"Uy besh, kamusta kagabi? San kayo nagpunta?" Excited na tanong ni praise pagbaba ko ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at doon nagsimulang kumain. Hindi ko sya sinagot. Ang sakit ng ulo ko, di ako makatulog kagabi kaya kulang na kulang talaga ang tulog ko. Naiinis pa rin ako pag naaalala 'yon. Ang tanga mo talaga kahit kailan, tria! Ang dali mo mauto, hilig mo magpadala agad. Kalaban yon, kalaban! "Uy besssshhhhhh!!" Sumigaw nang pagkalakas lakas itong si praise, tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tinis ng boses nito. "Ano ba!" Sigaw ko rin pabalik. Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko. "Ano nga? Ano nangyari kagabi? Dali dali dali!" Ang sakit talaga sa tenga ng boses nito. "Wala." Kita ang dismaya nya sa sagot ko. "Anong wala? Eh hinatid ka nya rito bagnot na bagnot yang mukha mo! Kaya for sure may nangyari- teka," nililiit nya ang mata na animo'y hinuhuli ako. "O-oh, ano yang iniisip mo?" Kinakabahang tanong ko. Sa tagal naming magkasama ni praise alam kong kilalang kilala na
Nagising akong nasa isang kwarto, halatang kwarto ito ng isang lalaki. Halos puro kulay itim ang nasa paligid. Ang bango rin ng loob, ang manly masyado. Sinubukan kong bumangon ngunit napahiga lang ulit dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa hita kong tinamaan ng bala, may bandage na ito. Nakagupit ang pants na suot ko, sakto lang bilang maging short upang magamot ito. Ramdam ko pa rin ang kirot pero hindi na tulad ng kagabi. Medyo nanghihina pa rin dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Naalala ko si theo, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Maya maya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto. Iniluwal nito ang dalawang babae, ang isa ay naka uniporme ng pang doctor at ang isa naman ay parang maid dito base sa kanyang suot. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sakin nung doctor habang tinatanggal ang bandage ng sugat ko. Napapikit ako sa sakit. "Pasensya na, kailangan ko nang palitan itong bandage para na rin malinis ang sugat mo." Tumango lang ako at sumagot
Isang linggo ang nakalipas mula sa nangyari. Okay na rin ako at nakakagalaw na nang maayos, naging mabilis ang paggaling ko dahil na rin sa mga inembento ni praise. Sa isang linggong nakalipas ay dumadalaw din sina theo at brent. Palaging may dalang bulaklak ang mga ito lalo na si theo na may kasama pang mga paborito kong pagkain. Hindi ko alam ano punto nila, ayaw ko mag assume pero masaya ako sa kabutihang pinapakita nila. Sa ngayon ay napag isip isip kong hindi muna gawin ang mission, gusto kong pag isipan muna ito nang mabuti. Gusto kong malaman kung totoo ba ang dalawang lalaking ito, gusto ko rin alamin kung ano ang pakay nila sa amin.Sa ngayon ay niyaya ako ni theo para mamasyal ulit. Nagbihis lang ako ng fitted checkerd skirt at white longsleeve, nagsuot din ako ng black boots para naman di ako sobrang manliit sa sarili ko pag katabi si theo. Nilugay ko lang ang buhok ko na natural ang pagkakulot sa baba. Hindi ko na sinuot ang mga accessories na gawa ni praise dahil wala nam
“besh ang init naman dito! tsaka tingnan mo, ang daming insektong nagliliparan.” Reklamo ni praise habang winawagayway ang kamay para mabugaw ang mga insekto.Andito kami ngayon sa isa sa pinaka malaking farm dito sa psion. Miss ko na ang baryo namin kaya nagsearch ako about dito, kung saang farm ang pwede kaming magtanim, mamitas o kung ano ano pa.Nakasuot kami ng longsleeve checkerd, maong pants at below the knee na boots, may suot din kaming cow girl hat pero nagrereklamo pa rin si praise sa init ng araw. Dinala ko sya rito para makapag bonding din kami at alam kong hindi sya sanay sa ganto dahil lumaki sya kay madam eve.“nga pala, tagal na nating magkaibigan pero di ko alam kung bakit ka nasa jaxon impers.” Iniba ko ang topic para hindi puro pagrereklamo sinasabi nitong katabi ko, tsaka totoo naman. Sa ilang years kong pag seserbisyo sa jaxon impers, hindi ko manlang alam kung pano sya napunta roon. Unang kita nya kasi sakin ay kinaibigan nya agad ako. Sa sobrang daldal nito ay
