Maaga akong gumising upang mag asikaso sa pagpasok sa paaralan. Napakaganda ng umaga! Ang sariwa ng simoy ng hangin, napakaganda ng araw, rinig na rinig ang hampas ng mga alon sa dagat. Napakaganda talaga sa lugar na aking sinilangan. Ewan ko ba, 17 years na akong nakatira dito ngunit hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa aming lugar. Hayyy.."Oh anak, kumilos kana riyan at baka mahuli ka sa paaralan! Nako nako, pinagmamasdan mo na naman ang magandang kapaligiran, ano? " nahuli na naman ako ni nanay na nakapikit at nakaunat ang mga braso habang dinadama ang simoy ng hangin, halos araw araw nya ako nakikitang gan'to."Eh pa'no ba naman kasi inay, talagang napakaganda ng ating lugar! Isama mo pa ang mga tao ditong may mabubuting puso." Totoo ang sinabi kong iyon, talagang palagi kong naappreciate ang aming baryo dahil bukod sa napakaganda ng lugar ay talaga masasabi mong napakabuti ng mga mamamayan dito. Lahat ay may respeto, nagbibigayan, nagtutulungan at may malasakit sa isa't
Last Updated : 2022-04-10 Read more