Share

Chapter 6

Author: Rhan Jang
last update Last Updated: 2023-03-13 18:30:04

Sandra's POV

MATAPOS naming maayos ang lahat ng dapat asikasuhin sa ospital at mga papeles na kailangan ibigay rito, nagdesisyon na kaming umuwi. Sinigurado kong maayos sina nanay sa bahay, saka ako bukal sa loob na sumama sa mga lalaking tauhan ni Lucas.

Sumakay ako sa kotse nila. Halong kaba at pagkagulo ng isip ang bumabalot sa akin ngayon.

Maya-maya lang, dumating kami sa kompanya ng mga Montenegro, ito ang parehong gusali na pinuntahan ko noon kung saan hindi ako pinaniwalaan ni Lucas.

Sinamahan ako ng mga tao ni Lucas patungo sa elevator at hinatid sa kanyang opisina.

"Sir Lucas, nandito na po si Sandra," anunsyo ng isang lalaki saka binuksan ang pinto.

Kahit may kaba, sinimulan kong ihakbang ang aking paa papasok sa loob ng opisina.

Nakita ko si Lucas na nakaupo sa isang leather swivel chair. Nakapalumbaba siya at may matalas na tingin sa akin.

Halos tumalon ang aking balikat nang isara ng mga lalaking iyon ang pinto ng opisina.

Mariin akong lumunok at muling lumakad palapit sa kanyang kinaroroonan.

"Seat here," utos niya sabay sa pagturo sa bakanteng sofa na nasa kanyang kaliwa.

Sa aking pag-upo, nagulat pa ako nang makita ang pagbato niya ng isang news magazine at bumagsak ito sa lamesa na nasa aking harapan.

Kumunot ang aking noo habang tinitingnan ang magazine.

'The Illegitimate child of Lucas Montenegro, the young billionaire.'

Mabilis na tumibok ang aking puso dahil sa kaba nang mabasa ang bagay na nakasulat dito.

"Alam mo ba kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo?" panimula niyang wika.

"S-Sir?"

Noon ko naalala ang mga taong kumuha sa akin ng litrato noong panahong pumunta ako rito at sinabing buntis ako. Hindi ko akalain na ikakalat nila ang balitang iyon upang sirain ang imahe ng lalaking ito.

Nababakas sa mukha ni Lucas ang galit sa akin.

"Ganito na ba ang modus nyo ngayon?" aniya, pagtukoy sa kumakalat na balita. Huminga siya nang malalim at muling nagsalita. "I already settled the bills on the hospital, now do your part. Fix this messed!"

Muli kong tiningnan ang magazine na nasa aking harapan. Kahit may kumalat na ganitong balita tungkol sa kanya, hindi pa rin pala siya naniniwala sa 'kin. Pinalalabas pa rin niyang nagsisinungaling ako at nais niyang bawiin ang sinabi ko.

"Kung ganoon, hindi ka pa rin pala naniniwala," matapang kong wika sa kanya saka tumingin nang diretso sa mga mata niya.

"Why? Saan ako dapat maniwala? That I'm the father of your child?"

"Look, miss. I don't have a time for this nonsense. Just clean my name and we're done," iritableng saad ni Lucas habang nilalagay ang reading glass sa kanyang mata.

Mariin akong lumunok at kinuyom ang mga kamay.

"Two weeks ago isang babae ang maling pumasok sa kwarto nyo sa Mayland Residences." Natigilan si Lucas sa kanyang ginagawa nang marinig niya ang bagay na aking sinabi. "Lasing na lasing ako noon at inakalang ang kasama ko sa kwarto ay ang fiancé ko," pagpapatuloy ko.

Nagsimulang gumapang ang luha sa aking mga mata habang nababakas ang matapang kong tingin sa kanya.

"You took advantage of me, Mr. Lucas. Binigay ko ang v*rginity ko sa 'yo, sa isang lalaking hindi ko kilala."

Marahas akong tumayo at pinunasan ang aking luha.

"Sa tingin ko, deserve mo kung anong nangyayari sa 'yo ngayon. Deserve mong hindi na magkaanak dahil duwag ka!" pagbibigay diin ko sa mga salitang iyon.

Nagsimula akong tumalikod sa kanya, saka hinakbang ang mga paa palayo sa kanyang kinaroroonan.

Napahilamos ng mukha si Lucas dahil sa inis. Agad siyang tumayo at mabilis na lumakad patungo sa akin. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso at pinigilan akong lumabas ng opisina. Bumalik ako ng tingin sa kanya.

"Let's talk," maiksi niyang wika.

***

Nang tuluyan kaming kumalma, sinubukan naming mag-usap muli. Bumalik ako sa sofa at si Lucas naman ay bumalik sa kanyang swivel chair.

Pinag-intertwined ni Lucas ang kanyang mga daliri at sinandal ang likod sa backrest ng upuan.

"Here's the deal, I want to conduct a CVS on that child. Gusto kong masigurado na ako nga ang ama ng batang 'yan."

"At kapag napatunayan mo?"

"Will you please listen to me first."

Tila umurong ang aking dila nang makita ang seryoso niyang mukha.

"Kapag napatunayan kong ako nga ang ama... kukunin ko ang bata."

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Agad akong napatayo at kinuyom ang kamay.

"H-Ha? Hindi ako papayag!"

"Why? Do you plan to control me using that child?"

"S-Sir."

"Babayaran kita... I guess ten million is enough? O mababa pa 'yon sa 'yo?"

Napailing ako at mariing lumunok. Nagsimulang mangilid ang aking luha nang marinig ang mga bagay na kanyang sinasabi.

'Anong akala niya sa 'kin, paanakan?'

"'Wag kang mag-alala, kapag napatunayan kong nagsasabi ka ng totoo, kalilimutan ko ang mga nangyaring ito. You're going to live in my mansion and my people will take care of you, hanggang mailabas mo ang bata. After that, I will give you the money," seryoso niyang saad saka tumaas ang magkabilang gilid ng mga labi.

Isang matalas na tingin ang kanyang ginawa, saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Ano sa tingin mo?"

Nagsimulang manginig ang aking katawan dahil sa galit. Mariin kong kinuyom ang aking mga kamay sabay sa paggapang ng luha sa aking pisngi. Alam kong mali, ngunit hindi birong halaga ang sinasabi niya. Sa halagang iyon, kaya ko nang magsimula ng bago kong buhay, ngunit ang kapalit naman nito ay ang pagkuha niya sa aking anak.

Marahan kong hinawakan ang aking puson. Hindi ko pa man nararamdaman ang bata sa loob nito pakiramdam ko ay may isang parte ng aking puso na pagmamay-ari na ng bata. Ngunit sa kabilang banda, nananaig pa rin ang pagnanais kong makapagsimulang muli at makaahon sa nararanasan namin ngayon.

Mariin kong kinuyom ang aking kamay saka huminga nang malalim bago tumugon sa tanong ni Lucas.

"P-Pumapayag ako."

Ngumisi si Lucas na animoy demonyong nagwagi sa kanyang laban.

***

Matapos ang ilang linggo, nagtungo ako sa ospital na pag-aari ng mga Montenegro. Doon sinagawa ang Chorionic Villus Sampling (CVS) upang kumuha ng sample mula sa bata na nasa aking sinapupunan.

Sa pagdating ko roon, sinimulan na nila ang gagawin. Pinahiga ako sa isang hospital bed.

Mariin akong napalunok nang makaramdam ng isang malamig na gel sa aking tiyan, saka nila ginamitan ng ultrasound. Ang isang doctor naman ay may hawak na injection. Napapikit ako nang maramdaman ang pressure ng pagtusok niya sa aking balat, sa parte ng aking puson.

"We are going to get some sample cell from your womb, inside your chorionic villi," paliwanag ng doktor sa akin kahit hindi ko pa rin maintindihan.

Naramdaman ko ang pressure ng pagkuha nila ng sample mula sa akin. Hindi ako makapaniwalang kailangan ko pang pagdaanan ang bagay na ito para lang mapatunayan na hindi ako sinungaling.

Matapos tanggalin ang karayom sa aking balat, pinayuhan ako ng doktor na umiwas munang gumalaw at magbuhat ng mabibigat na siya namang ginawa ko.

Makalipas ang isang araw, pinasundo ako ni Lucas sa aming bahay upang sabay naming makita ang resulta ng DNA test.

Nanginginig ang mga kamay ni Lucas habang nakatingin sa papel na hawak niya. Kahit alam ko naman na nagsasabi ako ng totoo, nakakaramdam pa rin ako ng kaba sa aking puso habang tinitingnan ang resulta ng DNA test, paternity test is ninety-nine percent.

Maya-maya lang ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay napahiya ko rin ang lalaking ito.

"T-This is impossible," nanlalaking mga matang wika ni Lucas.

"Ngayon naniniwala ka na siguro?" saad ko.

Bumaling ang tingin niya sa akin na animoy naiinis. Bumaba ang tingin niya sa aking tiyan, hanggang sa maya-maya lang ay bumuntonghininga.