It’s been a week, mas pinili kong malugmok sa kwarto at makapag isip. Sobrang naguguluhan ako sa sarili ko. Nung oras na ‘yon ay nasisiguro kong mahalaga sya sakin, ngunit ngayong ako na naman mag isa.. para bang, mali. Alam ko namang in the first place ay hindi dapat umabot sa ganto. Sa linggong nagdaan ay dumadalaw sila theo ngunit tanging si praise lang ang nag eentertain sa kanila. Alam ni praise ang ugali ko, kaya hindi nya na pinapilit pang harapin ko sila. Paminsan minsan ay pumupunta sya upang kausapin ako ngunit binibigyan ko lang sya ng pilit na ngiti. Laking pasasalamat ko dahil alam nya kung paano at kelan dapat respetuhin ang privacy ko.Paano ba mapigilan ang nararamdaman?Napatingin ako sa orasan. 2pm na pala pero eto ako, nakatulala pa rin sa kisame. Walang ayos, walang hilamos, walang ligo, walang kain at wala sa sarili. Bumaba na ako nang hindi matiis ang gutom. Kinakailangan pa munang makaramdam ng hilo bago kumain. Pag baba ko ay dumiretso ako sa mesa, wala si prai
Andito ulit kami ngayon sa farm na pinuntahan namin nung nakaraan. Ito lang kasi ang lugar kung saan ako komportable at nakakarelax. Pag kaharap ko ang magandang tanawin ay feeling ko wala akong problema, ang gaan gaan sa pakiramdam.This time ay wala sila theo, seryosong pinakiusapan ko si praise na wag na sila sabihan. Gusto ko nga sana umalis mag isa eh ang kaso nag aalala daw sya, nangako naman syang hindi sasabihan ang dalawang lalaki.“besh, may idea ka na ba sino ang mga ‘yon?” nabigla ako sa tanong nya, alam ko ang tinutukoy nya ngunit hindi ko pa talaga pwedeng sabihin na pinaghihinalaan ko sila theo, lalo na’t hindi ako sigurado.“wala pa nga eh, baka nautusan lang din.” Totoo iyon, alam kong may nag utos sa mga iyon.“feel ko rin eh, kasi kung hindi planado yon ay baka tinuluyan na nila tayo.”“hindi ko hahayaang mangyari yon.” Kumpyansang sagot ko.“wow, yabang ah?” pang aasar nya.“kala ko ba may tiwala ka sakin?”“oo naman yes!” at nag tawanan kami.Maya maya ay naalala
Maaga akong gumising upang mag asikaso sa pagpasok sa paaralan. Napakaganda ng umaga! Ang sariwa ng simoy ng hangin, napakaganda ng araw, rinig na rinig ang hampas ng mga alon sa dagat. Napakaganda talaga sa lugar na aking sinilangan. Ewan ko ba, 17 years na akong nakatira dito ngunit hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa aming lugar. Hayyy.."Oh anak, kumilos kana riyan at baka mahuli ka sa paaralan! Nako nako, pinagmamasdan mo na naman ang magandang kapaligiran, ano? " nahuli na naman ako ni nanay na nakapikit at nakaunat ang mga braso habang dinadama ang simoy ng hangin, halos araw araw nya ako nakikitang gan'to."Eh pa'no ba naman kasi inay, talagang napakaganda ng ating lugar! Isama mo pa ang mga tao ditong may mabubuting puso." Totoo ang sinabi kong iyon, talagang palagi kong naappreciate ang aming baryo dahil bukod sa napakaganda ng lugar ay talaga masasabi mong napakabuti ng mga mamamayan dito. Lahat ay may respeto, nagbibigayan, nagtutulungan at may malasakit sa isa't
“Tria… Halika na… sumama ka na sakin, ito na ang panahon.. tara..” Agad akong napabalikwas sa higaan at hingal na hingal na bumangon. Grabeng bangungot, parang totoo! Halos binabawi ko ang buhay ko, pinipilit kong gisingin ang katawan ko. Ano ba ang ibig sabihin noon? Nitong mga nakaraang araw, sunod sunod ang mga weird na nangyayari sa buhay ko. Ganto ba talaga pag mag didisi otso na? hays, magbibirthday na ako oh! Ibabash ko ang mga minor, char.Agad akong tumayo para uminom ng tubig at hindi na maulit ang bangungot na iyon. Paglabas ng kwarto ay nakita ko si nanay na nakaupo at- teka? Umiiyak ba sya? “N-nay? Okay ka lang po ba? Bakit ka po umiiyak? May nangyari po ba?” sunod sunod na tanong ko. “Wala anak, napuwing lang ako..” sagot nya.Ngunit hindi ako naniniwala, kilala ko ang nanay ko. Alam ko kung gano kalambot ang puso nya kaya siguradong nasasaktan sya ngayon. Umupo ako sa tabi nya. “Nay.. alam ko pong meron. Ano po ang nangyari? Teka, picture frame po ba iyan?” akma k