Natapos ang mga pangyayari sa isang malalim na paghinga, hindi ko inasahang mahigit sa inaakala ko na Magic ang aking magagamit sa mga Goblin na napinsala ng aking Power Level Activation.
Matapos kong masolusyunan ang naging epekto ng katatapos lamang na labanan, katulad nang sinabi ni Domino, mabilis naman akong pumunta sa inihanda nilang selebrasyon para sa matagumpay na labanan.
Bakas sa kanilang mga itsura ang umaapaw na galak at tuwa, hindi rin nila alintana ang mga sugat at gasgas mula sa pangyayari sapagkat aking masasabi na matagal na itong nais maranasan ng Goblin Tribe, kaya't ganoon na lamang ang kanilang ikinikilos.
Sa kalagitnaan ng selebrasyon, hindi ko maiwasang maitanong kung bakit walang permanenteng tirahan ang Goblin Tribe, kaya't habang kumakain at nagsasaya ang bawat isa ay walang tigil na pag-uusap din ang kasabay nito.
Naging sanhi ang aking mga katanungan upang mapunta ang usapan sa mga nakaraang impormasyon patungkol sa mga Goblin.
Wala namang pagdadalawang-isip na sinagot ni Rigo ang dahilan kung bakit walang pananatili ang Goblin Tribe sa Kingdom na ito.
"Malugod po naming ipapaliwanag sa inyo, Commander," batid ni Rigo.
Hindi ko naman maiwasan ang pagkairita sa mga pagkakataong ako'y kanilang tinatawag na Commander, hindi ko rin isla masisi sapagkat ito ang naging tradisyon sa No Humano Kingdom, kaya't isinasarili ko na lamang ang aking reaksyon at nararamdaman ukol dito.
Wala nang salita na lumabas mula sa aking bibig upang hayaan na si Rigo at bigyan ito ng pagkakataong magsalita, inihanda ko na lamang ang aking mga tainga at pag-iisip sapagkat ang mga impormasyong ito ay maaaring magsilbing instrumento at makatulong sa mga susunod na pangyayari sa hinaharap.
Tuluyan nang nagsalita si Rigo.
"Noon, kalat sa buong Kingdom ang pamamayagpag ng aming ika-pitong pinuno, si Valacia, ang magulang ng aking mga magulang," inihayag ito ni Rigo nang bakas sa kaniyang mukha ang kasiguraduhan.
Nagpatuloy ang pagpapaliwanag ni Rigo sa akin, nabanggit niya rin ang permanenteng tahanan ng Goblin Tribe noon, ang Hunter Territory.
sa panahon na iyon, kinikilala ang Goblin Tribe bilang Forest Hunter sapagkat bihasa sila sa panghuhuli ng kanilang mga makakain sa kagubatan.
Subalit noong pumanaw ang kanilang ika-pitong pinuno, naglaho na rin ang pundasyon ng kanilang grupo, sunod-sunod ang paglabas ng mga mararahas na nilalang at nagkalat sa buong kagubatan, gaya ng Wild Horse.
Sa kabila ng aking kuryosidad ang kagustuhan kong itanong kung bakit si Valacia lamang ang nagsilbing pundasyon ng Goblin Tribe.
Sinagot naman ito ni Rigo ng walang pag-aalinlangan.
"Si pinunong Valacia ang aming pangunahing manlalaban sa gubat, sa kanyang pagtungo roon, nagkasalubong ang kanilang landas ng noong Commander, si Comando," sabi ni Rigo.
Ikinagulat ko naman ito sapagkat hindi ko inakalang mababanggit ang pangalang Comando.
"Comando?!," bakas sa aking mukha ang pagkagulat habang nanlalaki ang mata.
Binanggit ko kay Rigo na bago ko pa man makita ang mga Goblin sa kagubatan, ay una ko nang nakasalamuha si Comando sa isang kuweba.
Nag-iwan ito ng matinding sigawan at pagkagulat sa buong Goblin Tribe.
"Comando?!," matindi itong isinigaw ni Rigo.
Hindi naman ako nagulat sa kanilang pagsigaw sapagkat ginaya lamang nila ang kani-kanina ko lamang na reaksyon.
"Nang-aasar ba kayo?," tanong ko.
Agad naman silang humingi ng tawad at muling nagtanong dahil sa kanilang narinig.
"Totoo po ba ang inyong sinasabi?!," batid ni Rigo.
Para matapos ang usapan tungkol sa pagtatagpo namin Comando, mabilis kong ipinaliwanag na nagkausap lamang kami ng mabilis na panahon, sinabi ko rin na si Comando ang nag-alaga at nagpaliwanag sa aking ng mga pangyayari.
Habang patuloy akong nagsasalita, hindi ko maiwasang mapansin ang ipinapakita nila na matitinding reaksyon sa aking mga binabanggit. Kaya't napagdesisyunan ko na tapusin na ang pagpapaliwanag.
"Hindi po kami makapaniwala sa inyong sinabi, Commander!," namamangha itong sinabi ni Domino.
Ngayong sinabi ko na ang koneksyon ko kay Comando, muli ko namang ibinalik ang usapang tungkol kay Valacia. Malugod namang itinuloy ni Rigo ang kanyang pagkwento.
"Ayon sa aking ama, Si pinunong Valacia ang unang nakasalamuha ng ikalawang Commander, si Comando," batid ni Rigo.
Nabanggit din sa akin ni Rigo na nagkaroon ng duwelo sa pagitan ni Valacia at Comando sa kanilang unang pagtatagpo. Ang kanilang paglalaban ay bunga lamang ng hindi pagkakaintindihan. Kilala si Valacia bilang Forest Hunter, kaya't nang si Comando ang kanyang nadatnan sa kagubatan, inakala niyang isa ito sa mga magiging kaagaw ng Goblin Tribe sa panghuhuli ng kanilang mga makakain sa gubat, kaya't walang pagdadalawang-isip itong inatake ni Valacia.
Subalit hindi pa man daw nagsisimula ang laban, malinaw na ang panalo ni Comando sapagkat sa mga oras na iyon ay bitbit na niya ang ipinagkaloob na Absolute Counter at Black Hole Creation mula sa unang Commander.
Itinuring na pundasyon ng Goblin Tribe si Valacia sapagkat hindi ito nasisindak ng kaniyang mga kalaban, at ang tanging layunin niya lamang ay ang pang-araw-araw na makakain ng Goblin Tribe.
"Hindi tumagal ang laban, walang limang segundong tinalo ni Comando si Valacia noon," batid ni Rigo.
Sinabi rin sa akin ni Rigo, nang matapos ang laban ay si Comando ang nagpaliwanag kay Valacia na hindi niya intensyong agawin ang pinagkukunan ng Goblin Tribe.
Humingi naman ng tawad si Valacia sa biglaan niyang pag-atake at inalok si Comando na sumama kanilang teritoryo, Hunter Territory.
"Matapos ang pangyayari na iyon, mas naging malinaw kay pinunong Valacia ang agwat ng kakayahan niya mula kay Comando," sabi ni Rigo.
Inihabol pa ni Rigo, noon ay walang nais na lumapit kay Comando sapagkat bitbit nito ang matinding enerhiya na maaaring makapagpawala ng iyong malay. Tanging si Valacia lamang ang nakakalapit dito dahil na rin sa kaniyang kapabilidad.
Muli kong itinanong, maliban sa pagiging matatag ni Valacia, nais ko sanang malaman ang mga rason upang maibigay sa kaniya ang titulo bilang Foundation of Goblin Tribe.
"Magic Power Contact," mahina itong binaggit ni Rigo.
