.Nang marinig ko ang sinabi kanina ni Trina, nagsimulang kumirot ang bagay na nasa loob ng aking dibdib. Akala ko noon ay isa lang siyang espesyal na kaibigan para kay Lucas base sa kanilang litrato, ngunit nagkamali ako, siya pala ay fiancé ni Lucas.Nagsimulang bumagsak ang aking balikat dahil sa nadarama ko.'Ano naman ang laban ko sa isang fiancé?'"Ilang buwan kang nawala, tapos ngayon ka lang ulit magpapakita? Anong kailangan mo, Trina?" saad ni Lucas.Sa mga oras na iyon, nakita ko ang maliit na siwang sa pinto. Lumingon muna ako sa kaliwa at kanan upang masigurado na walang nakatingin sa akin. Sinimulan kong sumilip sa pinto upang mas makita nang maayos ang dalawang ngayon ay nag-uusap sa loob."'Wag ka nang magalit, honey. May inasikaso lang ak
Sandra's POVNANGINGINIG ang aking katawan habang dahan-dahang hinahakbang ang paa palayo sa silid na iyon. Litong-lito ang aking isip at ang mga mata ko ay nanlalaki dahil sa aking narinig.'Paano? Paano naiisip ng babaeng ito ang mga bagay na iyon? Totoo ba? Kaya ba niyang gawin ang ganoong bagay sa isang inosenteng bata?'Mabilis akong nagtungo sa aking silid at sinarado ang pinto. Animoy nais nang tumalon ng puso ko palabas ng aking dibdib dahil sa kaba na nararamdaman.Nagsimulang mangilid ang luha ko dahil sa takot. Hindi pa rin mawala ang panginginig ng katawan ko at hindi ko mapakalma ang sarili. Tila walang lakas ang aking paa nang ihakbang ko ito patungo sa kama, mabuti na lang at agad kong naisuporta ang aking kamay sa higaan, dahilan upang hindi ako tuluyang bumagsak.'Anong gagawin ko? Kung totoo ang bagay na sinasabi niya? H-Hindi ko maaaring payagang mangyari ang bagay na 'yon.'Hindi ko alam kung ilang butil ng luha na ang aking nailuha. Noong gabing iyon ay hindi rin
Sandra's POVTUMAYO ako nang tuwid habang nanginginig ang katawan. Dahan-dahan akong humarap sa taong nasa aking likuran at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung sino siya."M-Mang Ben," pagtawag ko sa pangalan ng mayordomo ng mansion."Saan kayo pupunta, Ms. Sandra? Bakit dala mo ang iyong maleta?" muli niyang tanong.Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi nang mapagtantong maaaring hindi na ako makaalis sa lugar na ito dahil naaktuhan niya ako. Ayokong tanggapin na dito na matatapos ang aking buhay."M-Mang Ben, ayoko nang magsinungaling pa. Pwede bang hayaan mo na lang akong makaalis sa lugar na ito? Ayoko nang manatili rito.""Pero bakit, Ms. Sandra? Maayos naman kayo ni Sir Lucas at malaki ang pinagbago niya dahil sa 'yo," aniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Sir Lucas, kung aalis ka, siguradong babalik siya sa dati," muli niyang wika.Marahan kong tinanggal ang kamay ni Mang Ben sa aking balikat. Hindi
Sandra's POV"Delivery po."NAKAHINGA kami nang maluwag nang marinig namin ang sigaw na iyon mula sa pinto. Nagkatinginan pa kami ni Jennie at natawa sa isa't isa."Hindi na talaga ako magkakape, girl! Nagiging nerbyosa na ko," natatawa niyang biro saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Wait lang, kuya!" sigaw niya sa delivery boy na nasa labas.Binuksan ni Jennie ang pinto at kinuha ang pagkain na in-order niya roon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip dahil mula sa lamesang kinaroroonan ko, bahagya akong sumilip sa pinto.Nagtama ang mata namin ng delivery guy na iyon at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Nagtaka si Jennie at gayon din ako. Nababakas sa mukha ni kuyang delivery ang pagtataka at animoy pamilyar ako sa kanya."Kuya, may problema ba?" pagputol ni Jennie sa pag-uusisa ng lalaki."H-Ha? W-Wala naman. Sige po, salamat po, ma'am," nauutal pang wika ng lalaki saka tumalikod.Ngunit bago siya lumakad, muli siyang lumingo sa akin at isang huling sulyap ang kanyang g