“Tria… Halika na… sumama ka na sakin, ito na ang panahon.. tara..” Agad akong napabalikwas sa higaan at hingal na hingal na bumangon. Grabeng bangungot, parang totoo! Halos binabawi ko ang buhay ko, pinipilit kong gisingin ang katawan ko. Ano ba ang ibig sabihin noon? Nitong mga nakaraang araw, sunod sunod ang mga weird na nangyayari sa buhay ko. Ganto ba talaga pag mag didisi otso na? hays, magbibirthday na ako oh! Ibabash ko ang mga minor, char.Agad akong tumayo para uminom ng tubig at hindi na maulit ang bangungot na iyon. Paglabas ng kwarto ay nakita ko si nanay na nakaupo at- teka? Umiiyak ba sya? “N-nay? Okay ka lang po ba? Bakit ka po umiiyak? May nangyari po ba?” sunod sunod na tanong ko. “Wala anak, napuwing lang ako..” sagot nya.Ngunit hindi ako naniniwala, kilala ko ang nanay ko. Alam ko kung gano kalambot ang puso nya kaya siguradong nasasaktan sya ngayon. Umupo ako sa tabi nya. “Nay.. alam ko pong meron. Ano po ang nangyari? Teka, picture frame po ba iyan?” akma k
Maaga akong gumising. Sobrang sakit ng ulo ko. Para akong naiiyak pag naaalala ang kagabi. Hindi ko alam kung papano ako napunta sa aking higaan ngunit hindi na mahalaga iyon. Alam kong hindi talaga pang karaniwang tao ang babaeng iyon. Para syang may itim na mahika.Tumayo na ako para magsepilyo, hawak ang aking sentido habang naglalakad. Argh! Napakasakit talaga ng ulo ko.“SURPRISEEEEEE!!!” napabulagta ako sa kanilang sigaw. Jusko, ang kabog ng dibdib ko.“HAPPY BIRTHDAY LEYLEY NAMIN!!!” bungad nila sa akin. napangiti naman ako, birthday ko na pala.Andito silang lahat. Si nanay na may hawak na tarpauline, si rue na may hawak na mga balloon at si william na lumalapit sa akin para iblow ang hawak nyang cake.“ make your wish, my leyley.” Sinunod ko naman ang sinabi nya, hinipan ko ang kandila. Nagwish na sana kahit papano ay magkaroon ng magandang pangyayari ang desisyong pinagsisisihan ko. Maya maya ay lumapit sa akin si rue at nanay na animo’y naiiyak. Haynako, naiiyak na rin tulo
"Palayain nyo na ako, napag utusan lang ho ako! Parang awa nyo na!" Pagmamakaawa ng lalaki sa harap ko."Papalayain kita, pag sinabi mo kung sino ang nag utos sa iyo." Sagot ko habang pinupunasan ang paborito kong baril."H-hindi ko maaari sabihin! Nangako akong magiging tapat hanggang kamatayan ko." Napangisi ako sa tapang ng lalaki."Abutan mo ako ng ibang baril, ayaw kong si sue ang gagamitin sa mangmang na ito." Utos ko sa isang tauhan sabay nilagay ang paborito kong baril sa magandang kahong lalagyan nito."Masusunod po Ms. Tria!" Tsaka binuksan ang malaking cabinet na puno ng ibat ibang uri ng baril.Lumapit ako sa lalaki sabay lumuhod sa kanyang harap, tinitigan ko sya sa mata habang nakangisi.Maya maya ay inabot sakin ng isang tauhan ang isang caliber 45."Last, chance. Sino ang nag utos sayo?" NAuubusan ng pasensyang tanong ko habang nakatitig sa mga mata nya. Bigla naman syang naglumpasay, umaasang makakawala sa pagkakatali."H-hindi ko sasabihi-" hindi ko na pinatapos ang
"Hey!" Doon lang ako bumalik sa ulirat nang bigla nyang itaas baba ang kamay nya sa harap ko. Animo'y ginigising ang diwa ko."A-ah" wala akong masagot. Hindi ko alam bakit ako nauutal. Hindi lang ako makapaniwala na sa gantong pangyayari magtatagpo ang landas namin."Oh, i think you're just scared. Don't worry, i won't hurt you." Sabi nya sabay kindat. Lumabas ang pagkalalim lalim na dimple nito. Scared? He don't even know me."Anong scared? 'wag mokong english englishin dyan, hindi ka naman nakakatakot." Sagot ko na parang mali pa ata ang naging dating."Yes, i know right! Ganto ba naman ka handsome eh." Ngayon palang naiirita na ako sa kanya. Gusto ko na syang barilin para makita kung paano sya bumulagta sa harap ko. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Kailangan kong sumunod sa plano. Huminga ako nang malalim at inayos ang postura, tumingin ako nang diretso sa asul nyang mga mata at tsaka ngumiti."Tria." Pagpapakilala ko sabay abot ng kamay. Ngumiti naman sya at tsaka inabot ang aki