Pagkatapos itong banggitin ni Rigo ay tila nagbago ang presensyang bumabalot sa buong kapaligiran, panandaliang katahimikan ang nanguna matapos itong sabihin ni Rigo, ang pagsipol ng hangin, habang tumatagal ay patuloy na tumitinis, ang pag-ugoy ng mga puno ang tumapos dahil sinundan ko na ito ng mga salita.
"Magic Contract?" sabi ko.
Matapos ko itong itinanong ay binigyan ako ng senyales ni Rigo upang magtungo sa kaniyang trono. Hindi ko man maintindihan ang kaniyang ikinikilos, masasabi kong ang Magic Contract ay hindi normal at angkop para sa mga makakarinig. Hinayaan ko na lamang muna na ang selebrasyon para sa katatapos na labanan ang manguna sa mga oras na ito.
Dumaan ang ilang mga oras, ang ibang mga Goblin ay tuluyan nang tinagpo ang pagpapahingang naghihintay sa kanila, ang iba naman ay nag-aayos at nagliligpit ng mga kagamitang ginamit sa selebrasyon at tuluyan na ring magpapahinga.
Habang ako'y nakatayo sa tabi ng bakod na aming binuo bilang depensa, hindi mawala sa aking isipan ang Magic Contract na nabanggit ni Rigo sa akin kanina lamang, hindi ko maiwasang isipin na ito'y nagdulot ng hindi magandang epekto sa Goblin Tribe. Ngunit ganoon pa man, hinayaan ko lang ang mga nabubuong ideya sa aking isipan.
Noong unang araw na ako'y mapunta sa mundong ito, pinagkalooban ng kapangyarihang hindi maabot ng ibang nilalang, hindi ko maitatanggi ang aking galak na naramdaman subalit hindi ko rin maiwasan ang pagkairita bilang Commander. Subalit ngayon, habang humahaba ang mga oras na ako ay nananatili rito, unti-unti ko ring nagugustuhan at pinapanindigan ang katungkulan ko bilang ikatlong Commander ng No Humano Kingdom.
Naalala ko ang mga impormasyong ibinigay sa akin ni Comando, ayon sa nasaksihan kong pamumuhay ng Goblin Tribe, mababa ang pag-asang mabuhay sila ng matagal dito. Malaking tulong ang alyansa mula sa ibang panig ng Kingdom para sa kaligtasan ng mga namumuhay dito nang walang sapat na Power Level.
Hindi ko minadali ang panahon, aking hinayaan na dumaan ang ilang mga araw, kinilala ang mga nakapaligid sa akin at sumabay sa hindi pamilyar na pamumuhay sa mundong ito.
Sa mga araw naman na iyon, walang sawang pumupunta sa akin si Domino upang humingi ng utos at pagpapaalala. Sa mga nagdaan na panahon, tanging ang pang-araw-araw na makakain ang kasiguraduhang nais ko para Goblin Tribe.
Muling dumating ang kagandahan ng umaga sa pansamantalang tinutuluyan ng mga Goblin. Sa paglabas ko pa lamang ng aking silid, mabibilis na kilos at paghahanda ng mga lalaking Goblin ang bumungad sa akin. Mabilis namang tumungo sa aking pinaroroonan si Domino upang magtanong ng aking mga pangangailangan subalit hindi ako nagsabi ng kahit ano bagkus aking itinanong kung saan ang kanilang destinasyon.
"Sa kagubatan po ang tungo namin, Commander," mabilis na sagot ni Domino.
Aking pinaalala ang pagkuha nila ng makakain sa kagubatan, at siguraduhing aabot ito hanggang hapunan.
Tuluyan nang lumisan ang grupo ni Domino upang mangaso, dahilan upang maging tahimik ang kapaligiran. Sa mga oras na ito, napagdesisyunan kong harapin si Rigo tungkol sa Magic Contract. Tamang-tama ang panahon, kakaunti lamang ang tao sa paligid, tahimik at mas lumiit ang posibilidad na mayroong makarinig tungkol dito.
Dahan-dahan akong tumungo sa sentrong silid kung saan naroon si Rigo, hindi pa ako nakakalapit sa pintuan nito nang bigla itong bumukas, dahilan ng pagkabigla ko. Si Misha, ang Healer sa Goblin Tribe.
Nagkasalubong kami ni Misha, at magandang pagbati ang iniharap niya sa akin.
Ilan pang mga segundo, narating ko ang pintuan ng tinutuluyan ni Rigo. May pagdadalawang-isip akong kumatok dito subalit wala na akong hinintay pa at napagdesisyunan na tumuloy dito.
"Commander," batid ni Rigo.
Pagbati ni Rigo ang unang humarap sa akin matapos kong buksan ang pintuang humaharang sa aming dalawa. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at tuluyang nagtanong tungkol sa aming napag-usapan noong selebrasyon—Magic Contract.
Nagdulot ito ng pagkagulat kay Rigo sapagkat miski siya ay tuluyan itong nakalimutan. Ngunit buong kagustuhan niya pa rin itong ipinaliwanag sa akin.
Bago pa man magsimula si Rigo, humingi ito ng isang pabor sa akin.
"Maari po bang walang makaalam nito, Commander?" malinaw na itinanong ni Rigo.
Tiniyak ko ang kasiguraduhan kay Rigo tungkol sa aming mga mapag-uusapan na walang makakaalam nito maliban sa aming dalawa.
Nagsimula ang aming pag-uusap ni Rigo sa loob ng kanyang silid, ramdam na ramdam ko ang pagiging seryoso at maingat niya sa pagbibigkas ng mga salita tungkol sa Magic Contract. Hindi ko man ipinapakita subalit nirerespeto ko ang kanyang pamamaraan sa pagpapaliwanang nito, kaya't hinahayaan ko na lamang ang mga pagkakataong siya'y nauutal at napapahinto.
"Ayon kay pinunong Valacia, ang Magic Contract ay isang Forbidden Technique na kung saan, ibinibigay ng permanente ang Magic Power sa isang nilalang, dahilan upang tumaas ang kanilang Power Level," maingat na binaggit ni Rigo.
"Malinaw itong sinabi sa akin ni pinunong Valacia bago pa man siya pumanaw, ayon pa niya'y ilihim ko ito ng mainam sa bawat isa sapagkat maaari itong makalikha ng gulo," habol pa niya.
Hindi naman naging malinaw sa akin ang mga sinasabi ni Rigo, nais kong maunawaan ang sitwasyon kaya't hindi na ako nagdalawang-isip na banggitin ito at itanong kay Rigo, kung paano napabilang at nagkaroon ng kaalaman si Valacia tungkol sa Magic Contract.
"Si pinunong Valacia, kilala bilang Foundation of Goblin Tribe ay napagdaanan ang Forbidden Technique na ito," pabulong na sinabi ni Rigo.
"Maliban sa kanyang kapabilidad bilang Forest Hunter, nakuha niya ang titulo na ito sapagkat kanyang naranasan ang Magic Contract sa ilalim ng ikalawang Commander, Comando," batid ni Rigo.
Habang patuloy sa pagpapaliwanag si Rigo, unti-unti ko nang nauunawan ang kanyang nga sinasabi, habang patagal ng patagal ay akin na ring naiintindihan kung bakit ito tinatago sa ibang nilalang.
Batid pa niya na si Valacia ang unang estudyante ni Comando, ginamit ng ikalawang Commander and Forbidden Technique na Magic Contract kay Valacia, dahilan upang maabot nito ang titulo bilang Foundation of the Goblin Tribe. Ipinaliwanag din sa akin ni Rigo na ginawa lamang ito ni Comando upang mayroong magprotekta sa kanilang grupo. Si Comando ang nagsilbing guro ni Valacia upang pang-hawakan ang Goblin Tribe.
Nang pumanaw si Valacia, kasabay na nito ang mga grupo kung saan kilala sa karahasan, gaya ng Wild Horse. Nabanggit din sa akin ni Rigo na sa mga oras na iyon ay tuluyan na ring hindi makita si Comando sa No Humano Kingdom.
Sa pagkamatay ni Valacia, at pagkawala ni Comando, naging maluwag at hindi kanais-nais ang takbo ng No Humano Kingdom, nagkalat ang kaguluhan at pagiging marahas ng ibang nilalang dito, kaya't walang ibang magawa ang Goblin Tribe kung hindi lumipat ng kanilang matutuluyan sa bawat oras upang maiwasan ang hindi nais na pangyayari.
Malinaw na ngayon sa akin ang mga pangyayari, tungkol sa Magic Contract, at koneksyon ni Comando sa noong pinuno ng Goblin Tribe. Laking pasasalamat ko naman kay Rigo sapagkat hindi siya nag-alinlangang sabihin sa akin ang mga impormasyon na ito. Dahil din dito, mas lumawak ang aking determinasyon upang pang-hawakan at pangalagaan ang Kingdom na ito.
Matapos ang pagpapaliwanag ni Rigo, dali-dali ko itong tinanong tungkol sa karatig-lugar sa Kingdom na ito.
"Pinapaligiran lamang po ng kagubatan ang Kingdom na ito, Commander," sabi ni Rigo.
Mabilis ko namang inihabol ang tungkol isa pang kingdom, ang Summon Kingdom. Subalit tapat namang sinabi ni Rigo na hindi sapat ang kanyang mga nalalaman tungkol sa kingdom na ito.
Bago pa man kami tuluyang magkahiwalay ng landas, ang malakas na pagtawag ni Rigo sa akin ay gumulat.
"Commander! Ang Class Village!" pasigaw nitong binanggit.
Ayon kay Rigo, ang Class Village ang pinaka kilalang lugar sa No Humano Kingdom, kung saan magkakasama ang iba't-ibang nilalang, gaya ng Ogres, Lizard Tribe, Werewolves, at Fox Association.
Hayag sa lugar na ito ang matinding pagkakaisa, hindi naging hadlang ang pagkakaiba upang magkaroon ng payapang lugar. Dagdag pa ni Rigo, ang Class Village ay isang Isolated Village, hindi ganoon kadaling makapasok dito sapagkat lubos ang pagiging mahigpit ng mga tagapag-bantay nito sa kanilang pangunahing pintuan.
Laking pasasalamat ko namang muli kay Rigo sapagkat isang malaking tulong ang mga impormasyon iniabot niya sa akin.
Ngayon, hindi ko muna bibigyan ng pansin ang mga kaganapan na aking nalaman kanina lamang, ang Magic Contract, at kaguluhan sa kingdom na ito. Proteksyon para sa maliliit na grupo ang pangunahing layunin ko sa mga oras na ito, kaya't maghahanda ako ng epektibong plano upang magkaroon ng koneksyon sa Class Village at makabuo ng Alyansa. Sa ngayon, tanging ang makakain lamang ng Goblin Tribe ang tiyak na kasiguraduhan ang maibibigay ko.
Lumipas ang ilang mga oras, habang ako ay namamahinga sa aking silid, matinding sigawan ang aking narinig mula sa labas. Mabilis ko itong tinungo, at nasaksihan ang mabilis na pagbalik ng grupo ni Domino mula sa pangangaso. Malakas na hiyawan ang ipinakita ng ibang Goblin para sa pagbabalik nila Domino, sa kadahilanang sobra ang kanilang nakuhang pagkain para sa araw na ito.
Isa ako sa mga sumalubong sa kanilang pagdating, matapos na iligpit nila Domino ang kanilang mga nakuha, dali-dali itong tumungo sa akin upang magbigay ng impormasyon.
"Commander, maayos po ang aming paghuli," batid nito.
Subalit hindi natapos dito ang nais iparating sa akin ni Domino, para bang sa kanilang pangangaso ay mayroon silang nasaksihan, kaya't hindi na ako nagsalita at hinayaan na lamang siyang magpatuloy.
"Commander, bago po kami tuluyang lumisan sa kagubata kanina, mayroon kaming nakitang Elves," sabi ni Domino.
"Elves?" patanong kong binaggit.
Sinabi sa akin ni Domino ang pangyayari, ang mga Elves na ito ay nanghuhuli ng mga hayop, sinusugatan, at pag tuluyang nahuli'y pagagalingin nila't bibitbitin.
Naging palaisipan naman sa akin ang sinabi ni Domino, kaya't umisip ako ng paraan kung paano ko ito masasaksihan.
"Huwag mo munang isipin iyon, Domino. Sa ngayon, kayo'y maghanda muna ng makakain para bawat isa," mahinahon kong sinabi.
Mabilis naman itong sinunod ni Domino.
Kinausap ko rin si Rigo upang magsilbi na aking tagapagsalita sa bawat isa na magtipon-tipon upang sabay-sabay na kumain.
Sa paghahands ng grupo ni Domino ng makakain, sabay-sabay na pag-uusap ang aking naririnig habang pinagmamasdan ang magkakasama na mga Goblin. Hindi ko maitatanggi ang kaginhawaan na aking nararamdaman sa mga ganitong pagkakataon, lubos ang aking galak sapagkat ito'y unang beses na nangyari sa aking buong buhay.
Ang ibang Goblin ay may hawak na mga bagay upang lumikha ng tunog, ang mga bata ay nagtatakbuhan sa kahit anong parte ng lugar, at ang iba'y hindi na makapaghintay sa pagkaing ihahanda nila Domino.
Nang matapos ang paghahanda, nagtipon na ang bawat isa sa kanilang mga pwesto, at inayos ang mga kagamitan sa pagkain.
Hindi pa man nagsisimula ang kainan, bakas na sa kanilang mga mukha ang umaapaw na tuwa, tila wala ng bukas ang mga halakhakan na aking naririnig.
Sinimulan nang hatiin ni Domino ang bawat pagkain at binigyan ang bawat isa sa kani-kanilang mga pwesto.
Kasabay ko namang pumunta sa aking pwesto sina Rigo at Misha upang kumain. Subalit bago ko pa man ianunsiyo ang pagsisimula ng kainan, may isang bagay lamang akong naalala.
Mabilis kong inutos kay Misha na tumungo sa silid kung saan inilalagay ang mga sugatan na Goblin. Nagtaka naman si Misha sapagkat matapos ang laban sa Wild Horse, ang bawat isang nasugatan at naapektuhan ay aking nang pinagaling subalit wala rin siyang magawa kundi ang sumunod.
"Opo, Commander," batid ni Misha.
Habang papunta si Misha sa partikular na silid, kasabay naman nito ang pagsasalita ni Rigo bago simulan ang kainan.
Bakas sa mga salita ni Rigo ang tiyak na kasiyahan sa mga nangyayari, halos sumigaw na ito sa kanyang mga sinasabi. Ang bawat isa naman ay nadadala ng pagkagalak ni Rigo, sila'y sumasabay din sa pagsigaw.
Hindi na ito pinatagal ni Rigo at tuluyan nang binigay ang mga salita upang simulan ang kainin subalit bago pa man matapos ni Rigo ang kanyang mga sasabihin...
"Halina't simulan natin ang kai—,"
Isang matinding tili ang nagpatigil sa kanilang hiyawan, ito'y boses ng isang babae. Hindi ko naman maitago ang aking pagtawa sapagkat tamang-tama ang aking inaasahan, mabuti't hindi nila nakita ang reaksyon ko.