"Okay. Paninindigan ko ang sinabi ko," aniya na animoy sumuko na sa pagpapabulaan sa aking sinasabi.

Maya-maya lang, may kung anong button siyang pinindot sa kanyang lamesa.

"Ms. Anne, please prepare a contract for me," utos niya sa kanyang sekretarya.

Makalipas ang ilang minuto, pumasok sa loob ng opisina ang secretary ni Lucas at binigay ang isang folder. Matapos iyon ay agad na rin itong umalis.

Binuksan ni Lucas ang papel na iyon. Matapos niya itong basahin, binigyan niya ako ng ballpen at binaba ang papel sa lamesang nasa harapan ko.

"Sign this and leave. Ipapasundo kita mamaya sa mga tao ko," aniya.

Muling bumalik si Lucas sa kanyang upuan, saka sinandal ang likod sa backrest at hinagod ang kanyang sentido na animoy pagod na pagod.

Binasa kong mabuti ang kontratang nasa harapan. Nanginginig ang aking kamay habang nilalagdaan ito.

Matapos ko itong lagdaan ay binigay ko na kay Lucas. Lakas loob akong nagsalita at humingi ng pabor sa kanya.

"S-Sir, pwede bang isama ang mga magulang ko?" nahihiya kong saad.

Tinapunan naman niya ako ng matalas na tingin na animoy may nasabi akong masama.

"What do you think of my place? Orphanage?" iritable niyang wika.

Muli niyang sinandal ang likod sa backrest ng swivel chair, saka muling hinagod ang sentido.

"Just leave... I want to be alone."

Hindi na lang ako muling nagsalita. Marahil ay hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nalaman. Hindi ko siya masisisi, hindi rin ako makapaniwala noon nang malaman kong buntis ako.

***

Sa pagbalik ko sa aming bahay, wala pa noon si tatay dahil kasalukuyan siyang nasa trabaho. Si nanay naman ay nasa kwarto at nagpapahinga.

Umupo ako sa aming sofa at sinandal ang aking likod na animoy pagod na pagod. Hanggang sa maya-maya lang, naramdaman ko ang pagbigat ng aking balikat at pagsikip ng aking dibdib.

Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi. Hinawakan ko ang aking puson at hindi maiwasang hindi maging emosyonal sa mga oras na ito.

"I'm sorry, anak. I'm sorry kung pinagpalit kita sa pera. Patawarin mo si mommy, anak. Patawad," sunod-sunod ang aking paghihinagpis.

'Mapapatawad pa kaya ako ng batang to sa paglaki niya? Makikilala pa kaya niya ako bilang ina?'

Mabilis kong pinunasan ang aking luha nang marinig ang pagbukas ng pinto.

Agad akong tumayo at humarap kay tatay na ngayon ay kadarating lang.

"T-Tay, nandiyan na pala kayo."

"Oh. Anong sabi no'ng bilyonaryo?" tanong ni tatay.

"T-Tay, kasi–"

Naputol ang aking sasabihin nang makarinig kami ng sunod-sunod na katok mula sa pinto.

"Sino naman kaya tong mga to?" wika ni tatay saka binuksan ang pinto.

Bumungad sa aming mga mata ang limang lalaki na nakasuot ng black suit.

"Ms. Sandra Montes, sumama ka sa 'min," diretso nilang wika.

Kinuyom ko ang aking kamay at huminga nang malalim. Sinimulan kong ihakbang ang aking paa.

"Bakit? Bakit sasama ang anak ko?" saad ni tatay sabay hawak sa aking kamay upang ako ay pigilan.

Sa pagkakataong ito, nagising si nanay dahil sa ingay.

"Pasensya na, Sir. Kasama raw ito sa usapan nila ni Sir Lucas," wika ng lalaking naka-suit.

Hindi naman ako makapagsalita.

"S-Sandra? Anong ibig sabihin nito?" wika ni nanay saka nagmamadaling lumapit sa aming kinaroroonan.

Nang makita ko siya, doon nagsimulang sumikip muli ang aking dibdib. Mahigpit kong niyakap si nanay.

"N-Nay, Tay. Ipapaliwanag ko na lang pagbalik ko. Hintayin nyo ko. Makalipas ang siyam na buwan, babalik ako, pangako."

Sabay sa paglagaslas ng aking luha ang mga katagang binitiwan ko.

"Anak, ano ba talagang nangyayari?" muling tanong ni nanay habang hinahagod ang aking likod.

"Please hurry up, Ms. Sandra! Hindi mo dapat pinaghihintay si Sir Lucas."

"Basta, Nay. Ipapaliwang ko na lang, ha?" pagpapaalam ko.

Hinalikan ko ang noo ni nanay saka bumitiw sa pagkakayakap ko sa kanya.

Mariin kong pinunasan ang aking luha at tumalikod sa dalawa. Nais man akong pigilan ni tatay pero buo na rin ang desisyon ko.

Sumama ako sa mga lalaking naghihintay sa akin. Sa paglabas namin ng eskenita, nandoon ang itim na limousine na naghihintay sa aking pagdating.

Binuksan ng isang bodyguard ang pinto ng kotse, kumunot ang aking noo nang makita si Lucas na naghihintay sa loob nito.

"Get in," malamig niyang utos.

Huminga ako nang malalim saka mariing kinuyom ang kamay. Muli kong hinakbang ang aking mga paa at pumasok sa loob ng sasakyan, saka umupo sa upuan kung saan nandoon si Lucas.

"Huwag mong isiping magiging mabait ako sa 'yo. You are here because of my child."

Tumango lang ako sa kanya, saka tumingin sa labas ng bintana. Nagsimulang umandar ang kotse na aming sinasakyan.

Siguro nga ay dito na magsisimula ang pagbabago ng normal kong buhay...

Comments (18)
goodnovel comment avatar
Sarerac Opas
ganda ms. A.........
goodnovel comment avatar
Imelda Caranagan
grabe matimbang pa syo ang pera kesa anak mo.
goodnovel comment avatar
Ayukoo Na
next chapter po please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Living With The Billionaire   Chapter 7

    Sandra's POVTULUYANG lumalim ang gabi. Alam kong sa mga oras na ito, labis na ang pag-iisip nila nanay at tatay kung ano ang nangyari. Alam kong maiintindihan naman nila ang aking desisyon at ipaliliwanag ko naman ito sa tamang panahon, sa ngayon, kailangan kong gawin kung ano ang alam kong tama.Habang ako ay kasalukuyang nakasakay sa loob ng kotse, lihim akong sumulyap sa lalaking katabi ko ngayon, si Lucas.Matalas ang kanyang mga mata, makapal ang kilay at may mataas na balingusan ng ilong. Ang kanyang labi ay 'sing pula ng mansanas at ang kanyang kutis ay tila hindi man lang dinapuan ng lamok mula pagkabata. Napakaperpekto ng lalaking ito.Sino ang mag-aakalang ang lalaking nakita ko lang noon sa tv ay makakasama ko ngayon sa iisang sasakyan at makakasama ko pa sa iisang bubong. Hindi pa rin ako makapaniwala na titira ako sa isang mansion kasama ang isang bilyonaryo."Are you done scanning me?"Naputol ang aking iniisip nang mapagtanto kong nakatingin din pala siya sa akin. Agad

    Last Updated : 2023-03-15
  • Living With The Billionaire   Chapter 8

    Sandra's POVNANGINGINIG ang aking kamay nang sagutin ang tawag na ito."Sandy, how are you?" panimulang wika ni Mico mula sa kabilang linya.Nagsimulang mangilid ang aking luha nang marinig ang tinig niyang iyon. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi mapigilan ang paglundag nito."M-Mico?" nauutal ko pang wika sabay sa paggapang ng luha sa aking pisngi."Sa wakas ay nakausap din kita.""M-Mico, pinapatawad mo na ba ko? Na-realize mo na ba na it was just a mistake?""I'm sorry, Sandy. Hindi ako tumawag dahil diyan." Tila umurong ang aking dila nang sabihin niya ang bagay na iyon. "Tumawag ako dahil gusto kong malaman ang totoo."Mariin akong napalunok habang pinakikinggan ang mga bagay na kanyang sinasabi."Tell me, si Lucas Montenegro ba talaga ang ama ng batang dinadala mo?"Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung paano magsisimula sa pagtugon sa kanya. Mabilis na umagos ang luha sa aking mga mata at mariin kong tinakpan ang aking bibig.Sinasabi ko na