Andito kami ngayon sa tech area ni praise. Nagpagawa ako ng mga accessories na pwede kong gamitin anumang oras. Hindi na muna ako gagamit ng baril, masyadong delikado lalo na sa lugar na ito. Pag nakakita sila ng baril iisipin agad may masama akong balak. Hindi naman ako masamang tao eh, slight lang. Maya maya ay binigay nya sakin ang isang sterling silver chain bracelet. Agad ko naman itong sinuot. Kumikinang ang ganda nito, bagay na bagay sa kutis ko. May "chantria" na nakalagay sa gitna. "Ang ganda naman nito" puri ko. "Syempre, praise to eh." Mayabang na sagot nya. Tumayo ako at hinubad ang bracelet, tinanggal ko sa padlock at winagayway ito. Maya maya ay naging matibay na parang kadena ito, mas lumaki nang kaunti. Itinutok ko ito sa kamay ni praise at tsaka binato. Tumama ito at automatic na nilock ang dalawang kamay ni praise, nag anyong parang posas. "Tria! Ano ba, wag nga ako ang pag praktisan mo!" Bulyaw nya. Natawa naman ako, angas pala nito. Lumapit ako sa kanya at tin
"Uy besh, kamusta kagabi? San kayo nagpunta?" Excited na tanong ni praise pagbaba ko ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina at doon nagsimulang kumain. Hindi ko sya sinagot. Ang sakit ng ulo ko, di ako makatulog kagabi kaya kulang na kulang talaga ang tulog ko. Naiinis pa rin ako pag naaalala 'yon. Ang tanga mo talaga kahit kailan, tria! Ang dali mo mauto, hilig mo magpadala agad. Kalaban yon, kalaban! "Uy besssshhhhhh!!" Sumigaw nang pagkalakas lakas itong si praise, tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tinis ng boses nito. "Ano ba!" Sigaw ko rin pabalik. Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko. "Ano nga? Ano nangyari kagabi? Dali dali dali!" Ang sakit talaga sa tenga ng boses nito. "Wala." Kita ang dismaya nya sa sagot ko. "Anong wala? Eh hinatid ka nya rito bagnot na bagnot yang mukha mo! Kaya for sure may nangyari- teka," nililiit nya ang mata na animo'y hinuhuli ako. "O-oh, ano yang iniisip mo?" Kinakabahang tanong ko. Sa tagal naming magkasama ni praise alam kong kilalang kilala na
Nagising akong nasa isang kwarto, halatang kwarto ito ng isang lalaki. Halos puro kulay itim ang nasa paligid. Ang bango rin ng loob, ang manly masyado. Sinubukan kong bumangon ngunit napahiga lang ulit dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa hita kong tinamaan ng bala, may bandage na ito. Nakagupit ang pants na suot ko, sakto lang bilang maging short upang magamot ito. Ramdam ko pa rin ang kirot pero hindi na tulad ng kagabi. Medyo nanghihina pa rin dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin. Naalala ko si theo, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Maya maya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto. Iniluwal nito ang dalawang babae, ang isa ay naka uniporme ng pang doctor at ang isa naman ay parang maid dito base sa kanyang suot. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sakin nung doctor habang tinatanggal ang bandage ng sugat ko. Napapikit ako sa sakit. "Pasensya na, kailangan ko nang palitan itong bandage para na rin malinis ang sugat mo." Tumango lang ako at sumagot
Isang linggo ang nakalipas mula sa nangyari. Okay na rin ako at nakakagalaw na nang maayos, naging mabilis ang paggaling ko dahil na rin sa mga inembento ni praise. Sa isang linggong nakalipas ay dumadalaw din sina theo at brent. Palaging may dalang bulaklak ang mga ito lalo na si theo na may kasama pang mga paborito kong pagkain. Hindi ko alam ano punto nila, ayaw ko mag assume pero masaya ako sa kabutihang pinapakita nila. Sa ngayon ay napag isip isip kong hindi muna gawin ang mission, gusto kong pag isipan muna ito nang mabuti. Gusto kong malaman kung totoo ba ang dalawang lalaking ito, gusto ko rin alamin kung ano ang pakay nila sa amin.Sa ngayon ay niyaya ako ni theo para mamasyal ulit. Nagbihis lang ako ng fitted checkerd skirt at white longsleeve, nagsuot din ako ng black boots para naman di ako sobrang manliit sa sarili ko pag katabi si theo. Nilugay ko lang ang buhok ko na natural ang pagkakulot sa baba. Hindi ko na sinuot ang mga accessories na gawa ni praise dahil wala nam