Everleigh Chantria, isang babae na may dalawang pangalan dahil dalawa rin ang katangian. Si leigh ay kilala bilang simple at mabait na estudyante, samantalang si Tria ay isang secret serial killer. Nakadepende ang kanyang mission sa iuutos ni Madam Eve. Mahal na mahal nya ang kanyang pamilya, dahil sa kagustuhan na gumaling ang kanyang ina ay pumasok sya sa isang kasunduan na labis nyang pinagsisihan. Ipapadala sya sa isang lugar kung saan makikilala ang lalaking target nya. Papaanong ang isang simple at mabait na dalaga ay magkakaroon ng mission sa pagpatay? May iibig pa kaya sa kanya?
View MoreAndito ulit kami ngayon sa farm na pinuntahan namin nung nakaraan. Ito lang kasi ang lugar kung saan ako komportable at nakakarelax. Pag kaharap ko ang magandang tanawin ay feeling ko wala akong problema, ang gaan gaan sa pakiramdam.This time ay wala sila theo, seryosong pinakiusapan ko si praise na wag na sila sabihan. Gusto ko nga sana umalis mag isa eh ang kaso nag aalala daw sya, nangako naman syang hindi sasabihan ang dalawang lalaki.“besh, may idea ka na ba sino ang mga ‘yon?” nabigla ako sa tanong nya, alam ko ang tinutukoy nya ngunit hindi ko pa talaga pwedeng sabihin na pinaghihinalaan ko sila theo, lalo na’t hindi ako sigurado.“wala pa nga eh, baka nautusan lang din.” Totoo iyon, alam kong may nag utos sa mga iyon.“feel ko rin eh, kasi kung hindi planado yon ay baka tinuluyan na nila tayo.”“hindi ko hahayaang mangyari yon.” Kumpyansang sagot ko.“wow, yabang ah?” pang aasar nya.“kala ko ba may tiwala ka sakin?”“oo naman yes!” at nag tawanan kami.Maya maya ay naalala
It’s been a week, mas pinili kong malugmok sa kwarto at makapag isip. Sobrang naguguluhan ako sa sarili ko. Nung oras na ‘yon ay nasisiguro kong mahalaga sya sakin, ngunit ngayong ako na naman mag isa.. para bang, mali. Alam ko namang in the first place ay hindi dapat umabot sa ganto. Sa linggong nagdaan ay dumadalaw sila theo ngunit tanging si praise lang ang nag eentertain sa kanila. Alam ni praise ang ugali ko, kaya hindi nya na pinapilit pang harapin ko sila. Paminsan minsan ay pumupunta sya upang kausapin ako ngunit binibigyan ko lang sya ng pilit na ngiti. Laking pasasalamat ko dahil alam nya kung paano at kelan dapat respetuhin ang privacy ko.Paano ba mapigilan ang nararamdaman?Napatingin ako sa orasan. 2pm na pala pero eto ako, nakatulala pa rin sa kisame. Walang ayos, walang hilamos, walang ligo, walang kain at wala sa sarili. Bumaba na ako nang hindi matiis ang gutom. Kinakailangan pa munang makaramdam ng hilo bago kumain. Pag baba ko ay dumiretso ako sa mesa, wala si prai
“besh ang init naman dito! tsaka tingnan mo, ang daming insektong nagliliparan.” Reklamo ni praise habang winawagayway ang kamay para mabugaw ang mga insekto.Andito kami ngayon sa isa sa pinaka malaking farm dito sa psion. Miss ko na ang baryo namin kaya nagsearch ako about dito, kung saang farm ang pwede kaming magtanim, mamitas o kung ano ano pa.Nakasuot kami ng longsleeve checkerd, maong pants at below the knee na boots, may suot din kaming cow girl hat pero nagrereklamo pa rin si praise sa init ng araw. Dinala ko sya rito para makapag bonding din kami at alam kong hindi sya sanay sa ganto dahil lumaki sya kay madam eve.“nga pala, tagal na nating magkaibigan pero di ko alam kung bakit ka nasa jaxon impers.” Iniba ko ang topic para hindi puro pagrereklamo sinasabi nitong katabi ko, tsaka totoo naman. Sa ilang years kong pag seserbisyo sa jaxon impers, hindi ko manlang alam kung pano sya napunta roon. Unang kita nya kasi sakin ay kinaibigan nya agad ako. Sa sobrang daldal nito ay
Isang linggo ang nakalipas mula sa nangyari. Okay na rin ako at nakakagalaw na nang maayos, naging mabilis ang paggaling ko dahil na rin sa mga inembento ni praise. Sa isang linggong nakalipas ay dumadalaw din sina theo at brent. Palaging may dalang bulaklak ang mga ito lalo na si theo na may kasama pang mga paborito kong pagkain. Hindi ko alam ano punto nila, ayaw ko mag assume pero masaya ako sa kabutihang pinapakita nila. Sa ngayon ay napag isip isip kong hindi muna gawin ang mission, gusto kong pag isipan muna ito nang mabuti. Gusto kong malaman kung totoo ba ang dalawang lalaking ito, gusto ko rin alamin kung ano ang pakay nila sa amin.Sa ngayon ay niyaya ako ni theo para mamasyal ulit. Nagbihis lang ako ng fitted checkerd skirt at white longsleeve, nagsuot din ako ng black boots para naman di ako sobrang manliit sa sarili ko pag katabi si theo. Nilugay ko lang ang buhok ko na natural ang pagkakulot sa baba. Hindi ko na sinuot ang mga accessories na gawa ni praise dahil wala nam
Nagising akong nasa isang kwarto, halatang kwarto ito ng isang lalaki. Halos puro kulay itim ang nasa paligid. Ang bango rin ng loob, ang manly masyado. Sinubukan kong bumangon ngunit napahiga lang ulit dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa hita kong tinamaan ng bala, may bandage na ito. Nakagupit ang pants na suot ko, sakto lang bilang maging short upang magamot ito. Ramdam ko pa rin ang kirot pero hindi na tulad ng kagabi. Medyo nanghihina pa rin dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Naalala ko si theo, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Maya maya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto. Iniluwal nito ang dalawang babae, ang isa ay naka uniporme ng pang doctor at ang isa naman ay parang maid dito base sa kanyang suot. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sakin nung doctor habang tinatanggal ang bandage ng sugat ko. Napapikit ako sa sakit. "Pasensya na, kailangan ko nang palitan itong bandage para na rin malinis ang sugat mo." Tumango lang ako at sumagot
"Uy besh, kamusta kagabi? San kayo nagpunta?" Excited na tanong ni praise pagbaba ko ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at doon nagsimulang kumain. Hindi ko sya sinagot. Ang sakit ng ulo ko, di ako makatulog kagabi kaya kulang na kulang talaga ang tulog ko. Naiinis pa rin ako pag naaalala 'yon. Ang tanga mo talaga kahit kailan, tria! Ang dali mo mauto, hilig mo magpadala agad. Kalaban yon, kalaban! "Uy besssshhhhhh!!" Sumigaw nang pagkalakas lakas itong si praise, tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tinis ng boses nito. "Ano ba!" Sigaw ko rin pabalik. Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko. "Ano nga? Ano nangyari kagabi? Dali dali dali!" Ang sakit talaga sa tenga ng boses nito. "Wala." Kita ang dismaya nya sa sagot ko. "Anong wala? Eh hinatid ka nya rito bagnot na bagnot yang mukha mo! Kaya for sure may nangyari- teka," nililiit nya ang mata na animo'y hinuhuli ako. "O-oh, ano yang iniisip mo?" Kinakabahang tanong ko. Sa tagal naming magkasama ni praise alam kong kilalang kilala na
Andito kami ngayon sa tech area ni praise. Nagpagawa ako ng mga accessories na pwede kong gamitin anumang oras. Hindi na muna ako gagamit ng baril, masyadong delikado lalo na sa lugar na ito. Pag nakakita sila ng baril iisipin agad may masama akong balak. Hindi naman ako masamang tao eh, slight lang. Maya maya ay binigay nya sakin ang isang sterling silver chain bracelet. Agad ko naman itong sinuot. Kumikinang ang ganda nito, bagay na bagay sa kutis ko. May "chantria" na nakalagay sa gitna. "Ang ganda naman nito" puri ko. "Syempre, praise to eh." Mayabang na sagot nya. Tumayo ako at hinubad ang bracelet, tinanggal ko sa padlock at winagayway ito. Maya maya ay naging matibay na parang kadena ito, mas lumaki nang kaunti. Itinutok ko ito sa kamay ni praise at tsaka binato. Tumama ito at automatic na nilock ang dalawang kamay ni praise, nag anyong parang posas. "Tria! Ano ba, wag nga ako ang pag praktisan mo!" Bulyaw nya. Natawa naman ako, angas pala nito. Lumapit ako sa kanya at tin
"Hey!" Doon lang ako bumalik sa ulirat nang bigla nyang itaas baba ang kamay nya sa harap ko. Animo'y ginigising ang diwa ko."A-ah" wala akong masagot. Hindi ko alam bakit ako nauutal. Hindi lang ako makapaniwala na sa gantong pangyayari magtatagpo ang landas namin."Oh, i think you're just scared. Don't worry, i won't hurt you." Sabi nya sabay kindat. Lumabas ang pagkalalim lalim na dimple nito. Scared? He don't even know me."Anong scared? 'wag mokong english englishin dyan, hindi ka naman nakakatakot." Sagot ko na parang mali pa ata ang naging dating."Yes, i know right! Ganto ba naman ka handsome eh." Ngayon palang naiirita na ako sa kanya. Gusto ko na syang barilin para makita kung paano sya bumulagta sa harap ko. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Kailangan kong sumunod sa plano. Huminga ako nang malalim at inayos ang postura, tumingin ako nang diretso sa asul nyang mga mata at tsaka ngumiti."Tria." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay. Ngumiti naman sya at tsaka inabot ang aki
"Palayain nyo na ako, napag utusan lang ho ako! Parang awa nyo na!" Pagmamakaawa ng lalaki sa harap ko."Papalayain kita, pag sinabi mo kung sino ang nag utos sa iyo." Sagot ko habang pinupunasan ang paborito kong baril."H-hindi ko maaari sabihin! Nangako akong magiging tapat hanggang kamatayan ko." Napangisi ako sa tapang ng lalaki."Abutan mo ako ng ibang baril, ayaw kong si sue ang gagamitin sa mangmang na ito." Utos ko sa isang tauhan sabay nilagay ang paborito kong baril sa magandang kahong lalagyan nito."Masusunod po Ms. Tria!" Tsaka binuksan ang malaking cabinet na puno ng ibat ibang uri ng baril.Lumapit ako sa lalaki sabay lumuhod sa kanyang harap, tinitigan ko sya sa mata habang nakangisi.Maya maya ay inabot sakin ng isang tauhan ang isang caliber 45."Last, chance. Sino ang nag utos sayo?" NAuubusan ng pasensyang tanong ko habang nakatitig sa mga mata nya. Bigla naman syang naglumpasay, umaasang makakawala sa pagkakatali."H-hindi ko sasabihi-" hindi ko na pinatapos ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments