"Hey!" Doon lang ako bumalik sa ulirat nang bigla nyang itaas baba ang kamay nya sa harap ko. Animo'y ginigising ang diwa ko.
"A-ah" wala akong masagot. Hindi ko alam bakit ako nauutal. Hindi lang ako makapaniwala na sa gantong pangyayari magtatagpo ang landas namin.
"Oh, i think you're just scared. Don't worry, i won't hurt you." Sabi nya sabay kindat. Lumabas ang pagkalalim lalim na dimple nito. Scared? He don't even know me.
"Anong scared? 'wag mokong english englishin dyan, hindi ka naman nakakatakot." Sagot ko na parang mali pa ata ang naging dating.
"Yes, i know right! Ganto ba naman ka handsome eh." Ngayon palang naiirita na ako sa kanya. Gusto ko na syang barilin para makita kung paano sya bumulagta sa harap ko. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Kailangan kong sumunod sa plano. Huminga ako nang malalim at inayos ang postura, tumingin ako nang diretso sa asul nyang mga mata at tsaka ngumiti.
"Tria." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay. Ngumiti naman sya at tsaka inabot ang aking kamay, nagulat ako nang bigla nya itong hinalikan.
"Tria? Hmm nice name. Im theo." Pagpapakilala nya. Hindi ko pinahalata na hindi ko nagustuhan ang paghalik nya sa kamay ko.
Theo? Hmm ugly name. Pwe!
Pagtapos ng pagkakakilanlan ay tumalikod sya upang silipin ang kung wala na bang gulo sa labas.
"Ano bang meron? Bat nagtatakbuhan ang mga tao?" Tanong ko tsaka umupo dito sa mga upuan ng library.
"Well, that's normal pag may party dito sa psion, dito nila dinadaan ang pagkidnap sa mga target nila." Paliwanag nya. Napatango naman ako at hindi na sumagot. Di rin naman ako interesado.
Maya maya ay tinawag nya na ako. "Halika na, tahimik na sa labas." Buti naman.
Tumayo na ako ngunit sa di inaasahan ay natapilok dahil sa taas ng heels na binigay sakin ni praise. Leche naman. Tiningnan ko si theo, natatawa syang tumalikod. Bwiset. Nakakainis talaga yung awra nitong lalaking to. Kung di ko lang kailangan sumunod sa plano, kanina ko pa sya pinutukan.
Habang naglalakad sa hallway ay tahimik lang kami. Tanging tunog lang ng sapatos ang maririnig. Nakakabingi ang katahimikan.
"Brooo! San ka ba galing shit ka- ohhh chixxx!" Ani ng isang lalaking kaedaran lang ata ni theo. Mukhang kaibigan nya. Nakatuxedo ito na itim at itim na itim ang buhok. Kayumanggi ito, kabaliktaran sa kulay ni theo na maputla. Mukhang malakas ang sense of humor.
"Hi miss" bati nya sakin at inabot ang kamay. Tinanggap ko ito at ngumiti. Lumipat sya sa tabi ni theo at may binulong, hindi ko na ito pinansin at nauna nang maglakad.
"Tria!" Tawag ni theo sa akin, lumingon naman ako. Inaantay ang sasabihin nya.
"Would you mind if i invite you now to have a coffee with me?" Tumatawa naman ang lalaki sa gilid nya, siniko nya ito upang manahimik.
"Why?" kunot noong tanong ko.
"Nothing, Let say.. I just want to know you more" ani nya na ngiting ngiti.Napataas ang kilay ko, tsaka ngumiti bilang tugon ng pagpayag. Misyon ko ang mapalapit sa lalaking to, hindi dapat ako magpadalos dalos. Maaaring ikapahamak ko.
Tumakbo si theo papalapit sa akin, inalalayan ako papunta sa mamahaling kotse nito. Napakaganda, kumikinang sa ganda.
Pagkasakay ay binuksan ko ang aking cellphone upang tingnan ang oras. 8pm na pala, nakita ko rin ang sandamakmak na text messages ni praise. Tinatanong kung nagkita na raw ba kami. Sa kulit nya ay nagreply nalang ako ng
"Oo, kasama ko sya ngayon." Pagkasend ay wala pang isang minuto nagreply na ito
"mas pogi ba sa personal besh???" ang landi talaga ng gaga.
Hindi ko na sya nireplyan. Kung ako tatanungin, may itsura naman si theo. Maganda manamit, mabango at mukhang malinis sa katawan.
"Stop staring at me." Tumatawa nyang sabi. Agad naman akong napaiwas ng tingin. Nakakahiya ka talaga chantria.
Dinala nya ako sa isang coffee shop dito sa psion. Maganda ang ambiance ng lugar, pure nature. Namiss ko tuloy ang baryo namin at ang paboritong lugar namin ni william noon.
Habang umoorder sya ay tumayo ako upang lapitan ang mga halaman. Napakabango ng mga bulaklak, gustong gusto ko ang amoy nito. Ang gaganda nila, sarap pagmasdan.
"Mahilig ka sa flowers?" Nagulat ako sa pag sulpot ni theo sa gilid.
"Obvious ba?" Natawa naman sya sa sagot ko.
"You're so pilosopo." Napairap naman ako sa sagot nya.
"Ang conyo mo naman!" Nagulat at natawa sya sa pagsigaw ko. Tinakpan ko naman ang bibig sa hiya.
"So cute." Sabi nya sabay tumalikod at bumalik sa upuan. Namula ako na naiwan dito. Bakit ganto ang inaakto ko? Ngayon ko lang nakilala ang lalaking to kaya dapat akong mag ingat. Nadala lang ata ako sa mga bulaklak dito sa harap ko kaya bumabalik ang ugali ko sa dati. Huminga ako nang malalim at umupo sa harap nya.
Maya maya ay sinerve na ang 2 slices of cake and 2 cups of coffee. Naka form pa ng heart ito, tiningnan ko naman ang kay theo. Bat kanya wala?
"Bakit ganto sakin?" mataray na tanong ko sa waitres. Natawa naman sila ni theo,
"Request po yan ng boyfriend nyo maam. Iyo lang daw ang lagyan ko at baka ay magselos kayo." Paliwanag ng waitress at tsaka umalis. Tinitigan ko naman nang pagka lisik lisik si theo.
"Easy! That was just a joke!" Natatawa nyang sabi. Kinuha ko ang tinidor at tinutok sa kanya.
"Sa susunod na ipakilala mong boy friend kita, malilintikan ka sakin." Banta ko. Natawa na naman sya. Ano bang nakakatawa? Nakakairita.
Nagkwentuhan lang kami sa ibat ibang bagay. Hindi ako masyadong nagbigay ng impormasyon tungkol sa sarili ko, ganun din naman sya. Nabanggit nya na matagal na pala syang nakatira dito, dito sya ipinanganak ngunit sa ibang bansa lumaki. Pagtungtong ng highschool ay dito na sya nanirahan ngunit hindi pa ganun kasanay mag tagalog. Nasabi nya rin na hindi pa pala sya nagkaka girlfriend, hindi naman ako naniwala. Sa postura at galaw nito ay imposible iyon, ngunit pinanindigan nya talagang totoo ang sinasabi. Hindi ko na sya kinwestyon tungkol doon.
"Aynako! Ano ba yan! Pakalat kalat sa daanan!" Nagulat kami nang sumigaw ang isang matanda, nasanggi nito ang batang nananahimik na naglalaro sa gilid. Nakakalat ang mga laruan nito ngunit pwede namang maiwasan kung gugustuhin. Umiyak ang bata dahil sa takot, mas lalong naiirita ang matanda.
"Asan ba ang nanay mo!? Pinapabayaan ka rito!" Sigaw nya ulit. Inaawat na sya ng mga waitress ngunit mas pinipili nya talagang patulan ang bata.
"W-wala po ang nanay ko rito, umalis po ako sa amin. Hinahanap ko ang papa ko." Bigla akong nakaramdam ng kurot sa puso ko nang marinig ang sinabi ng bata. Ganung edad din nung nangungulila ako sa aking ama. Hindi pa ganun nagsisink in sakin ang lahat kung kaya't umaasa pa akong makasama sya ulit.
"Wala akong pakealam! Kung sino man ang tatay mo dapat lang na iwan nya kayong mag ina. Mga perwisyo kayo!" Akmang papaluin nya ang bata ngunit tumayo na ako upang pigilan sya. Sumunod naman si theo.
"Sino ka? Wag ka mangialam dito!" Bulyaw sakin nung matanda habang pinipilit tanggalin ang braso nya sa pagkakahawak ko ngunit hindi nya ito magawa.
"Anong karapatan mo sabihin yan sa bata?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin inaalis ang pagkakahawak sa braso nya. Lumapit sa akin si theo, umaalalay sa posibleng mangyari.
"Bakit? Wala kang pakialam!" Buong pwersa nyang kinuha ang braso nya ngunit bigla ko itong nabitawan kaya tumilapon sya sa lapag. Hindi ako pala patol sa matanda, ngunit alam kong masama talaga ang ugali ng isang to. Mukhang mayaman ngunit matapobre.
"Aaaaahhhh!!! Barilll!!! May baril ang babaeng to!!!" Nagulat ako nang bigla itong sumigaw. Tinuturo ang baril sa legs ko. Hindi ko napansing naka uwang na pala ang slit nitong dress ko, kaya medyo nakita na ang baril. Nagsilapitan ang mga tao. Mayroon pang mga lalaki na malalaki ang katawan, tinulungang makatayo ang matanda. Tauhan nya ata ang mga ito.
Nakita kong tumakbo ang bata sa takot. Napatingin sakin ang mga lalaki, agad akong hinila ni theo at pumunta sa sasakyan. Mabilis ang naging kilos namin kung kaya't hindi na kami nakita nung mga taong 'yon. Pagdating sa parking lot ay binitawan nya na ang kamay ko. Tumingin sya sakin nang diretso. Akala ko itatanong nya ang tungkol sa baril, ngunit hindi nya ito ginawa.
"Are you okay?" sinserong tanong nya. Tumango lang ako bilang tugon.
Maya maya ay may narinig kaming umiiyak. Pagsilip ay nakita namin ang bata kanina. Akmang lalapitan ko ito ngunit mas lalong umiyak.
"W-wag ka po lumapit! Wag nyo po ako sasaktan." Marahil inisip nyang masamang tao ako dahil sa baril na nakita.
"Hindi ako masamang tao, saan ka ba umuuwi?" Ngunit kita ko pa rin ang takot sa bata. Sumingit na si theo upang makumbinsi ito. Lumuhod sya upang makausap nang maayos ang bata.
"Hindi masamang tao itong kasama ko. Di ba pinagtanggol ka nya kanina dun sa umaaway sayo?" napaisip ang bata sabay tumango. Tumahan ito at tumingin sa akin.
"Kumain kana ba? Saan ang bahay mo? " Nakangiti kong tanong. Tumayo naman ito at lumapit sa akin.
Hawak hawak nya ang tyan at tsaka nagsalita. "Hindi pa po ako kumakain simula pa kaninang umaga. Taga upper psion po ako." Nakaramdam ako ng awa. Tumingin ako kay theo, tingin na nanghihingi ng permiso upang tulungan ang bata. Wala akong kotse dito kaya sa kanya lang ako pwede mag request.
"Oh, yes! Of course, i know that place, and may food pa sa backseat. Hilig ni brent mag take out ng food sa mga party then ilalagay sa car ko." Paliwanag nya. Napangiti naman ako.
Inaya ko ang bata patungo sa back seat. Tama nga sya, andaming take out foods dito. Binigay ko sa bata ang pwede sa kanya. Hiniwalay ko naman ang mga pang adult. May mga alak kasi dito at pulutan, ganto ba katakaw si brent at dinadala ang mga ito?
"Ano ang pangalan mo?" Tanong ko pagkasakay sa front seat.
"Joy po ang pangalan ko, ate!" Tuwang tuwa na sabi nito. Puno pa ng pagkain ang bibig. Ngumiti nalang ako at hindi na nagtanong para makafocus sya sa pagkain. Tumingin ako kay theo na ngayon ay nagdadrive.
"What?" Tanong nya nang mapansing nakatingin ako, pansin ko sa kanya ay hindi nya kayang may tumititig sa kanya nang matagal.
"Ahm, thanks." Sabi ko at biglang yumuko. Ngumiti naman syang umiiling iling.
"You're always welcome, beautiful" Sambit nya ngunit hindi ko na ito pinansin.
>>
"Beshhhhh!! Ano na???" Bungad sakin ni praise pagpasok sa kwarto ko. Kanina ko pa kasi hindi sinasagot ang mga tanong nya.
Nagpahatid lang ako kay theo kalayuan mula sa bahay namin, ayaw kong malaman nya kung saan ako mismo nakatira. Mabuti nang nag iingat. Nagpasundo lang ako kay praise dala ang kotse namin dito sa kalayuan, mula doon hanggang dito sa bahay ay puro pag bubunganga ang ginagawa nya.
"Pag pahingahin mo kaya muna ako?!" Bulyaw ko. Sumimangot naman sya.
"Okay aalis na ako, isang sagot lang! Pogi ba???" Ang kulit talaga.
"Hindi ko alam! Ewan! Pwede na!" At dun na sya sumigaw nang paglakas lakas. Napakasakit sa tenga! Lumabas sya sa kwarto ko nang tumitili pa rin. Ano bang problema nun? Hindi ba't kalaban namin ito? Hays. Sa sobrang pagod ay agad akong nakatulog.
Kinabukasan ay hapon na ako nagising. Sobrang sakit ng ulo ko dahil nasobrahan ako sa pag tulog. Asan ba si praise at hindi man lang ako ginising?! Hindi muna ako naghilamos at pumunta na sa baba upang maghanap ng makakain. Kumukulo na ang sikmura ko sa gutom.
Pagbaba ng hagdan ay laking gulat ko nang andun si- si si tekaaa!
"Aaaaahhhh!!" Napasigaw ako sa nakita. Magkausap si praise at brent dito sa sala! Masaya silang nagtatawanan at biglang napatingin sakin.
"Uy tria, gising ka na pala" bungad sakin ni brent, medyo naiilang at hindi makatingin sakin. Dun ko lang naalala na wala pala akong bra at may mga panis na laway pa. Hindi ako makatakbo agad, nawawala ako sa sarili. Bakit andito ang mga to? Bakit nya hinayaan!!!
"Hi besh! U-uhm, much better siguro if maghilamos ka muna." Sabi ng l*che kong kaibigan at nagpapacute pa, akma akong babatuhin sya ngunit niluwal ng pintuan si theo na bihis na bihis. Shut*ngina talaga! Dun nako napatakbo paitaas. Nakakahiya! Ano ba nangyayari? Bakit nya pinaalam ang location namin!! Bwiset ka talaga praise, sumasakit ulo ko sayo.
Naligo na ako at nagbihis. Hindi pa ako nakakakain, tiniis ko ang kumukulo kong tyan. Huhu kawawa naman ang baby stomach ko. Nagsuot lang ako ng short at oversized tshirt. Wala akong pakealam kung sino man ang nasa baba. Hindi naman sila importanteng tao para gandahan pa ang suot ko no.
Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kusina, hindi ko sila pinansin. Kumuha ako ng pagkain, dinamihan ko ang kanin. Gutom talaga ako. Pag punta sa mesa ay umupo ako at nakataas pa ang isang paa. Nagsimula na ako kumain nang nakakamay. Nakapatong ang braso ko sa binti na nakapatong naman sa upuan. Maya maya ay napatingin ako sa sala, lahat sila at gulat na nakatitig sa akin.
"Oh problema nyo?" Tanong ko at sumubo ulit.
"Besh! Umayos ka nga, magpaka girly ka naman" bulyaw sa akin ni praise. Bakit naman? Eh sa ganto naman talaga ako.
"Bakit ba kasi kayo andito?" Tanong ko sa dalawang lalaki. Alam kong misyon ko ang mapalapit sa kanila pero naiirita ako pag sila pa mismo ang lumalapit sa akin. Halatang nagulat sila sa itinanong ko. Ngunit tumawa rin si theo. Eto talaga ang nakakainis eh, seryoso kana natatawa pa.
"We're just here to-" agad kong pinutol ang sasabihin nya.
"Hep hep hep! Sabihin mo yan nang pure tagalog, naiirita ako!" Lumakas naman ang tawa ni brent sa tabi nya. Animoy sobrang nakakatawa ang sinabi ko, nakahawak pa sa tyan nya.
"Bro, kaya mo ba?" Naluluha na nitong sabi. Umubo naman si theo at huminga nang malalim
"yes of course- este oo naman! Ahm tria, we punta dito because kasi uhm we have to ahm no, no, no" natatawa naman ako ngunit pinigilan ko ito. Ant*nga naman nito. Sarap patayin bigla. Joke
"Sige na! Mag english ka na! Kawawa ka naman" sabi ko upang tumigil na kakatawa si brent. Si praise naman ay nakatitig lang kay brent habang nagniningning ang mata.
"Ahm, we went here para makausap ka." Makausap?
"For what?" Tanong ko. Pati na rin tuloy ako nahahawa sa pa english english nito.
"Basta, i will tell you later." Nagkibit balikat lang ako bilang tugon at pinag patuloy ang pagkain.
>>
Andito kami ngayon sa biggest garden of psion, napakaganda dito. Hindi ko alam bakit dinala nya ako rito. Tuwang tuwa akong nilibot ang paningin. Ang ganda ng bulaklak ng mga orchids! Pati ang mga sunflower, naalala ko tuloy bigla si william, pero wala nang kirot akong nararamdaman. Hindi tulad dati na pag naaalala ko sya ay nasasaktan ako. Ngayon hindi na, im so proud of myself.
"You like it?" Tanong nya, kanina pa pala nya ako pinagmamasdan. Tumango lang ako at ngumiti.
Inamoy amoy ko ang nag gagandahang bulaklak dito. Umupo lang kami sa isang bench sa tabi. Pinagmamasdan ang mga tao. Puro magjojowa ang andito, mayroon ding magpamilya. Namiss ko na naman tuloy sina nanay at rue. Sana dumating ang oras na makasama ko ulit sila.
"Ano nga pala ang pag uusapan natin? Tsaka paano nyo nalaman ang bahay ko?" Tanong ko upang mabasag ang katahimikan.
"Uhm before i left you last night, I made sure na someone is there para ihatid ka. I saw your friend. Then kanina, pumunta ulit kami dun sa pinaghatidan ko sayo. I saw your friend again. Kinausap sya ni brent, then ayun. She invited us para pumunta sa inyo." Kwento nya.
Gaga talaga tong kaibigan ko. Ang pangit sa kanya, nakakalimutan nya ang mission namin pag nakakaramdam ng butterfly sa katawan.
"Oh, i see. Ano pala sasabihin mo?" Hindi ko pinahalata na naiinis ako, magsasalita na sana sya ngunit biglang tumunog ang relo nya. Maya maya nag swipe ito at lumabas ang isang screen, nasa screen na ito ang taong kausap nya.
"Excuse us." Sabi nya at tumayo. Hindi ko rinig ang usapan nila ngunit kita ko ang mukha nung lalaki. Maya maya ay bumalik sya.
"Uhm driver ko, sasabay sana sya since andito rin daw sya kaso i told to him na mauna na." Paliwanag nya kahit di ko naman tinanong. Biglang nagkaroon ng idea sa utak ko. Tinandaan ko ang mukha nung lalaki. Nagmadali akong tumayo.
"Cr lang ako, wait moko dito" sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at ngumiti.
Hinalughog ko ang buong garden na ito. Hinahanap ang lalaki. Naka above the knee skirt ako ngayon kaya malabong makita ang baril na nakakabit sa hita ko. Maya maya ay nakita ko rin sya, andun sa smoking area. Naninigarilyo at may kausap sa telepono. Sakto at walang tao, lumapit ako nang dahan dahan.
Nilabas ko si sue, ang paborito kong baril. Ginagamit ko lang ito sa mahahalagang mission tulad nito. Pinagmasdan ko ang paligid, tiningnan ang bawat cctv sa paligid. Naglagay ako ng madaming silencer kay sue, isa isang binaril ang bawat cctv sa paligid. Nawasak ito ngunit hindi napansin nung lalaki, busy sa kausap.
Maya maya ay lumapit pa ako nang konti. Naririnig ko na ang pinag uusapan. "Yes master, may kausap si sir theo na babae. Mukhang iyon na 'yon."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya ngunit kinukutuban ako. Paparami na ang mga tao sa entrance, hindi ko na ito papatagalin pa. Pinutok ko ang baril at sakto itong pinatama sa phone nya dahilan para masira ito at mabitawan nya. Napatingin sya sa akin, ang tingin nya ay animo'y kilala ako. Ngumisi ako sa kanya, agad syang kumuha ng baril sa likod ng kanyang pants at tsaka itinutok sa akin.
"Tria.." Sabi nya, hindi na ako nagulat na kilala ako nito. Maski si theo, may kutob akong kilala nya ako ngunit hindi pa ako sigurado. Kailangan ko pa ring mag ingat.
"So, you know me" sabi ko nang nakangiti.
"Katapusan mo na" sabi nya at akmang ipuputok ang baril ngunit mabilis ko itong nailagan. Dahil sa bilis ng aking kilos ay nakarating agad ako sa tabi nya, gulat syang lumingon sa akin.
"Wag!" Sigaw nya ngunit naiputok ko na ito sa kanyang ulo. Wala pa masyadong tao sa area na ito kaya't walang nakakita.
Pumunta ako sa cr na parang walang nangyari at doon inayos ang sarili. Nagretouch ako ng make up at ngumiti. Pumunta ako kay theo, good thing dahil sabi nyang kumain muna kami at doon na sa restaurant mag usap. Habang papalabas sa entrance ay narinig ko ang sigawan ng mga tao, pinakiramdaman ko ang paligid ngunit hindi ata ito narinig ni theo. Pinagbuksan nya ako ng kotse at naunang pumasok, tumingin ako sa garden at napangiti sabay sabing
"one down."
Andito kami ngayon sa tech area ni praise. Nagpagawa ako ng mga accessories na pwede kong gamitin anumang oras. Hindi na muna ako gagamit ng baril, masyadong delikado lalo na sa lugar na ito. Pag nakakita sila ng baril iisipin agad may masama akong balak. Hindi naman ako masamang tao eh, slight lang. Maya maya ay binigay nya sakin ang isang sterling silver chain bracelet. Agad ko naman itong sinuot. Kumikinang ang ganda nito, bagay na bagay sa kutis ko. May "chantria" na nakalagay sa gitna. "Ang ganda naman nito" puri ko. "Syempre, praise to eh." Mayabang na sagot nya. Tumayo ako at hinubad ang bracelet, tinanggal ko sa padlock at winagayway ito. Maya maya ay naging matibay na parang kadena ito, mas lumaki nang kaunti. Itinutok ko ito sa kamay ni praise at tsaka binato. Tumama ito at automatic na nilock ang dalawang kamay ni praise, nag anyong parang posas. "Tria! Ano ba, wag nga ako ang pag praktisan mo!" Bulyaw nya. Natawa naman ako, angas pala nito. Lumapit ako sa kanya at tin
"Uy besh, kamusta kagabi? San kayo nagpunta?" Excited na tanong ni praise pagbaba ko ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at doon nagsimulang kumain. Hindi ko sya sinagot. Ang sakit ng ulo ko, di ako makatulog kagabi kaya kulang na kulang talaga ang tulog ko. Naiinis pa rin ako pag naaalala 'yon. Ang tanga mo talaga kahit kailan, tria! Ang dali mo mauto, hilig mo magpadala agad. Kalaban yon, kalaban! "Uy besssshhhhhh!!" Sumigaw nang pagkalakas lakas itong si praise, tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tinis ng boses nito. "Ano ba!" Sigaw ko rin pabalik. Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko. "Ano nga? Ano nangyari kagabi? Dali dali dali!" Ang sakit talaga sa tenga ng boses nito. "Wala." Kita ang dismaya nya sa sagot ko. "Anong wala? Eh hinatid ka nya rito bagnot na bagnot yang mukha mo! Kaya for sure may nangyari- teka," nililiit nya ang mata na animo'y hinuhuli ako. "O-oh, ano yang iniisip mo?" Kinakabahang tanong ko. Sa tagal naming magkasama ni praise alam kong kilalang kilala na
Nagising akong nasa isang kwarto, halatang kwarto ito ng isang lalaki. Halos puro kulay itim ang nasa paligid. Ang bango rin ng loob, ang manly masyado. Sinubukan kong bumangon ngunit napahiga lang ulit dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa hita kong tinamaan ng bala, may bandage na ito. Nakagupit ang pants na suot ko, sakto lang bilang maging short upang magamot ito. Ramdam ko pa rin ang kirot pero hindi na tulad ng kagabi. Medyo nanghihina pa rin dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Naalala ko si theo, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Maya maya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto. Iniluwal nito ang dalawang babae, ang isa ay naka uniporme ng pang doctor at ang isa naman ay parang maid dito base sa kanyang suot. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sakin nung doctor habang tinatanggal ang bandage ng sugat ko. Napapikit ako sa sakit. "Pasensya na, kailangan ko nang palitan itong bandage para na rin malinis ang sugat mo." Tumango lang ako at sumagot
Isang linggo ang nakalipas mula sa nangyari. Okay na rin ako at nakakagalaw na nang maayos, naging mabilis ang paggaling ko dahil na rin sa mga inembento ni praise. Sa isang linggong nakalipas ay dumadalaw din sina theo at brent. Palaging may dalang bulaklak ang mga ito lalo na si theo na may kasama pang mga paborito kong pagkain. Hindi ko alam ano punto nila, ayaw ko mag assume pero masaya ako sa kabutihang pinapakita nila. Sa ngayon ay napag isip isip kong hindi muna gawin ang mission, gusto kong pag isipan muna ito nang mabuti. Gusto kong malaman kung totoo ba ang dalawang lalaking ito, gusto ko rin alamin kung ano ang pakay nila sa amin.Sa ngayon ay niyaya ako ni theo para mamasyal ulit. Nagbihis lang ako ng fitted checkerd skirt at white longsleeve, nagsuot din ako ng black boots para naman di ako sobrang manliit sa sarili ko pag katabi si theo. Nilugay ko lang ang buhok ko na natural ang pagkakulot sa baba. Hindi ko na sinuot ang mga accessories na gawa ni praise dahil wala nam
“besh ang init naman dito! tsaka tingnan mo, ang daming insektong nagliliparan.” Reklamo ni praise habang winawagayway ang kamay para mabugaw ang mga insekto.Andito kami ngayon sa isa sa pinaka malaking farm dito sa psion. Miss ko na ang baryo namin kaya nagsearch ako about dito, kung saang farm ang pwede kaming magtanim, mamitas o kung ano ano pa.Nakasuot kami ng longsleeve checkerd, maong pants at below the knee na boots, may suot din kaming cow girl hat pero nagrereklamo pa rin si praise sa init ng araw. Dinala ko sya rito para makapag bonding din kami at alam kong hindi sya sanay sa ganto dahil lumaki sya kay madam eve.“nga pala, tagal na nating magkaibigan pero di ko alam kung bakit ka nasa jaxon impers.” Iniba ko ang topic para hindi puro pagrereklamo sinasabi nitong katabi ko, tsaka totoo naman. Sa ilang years kong pag seserbisyo sa jaxon impers, hindi ko manlang alam kung pano sya napunta roon. Unang kita nya kasi sakin ay kinaibigan nya agad ako. Sa sobrang daldal nito ay
It’s been a week, mas pinili kong malugmok sa kwarto at makapag isip. Sobrang naguguluhan ako sa sarili ko. Nung oras na ‘yon ay nasisiguro kong mahalaga sya sakin, ngunit ngayong ako na naman mag isa.. para bang, mali. Alam ko namang in the first place ay hindi dapat umabot sa ganto. Sa linggong nagdaan ay dumadalaw sila theo ngunit tanging si praise lang ang nag eentertain sa kanila. Alam ni praise ang ugali ko, kaya hindi nya na pinapilit pang harapin ko sila. Paminsan minsan ay pumupunta sya upang kausapin ako ngunit binibigyan ko lang sya ng pilit na ngiti. Laking pasasalamat ko dahil alam nya kung paano at kelan dapat respetuhin ang privacy ko.Paano ba mapigilan ang nararamdaman?Napatingin ako sa orasan. 2pm na pala pero eto ako, nakatulala pa rin sa kisame. Walang ayos, walang hilamos, walang ligo, walang kain at wala sa sarili. Bumaba na ako nang hindi matiis ang gutom. Kinakailangan pa munang makaramdam ng hilo bago kumain. Pag baba ko ay dumiretso ako sa mesa, wala si prai
Andito ulit kami ngayon sa farm na pinuntahan namin nung nakaraan. Ito lang kasi ang lugar kung saan ako komportable at nakakarelax. Pag kaharap ko ang magandang tanawin ay feeling ko wala akong problema, ang gaan gaan sa pakiramdam.This time ay wala sila theo, seryosong pinakiusapan ko si praise na wag na sila sabihan. Gusto ko nga sana umalis mag isa eh ang kaso nag aalala daw sya, nangako naman syang hindi sasabihan ang dalawang lalaki.“besh, may idea ka na ba sino ang mga ‘yon?” nabigla ako sa tanong nya, alam ko ang tinutukoy nya ngunit hindi ko pa talaga pwedeng sabihin na pinaghihinalaan ko sila theo, lalo na’t hindi ako sigurado.“wala pa nga eh, baka nautusan lang din.” Totoo iyon, alam kong may nag utos sa mga iyon.“feel ko rin eh, kasi kung hindi planado yon ay baka tinuluyan na nila tayo.”“hindi ko hahayaang mangyari yon.” Kumpyansang sagot ko.“wow, yabang ah?” pang aasar nya.“kala ko ba may tiwala ka sakin?”“oo naman yes!” at nag tawanan kami.Maya maya ay naalala
Maaga akong gumising upang mag asikaso sa pagpasok sa paaralan. Napakaganda ng umaga! Ang sariwa ng simoy ng hangin, napakaganda ng araw, rinig na rinig ang hampas ng mga alon sa dagat. Napakaganda talaga sa lugar na aking sinilangan. Ewan ko ba, 17 years na akong nakatira dito ngunit hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa aming lugar. Hayyy.."Oh anak, kumilos kana riyan at baka mahuli ka sa paaralan! Nako nako, pinagmamasdan mo na naman ang magandang kapaligiran, ano? " nahuli na naman ako ni nanay na nakapikit at nakaunat ang mga braso habang dinadama ang simoy ng hangin, halos araw araw nya ako nakikitang gan'to."Eh pa'no ba naman kasi inay, talagang napakaganda ng ating lugar! Isama mo pa ang mga tao ditong may mabubuting puso." Totoo ang sinabi kong iyon, talagang palagi kong naappreciate ang aming baryo dahil bukod sa napakaganda ng lugar ay talaga masasabi mong napakabuti ng mga mamamayan dito. Lahat ay may respeto, nagbibigayan, nagtutulungan at may malasakit sa isa't
Andito ulit kami ngayon sa farm na pinuntahan namin nung nakaraan. Ito lang kasi ang lugar kung saan ako komportable at nakakarelax. Pag kaharap ko ang magandang tanawin ay feeling ko wala akong problema, ang gaan gaan sa pakiramdam.This time ay wala sila theo, seryosong pinakiusapan ko si praise na wag na sila sabihan. Gusto ko nga sana umalis mag isa eh ang kaso nag aalala daw sya, nangako naman syang hindi sasabihan ang dalawang lalaki.“besh, may idea ka na ba sino ang mga ‘yon?” nabigla ako sa tanong nya, alam ko ang tinutukoy nya ngunit hindi ko pa talaga pwedeng sabihin na pinaghihinalaan ko sila theo, lalo na’t hindi ako sigurado.“wala pa nga eh, baka nautusan lang din.” Totoo iyon, alam kong may nag utos sa mga iyon.“feel ko rin eh, kasi kung hindi planado yon ay baka tinuluyan na nila tayo.”“hindi ko hahayaang mangyari yon.” Kumpyansang sagot ko.“wow, yabang ah?” pang aasar nya.“kala ko ba may tiwala ka sakin?”“oo naman yes!” at nag tawanan kami.Maya maya ay naalala
It’s been a week, mas pinili kong malugmok sa kwarto at makapag isip. Sobrang naguguluhan ako sa sarili ko. Nung oras na ‘yon ay nasisiguro kong mahalaga sya sakin, ngunit ngayong ako na naman mag isa.. para bang, mali. Alam ko namang in the first place ay hindi dapat umabot sa ganto. Sa linggong nagdaan ay dumadalaw sila theo ngunit tanging si praise lang ang nag eentertain sa kanila. Alam ni praise ang ugali ko, kaya hindi nya na pinapilit pang harapin ko sila. Paminsan minsan ay pumupunta sya upang kausapin ako ngunit binibigyan ko lang sya ng pilit na ngiti. Laking pasasalamat ko dahil alam nya kung paano at kelan dapat respetuhin ang privacy ko.Paano ba mapigilan ang nararamdaman?Napatingin ako sa orasan. 2pm na pala pero eto ako, nakatulala pa rin sa kisame. Walang ayos, walang hilamos, walang ligo, walang kain at wala sa sarili. Bumaba na ako nang hindi matiis ang gutom. Kinakailangan pa munang makaramdam ng hilo bago kumain. Pag baba ko ay dumiretso ako sa mesa, wala si prai
“besh ang init naman dito! tsaka tingnan mo, ang daming insektong nagliliparan.” Reklamo ni praise habang winawagayway ang kamay para mabugaw ang mga insekto.Andito kami ngayon sa isa sa pinaka malaking farm dito sa psion. Miss ko na ang baryo namin kaya nagsearch ako about dito, kung saang farm ang pwede kaming magtanim, mamitas o kung ano ano pa.Nakasuot kami ng longsleeve checkerd, maong pants at below the knee na boots, may suot din kaming cow girl hat pero nagrereklamo pa rin si praise sa init ng araw. Dinala ko sya rito para makapag bonding din kami at alam kong hindi sya sanay sa ganto dahil lumaki sya kay madam eve.“nga pala, tagal na nating magkaibigan pero di ko alam kung bakit ka nasa jaxon impers.” Iniba ko ang topic para hindi puro pagrereklamo sinasabi nitong katabi ko, tsaka totoo naman. Sa ilang years kong pag seserbisyo sa jaxon impers, hindi ko manlang alam kung pano sya napunta roon. Unang kita nya kasi sakin ay kinaibigan nya agad ako. Sa sobrang daldal nito ay
Isang linggo ang nakalipas mula sa nangyari. Okay na rin ako at nakakagalaw na nang maayos, naging mabilis ang paggaling ko dahil na rin sa mga inembento ni praise. Sa isang linggong nakalipas ay dumadalaw din sina theo at brent. Palaging may dalang bulaklak ang mga ito lalo na si theo na may kasama pang mga paborito kong pagkain. Hindi ko alam ano punto nila, ayaw ko mag assume pero masaya ako sa kabutihang pinapakita nila. Sa ngayon ay napag isip isip kong hindi muna gawin ang mission, gusto kong pag isipan muna ito nang mabuti. Gusto kong malaman kung totoo ba ang dalawang lalaking ito, gusto ko rin alamin kung ano ang pakay nila sa amin.Sa ngayon ay niyaya ako ni theo para mamasyal ulit. Nagbihis lang ako ng fitted checkerd skirt at white longsleeve, nagsuot din ako ng black boots para naman di ako sobrang manliit sa sarili ko pag katabi si theo. Nilugay ko lang ang buhok ko na natural ang pagkakulot sa baba. Hindi ko na sinuot ang mga accessories na gawa ni praise dahil wala nam
Nagising akong nasa isang kwarto, halatang kwarto ito ng isang lalaki. Halos puro kulay itim ang nasa paligid. Ang bango rin ng loob, ang manly masyado. Sinubukan kong bumangon ngunit napahiga lang ulit dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa hita kong tinamaan ng bala, may bandage na ito. Nakagupit ang pants na suot ko, sakto lang bilang maging short upang magamot ito. Ramdam ko pa rin ang kirot pero hindi na tulad ng kagabi. Medyo nanghihina pa rin dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Naalala ko si theo, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Maya maya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto. Iniluwal nito ang dalawang babae, ang isa ay naka uniporme ng pang doctor at ang isa naman ay parang maid dito base sa kanyang suot. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sakin nung doctor habang tinatanggal ang bandage ng sugat ko. Napapikit ako sa sakit. "Pasensya na, kailangan ko nang palitan itong bandage para na rin malinis ang sugat mo." Tumango lang ako at sumagot
"Uy besh, kamusta kagabi? San kayo nagpunta?" Excited na tanong ni praise pagbaba ko ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at doon nagsimulang kumain. Hindi ko sya sinagot. Ang sakit ng ulo ko, di ako makatulog kagabi kaya kulang na kulang talaga ang tulog ko. Naiinis pa rin ako pag naaalala 'yon. Ang tanga mo talaga kahit kailan, tria! Ang dali mo mauto, hilig mo magpadala agad. Kalaban yon, kalaban! "Uy besssshhhhhh!!" Sumigaw nang pagkalakas lakas itong si praise, tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tinis ng boses nito. "Ano ba!" Sigaw ko rin pabalik. Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko. "Ano nga? Ano nangyari kagabi? Dali dali dali!" Ang sakit talaga sa tenga ng boses nito. "Wala." Kita ang dismaya nya sa sagot ko. "Anong wala? Eh hinatid ka nya rito bagnot na bagnot yang mukha mo! Kaya for sure may nangyari- teka," nililiit nya ang mata na animo'y hinuhuli ako. "O-oh, ano yang iniisip mo?" Kinakabahang tanong ko. Sa tagal naming magkasama ni praise alam kong kilalang kilala na
Andito kami ngayon sa tech area ni praise. Nagpagawa ako ng mga accessories na pwede kong gamitin anumang oras. Hindi na muna ako gagamit ng baril, masyadong delikado lalo na sa lugar na ito. Pag nakakita sila ng baril iisipin agad may masama akong balak. Hindi naman ako masamang tao eh, slight lang. Maya maya ay binigay nya sakin ang isang sterling silver chain bracelet. Agad ko naman itong sinuot. Kumikinang ang ganda nito, bagay na bagay sa kutis ko. May "chantria" na nakalagay sa gitna. "Ang ganda naman nito" puri ko. "Syempre, praise to eh." Mayabang na sagot nya. Tumayo ako at hinubad ang bracelet, tinanggal ko sa padlock at winagayway ito. Maya maya ay naging matibay na parang kadena ito, mas lumaki nang kaunti. Itinutok ko ito sa kamay ni praise at tsaka binato. Tumama ito at automatic na nilock ang dalawang kamay ni praise, nag anyong parang posas. "Tria! Ano ba, wag nga ako ang pag praktisan mo!" Bulyaw nya. Natawa naman ako, angas pala nito. Lumapit ako sa kanya at tin
"Hey!" Doon lang ako bumalik sa ulirat nang bigla nyang itaas baba ang kamay nya sa harap ko. Animo'y ginigising ang diwa ko."A-ah" wala akong masagot. Hindi ko alam bakit ako nauutal. Hindi lang ako makapaniwala na sa gantong pangyayari magtatagpo ang landas namin."Oh, i think you're just scared. Don't worry, i won't hurt you." Sabi nya sabay kindat. Lumabas ang pagkalalim lalim na dimple nito. Scared? He don't even know me."Anong scared? 'wag mokong english englishin dyan, hindi ka naman nakakatakot." Sagot ko na parang mali pa ata ang naging dating."Yes, i know right! Ganto ba naman ka handsome eh." Ngayon palang naiirita na ako sa kanya. Gusto ko na syang barilin para makita kung paano sya bumulagta sa harap ko. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Kailangan kong sumunod sa plano. Huminga ako nang malalim at inayos ang postura, tumingin ako nang diretso sa asul nyang mga mata at tsaka ngumiti."Tria." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay. Ngumiti naman sya at tsaka inabot ang aki
"Palayain nyo na ako, napag utusan lang ho ako! Parang awa nyo na!" Pagmamakaawa ng lalaki sa harap ko."Papalayain kita, pag sinabi mo kung sino ang nag utos sa iyo." Sagot ko habang pinupunasan ang paborito kong baril."H-hindi ko maaari sabihin! Nangako akong magiging tapat hanggang kamatayan ko." Napangisi ako sa tapang ng lalaki."Abutan mo ako ng ibang baril, ayaw kong si sue ang gagamitin sa mangmang na ito." Utos ko sa isang tauhan sabay nilagay ang paborito kong baril sa magandang kahong lalagyan nito."Masusunod po Ms. Tria!" Tsaka binuksan ang malaking cabinet na puno ng ibat ibang uri ng baril.Lumapit ako sa lalaki sabay lumuhod sa kanyang harap, tinitigan ko sya sa mata habang nakangisi.Maya maya ay inabot sakin ng isang tauhan ang isang caliber 45."Last, chance. Sino ang nag utos sayo?" NAuubusan ng pasensyang tanong ko habang nakatitig sa mga mata nya. Bigla naman syang naglumpasay, umaasang makakawala sa pagkakatali."H-hindi ko sasabihi-" hindi ko na pinatapos ang