    Last Updated : 2023-03-15
  • Living With The Billionaire   Chapter 9

    Sandra's POVMABILIS kong tinakpan ang aking mata at tumalikod sa kanya."M-Magdamit ka nga!" sigaw ko sabay sa pamumula ng aking mukha na animoy kamatis."Kwarto ko to kaya gagawin ko kung anong gusto ko rito. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong niya."K-Kala ko kasi kwarto ko," nauutal kong wika habang naka-face the wall.Narinig ko ang kanyang pagngisi."Kalokohan! Baka gusto mo lang talagang makita ang katawan ko.""Ang kapal mo, ha!"Humarap ako sa kanya dahil sa inis na sana ay hindi ko ginawa, dahil muli kong nasilayan ang kanyang katawan."Ah! Bastos!" sigaw ko.Otomatikong kumuha ng kahit anong gamit ang aking kamay sa may lamesa na katabi ko at akmang ibabato ito sa kanya. Ngunit hindi ko pa man iyon nabibitiwan, nanlaki ang aking mga mata nang maramdamang may humawak sa aking kamay upang pigilan ako."Are you crazy? Are you trying to kill me?" inis niyang wika.Noon ko lang napagtanto na flower-vase pala ang aking hawak at kung natuloy ang paghampas ko sa kanya nito, baka

    Last Updated : 2023-03-15
  • Living With The Billionaire   Chapter 10

    Sandra's POVNARARAMDAMAN ko ang malambot na kama na aking hinihigaan. Ang halimuyak sa paligid ay tila amoy ng gamot ngunit matamis.'Nasaan ako?'Maya-maya lang, unti-unting lumiliwanag ang aking pandinig at may mga taong nagsasalita sa aking paligid."Wala na po kayong dapat ipag-alala, ligtas po ang bata," wika ng isang lalaking nagpakunot sa aking noo."Pero gusto ko lang pong sabihin na maselan ang kanyang pagbubuntis. Kailangan niyang mag-ingat sa bawat kilos niya at hindi siya maaaring mapagod. Sa ganitong pagkakataon, Sir Lucas, kailangan ng kanyang anak ang atensyon at kalinga ng isang ama.""What do you mean?""The baby needs you, Sir."Hindi ko man maintindihan ang kanilang pinag-uusapan, tila nagising ang aking diwa dahil sa isang mainit na palad na nakahawak sa aking kamay. Kahit mabigat ang talukap ng aking mata, unti-unti ko itong binuksan at nakita ang isang puting kisame."Are you okay?" wika ng isang lalaki na may malalim na tinig.Sa paglingon ko sa aking kaliwa, n

    Last Updated : 2023-03-18
  • Living With The Billionaire   Chapter 11

    Sandra's POVNANG tuluyan siyang makalapit sa akin, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, isang tingin na namamangha sa aking hitsura."Where did you get that dress? Y-You look, different," aniya habang nakangiti ang labi."Siya ba 'yong ex-girlfriend mo, Mico?"Napatingin ako sa babaeng kasama niya nang marinig ko siyang magsalita."Sa kasamaang palad, oo," natatawang wika ni Mico.Mariin kong kinuyom ang aking kamay. Nakikita ko kung paano nila ako maliitin at pagtawanan. Sa tingin ko, ang babaeng ito ay ang tinatawag ng kapatid niyang si Alice. Baka nga noong kami palang ay nilalandi na rin niya ang babaeng ito.Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mata nang maalala ang nakaraan namin ni Mico. Hindi ko alam kung bakit kahit ilang beses niya akong saktan, minamahal ko pa rin siya.Matapos ang pangungutya at pag-uusap ng dalawa, muling tumingin sa akin si Mico at nagsalita."Anyway, Sandy. Tungkol doon sa bagay na sinabi ko sa 'yo sa telepono, you have to–""May problema ba rit

    Last Updated : 2023-03-18
  • Living With The Billionaire   Chapter 12

    Sandra's POVHINDI ko sinasadyang tumayo sa labas ng pinto ng silid ni Lucas habang nakikinig sa usapan nila ng babaeng si Trina. Nais kong malaman ang kanilang usapan dahil hindi ko maintindihan ang bagay na nararamdaman ng aking puso.Nang marinig ko ang sinabi kanina ni Trina, nagsimulang kumirot ang bagay na nasa loob ng aking dibdib. Akala ko noon ay isa lang siyang espesyal na kaibigan para kay Lucas base sa kanilang litrato, ngunit nagkamali ako, siya pala ay fiancé ni Lucas.Nagsimulang bumagsak ang aking balikat dahil sa nadarama ko.'Ano naman ang laban ko sa isang fiancé?'"Ilang buwan kang nawala, tapos ngayon ka lang ulit magpapakita? Anong kailangan mo, Trina?" saad ni Lucas.Sa mga oras na iyon, nakita ko ang maliit na siwang sa pinto. Lumingon muna ako sa kaliwa at kanan upang masigurado na walang nakatingin sa akin. Sinimulan kong sumilip sa pinto upang mas makita nang maayos ang dalawang ngayon ay nag-uusap sa loob."'Wag ka nang magalit, honey. May inasikaso lang ak

    Last Updated : 2023-03-21
  • Living With The Billionaire   Chapter 13

    Sandra's POVNANGINGINIG ang aking katawan habang dahan-dahang hinahakbang ang paa palayo sa silid na iyon. Litong-lito ang aking isip at ang mga mata ko ay nanlalaki dahil sa aking narinig.'Paano? Paano naiisip ng babaeng ito ang mga bagay na iyon? Totoo ba? Kaya ba niyang gawin ang ganoong bagay sa isang inosenteng bata?'Mabilis akong nagtungo sa aking silid at sinarado ang pinto. Animoy nais nang tumalon ng puso ko palabas ng aking dibdib dahil sa kaba na nararamdaman.Nagsimulang mangilid ang luha ko dahil sa takot. Hindi pa rin mawala ang panginginig ng katawan ko at hindi ko mapakalma ang sarili. Tila walang lakas ang aking paa nang ihakbang ko ito patungo sa kama, mabuti na lang at agad kong naisuporta ang aking kamay sa higaan, dahilan upang hindi ako tuluyang bumagsak.'Anong gagawin ko? Kung totoo ang bagay na sinasabi niya? H-Hindi ko maaaring payagang mangyari ang bagay na 'yon.'Hindi ko alam kung ilang butil ng luha na ang aking nailuha. Noong gabing iyon ay hindi rin

    Last Updated : 2023-03-22
  • Living With The Billionaire   Chapter 14

    Sandra's POVTUMAYO ako nang tuwid habang nanginginig ang katawan. Dahan-dahan akong humarap sa taong nasa aking likuran at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung sino siya."M-Mang Ben," pagtawag ko sa pangalan ng mayordomo ng mansion."Saan kayo pupunta, Ms. Sandra? Bakit dala mo ang iyong maleta?" muli niyang tanong.Nagsimulang gumapang ang luha sa aking pisngi nang mapagtantong maaaring hindi na ako makaalis sa lugar na ito dahil naaktuhan niya ako. Ayokong tanggapin na dito na matatapos ang aking buhay."M-Mang Ben, ayoko nang magsinungaling pa. Pwede bang hayaan mo na lang akong makaalis sa lugar na ito? Ayoko nang manatili rito.""Pero bakit, Ms. Sandra? Maayos naman kayo ni Sir Lucas at malaki ang pinagbago niya dahil sa 'yo," aniya. Lumakad siya palapit sa akin at hinawakan ang aking balikat. "Ngayon ko lang nakitang ngumiti si Sir Lucas, kung aalis ka, siguradong babalik siya sa dati," muli niyang wika.Marahan kong tinanggal ang kamay ni Mang Ben sa aking balikat. Hindi

    Last Updated : 2023-03-23

Latest chapter

  • Living With The Billionaire   Final Chapter

    Sandra's POVLUMIPAS ang ilang araw matapos ang kasal namin ni Lucas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami. Pakiramdam ko ay panaginip pa rin ang mga nangyayari. Pakiramdam ko ay nasa alapaap pa rin ang aking paa.Marahan kong pinikit ang talukap ng aking mga mata, saka dinama ang halik ng hangin sa aking pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ang paghampas ng alon ng dagat sa sinasakyan naming yate..Maya-maya lang, isang mainit na kamay ang yumakap sa aking baywang. Napatingin ako sa aking tabi at nakita ko si Lucas. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at mahigpit akong niyakap mula sa likuran."Sa wakas, atin na rin ang araw na ito," aniya.Marahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at ganoon din naman ang aking ginawa. Naramdaman ko ang kamay ko Lucas na hinawak sa aking balikat, saka niya ako pinaharap sa kanya."I love you, my wife," aniya na labi na nagbigay tuwa sa aking puso."I love you more, my husband," tugon ko.Tumama ang tingin ni Lucas

  • Living With The Billionaire    Chapter 85

    Gab's POVNAGSIMULANG magpalakpakan ang mga tao. Naririnig ko ang kasiyahan na nagmumula sa venue ng kasal. Kahit nasa loob ako ng kotse, alam ko kung gaano kasaya ang mga tao na nasa paligid niya.Huminga ako nang malalim saka mapait na ngumiti. Sa wakas, kahit paano ay may nagawa naman akong tama. Akala ko ay lalamunin na ako ng kasamaan at galit sa aking puso.Hinawakan ko ang manibela at saka sinimulang i-start ang kotse. Sana ay napasaya ko si Sandy. Sana ay natupad ko ang tanging hiling niya. Siguro naman ay hindi na sila maghihiwalay, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi ko na talaga bitiwan pa si Sandy.Mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya na yata ang babang huli kong mamahalin dahil sa kanya ko nakita ang lahat ng hinahanap ko.Nagsimulang gumulong ang gulong ng aking kotse palayo sa lugar na iyon. Palayo kung saan naiwan ang kalahati ng aking puso.Congratulations, Sandy. Sana maging masaya kayo ni Lucas.Habang binabaybay ko ang kalsada pabalik sa Maynila, muling bumal

  • Living With The Billionaire   Chapter 84

    Sandra's POVALAM KONG isa akong malaking tanga upang maniwala sa mga bagay na sinasabi ni Gab. Marahil nga ay masiyadong malambot ang aking puso dahil pinili kong patawarin siyang muli.Malaki ang naging kasalanan sa akin ni Gab at hindi ko naman nalilimutan ang bagay na iyon. Ngunit tila may kung ano sa aking isip ang nagsasabing patawarin ko na siya. Kung nais kong maging masaya, umpisahan ko muna sa pagpapatawad sa iba.Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Gab, hindi ko magawang magtamim ng matagal na galit. Tila ba kahit paulit-ulit siyang magkamali sa akin ay paulit-ulit ko rin siyang patatawarin. Siguro nga ay tanga ako, ngunit nais ko na rin namang limutin ang magalit sa iba. Tulad na lang ng ginawa kong pagpapatawad kay Trina na alam kong may malaking kasalanan sa akin, sa amin ni Lucas.Ilang araw ang lumipas bago ako tuluyang pumayag sa nais ni Gab na pakikipagkita sa akin. Siya ang nagbigay ng venue kung saan kami mag-uusap at nakapagtatakang naisipan niyang makipagkita

  • Living With The Billionaire   Chapter 83

    Sandra's POVMAKALIPAS ang ilang araw, ginugol ko ang aking oras kasama ng aking pamilya. Wala akong sinabi sa kanila at hindi ko pinagbigay alam ang tungkol sa mga nangyari. Hindi ko rin sinabi ang tungkol kay Lucas at ang pagtatalo namin ni Gab. Ngunit alam kong kahit wala akong sabihin, nararamdaman ni nanay ang mga nangyayari sa akin.Kinagabihan, nakatutok ako sa aking laptop at nagtitingin ng flight pabalik ng Pilipinas. Oo. Nasi ko nang bumalik doon dahil sa tingin ko, hindi rin naman ako makapagsisimulang muli sa lugar na to dahil in the first place, wala naman akong dapat simulan.Walang may kasalanan at walang mali sa mga bagay na ginawa ni Lucas. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon at wala na akong galit sa kanya. Marahilsa ngayon, hindi ko pa kayang humarap muli kay Lucas. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil nagkulang ako sa pang-unawa. Hindi ko siya pinagkatiwalaan at hindi ko alam kung paano ko na siya muling haharapin."Anak, gising ka pa ba?"

  • Living With The Billionaire   Chapter 82

    Sandra's POVHINDI KO alintana ang sakit ng aking ulo dahil sa mahabang biyahe na aking ginawa. Wala akong sinayang na oras dahil agad akong tumawag ng taxi at nagtungo sa presinto kung saan nakakulong si Trina.Sa pagdating ko roon, lumapit ako sa mga pulis na nandoon at nagtanong kung anong oras maaaring bumisita sa preso. Mabuti na lang at pinayagan akong makipag-usap dahil oras pa naman daw ng dalaw.Pinapasok nila ako sa animoy waiting area at doon naghintay kay Trina. Kahoy ang kanilang upuan at maging ang lamesa ay kahoy rin. Magkaharap ang upuan at tama lang ito upang mas makausap ko nang maayos si Trina.Makalipas ang ilang minutong paghihintay, natulala ako nang makita ko si Trina sa mukha ng babaeng si Abby.Naglalakad siya habang may posas sa kamay. Hawak siya ng isang pulis at diretso siyang nakatingin sa akin habang may matalim na tingin.Nang makaupo siya sa aking harapan, lumayo ang pulis na may hawak sa kanya at tumayo sa tabi ng pader, animoy naghihintay na matapos a

  • Living With The Billionaire   Chapter 81

    Sandra's POVSA PAGPASOK ko sa loob ng kotse, hindi ko na napigilan ang paghagulgol. Iniyuko ko ang aking ulo sa manibela saka doon tuluyang pinakawalan ang luha sa aking mga mata. Napakasakit ng aking puso at pakiramdam ko, isang libong karayom ang tumutusok dito. Akala ko noon ay malilimutan ko na ang sakit na nararamdaman ko mula kay Lucas ngunit nagkamali ako. Tila lahat ng sakit at pagdurusa na pinaramdam niya sa 'kin noon ay unti-unting bumalik sa aking sistema.Pilit kong pinakalma ang sarili. Huminga ako nang malalim saka sinandal ang aking ulo sa headrest ng upuan ng kotse. Mariin kong hinawakan ang manibela saka pinikit ang aking mga mata.Wala na. Tama na. Ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa kanya. Sana ito na talaga ang huli dahil hindi ko na kakayaning lumuha pa.Naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone mula sa loob ng aking bulsa, dahilan upang kumalma ang aking puso. Mariin kong pinahiran ang aking luha at pilit na pinakalma ang sarili. Kinuha ko ang c

  • Living With The Billionaire   Chapter 80

    Sandra's POVKINABUKASAN, nag-book ako ng isang restaurant at siniguradong walang sino man ang makapapasok dito. Isang oras lang ang kinuha ko sa schedule nila dahil alam kong sasapat na iyon para sa aming dalawa ni Lucas. Nais ko lamang makipag-usap sa kanya hindi dahil nais ko nang bumalik, kung hindi naia ko nang putulin ang ano mang ugnayan namin.Nang maranasan kong tumira rito sa malayo, muli kong naramdaman ang kalayaan at kasiyahan. Kalayaan sa paligid na ginagalawan ko. Kalayaan sa sakit ng nga bagay na naramdaman ko. Mas gusto ko ang ganitong buhay. Iyong buhay na wala akong tinatapakang tao at walang sino man ang magtatanim ng sama ng loob sa akin.Nang araw na iyon, hindi ko sinabi kina nanat at tatay kung saan ako pupunta. Hindi rin ako nagsabi kay Gab dahil ayoko nang mag-alala pa siya. Ako lang at si Lucas ang nakakaalam ng pagkikita naming iyon.***HUMINGA ako nang malalim at marahang nilapat ang aking kamay sa manibela ng kotse. Diretso akong tumingin sa kalsada at na

  • Living With The Billionaire   Chapter 79

    Sandra's POVSADYANG mapaglaro ang buhay. Kung minsan, may mga bagay na nangyayari sa atin at hindi natin naiintindihan kung bakit. May mga pagsubok na ibibigay sa atin na akala natin ay hindi natin malalagpasan, ngunit sa huli, magugulat ka na lang at masasabing, kinaya ko pala?Ang totoo, hindi nakakasawang magmahal at magbigay ng pagmamahal sa isang tao. Alam mo ba ang nakakasawa? Iyong magpatawad nang paulit-ulit at paulit-ulit din naman niyang gagawin ang ginawa niyang mali.Hindi nakakasawang magmahal, ngunit nakakasawa nang magpakatanga. Kung kailangan nating tumigil at sabihan ang sarili natin na tama na, tama na. Sana ay matuto rin tayong mahalin ang ating sarili. Sana marunong din tayong makaramdam kung kailan tayo hihinto sa pagpapakatanga tulad ng bagay na nararanasan ko ngayon. Sa dami ng bagay na pinagdaanan ko, sa pagkakataong ito, tila napagod na ako. Napagod na ako sa paulit-ulit na nangyayari sa aking buhay. Sa paulit-ulit na pananakit sa akin ng tadhana. Baka kaya h

  • Living With The Billionaire   Chapter 78

    Sandra's POV"IS IT really possible to retrieve a deleted email?" tanong ko sa IT employee na nakaupo ngayon sa aking upuan.Sinusubukan niya kasing ibalik ang email ni Lucas na noong isang araw ko pang hinahanap. May kung ano sa aking isip ang nais talagang mabasa ang email na iyon at ayokong huminto hangga't hindi ko ito nakikita."Of course, madame. I can retrieve anything you like. I am the most expert IT employee in this company," pagyayabang ng kasama kong ito."Well that's good. Please make sure that you will recover the email.""Sure!"Hinila ko ang isang upuan na malapit sa aking table, saka umupo sa katabi ng IT employee na iyon. Napamangha ako sa bilis ng kanyang daliri at maging ang mata niya ay napakabilis din. Nakabibilib na may ganitong mga speciality ang mga empleyado rito at mabuti na lang at naisip kong tumawag sa isa sa kanila.Makalipas ang ilang minuto, tumigil na rin ang pagtaas ng mga letra na naka-flash sa screen ng aking laptop. Maging ang daliri ng lalaking i

DMCA.com Protection Status