Maaga akong gumising. Sobrang sakit ng ulo ko. Para akong naiiyak pag naaalala ang kagabi. Hindi ko alam kung papano ako napunta sa aking higaan ngunit hindi na mahalaga iyon. Alam kong hindi talaga pang karaniwang tao ang babaeng iyon. Para syang may itim na mahika.
Tumayo na ako para magsepilyo, hawak ang aking sentido habang naglalakad. Argh! Napakasakit talaga ng ulo ko.
“SURPRISEEEEEE!!!” napabulagta ako sa kanilang sigaw. Jusko, ang kabog ng dibdib ko.
“HAPPY BIRTHDAY LEYLEY NAMIN!!!” bungad nila sa akin. napangiti naman ako, birthday ko na pala.
Andito silang lahat. Si nanay na may hawak na tarpauline, si rue na may hawak na mga balloon at si william na lumalapit sa akin para iblow ang hawak nyang cake.
“ make your wish, my leyley.” Sinunod ko naman ang sinabi nya, hinipan ko ang kandila. Nagwish na sana kahit papano ay magkaroon ng magandang pangyayari ang desisyong pinagsisisihan ko. Maya maya ay lumapit sa akin si rue at nanay na animo’y naiiyak. Haynako, naiiyak na rin tuloy ako.
“happy birthday anak ko”
“happy birthday ate!”
Bati nila at agad na yumakap sa akin. Nakangiti naman si william habang pinagmamasdan kami. Inakay nila ako papunta sa bakuran. Andun ang lahat ng aming kapitbahay. Isa isa nila akong binati at tsaka ako nagpasalamat.
Pinagmasdan ko ang paligid, sama sama silang nagluluto. May nagkakatay ng baboy at manok, nagluluto sa malalaking kawali, nagsisibak ng kahoy, naglalagay ng mga palamuti at marami pang iba. Nakakatuwang makita na sama sama silang naghahanda para sa kaarawan ko, ang mga taong malalapit sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal sa ipinapakita nila. Halos maiyak ako sa sobrang tuwa na nararamdaman ngayon.
“nay naman, hindi na po ako bata. Dagdag gastos lang po ito eh” naaappreciate ko ang effort nila, kaso habang tumatagal ay mas tumataas ang gastusin ko sa kolehiyo. Hindi na rin sasapat ang allowance ko buwan buwan.
“ano ka ba naman anak, minsan lang to. Hayaan mo na kami, para sayo ang araw na to” tuluyan na ngang bumuhos ang aking mga luha at tsaka niyakap ang inay. Pinagmamasdan ko ang mga tao, ansasaya nila sa kanilang mga ginagawa. Binalak ko kagabi na sabihin sa aking ina ang nangyari, ngunit buo na ang desisyon ko. Ayokong malaman nila ito, gusto kong masaya lang sya palagi. Isa pa, tinanggal naman sa ala ala nya ang lahat. Kay william nalang siguro, sya lang ang sasabihan ko.
Masaya ang naging takbo ng aking debut party. Andaming pailaw at mga palamuti. Gold at black ang theme nito. Hindi ganoon kabongga ngunit makikita talaga ang effort nila sa pag papaganda nito. Madaming ibat ibang pagkain, may four layer cake din na binili mismo ni nanay.
Nakaupo ako ngayon sa magandang diy chair, hindi ako napapagod kakangiti dahil sa labis na kasiyahan. Kung dati ay umiiyak ako, ngayon ay naiiyak ako sa tuwa. Gusto ko sulitin ang araw na ito..
Dahil gabi na, halos nakapatay na ang ilaw ng mga bahay. Tanging ang bakuran nalang namin ang maingay at nagbibigay liwanag. Madaming bisita, halos lahat kasi ay malapit sa puso namin. Kahit na busy ay pinilit pa rin makadalo ng mommy at daddy ni william. Kita kong nag eenjoy sila sa simpleng party ko.
Speaking of william, sya ang aking last dance. Maya maya lang ay tinawag na sya ng emcee
“And ofcourse, the last but not the least! The boyfriend, este bestfriend of debutant. Mr. William Ford!” tumawa ang lahat sa sinabi ng emcee, maski ako ay natawa.
