Share

Chapter 4 - Psion

"Palayain nyo na ako, napag utusan lang ho ako! Parang awa nyo na!" Pagmamakaawa ng lalaki sa harap ko.

"Papalayain kita, pag sinabi mo kung sino ang nag utos sa iyo." Sagot ko habang pinupunasan ang paborito kong baril.

"H-hindi ko maaari sabihin! Nangako akong magiging tapat hanggang kamatayan ko." Napangisi ako sa tapang ng lalaki.

"Abutan mo ako ng ibang baril, ayaw kong si sue ang gagamitin sa mangmang na ito." Utos ko sa isang tauhan sabay nilagay ang paborito kong baril sa magandang kahong lalagyan nito.

"Masusunod po Ms. Tria!" Tsaka binuksan ang malaking cabinet na puno ng ibat ibang uri ng baril.

Lumapit ako sa lalaki sabay lumuhod sa kanyang harap, tinitigan ko sya sa mata habang nakangisi.

Maya maya ay inabot sakin ng isang tauhan ang isang caliber 45.

"Last, chance. Sino ang nag utos sayo?" NAuubusan ng pasensyang tanong ko habang nakatitig sa mga mata nya. Bigla naman syang naglumpasay, umaasang makakawala sa pagkakatali.

"H-hindi ko sasabihi-" hindi ko na pinatapos ang kaartehan nya at agad kong ipinutok ang bala sa kanyang sentido.

"Arte, sayang sa oras."

 

5 years na ang nakalipas mula nung mag umpisa ang aking misyon. Marami akong natutunan. Unti unti na ring nasasanay. Hindi ako nakakaramdam ng awa sa pagpatay ng mga taong iuutos sakin dahil alam kong misyon din nila ang patayin ako. Habang nagsasanay ay nag aaral din akong pang sarili. Ayokong tumanda na puro kasakiman lang ang alam. Nag seself study ako upang kahit papaano ay magkaroon ng kaalaman sa akademiko. Gayunpaman, mas nagugustuhan ko na ang pamamalagi dito. Natutunan ko ang tamang paghawak ng baril, pano ito gamitin at kung paano ang tamang tyempo at ilag. Natutunan ko rin ang ibat ibang pagsasanay tungkol sa ibat ibang armas. Maraming mga hightech na bagay ang makikita sa lugar na ito, sa jaxon impers. Malaki ang lugar na pag mamay ari nila. Para itong isang mansyon na ang bawat floor ay may mahahalagang bagay. Puro glass ang paligid ngunit protected naman dahil sa dami ng tauhan. Lahat ng andito ay tapat at matagal nang naglilingkod kay madam eve. Sa loob ng 5yrs ay mas tumataas ang aking posisyon, halos anak na ang turing nya sa akin. Nagkaroon rin ako ng sarili kong mga tauhan at kayamanan. Malaki ang naitulong ko sa kanilang kampon dahil bukod sa aking talino ay napakabilis din ng galaw ko.

Hindi na ako ang dating leigh na ubod ng bait at simple. Ibang iba na, kahit ako ay hindi na makilala ang mismong sarili.

Ako na ngayon si Tria. Walang kinatatakutan.

"Tria my dear, kumain kana ba?" Bungad sakin ni madam habang ako ay nag eehersisyo dito sa gym na ako mismo ang nag request na ipagawa.

"Hindi pa, sasabay ka ba sa akin?" Tanong ko, kilala ko na sya. Alam kong gusto nya lagi ang mapalapit sa akin.

"Alam mo yan" sagot nya. Ngumiti ako at nagpunas ng pawis. Tinitingnan nya lang ako sa aking ginagawa, kitang kita sa mga mata nya kung gano sya kaproud sa mga achievements ko sa jaxon impers. 

Pagtapos magbihis ay niyaya ko na sya para kumain. Pumunta kami sa malaking dining table kung saan kami lang ang pwedeng kumain.

"Kamusta ka naman?" Tanong nya out of nowhere.

"Anong kamusta? Andito lang naman ako palagi. Ganun pa rin, walang pinagbago." Walang ganang sagot ko.

"Hanggang ngayon hindi ko akalain na papayag ka sa misyong ibinigay ko sayo.. " Emosyonal na sambit nya, agad nanumbalik sa akin ang lahat. Miss ko na si nanay at rue. Ang lugar na mayroon kami. Nakokonsensya ako na iniwan ko sila sa kadahilanang nasaktan ako. Ngunit kung babalikan ang simula, nagpapasalamat pa rin ako dahil si madam eve ang dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay si nanay. Okay nang ako ang maging kapalit, sapat na saking lumaki si rue na may kasamang ina. Atleast masaya ang ina at kapatid ko.

"Hindi ako pumayag, tumupad lang sa usapan." Sagot ko sa kanya. Sanay na si madam sa aking mga salitaan. Simula una ay hindi ako nagpapakita ng paggalang ngunit alam nyang nirerespeto ko sya. Lahat ng utos nya ay matagumpay na nasusunod at kundi dahil sakin, matagal nang bumagsak ang jaxon impers.

Matapos kumain ay pumunta na ako sa aking kwarto. Maganda ito. Halos ginto ang lahat. Dito ko tinatawagan sila nanay. Sinabi kong mayamang pamilya ang nagsponsor sa amin at maayos ang buhay ko rito. Pinapadalhan ko rin sila ng pera at natutuwa akong makita na umaangat na ang kanilang pamumuhay doon. Halos once a month lang kung tawagan ko sila para masanay ako dahil sobrang hirap sakin pag kausap sila. Lagi ko silang namimiss, tuwing nag eend ang call ay iiyak na ako magdamag. Miss na miss ko na si nanay at rue.

Minsan ay napapaisip din ako kung kamusta na ba si william, siguradong masaya sya sa girlfriend nya ngayon. Masaya ako para kay william, totoo iyon. Ako lang talaga itong makasarili. Hindi porket gusto ko ang tao ay dapat na rin syang magkagusto sa akin.

Wala akong magawa kaya lumabas muna ako ng mansyon upang magpahangin. Namimiss ko na rin ang simoy ng hangin sa labas, hindi man kasing presko sa aming baryo pero okay na rin.

Suot ko ang itim na pants, black shoes, black mask na kung saan mata ko lang ang makikita at isang baril na nakasuksok sa aking hita.

Habang naglalakad ay may napansin akong kakaiba.

"Shit!" Agad akong napaupo sa sakit ng panang tumama sa aking binti. Ngunit hindi ko iyon masyadong ininda, pinagmasdan ko ang paligid. Pinakinggan ko ang bawat yapak ng paa. Dun ko napagtanto ang isang lalaking nasa itaas ng puno, may mask din ito kaya hindi ko maaninag ang mukha pero kita ko sa asul nyang mga mata ang panglilisik. 

Akmang papanain nya ako ulit ngunit mabilis itong sinalo ng aking kamay. Hawak ko na ang isa sa bala ng kanyang mga pana. Halatang nagulat sya sa ginawa ko. Nang akmang kukunin ang aking baril ay mabilis itong tumalon sa isa mga puno hanggang makaalis.

Pagkagabi ay ipinatawag ni Madam Eve ang lahat. Hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari, akin na muna ito. Gusto kong ako ang makatuklas kung sino ang lalaking yon. Minamaliit nya ata ako, hindi ako basta babae lang.

"Thank you for coming everyone." Bati ni madam sa aming lahat, nagpalakpakan naman ang bawat isa.

"Mahalaga ang araw na ito sa akin, ito na ang oras para makilala nyo ang aking nakatatandang kapatid. Please give her a warm welcome! Cheers!" Itinaas namin ang hawak na mga wine sa ere at tsaka pumasok ang isang matandang babae. Maganda sya at mukhang alaga ang katawan. May pagkakahawig kay madam eve.

"Hindi ko gusto ang awra nya, parang nasa loob ang kulo" bulong ni praise sa tabi ko. 

Si praise ang masasabi kong matalik kong kaibigan sa loob ng mansyon na ito. Mas mataas ang posisyon ko sa kanya ngunit iginagalang na rin sya ng iba dahil sa pagiging malapit sa akin.

"Manahimik ka, baka may makarinig sayo." Bulong ko pabalik.

"Magandang araw sa lahat, ikinagagalak kong makilala kayo, Jaxon impers." Bati nya sa amin, may kakaiba sa mga ngiti nito. Hindi ako sigurado ngunit hindi naman ako nagkakamali sa mga instinct ko.

Maayos naman na nagpatuloy ang party. Napakadaming pagkain at ibat ibang klase ng mamamahaling alak. Napaka bongga ng paligid kaya't masasabing pinaghandaan talaga ito ngunit hindi ako aware rito. 

Maya maya ay ipinatawag ako ni madam, agad akong pumunta sa dining table kung saan kumakain ang magkapatid ng hapunan.

"Halika, sumalo ka sa amin" anyaya ni madam. Napatingin naman sakin ang kapatid nito, ngiting parang expected na pupunta ako.

Umupo ako kaliwang upuan ni madam at tsaka ako tinitigan ng kanyang kapatid.

"Sya ba si tria?" Nakangiting tanong nito ngunit hindi naaalis ang tingin sa akin. Nakangiting tumango si madam eve.

"Hi tria, nice to meet you." Bati nya sa akin. Ngumiti ako at tsaka inabot ang kamay nya.

"Nice to meet you too, seniora." Tumawa naman sya sa sagot ko.

"Dont call me seniora, amor will do." Ngumiti naman ako bilang tugon kahit na hindi alam kung bakit ganun ang gusto nyang itawag sa kanya. 

"Hahaha di ka pa rin nagbabago ate, mula bata ay gusto mong sa pangalan ka lang tinatawag." so, pangalan nya pala iyon. nakitawa nalang din ako kunyare, ayokong madami masyado ang pinag uusapan. Nonsense.

Nagkwentuhan lang sila tungkol sa jaxon impers, nakikitawa rin ako at sumasagot paminsan minsan. Hindi ko alam kung bakit hindi talaga maganda ang loob ko sa babaeng ito..                                                            

 >>

Andito ako ngayon sa aking kwarto, pagtapos maligo ay humiga nalang ako. Pagod na pagod ako sa dami ng nangyari. Gusto kong tawagan sila nanay ngunit alam kong iiyak lang ako magdamag, ngunit habang tumatagal ay mas nanaig sakin ang pagka miss sa kanila. Miss na miss ko na talaga at di ko matiis. Pumunta ako sa aking table at hinawi ang maliit na kurtina, tumambad ang aking gadget, isa itong screen na animo'y nakalutang sa ere at hindi nahahawakan. Animo'y pumipindot lang ako sa hangin.

Pinindot ko ang call button upang matawagan sila nanay. Pinadalhan ko rin sila ng isang screen na nakakabit sa aking kwarto upang pag tumunog iyon ay malalaman nilang tumatawag ako. Tuwang tuwa sila noon dahil high-tech na raw ang mayroon ako, hindi nila alam ay hindi ito pang karaniwan. Maya maya ay sinagot na nila ang aking tawag.

"Anak! Kamusta? Ang tagal naming hinintay ang tawag mo" nagtatampong sabi ng nanay ko. Napangiti naman ako, pinipigilan ang luhang bumagsak.

"Busy lang po talaga dito nay, pasensya na po. May bagong work na naman kasi ako at napopromote nang napopromote. " sagot ko, totoo iyon ngunit hindi nila alam kung anong klaseng trabaho ang meron ako. Mula nung dito ako manirahan ay gumaan na rin ang buhay nila nanay sa aming baryo. Mas lumaki ang naging sakop ng aming negosyo, napa renovate na rin ang aming bahay. Maunlad na maunlad na sila roon. Si rue naman ay malapit nang tumungtong sa kolehiyo, grabe ang pinagbago ng kapatid ko. Napakapogi, habulin na nga raw ng mga chix sabi ni nanay.

Madami pa kaming pinag usapan bago pinatay ang tawag. Humiga nalang ako at doon umiyak, kung sana lang ay kasama ko sila.. Hindi sana ako nalulungkot nang ganito.

Maya maya ay nakatulog ako, nagising ako nang biglang may pumasok sa aking kwarto. Hindi ko ba ito nalock? Pagtingin ko ay andun si amor, nakatayo at nakangiti sa akin. Ang creepy ng dating nya..

"Paano ka nakapasok? " gulat na tanong ko. Ngumiti sya at lumapit sa akin, nagtataka akong pinagmasdan sya.

"Nag aalala lang ako sayo, naririnig kitang umiiyak kaya pinuntahan kita rito." Sagot nya.

"May ireregalo ako sayo, sana magustuhan mo. " nilabas nya ang isang kwintas na sumisigaw sa pagka gold nito. Napakaganda. Ngumiti sya nang makita ang reaksyon ko.

"Amin na, isusuot ko sa iyo." Ngumiti akong tumango. Lumipat sya sa likod ko upang isuot ang kwintas. Habang sinusuot ito ay bigla kong hinatak ang kamay nya at tsaka sya binuhat upang mabalibag sa lapag. Mabilis naman syang nakatayo at napangiti sa akin.

"Totoo nga ang sabi ni eve, magaling ka." Sambit nya.

Napatingin ako sa kaninang kwintas na hawak nya, ang ganda nito ay napalitan ng talas. Ang kwintas ay naging isang matalas na bagay na once isuot sakin ay halos magigilitan ako ng leeg.

"Ano ang kailangan mo?" nanlilisik na sabi ko, nakatitig sa mga mata nya. Nagulat ako nang bigla syang tumawa, tawang nakakakilabot.

"kailangan ko? ikaw! ikaw ang kailangan ko!" Lumapit sya sa akin at tsaka ako sinakal. Hindi ko sya pupwedeng patulan sa ngayon.

"Gusto kong umalis ka dito sa jaxon impers! Dahil sayo ay mas lumalakas ang kampon na ito! Umalis ka!" Kahit matanda ay napakalakas nya. Ramdam ko ang pagkaubos ng aking hininga ngunit bago mangyari yon ay bumukas ang pinto at niluwal nito si Madam Eve.

Mabuti ay mabilis syang nakarating bago ko mapatulan ang matandang ito, naabutan nya ang mismong nangyari. Hindi alam ni amor na habang nagsasalita sya ay pinindot ko na ang button sa gilid ng aking kama, sign ito na kailangan ko si Madam.

"Ate!" Tawag nya sa kapatid.

"A-anong sinabi mo?" Nagulat si amor ngunit maya maya ay tumawa rin.

"So, narinig mo? Wala ka pa ring pinagbago, ang tanga tanga mo!" Nagulat ako sa nangyari, hindi ko maintindihan. Basta ang sakin una palang ay alam ko nang hindi mabuti ang pakay ng babaeng ito.

"Sa loob ng 50 yrs, inggit pa rin ang namumuo sa buong pagkatao mo. Ikaw ang hindi nagbabago." Tumawa nang pagkalakas lakas si amor. Ang sakit sa tenga!

"Ang tanga tanga mo sobra! Ilang beses na ba kita nauto? Ngunit wala kang kadala dala! Babalik ako at sisiguraduhing hindi mo ako matatalo, hindi ka magtatagumpay!" sigaw nya at biglang naglaho. Doon lang ako nakakuha ng sapat na hangin, napaupo ako sa panghihina. Agad na lumapit sakin si madam.

"Tria! Okay ka lang? " tanong nya habang inaalalayan ako at binigyan ng tubig. Tumango lang ako bilang tugon.

Ipinagpahinga nya lang ako at bukas na raw kami mag usap. Mas pinahigpit nya ang pagbabantay sa labas ng aking kwarto. Agad din naman akong nakatulog sa tindi ng nangyari.

Kinabukasan ay pinatawag ako, pumunta ako sa silid ni madam. Nagulat ako nang makita ang mga gamit ko roon, lahat iyon ay nakabalot at animo'y aalis ang may ari.

"Anong meron?" Takang tanong ko.

"Ipapadala kita sa psion, ito ang misyon mo roon." Nagtataka akong kinuha ang nakarolyong papel, nakalagay dito na may makikilala akong isang lalaki. Anak ng pinakamalakas na kampon, ang wyattpreme. Base sa picture, parang familiar ang mukha nito. Maputi ang balat, kulay tsokolate ang mga buhok, asul ang mata. Asul ang mata? tulad nito yung lalaking pumana sa akin noon! ngunit hindi ako sigurado kung sya ba iyon.

"May problema ba tria? " tanong sa akin ni madam.

"Ah wala, ano bang plano? Bakit biglaan ata ito." Tanong ko. Okay naman sakin ang misyon, nakakapagtaka lang. Kadalasan kasi sinasabi sakin nang mas maaga.

"Sa nangyari kagabi, hindi ko inaasahan iyon. Ayaw kitang mawala tria, kaya pansamantala umalis ka muna rito. Alam kong kaya mo rin ang misyon na iyan, kahit sila ang pinakamalakas." Napalunok ako sa sinabi nya, may tiwala ako sa sarili ko pero hindi ko mapepredict ang future. Hindi ko alam. Maaaring matalo ako dahil sabi nya sila ang pinakamalakas, wala akong magawa. Wala pa akong hinindian sa pinapagawa nya sa akin.

Nag asikaso na ako sa pag alis, sabi nya ay si praise lang ang isasama ko. Tuwang tuwa naman ang gaga. Gala daw. Habang nag aayos ay inaalala ko ang mukha ng lalaki. Kailangan kong mapalapit sa kanya, iyon ang plano.

"Freshhhh aiiirrrrr!!" Sigaw ni praise pagkababa namin ng sasakyan.

Andito na kami sa psion. May isang bahay na ring naka assign para sa amin. Pumasok kami rito, dalawa ang silid. Tag isa kami. Lahat ay kumpleto ang gamit, maski mga pagkain ay kumpleto. Wala na kaming kakailanganin pa. Maging handa nalang.

"So san tayo mag uumpisa? Pano natin malalaman kung nasaan ang lalaking yon." Tanong ni praise habang kinukotkot ang bagong manicure nyang kuko. Ang arte.

"Sabi ni madam ay magkakaroon ng party, dun ko makikilala ang lalaki. Kailangan munang mapalapit sya sa akin, tsaka iisa isahing patayin ang mga kasama nito. Masyado silang malakas kaya hindi dapat padalos dalos ang mga galaw natin." Paliwanag ko habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Mapalapit? As in mafall bes? Omg!" Tili nya.

"Tigilan moko sa kalandian mo praise, misyon ito. Hindi tayo kekerengkeng lang." Pagsusungit ko. Napanguso naman sya.

>> 

                                                                

 

"Welcome to this party everyone! Hangad ko ang kasiyahan ng lahat!" Announce ng emcee dito sa party na pinuntahan ko. Naiwan si praise sa bahay, magaling sya sa pag mamanipula ng mga technology. Pag aaralan daw nya ang pag control sa lalaki, kung saang lugar ito pumupunta.

Umiinom lang ako ng wine sa gilid. Madaming nag aaya sakin para makisayaw ngunit tinatanggihan ko. Hindi ako nagpunta rito para sa kanila. Long fitted gown na black ang suot ko. Kinulot ni praise and brown kong mga buhok, nilagyan nya rin ako ng make up at pagka kapal kapal na red lipstick. Kailangan daw maganda ako upang makuha ang atensyon ng lalaki. Nasa hita ko naman ang paborito kong baril na si sue. Lagi itong may nakakabit na silencer kaya kahit iputok ko ito ngayon ay walang makakarinig. Paborito ko ring ilagay ang baril sa aking hita, bukod sa tago ito na natatakpan ng damit ay madali ring kunin.

Halos tatlong oras na akong nakatayo rito ngunit hindi ko pa rin makita ang lalaki. Hindi ako mabilis malasing ngunit nakakaramdam na ng kaunting hilo. Pumunta ako sa rest room upang mag retouch. Feeling ko natanggal na ang lipstick kakainom ko.

Maya maya ay namatay ang ilaw. Nagsigawan ang mga tao. Agad akong lumabas upang tingnan ang nangyayari ngunit pati ang mismong party patay ang ilaw. Nagsisitakbuhan na ang lahat. Tumakbo na rin ako palabas ngunit may humatak saking isang lalaki.

"Ano ba! Bitawan moko!" Sigaw ko habang nagpupumiglas. Nahihilo pa rin ako hanggang ngayon. Napadami nga talaga ang inom ko.

"Wag ka maingay! Hindi kita sasaktan" maya maya ay nakarinig ako ng maraming putukan ng baril, gusto ko sanang bumalik doon ngunit baka matamaan ako lalo na't madilim. Hinayaan ko nalang ang sarili kong magpatianod sa lalaki. Nakarating kami sa isang masikip na kwarto. Para itong library, napakadaming libro. Rinig namin ang takbuhan ng mga tao sa labas. Naaamoy ko ang bango ng hininga nitong katabi ko, napakalapit nya sa akin ngunit hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa dilim.

Maya maya ay wala na kaming naririnig. Tumayo kami sa pagkakatago. Sinubukan nyang hanapin ang ilaw ngunit hindi nya ito makita. Agad ko namang kinuha ang maliit na flashlight sa aking purse, hindi sya lumingon sa akin ngunit kinuha nya ito sabay hanap ng ilaw.

Pagkabukas ay nakita ko ang likod nya, napakatangkad. Matangkad din naman ako pero nakakapangliit pag katabi ang lalaking to. Humarap sya para iabot sakin ang flashlight, kinuha ko ito nang hindi sya tinitingnan. Binalik ko ito sa aking purse. Pag angat ng tingin ay nakita ko syang nakatitig sakin, kinikilatis ang itsura ko. Para bang kilala nya ako-teka? Asul ang mga mata nya, hindi ko ito napansin kanina. S-sya yon! Ang anak ng wyattpreme.

Ito na sya, ang lalaking nasa harap ko..

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hazel Mae Bebat
Omg cant wait!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status