"AH!" matinding tili mula silid pagamutan.
Ang bawat isa'y napatitig sa silid, katahimikan ang bumalot sa mga oras na ito nang biglang bumukas ang pinto ng silid.
Ang kanilang mga mata ay nanlaki, bakas sa kanila ang matinding paggulat kasabay ang sabay-sabay nilang pag-sigaw...
"Jango?!!"
Ang matinding sigawan ng Goblin Tribe para sa selebrasyon ay naging sigawan ng pagkagulat.
Ang nakakagulat na pagharap ni Jango sa Goblin Tribe ay nagdulot ng matinding sigawan, hindi ito inasahan nila Rigo sapagkat malinaw itong nasilayan ng kanilang mga mata, miski ako ay hindi inasahan ang pangyayari, noong nakaraang araw ko lamang natuklasan na aking naipunta si Jango sa silid-pagamutan. Isa rin itong impormasyon sapagkat aking nalaman na mayroon akong kakayahang dalhin ang isang bagay o tao sa lugar kung saan napuntahan ko na sa pamamagitan ng Black Hole Creation.Halos tumagal ng ilang segundo ang katahimikan matapos ang sabay-sabay na sigawan."Ah, sakit ng likod ko," batid ni Jango.Mabilis naman ang reaksyon dito ng Goblin Tribe, halong galit at pang-gigilaiti ang kanilang naipakita, dahilan upang magulat si Jango."Anong ginagawa mo rito, Jango?!" matinding sigaw ni Domino habang nakatutok kay Rigo ang patalim."Goblin Tribe...
Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig. Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager. Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako... "Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman." Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipi
"HOY!"tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito."ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos."Miss,
"A-ako si Vacio, Vacio McDerson."Matapos nito, Ipinaliwanag sa akin ni Comando ang kasalukuyang nangyayari. El Deseo Country—ito ang lugar kung saan binubuo ng apat na kingdom. No Humano Kingdom, at Summon Kingdom. Miski si Comando ay hindi pa alam ang impormasyon kaugnay sa natitirang Kingdom. Ang nais ko ring malaman na bakit ako napunta sa mundong ito ay kanya ring napunan... Reincarnation. Muli akong nabuhay sa mundong ito bilang isang mas bata, at may matinis na boses. Alam niya rin ang pinanggalingan ko sapagkat doon din siya nanggaling. Ipinaliwanag niya sa akin na kung sa mundong pinanggalingan namin ay binabalot ng salapi, sa mundong ito'y iba—Magic Power. Ipina-alam niya rin sa akin ang kanyang titulo—he is the No Humano Commander! Siya ang tinaguriang Ruler
Nang marating ko ang pintuang humahati mula sa akin at nasa loob ng silong, inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang aking masasaksihan.Tuluyan na nga akong pumasok, at walang ibang bumungad sa akin kundi..."Putang-!"Matinding gulat ang tangi ko lamang naiharap sapagkat ang loob ng silong ay nagmistulang impyerno para sa Goblin Tribe.Sa aking pag-tuloy, naroon ang mang-gagamot at nagpakilalang si Misha, punong puno ng dugo ang kanyang kasuotan, batid niya rin sa akin na habang humahaba ang panahon ay umiikli na ang buhay ng mga biktimang ito.Habang patuloy ang pagpapaliwanag ni Misha mula sa mga pangyayaring naging sanhi ng peligrong ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyang pinaliit ang distansya ng mga biktima mula sa akin. Wala namang masama kung ako rin ay tutulong lalo't ito'y isa sa mga ipinaliwanag sa akin ni Comand
Ang nakakagulat na pagharap ni Jango sa Goblin Tribe ay nagdulot ng matinding sigawan, hindi ito inasahan nila Rigo sapagkat malinaw itong nasilayan ng kanilang mga mata, miski ako ay hindi inasahan ang pangyayari, noong nakaraang araw ko lamang natuklasan na aking naipunta si Jango sa silid-pagamutan. Isa rin itong impormasyon sapagkat aking nalaman na mayroon akong kakayahang dalhin ang isang bagay o tao sa lugar kung saan napuntahan ko na sa pamamagitan ng Black Hole Creation.Halos tumagal ng ilang segundo ang katahimikan matapos ang sabay-sabay na sigawan."Ah, sakit ng likod ko," batid ni Jango.Mabilis naman ang reaksyon dito ng Goblin Tribe, halong galit at pang-gigilaiti ang kanilang naipakita, dahilan upang magulat si Jango."Anong ginagawa mo rito, Jango?!" matinding sigaw ni Domino habang nakatutok kay Rigo ang patalim."Goblin Tribe...