Sumasayaw nang pagiling na lumapit sakin si william, kagat ang isang tangkay ng rosas habang kumikindat kindat pa. Lumakas ang hiyawan sa ginawa nyang iyon. Habang papalapit ay mas lalo akong nahuhulog, mas lalo syang gumwapo sa suot nyang tuxedo. Ang ganda ng mga ngiti, puting puti ang mga ngipin.
“hi my princess” bungad nya paglapit, pataas taas pa ng kilay.
Hinampas ko naman sya sa kanyang braso. Binigay nya sakin ang huling rosas, maya maya ay may binulong ngunit pinaparamdam lang ang init ng kanyang hininga sa aking tenga. Pagharap ay may isang bouquet ng sunflower na syang hawak. Binigay nya ito sa akin. Saan nanggaling iyon?
“sunflower, for the woman who gave light to my life” napangiti ako at akmang nangingilid ang luha sa aking mga mata. Sobrang saya ko. Sana hindi matapos ang araw na ito. Sana ganito lang kami palagi. Sana gusto nya rin ako..
Masayang natapos ang araw na iyon, balik sa dati na naman ang lahat. Napakadaming regalo ang aking natanggap. Si william ay binigyan ako ng mamahaling kwintas at singsing, kinagat kagat ko pa ito para feel na feel! Ang parents naman ni william ay niregaluhan ako ng personalized watch, silver ito ngunit halatang tunay at mamahalin. Nakalagay sa loob ng clock ang pangalan kong leyley. Si rue naman ay binigyan ako ng isang makinis na bato. Sya mismo ang nag effort at kumiskis nun para masulat ang pangalan ko. Napaka sweet nya kahit madalas ay kaaway ko. Masasabi kong creative talaga ang kapatid ko. Sapat na sana ang party na iyon bilang regalo ni nanay ngunit binigyan nya pa ako ng regalo. Isa itong kahon na katamtaman lang ang laki, ang laman nito ay mga bulaklak na gawa sa tela at mga maliliit na papel na nakarolyo. Puro ito hand written letters galing sa kanya, sobrang naappreciate ko iyon. Hindi matutumbasan ng kahit anong halaga.
Buwan ng april kaya bakasyon na namin. Mag 2nd year college na ako next school year. Ang bilis ng panahon. Habang tumatakbo ang oras ay mas kinakabahan ako, alam kong bigla nalang dadating ang araw na mag uumpisa na ang misyon ko. Hindi ko pa ito sinasabi kay william, humahanap pa ako ng tyempo. Speaking of william ay ayun, nakita ko na naman sya naglalakad mag isa.
“william!” agad akong tumakbo papalapit sa kanya. Kanina ko pa sya hindi nakikita, kadalasan kasi ay lagi sya pumupunta sa bahay namin.
“hintayin mo ako, ang bilis mo naman maglakad san kaba pupunta-” nagulat ako nang bigla nya akong lampasan. Masyadong seryoso ang kanyang mukha, diri diretso ang lakad at hindi ako pinansin.
“ano nangyari don? Sakit ah” bulong ko sa sarili. Hindi ko nalang pinansin, umupo lang ako sa tabing dagat upang mag isip isip. Maya maya ay pumunta nalang sa palengke upang tumulong kina nanay. Napakaboring talaga pag bakasyon. Wala akong pinagkakaabalahan. Wala pa si william..
“oh mga suki ng maganda kong nanay, andito ang maganda nyang anak. Kaya bumili na kayo!” sigaw ko upang makuha pansin ng mga tao. Pakapalan nalang mukha to beh.
“may kasama bang kiss yan pag bumili sayo?” sabi nung isang lalaking kargador sa kabilang pwesto. Napangiwi naman ako.
“pwede naman, basta kamao ko ang hahalik sayo”
Nagulat ako ng biglang sumulpot sa gilid si william, may dala itong pagkain at inumin. “anong ginagawa mo dito baliw ka?” tanong ko.
“ano pa ba? Edi dinalhan kayo ng pagkain ni tita. Sorry pala hindi kita pinansin kanina, may importante lang akong nilalakad.” So alam nya palang andun ako? Okay.
“okay lang, ano bang pinagkakaabalahan mo? Sama mo naman ako! Wala kaya akong magawa.” Nakita ko naman ang pagka balisa nya, anong problema nito?
“a-ano, wag na! pang lalaki lang yun, secret hehe” nauutal nyang sagot.
“okay.”
“tara kain na tayo” aya nya.
“okay.”
Natatawa naman syang umiiling. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahanda ang pagkain. Andami nyang binili. Dalawang box ng pizza, isang box ng donut, mga nuggets, burgers at coke. Napaka healthy naman?!
Kumain kaming dalawa, si nanay ay mamaya na raw. Si rue ang takaw takaw sa gilid. Napasulyap naman ako kay william na tutok na tutok sa phone nya, naisipan ko syang itext para magpapansin. Magtatype na sana ako kaso bigla syang lumingon sakin.
“aalis na ko” napatingin naman ako sa kanya. Tumayo na sya at hindi mabitawan ang cellphone, mayat maya silip dito habang inaasikaso ang mga gamit.
“hm, ingat ka.” Walang gana kong sagot. Tumango lang sya at nagpaalam kay nanay tsaka naglakad na paalis. Gusto ko sana sya pigilan ngunit mas nangibabaw ang tampo sa akin. Bahala sya sa buhay nya.
>>
Hindi ako makatulog. Napaka daming tumatakbo sa isip ko. Mula sa misyon ko dun sa babaeng tumulong sakin, sa pag aaral, sa puro bagsak na mga grado ni rue at kay william.. alam kong may kakaiba sa kanya. Ngayon lang sya naging ganon, kakausapin ko nalang siguro sya bukas. Mukhang may problema sya. Nag aalala ako.
Kinabukasan ay pumunta ulit ako sa palengke para tumulong kila inay. Medyo matumal ang benta ngayong summer, imbes na madaming bumili dahil may mga nagbabakasyon rito kaso wala.
Naboring ako kaya pagka hapon ay umuwi ako samin para I tutor si rue. Ako ang madalas tawagan ng teacher nya dahil sa mga bagsak na grado. Minsan lang daw sya pumasok sa paaralan, kung pumasok man ay paglalaro lang ang inaatupag. Naiintindihan ko naman dahil bata pa, nasa grade 6 pa lamang. Ngunit kahit ganon ay dapat maaga pa lang maturuan na sya sa kung ano dapat ang ipriority sa buhay.
Tinawag ko na sya at pinaupo sa tabi ko. Inilabas ko ang mga remedial exams nya, isa isa ko itong itinuro. Sobra syang nahirapan lalo na sa math, pina assignment ko sa kanya ang pag kabisado ng multiplication tables.
“ate, meryenda naman tayo. Gutom na ako eh” naka ngusong sabi nya at nakahawak pa ang mga kamay sa tyan habang hinihimas ito.
“oh sya sige na, tumayo ka na dyan. Pag tapos mong mag meryenda, mag linis ka na ng katawan mo. Bukas na natin to ituloy, tsaka yung pinapa memorize ko sayo wag mo kalimutan ha?” masaya naman syang tatango tango.
Lumabas ako para magpa hangin, pumunta ako sa paborito kong tambayan. Dito sa tabing dagat. Di na ako nagpapaabot ng gabi dito dahil natatakot ako sa nangyari nung nakaraan. Alam kong sooner or later ay bigla nalang syang susulpot upang kunin ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay inay, ngunit hindi ko muna ito sasabihin sa ngayon.
Maya maya ay nakita ko na naman si william naglalakad nang mabilis, hinabol ko sya. Ngayong araw ko na balak sasabihin ang nangyari. Ang hahaba ng biyas at ang bilis pa maglakad nito. Habang tumatakbo ay umulan nang malakas. Malas naman, wala akong payong.
“william!” tawag ko, basa na ako sa ulan.
“ l-ley? Anong ginagawa mo rito? Nagpapa basa ka pa sa ulan oh.” Pinatong nya ang jacket sa aking ulo, at inalalayan ako papunta sa kotse nya.
“san ka ba kasi pupunta? Ang bilis pa ng lakad mo. Ayan tuloy, nabasa ako.” Nagtatampo kunyareng saad ko, ngunit seryoso lang ang mukha nya. Nakatitig sakin. Tinuloy ko ang pananalita.
“may sasabihin ako sayo” nagulat ako nang sabay naming sinabi iyon. Halatang nagulat din sya ngunit agad ding nagsalita
“sige ikaw muna” hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Halo halo ito, nanginginig ako sa lamig at sa kaba. Kinikilig din ako, bahala na maging feelingera ngunit iyon ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman agad kung ano ang nais nyang sabihin.
“a-ano, ikaw muna william. Nakalimutan ko kasi yung akin hehe” pag dadahilan ko. Bigla naman syang bumuntong hininga, animo’y kumukuha ng sapat na hangin upang masabi ang nais iparating.
“ley..” kinakabahan ako, grabe ang kabog ng dibdib ko. Animo’y kabayo na naghahabulan. Nagulat ako nang bigla nya akong halikan sa noo, matagal iyon. Napatulala ako.
“u-uh, william. Anong meron?” hindi ko na mapigilang magtanong. Naeexcite ako sa sasabihin nya. Umayos sya ng pagkakaupo at tumingin sa mga mata ko. Kita ko ang saya sa mga ito, mas lalo akong kinabahan. For the first time of my life, magkaka boyfriend na ba ako???
“Ley, I have a girlfriend.” Sabi nya nang nakangiti. Natulala ako, parang nabingi, hindi ko alam ang irereact. Ilang minuto bago mag sink in sakin ang sinabi nya. Sobrang sakit, nangingilid ang luha sa mga mata ko ngunit hindi ito halata dahil may tumutulong tubig mula sa buhok ko. Para akong namamanhid, nanghihina. Halo halo ang nararamdaman. Bumagsak ang balikat ko. Napaka sakit, kailan pa? bakit hindi ko ‘to alam? Ang tanga ko naman. Bakit hindi ko nahalata iyon? Masyado ba akong naging kampante? Yung sinabi nya sa birthday ko, ano iyon? Akala ko ba ako lang ang babaeng nagbibigay liwanag sa buhay nya? Yung halik sa noo ko? Yung mga ginagawa nya sakin? Pag aalaga.. pag aalala.. pagdamay.. at kung ano ano pa! as a friend?! Napangiti nalang ako at nagsalita, namumuo ang mga luha sa gilid ng mata
“U-uhm, congrats! N-nakakatampo ka naman, ba’t late ko na nalaman? Ikaw ah. Sure ako, maganda ‘yon!” sagot ko, halata sa ang pag ngarag ng boses ko. Kumunot ang noo nya, agad akong nag iwas ng tingin.
“okay ka lang ba? Nga pala, yung sasabihin mo naalala mo na ba?” tanong nya.
“a-ah yun ba? Di ko pa nga rin maalala eh kainis, hayaan mo na wala namang kwenta ‘yon.” Pagsisinungaling ko. Sobrang sakit ng puso ko, hindi ko inexpect. Naiinis ako sa sarili ko, antanga tanga.
“nga pala william, aalis na ako! may kailangan pa pala akong puntahan, sige na ha babye!” hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at agad nang lumabas sa kotse.
Tumakbo ako, takbo lang nang takbo. Basang basa ng ulan, madilim ang paligid ngunit hindi ko alintana yon. Iyak lang ako nang iyak. Ngayon ko napagtanto na dapat hindi ko dinepende sa kanya ang sarili ko, ngayon tuloy ay walang wala na ako.
Maya maya ay nagulat ako nang kumidlat nang malakas, parang naulit ang nangyari. Andito na pala ako sa tabing dagat. Anlalakas ng hampas ng mga alon ngunit wala akong pakealam. Hindi na ako nagulat nang biglang lumabas ang babae.
“handa ka na ba?” tanong nya nang nakangiti, nakakakilabot ang ngiti nya.
Wala ako sa ulirat na tumango, basta ang alam ko lang gusto kong makaalis sa sakit. Gusto kong makawala sa nararamdaman ko ngayon. Basta ang sakin lang, maging okay si nanay at rue, handa akong gawin lahat.
Habang naliligo sa cr ay iniisip ko ang nangyari, iyak pa rin ako nang iyak. Sa susunod na linggo ay kailangan ko nang sumama kay madam eve, yun daw ang gusto nyang itawag ko sa kanya. Bukas ay kailangan kong kausapin si inay, sasabihin kong may nakuha akong full scholarship sa ibang bansa. Doon muna ako mamamalagi dahil sayang ang oppurtunity. Alam kong susuportahan ako ni nanay sa lahat ng gusto ko, alam kong papayag sya. Hindi lang kinakaya ng konsensya ko ang pagsisinungaling. Basta ipapangako ko, dadating ang araw na makakaalis din ako sa posisyon na ito. Babalik ang lahat sa dati.
Mabilis na nagdaan ang araw, hinanda na ni nanay ang mga gamit ko. Tuwang tuwa sya sa akala nyang oppurtunity na nakuha ko. Grabe din ang iyak nya dahil mamimiss nya daw ako, pati ang mga kapitbahay namin ay kita ang lungkot sa pag alis ko. Sinabi ko ring wag na nila ako ihatid dahil may magsusundo sa akin. Grabe, mamimiss ko ang lugar na ‘to.
"pasalubong ko ate ha, mamimiss ko po ang pag galit mo sa akin." sabi ni rue at tsaka yumakap sa akin. Kanina pa gusto tumulo ng mga luha ko ngunit kailangan ko itong pigilan.
"wag mo papasakitin yung ulo ni nanay ha, alagaan mo muna sya habang wala ako." bilin ko sa kanya, tumango naman ito. Niyakap ko nang mahigpit si inay at rue, yakap na alam kong pag tumagal ay hahanap hanapin ko.
"mag iingat ka anak ko.." paalala nya. Tumango ako at naglakad palabas.
Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si william kasama sina tito at tita, at may isang magandang babae. Ito ata ang girlfriend nya. Malungkot akong ngumiti sa kanila.
“ley anak, sigurado ka na ba sa pag alis mo? Pwede ka naman namin tulungan para makakuha ng scholarship dito.” Offer sakin ng mommy ni william. Sumang ayon naman si tito.
“hindi na po tita, natanggap ko na rin po eh. Sayang din po kasi, tsaka mas okay dun para may experience din” pagsisinungaling ko. Napatingin ako kay william
“sya ba ang girlfriend mo? Ganda ah! Ayos talaga pumili ang bestfriend ko!” ngumiti ang babae at kumaway sa akin. Mukhang kilala na nya ako. Si william naman ay diretso ang tingin sa akin, walang emosyon.
“bakit hindi mo ito sinabi?” tanong nya. Para na naman akong maiiyak. Kailangan ko magpakatatag, ayaw ko magmukhang kaawa awa sa harap nila.
“b-baliw! Biglaan din kasi, kahit sila nanay nabigla din, sige na aalis na ako. Paalam!” nagulat ako nang bigla akong yakapin ni william. Grabe, naiiyak ako. Mamimiss ko sila nang sobra, lalo na sya. Ang bestfriend ko.. maling nahulog ako sa kanya. Habang nakayakap sya sakin ay napatingin ako sa girlfriend nya, nakangiti ito. Mukhang mabait. Kumalas na ako ng yakap.
“drama mo! Babalik pa naman ako no!” ngumiti naman sya. Pumunta ako sa girlfriend nya.
“Hi! Alagaan mo si william ha kahit sakit sa ulo pagtiiisan mo nalang!” biro ko, nagtawanan naman silang lahat.
Hindi ko na pinatagal pa nang sobra dahil baka biglang umatras ako at kapag nangyari yon ay ikapapahamak namin. Nagpaalam na ako. Kumakaway sila habang naglalakad ako paalis, nakangiti rin akong kumaway pabalik.
Pagtalikod ko ay tsaka na bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. May itim na van na kanina pa nag aabang sa malayo, may mga nakaitim ding tauhan. Pumunta ako roon tulad ng habilin ni madam eve. Doon ko iniyak lahat, wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tauhan nya.
Ito na ang simula..
"Palayain nyo na ako, napag utusan lang ho ako! Parang awa nyo na!" Pagmamakaawa ng lalaki sa harap ko."Papalayain kita, pag sinabi mo kung sino ang nag utos sa iyo." Sagot ko habang pinupunasan ang paborito kong baril."H-hindi ko maaari sabihin! Nangako akong magiging tapat hanggang kamatayan ko." Napangisi ako sa tapang ng lalaki."Abutan mo ako ng ibang baril, ayaw kong si sue ang gagamitin sa mangmang na ito." Utos ko sa isang tauhan sabay nilagay ang paborito kong baril sa magandang kahong lalagyan nito."Masusunod po Ms. Tria!" Tsaka binuksan ang malaking cabinet na puno ng ibat ibang uri ng baril.Lumapit ako sa lalaki sabay lumuhod sa kanyang harap, tinitigan ko sya sa mata habang nakangisi.Maya maya ay inabot sakin ng isang tauhan ang isang caliber 45."Last, chance. Sino ang nag utos sayo?" NAuubusan ng pasensyang tanong ko habang nakatitig sa mga mata nya. Bigla naman syang naglumpasay, umaasang makakawala sa pagkakatali."H-hindi ko sasabihi-" hindi ko na pinatapos ang
"Hey!" Doon lang ako bumalik sa ulirat nang bigla nyang itaas baba ang kamay nya sa harap ko. Animo'y ginigising ang diwa ko."A-ah" wala akong masagot. Hindi ko alam bakit ako nauutal. Hindi lang ako makapaniwala na sa gantong pangyayari magtatagpo ang landas namin."Oh, i think you're just scared. Don't worry, i won't hurt you." Sabi nya sabay kindat. Lumabas ang pagkalalim lalim na dimple nito. Scared? He don't even know me."Anong scared? 'wag mokong english englishin dyan, hindi ka naman nakakatakot." Sagot ko na parang mali pa ata ang naging dating."Yes, i know right! Ganto ba naman ka handsome eh." Ngayon palang naiirita na ako sa kanya. Gusto ko na syang barilin para makita kung paano sya bumulagta sa harap ko. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Kailangan kong sumunod sa plano. Huminga ako nang malalim at inayos ang postura, tumingin ako nang diretso sa asul nyang mga mata at tsaka ngumiti."Tria." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay. Ngumiti naman sya at tsaka inabot ang aki
Andito kami ngayon sa tech area ni praise. Nagpagawa ako ng mga accessories na pwede kong gamitin anumang oras. Hindi na muna ako gagamit ng baril, masyadong delikado lalo na sa lugar na ito. Pag nakakita sila ng baril iisipin agad may masama akong balak. Hindi naman ako masamang tao eh, slight lang. Maya maya ay binigay nya sakin ang isang sterling silver chain bracelet. Agad ko naman itong sinuot. Kumikinang ang ganda nito, bagay na bagay sa kutis ko. May "chantria" na nakalagay sa gitna. "Ang ganda naman nito" puri ko. "Syempre, praise to eh." Mayabang na sagot nya. Tumayo ako at hinubad ang bracelet, tinanggal ko sa padlock at winagayway ito. Maya maya ay naging matibay na parang kadena ito, mas lumaki nang kaunti. Itinutok ko ito sa kamay ni praise at tsaka binato. Tumama ito at automatic na nilock ang dalawang kamay ni praise, nag anyong parang posas. "Tria! Ano ba, wag nga ako ang pag praktisan mo!" Bulyaw nya. Natawa naman ako, angas pala nito. Lumapit ako sa kanya at tin
"Uy besh, kamusta kagabi? San kayo nagpunta?" Excited na tanong ni praise pagbaba ko ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at doon nagsimulang kumain. Hindi ko sya sinagot. Ang sakit ng ulo ko, di ako makatulog kagabi kaya kulang na kulang talaga ang tulog ko. Naiinis pa rin ako pag naaalala 'yon. Ang tanga mo talaga kahit kailan, tria! Ang dali mo mauto, hilig mo magpadala agad. Kalaban yon, kalaban! "Uy besssshhhhhh!!" Sumigaw nang pagkalakas lakas itong si praise, tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tinis ng boses nito. "Ano ba!" Sigaw ko rin pabalik. Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko. "Ano nga? Ano nangyari kagabi? Dali dali dali!" Ang sakit talaga sa tenga ng boses nito. "Wala." Kita ang dismaya nya sa sagot ko. "Anong wala? Eh hinatid ka nya rito bagnot na bagnot yang mukha mo! Kaya for sure may nangyari- teka," nililiit nya ang mata na animo'y hinuhuli ako. "O-oh, ano yang iniisip mo?" Kinakabahang tanong ko. Sa tagal naming magkasama ni praise alam kong kilalang kilala na
Nagising akong nasa isang kwarto, halatang kwarto ito ng isang lalaki. Halos puro kulay itim ang nasa paligid. Ang bango rin ng loob, ang manly masyado. Sinubukan kong bumangon ngunit napahiga lang ulit dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa hita kong tinamaan ng bala, may bandage na ito. Nakagupit ang pants na suot ko, sakto lang bilang maging short upang magamot ito. Ramdam ko pa rin ang kirot pero hindi na tulad ng kagabi. Medyo nanghihina pa rin dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Naalala ko si theo, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Maya maya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto. Iniluwal nito ang dalawang babae, ang isa ay naka uniporme ng pang doctor at ang isa naman ay parang maid dito base sa kanyang suot. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sakin nung doctor habang tinatanggal ang bandage ng sugat ko. Napapikit ako sa sakit. "Pasensya na, kailangan ko nang palitan itong bandage para na rin malinis ang sugat mo." Tumango lang ako at sumagot
Isang linggo ang nakalipas mula sa nangyari. Okay na rin ako at nakakagalaw na nang maayos, naging mabilis ang paggaling ko dahil na rin sa mga inembento ni praise. Sa isang linggong nakalipas ay dumadalaw din sina theo at brent. Palaging may dalang bulaklak ang mga ito lalo na si theo na may kasama pang mga paborito kong pagkain. Hindi ko alam ano punto nila, ayaw ko mag assume pero masaya ako sa kabutihang pinapakita nila. Sa ngayon ay napag isip isip kong hindi muna gawin ang mission, gusto kong pag isipan muna ito nang mabuti. Gusto kong malaman kung totoo ba ang dalawang lalaking ito, gusto ko rin alamin kung ano ang pakay nila sa amin.Sa ngayon ay niyaya ako ni theo para mamasyal ulit. Nagbihis lang ako ng fitted checkerd skirt at white longsleeve, nagsuot din ako ng black boots para naman di ako sobrang manliit sa sarili ko pag katabi si theo. Nilugay ko lang ang buhok ko na natural ang pagkakulot sa baba. Hindi ko na sinuot ang mga accessories na gawa ni praise dahil wala nam
“besh ang init naman dito! tsaka tingnan mo, ang daming insektong nagliliparan.” Reklamo ni praise habang winawagayway ang kamay para mabugaw ang mga insekto.Andito kami ngayon sa isa sa pinaka malaking farm dito sa psion. Miss ko na ang baryo namin kaya nagsearch ako about dito, kung saang farm ang pwede kaming magtanim, mamitas o kung ano ano pa.Nakasuot kami ng longsleeve checkerd, maong pants at below the knee na boots, may suot din kaming cow girl hat pero nagrereklamo pa rin si praise sa init ng araw. Dinala ko sya rito para makapag bonding din kami at alam kong hindi sya sanay sa ganto dahil lumaki sya kay madam eve.“nga pala, tagal na nating magkaibigan pero di ko alam kung bakit ka nasa jaxon impers.” Iniba ko ang topic para hindi puro pagrereklamo sinasabi nitong katabi ko, tsaka totoo naman. Sa ilang years kong pag seserbisyo sa jaxon impers, hindi ko manlang alam kung pano sya napunta roon. Unang kita nya kasi sakin ay kinaibigan nya agad ako. Sa sobrang daldal nito ay
It’s been a week, mas pinili kong malugmok sa kwarto at makapag isip. Sobrang naguguluhan ako sa sarili ko. Nung oras na ‘yon ay nasisiguro kong mahalaga sya sakin, ngunit ngayong ako na naman mag isa.. para bang, mali. Alam ko namang in the first place ay hindi dapat umabot sa ganto. Sa linggong nagdaan ay dumadalaw sila theo ngunit tanging si praise lang ang nag eentertain sa kanila. Alam ni praise ang ugali ko, kaya hindi nya na pinapilit pang harapin ko sila. Paminsan minsan ay pumupunta sya upang kausapin ako ngunit binibigyan ko lang sya ng pilit na ngiti. Laking pasasalamat ko dahil alam nya kung paano at kelan dapat respetuhin ang privacy ko.Paano ba mapigilan ang nararamdaman?Napatingin ako sa orasan. 2pm na pala pero eto ako, nakatulala pa rin sa kisame. Walang ayos, walang hilamos, walang ligo, walang kain at wala sa sarili. Bumaba na ako nang hindi matiis ang gutom. Kinakailangan pa munang makaramdam ng hilo bago kumain. Pag baba ko ay dumiretso ako sa mesa, wala si prai