Natapos ang mga pangyayari sa isang malalim na paghinga, hindi ko inasahang mahigit sa inaakala ko na Magic ang aking magagamit sa mga Goblin na napinsala ng aking Power Level Activation.Matapos kong masolusyunan ang naging epekto ng katatapos lamang na labanan, katulad nang sinabi ni Domino, mabilis naman akong pumunta sa inihanda nilang selebrasyon para sa matagumpay na labanan.Bakas sa kanilang mga itsura ang umaapaw na galak at tuwa, hindi rin nila alintana ang mga sugat at gasgas mula sa pangyayari sapagkat aking masasabi na matagal na itong nais maranasan ng Goblin Tribe, kaya't ganoon na lamang ang kanilang ikinikilos.Sa kalagitnaan ng selebrasyon, hindi ko maiwasang maitanong kung bakit walang permanenteng tirahan ang Goblin Tribe, kaya't habang kumakain at nagsasaya ang bawat isa ay walang tigil na pag-uusap din ang kasabay nito.Naging sanhi ang aking mga katanungan upang mapunta ang
Nang marating ko ang pintuang humahati mula sa akin at nasa loob ng silong, inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang aking masasaksihan.Tuluyan na nga akong pumasok, at walang ibang bumungad sa akin kundi..."Putang-!"Matinding gulat ang tangi ko lamang naiharap sapagkat ang loob ng silong ay nagmistulang impyerno para sa Goblin Tribe.Sa aking pag-tuloy, naroon ang mang-gagamot at nagpakilalang si Misha, punong puno ng dugo ang kanyang kasuotan, batid niya rin sa akin na habang humahaba ang panahon ay umiikli na ang buhay ng mga biktimang ito.Habang patuloy ang pagpapaliwanag ni Misha mula sa mga pangyayaring naging sanhi ng peligrong ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyang pinaliit ang distansya ng mga biktima mula sa akin. Wala namang masama kung ako rin ay tutulong lalo't ito'y isa sa mga ipinaliwanag sa akin ni Comand
"A-ako si Vacio, Vacio McDerson."Matapos nito, Ipinaliwanag sa akin ni Comando ang kasalukuyang nangyayari. El Deseo Country—ito ang lugar kung saan binubuo ng apat na kingdom. No Humano Kingdom, at Summon Kingdom. Miski si Comando ay hindi pa alam ang impormasyon kaugnay sa natitirang Kingdom. Ang nais ko ring malaman na bakit ako napunta sa mundong ito ay kanya ring napunan... Reincarnation. Muli akong nabuhay sa mundong ito bilang isang mas bata, at may matinis na boses. Alam niya rin ang pinanggalingan ko sapagkat doon din siya nanggaling. Ipinaliwanag niya sa akin na kung sa mundong pinanggalingan namin ay binabalot ng salapi, sa mundong ito'y iba—Magic Power. Ipina-alam niya rin sa akin ang kanyang titulo—he is the No Humano Commander! Siya ang tinaguriang Ruler
"HOY!"tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito."ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos."Miss,
Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig. Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager. Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako... "Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman." Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipi