Share

Into The Ethereal Lacuna
Into The Ethereal Lacuna
Author: Jayvee

KABANATA 1

Author: Jayvee
last update Last Updated: 2021-07-10 14:41:36

Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig.  Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager.

Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako...

"Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman."

Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha.

Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipinagbilin na lamang ako sa mataray kong tiya!

"Puro utos... hindi naman nagbibigay ng baon!" walang pag-aalinlangan kong binanggit sa hangin.

Sa dalawampu't walong taon kong pamumuhay sa walang kwentang buhay na ito; anime at kung anu-anong pelikula na lamang ang nag-silbing pamilya ko—lalo na yung Naruto Shippu—

Hindi ko pa man nawawakasan ang dapat ko sanang sasabihin, mabilis na akong inunahan ng tinderong iyon sa pagsasalita.

"Putangina! Kung wala kang pambili, umalis ka nalang!" puno ng puwersa niyang sinigaw ang pagkabahala na baka maapektuhan ng panggagambala ang kanyang pinagkakakitaan. "Nakakaperwisyo ka sa naghahanap-buhay!"

Ganda ng timing ni kuyang tindero, hayop! 'Kala ko ako minumura! Pero huwag kang agaw eksena kuya—kausap ko sarili ko, eh! Aking pagrereklamo sa isip sa kadahilanang pagpasok sa eksena ng tindero habang ako ay nakikipag-usap sa aking sarili.

Ayun na nga, mapunta tayo sa...

"Sakayan papuntang McArthur Avenue!" bulalas n'ong konduktor. "Nandito na bus niyo! Oh M.A. oh, sakay na!"

Tangina! Edi don't. Nagkukuwento lang 'yong tao, eh!

"Shit, kuya, teka lang, diyan pala ang sakay ko!" May pagsisisi kong sinabi.

Sa pag-ikot ng gulong sa lapat na daan, kasabay ng humigit-kumulang dalawampung pasaherong may sariling destinasyong tutunguhin, ito akong walang ibang ginawa kung 'di ang aking kinagagawian noon pa man—ang kausapin ang sarili.

"Kung anong nakita ko kahapon ng umaga'y ganon din ang nasasaksihan ko ngayon," walang emosyon kong sinabi, habang nakatanaw sa mga gusaling dumadaan sa mata ko.

Maya-maya'y uupo nanaman ako sa harap ng patong-patong na papel. Hindi ko alam kung bakit pumapasok pa rin ako sa trabahong hindi ko gusto, puro papel na lamang ang nakikita ko, bilang lang sa iisang kamay ko ang nakipag-usap sa akin doon—dalawang minuto na ang pinakamahaba.

Ako kasi ay nagkaroon ng titulo sa aming kompanya... naririnig ko ang kanilang kwentuhan: ako raw ang weirdo ng taon.

"Hindi rin naman nila kasalanan iyon dahil hindi rin ako nakakausap ng maayos—nakakatakot na rin kasi minsan makipag-usap," bulong ko na may pag-angat ng balikat.

Natapos ang biyahe. Dumating akong maayos, presentable, at kaaya-aya subalit, katulad ng aking inaasahan—sigaw ng boss kong mukhang timang ang aking nadatnan.

Ako ay may natural na kakayahang ibigay ang buong atensyon sa pagtatrabaho. Madalas ko ring naririnig ang bulungan ng mga co-workers ko dahil sa kawalan ng komunikasyon sa paligid, minsan rin ay pinagtatawanan na lamang nila ako sa aking nakagawiang pakikipag-usap sa sarili, sapagkat minsan ay  tumatawa ako mag-isa. Hindi ko naman mapigilang hindi matawa, ang hirap kaya!

Sinong hindi matatawa sa imahe ng boss kong panot habang naka-swimsuit!

Sa kalagitnaan ng aking pagtatrabaho, araw-araw ko na lamang narararamdaman 'to, 'yong ang ingay ng palagid nila subalit napakatahamik ng paligid ko—magkakasama lang naman kami.

Nakakairita!

Ayaw ko ng ganitong atmosphere! Minsan talaga ay hiniling kong nakapagsasalita itong mga papel na ito. Nagtuloy-tuloy ang lumalawak kong imahinasyon sa oras ng pagtatrabaho, kasabay ng pag-ayos ko sa mga papel na ito. Subalit, ang pagkalam ng aking sikmura ang nagpahinto at nagtulak sa aking pumunta muna sa palikuran upang magbawas ng sama ng loob.

Maluha-luha akong nagsisisigaw sa banyo, wala naman akong kinain—bakit ganito katigas?!

Muli akong binalot ng aking imahinasyon na epekto ng mga pinanood kong anime at pelikula.

"Paano kung mayroon talaga akong chakra?! Magic?! Cursed Technique?!" natutuwa kong sinabi at isinigaw sa palikuran, wala namang tao kaya ako ay may lakas ng loob.

"Wala namang mawawala kung hindi ko susubukan, diba. Uh-uh! Malay mo ay mayroon talagang nakatagong chakra sa katawan ng bawat tao sa mundong ito," masaya kong sinabi habang kulot ang mukhang nagbabawas ng sama ng loob.

"It's time! Saglit lang tong pagbabawas ko kung pupuwersahan ko ng malupitang chakra," nakangiti at inaasahan kong mapapabilis ang pangyayari habang tumatango-tango ang ulo.

"Compress the chakra! Rotate it in one spot! This feeling, this angle, this position! Perfection!!! Rasengan!"

Sa lakas ng boses ko ay hindi ko na narinig ang pagpasok ng ibang co-workers sa palikuran na ito, hindi ko rin inasahan na may makakarinig sa akin habang sumisigaw.

"Hoy gago! Anong rasengan?! Baliw ka na? tumatae ka lang, feeling mo si naruto ka na?!" sabi nya.

Malakas na tawanan ang tumambad sa akin, dahil sa sinabi ng isang co-worker ko. Kahit ang paglabas sa kwadradong silid ay hindi pinayagan ng sariling katawan, sandali akong naging tuod sa mga nasaksihan ko... at nagdarasal na sana ay hindi nakilala ang boses ko.

"Tangina! Nakakahiya!" may pagsisisi kong sinambit.

Tuluyan na ngang nilisan ng aking mga co-workers ang silid na ito, kaya itinulak ko na ang pinto.

Paghahanda ng sarili, pagiging disente, at muling pananahimik ang mga imaheng muli kong ihahayag sa oras na lumapat ang aking mga paa sa harapan ng pintuan patungo sa aking puwesto.

Subalit bago ko pa man mabuksan ng buo ang pintuang kaharap ko, sigawan ang sumambulat at gumulat sa imaheng ihaharap ko...

"RASENGAN!"

Malakas na isinigaw ng aking mga ka-trabaho, kasabay ng walang tigil na halakhakan. Ito rin ang naging sanhi ng pagkahiya at pag-alis ko sa kanilang harapan patungo sa canteen upang magpagaan ng loob.

Kasabay ng pag-alis ko ang mga tawa nilang walang pagtigil—puta, talaga namang nakakahiya!

"Nakakainis yung tawa nila—tawang demonyo!" Mangiyak-iyak kong sinabi. Nakakahiya!!! Talipandas ka, Naruto! Pahamak ka.

May panghihinayang kong sinabi habang ako ay patungo sa aming canteen. Ang maikling kamay ng orasan ay maaabot na ang alas-dose, wala ring masama kung ako ay mauuna nang mananghalian, akin na rin namang napunan ang mga papel na nararapat trabahuhin.

Bitbit ko ang tray na naglalaman ng putahe, miski ang sariling kamay ay hindi napigilang kumurot sa mga pagkaing ito... sanhi ng pagkagutom.

"Hay, nakaupo rin," bakas sa aking mukha ang hitsura ng kaginhawaan.

Bakit ang daming magkasintahan dito?

Gayunpaman, higit na mas may pakinabang ang nasa harap kong may kakayahang magbigay lakas kaysa manood sa naglalambingang magkasintahan. Oras na para punan ang sumisigaw kong tiyan.

"Itadakimasu!" malugod at may galak kong sinabi. Ito rin ay malaking impluwensya ng mga anime kong pinapanood.

"Nandito na naman ako... ngunit paulit-ulit na lamang ang nakikita ko, ilan na taon na rin ang nagdaan no'ng unang beses akong maupo sa mga upuang ito," matamlay kong saad.

Sa gitna ng gunita, matinis na boses ng mga co-workers ko ang biglang bumalot sa aking mundo...

"Hoy, Vacio, kinakausap mo nanaman 'yang sarili mo," bigkas niyang may masunod na pagtawa.

Napayuko na lamang ako dahil doon. Sanay na akong maging sentro ng pangungutiya subalit hindi ko pa rin kayang iharap ang aking mukha sa kanila.

Ilang minuto ang dumaan nang humupa ang halakhakan sa silid na ito, kasabay ang pagkalma at pagiging komportable, muli kong inangat nang dahan-dahan ang aking mukha.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Naalala ko rin noon, lumaki akong kasama ang tiyahin kong pagdating sa kainan... sakim. Kinalakihan ko rin ang pamilyang walang pagkukusa, asa rito, asa roon.

"Hay, sa oras talaga ng pagkain, hindi ko mapigilang mabalikan ang mga ala-alang ayoko nang balikan sa pamilyang 'yon," walang pag-aalinlangan kong banggit.

Lumaki akong mag-isa, walang malawak na pananaw sa buhay, paulit-ulit na imahe ang dumadaan sa aking mga mata araw-araw at wala alam sa pangunahing kinakaharap ng bansa. Ang tanging problema ko lamang ay ang boses ng boss ko, at ako.

Tama, pati ang sarili ko. Sa takot kong makipag-usap sa mga tao, dahil sa takot na muli akong sampalin ng katotohanang wala ring tatanggap sa gusto kong ako.

Sa mundong ito, sarili ko lamang ang tumanggap sa sarili ko; ang palabirong ako, masayahin at extrovert na tao.

Bakit kasi hinuhusgahan ang unang pahina ng libro ko?!

Nadinig ko na ang hudyat ng pagtatapos ng lunch break, dahilan para ang mga empleyado ay magsibalikan sa kanilang partikular na puwesto.

"Shit, paano 'tong pagkain ko?" bakas sa mukha ko ang panghihinayang. Kahit ako mismo'y napagtantong ako rin ang may kasalanan na hindi ito naubos.

"Kadramahan kasi sa buhay, eh."

Iniwan ko na lamang ang mga napabayaang pagkain. Habang ako'y nagmamadaling maglakad, mayroon lamang akong isang napagtanto... sa ilang taon na ako'y nabubuhay, hindi pa ako nakaranas ng sitwasyong ito— pag-ibig.

"Oo nga, shit! Hindi ako na-involve sa boyfriend/girlfriend," pabulong at nahihiya kong nabanggit. Hanggang search nalang ako, para makaraos...

Shit, para makaraos na mapunan itong standard ko ang ibig kong sabihin.

"Hindi pa nga ako nakakahawak ng boobs. Kelan kaya?" nasasabik kong sinabi.

Habang pabalik sa aking trabaho, ang aking mga kasabay ang sumampal na ako'y wala pang karanasan—sa pag-ibig... kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

Kung magkakaroon man ako ng first kiss, pinapanalangin ko, na sana ay anime character ito. Laman ng search history ko si Hinata Hyuga, 'yon kasi ang naging depinisyon ko sa isang babae—ito ang malaking impluwensya ng anime sa akin.

"Tama na nga, wala akong panahon para sa ganyan. Kailangan at oras na para ituon ang aking atensyon sa pagtatrabaho," may diin kong bigkas.

Sa mga oras na ito, malinaw kong naririnig ang mga tunog na nabubuo sa loob ng aming kompanya, subalit kasabay ng mabagal na pag-ikot ng mundo ang kanilang mga ibinibigkas, para bang mayroon akong hindi inaasahang mangyayari.

Inihanda ko na rin ang aking sarili, inayos ang telang bumabalot sa aking katawan, tanaw ang pintong humahati sa hallway at partikular na silid namin na sagad ang pagkakabukas.

Sa paglapat ng aking kanang paa sa looban, kasabay nito ang tunog na dulot ng malakas na banggaan, isang segundo bago mangyari ang hindi inaasahan, akin nang nakita ang mangyayari subalit hindi pinayagan ng aking mga paa ang plano kong tumigil bago ang insidente, kasunod nito ang tunog ng mga nagbagsakang gamit na epekto ng aming salubungan...

Binalot ng katahimikan ang buong silid, segundo ang lumilipas subalit patuloy ang aming pagtititigan. Sa hindi mapaliwanag na pangyayari, bigla na lamang sumikip ang aking dibdib sa hindi mawaring pakiramdam, hindi ako makahinga.

"P-Pasensya na..." nauutal kong sinabi, kasabay ng pagbagsak ng pawis na nabubuo sa aking noo. Hindi ko makayanang tumingin nang diretso sa kanyang mga mata.

Isang dalaga na may suot na salamin, itim na damit, habang nakatali ang buhok.

Tila mga paang nag-uunahan ang aking puso. Hindi ko maitatanggi, ubod siya ng rikit.

"P-pasensya na... t-tulungan na kita, mukhang kailangan mo ang mga ito sa iyong traba"

Sa lahat ng aking nakasalamuha sa loob ng kompanyang ito, sa kanya lamang ako hindi nagdalawang-isip buksan ang bibig at magsalita nang walang pag-aalinlangan.

Pakiramdam ko'y para akong nakalublob sa kumukulong tubig. Subalit bago pa man tumupi ang aking mga tuhod upang maabot ang mga nalaglag na gamit, ang inaalok kong pagtulong ay hindi umabot sa tuldok.

"Tangina, tanga ka ba?" banggit niya, at magkasalubong ang kilay.

Sa mga oras na ito, malinaw kong naintindihan—na sa kompanyang ito, tanging ang upuan at mga papel lamang ang kasama sa mundo ko.

Binalot ako ng kahihiyan, isang ngiti ang binitawan ko sa kanyang mga sinabi, kasabay ng muling paghingi ng tawad.

Tanghali pa lamang subalit mistulang gabi na. Paligid ko'y dumilim hindi dahil sa poot, kundi sa katotohanang ako na lamang talaga mag-isa. Nakayuko, at tulala akong bumalik sa trabaho.

Nagdaan ang ilang oras, ang mga paa ko'y patuloy na nag-uunahan sa sahig, pabalik-balik habang bitbit ang matangkad na papeles upang ihatid sa nararapat nitong patunguhan.

"Hay, uwian na. Mabuti at natapos ko 'tong mga kailangan gawin," matamlay at bakas sa aking hitsura ang mukha ng pagod.

Sa aking pag-uwi, malinaw sa aking mga mata ang gabi ng kahapon sa kasalukuyang gabi, at sa mga imaheng ito, iisa lamang ang pumasok sa pag-iisip ko—walang bago, tuyong-tuyo ang paligid at mga kislap ng mga pailaw.

Ako'y nakarating nang matiwasay sa aking inuuwian nang walang pagbabago. Iisa ang puwesto ng sapatusan, mga upuang nakasuksok paloob sa lamesa, at katotohanang iisa lamang ang nabubuhay sa tahanang ito—ako.

Sa aking pagpasok, tinungo ko agad ang refrigerator upang maghanap ng makakain.

"Tangina..."

Hindi ko pa man nabubuksan ng pagkalubos-lubos ang pinto ng pridyder, walang humarap sa akin kundi ang magkakatabing bote ng mga tubig mula taas hanggang baba.

"Hay, sabagay, hindi na rin ito nakakagulat, bibihira rin lamang akong umuuwi rito," hinayaan ko na lamang na dumaan ang panahon sa kabila ng mga natunghayan sa tahanang tinutuluyan ko.

Minsan ay nakakabuo na lamang ako ng mga tanong sa mga oras na ako'y nasa loob nito.

Paano kung buhay pa ang aking mga magulang? Mayroong handang pagkain sa hapag-kainan para sa akin.

Paano kung maingay ang tahanang ito? Hindi ko mawari ang mabubuong reaksyon kapag aking naabutan na ang tahanang ito ay binabalot ng ibat-ibang boses mula sa namumuhay kong pamilya—habang nakangiti at nagkukwentuhan para sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Paano kung hindi ako mag-isa?

Saang tahanan ba ako magkakaroon ng komunikasyon sa mga taong nakangiti habang ako'y kinakausap, sinong tao ang unang makakatuklas sa tinatago kong sarili, at ano kayang mararamdaman ko kung ako'y may makasama sa hilig ko?

Kaya ayaw kong umuwi rito, mas gugustuhin ko pang matulog sa aming kompanya, magising na kaharap ang mga papel kaysa sa pagbalik ko sa tahanang ito'y kasabay ang mga nakaraang kaganapan sa buhay ko.

Matapos kong pihitin ang busol ng pinto at marahan iyong buksan upang bumili ng makakain, walang ibang naroon, tanging malamig na ihip ng hangin ang yumapos sa buo kong katawan.

Sandali akong tumalikod upang isara ang pinto, isang mabilis, at mabibigat na yabag ng sapatos ang pumukaw sa aking atensyon. Hindi ako nag-atubiling lumingon at tanawin ito—isang babaeng hindi mawari ang ikinikilos, para bang ang kanyang mga kamay ay hindi mapakali habang may kinukuha sa kanyang bitbit na bag. Kasabay ng mabilis niyang paglalakad ang madalas niyang pag-lingon sa kanyang likuran.

At doon, natanaw ko ang hindi maipintang emosyon sa mukha ng isang babae. Ang mga pawisan niyang noo'y sapat upang ipabatid ang aligaga niyang kalooban...

Sandali akong lumingon sa paligid, na nagbigay kasagutan sa aking mga natanaw, tila ang pagtibok ng aking puso ay nag-uunahan, nagdadalawang-isip kung muli bang bubuksan ang pinto upang pumasok, o saksihan ang hindi inaasahang kaganapan. Ako'y lubusang kinabahan.

May isang lalaking balot ng mga itim na kasuotan, hindi ko maunawaan ang mga kilos niya sapagkat siya'y pahintu-hinto.

Subalit isa lamang ang malinaw kong naiisip sa gabing ito—mayroong hindi magandang nangyayari.

Napagdesisyunan kong sundan ito, palihim at masuri kong sinisigurado na walang bahid ng pagkakakilanlan ko ang maiiwan. Ang paggalaw ng babae ay tila mas lalong balisa, kasabay nang pag-dilim ng kapaligiran habang dinadala siya ng kanyang mga paa sa liblib at hindi mataong lugar.

Ang lalaki nama'y unti-unti nang bumibilis ang paglalakad upang makadikit sa sinusundan. Hindi ko inaasahang sa kabila ng napakalamig na hangin na humahaplos sa aking katawan, pinagpapawisan ako.

Ilang minuto ko silang sinusundan ngunit wala namang nangyayari—napagtanto ko na baka ako lamang ang nag-iisip na mayroong masamang mangyayari. Naisip ko rin na baka magkasintahan lamang ito, na nagkatampuhan kaya ganito ang nangyari.

Napagdesisyunan kong bumalik na upang bumili na rin ng makakain.

Subalit, bago pa man tuluyang makalingon ay aking naaninag ang paghugot ng lalaki ng isang matalas na bagay.

Isang pag-galaw na nagpatibok ng aking puso sa hindi magandang dahilan.

...

"HOY!"

Related chapters

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 2

    "HOY!"tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito."ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos."Miss,

    Last Updated : 2021-07-10
  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 3

    "A-ako si Vacio, Vacio McDerson."Matapos nito, Ipinaliwanag sa akin ni Comando ang kasalukuyang nangyayari. El Deseo Country—ito ang lugar kung saan binubuo ng apat na kingdom. No Humano Kingdom, at Summon Kingdom. Miski si Comando ay hindi pa alam ang impormasyon kaugnay sa natitirang Kingdom. Ang nais ko ring malaman na bakit ako napunta sa mundong ito ay kanya ring napunan... Reincarnation. Muli akong nabuhay sa mundong ito bilang isang mas bata, at may matinis na boses. Alam niya rin ang pinanggalingan ko sapagkat doon din siya nanggaling. Ipinaliwanag niya sa akin na kung sa mundong pinanggalingan namin ay binabalot ng salapi, sa mundong ito'y iba—Magic Power. Ipina-alam niya rin sa akin ang kanyang titulo—he is the No Humano Commander! Siya ang tinaguriang Ruler

    Last Updated : 2021-07-10
  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 4

    Nang marating ko ang pintuang humahati mula sa akin at nasa loob ng silong, inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang aking masasaksihan.Tuluyan na nga akong pumasok, at walang ibang bumungad sa akin kundi..."Putang-!"Matinding gulat ang tangi ko lamang naiharap sapagkat ang loob ng silong ay nagmistulang impyerno para sa Goblin Tribe.Sa aking pag-tuloy, naroon ang mang-gagamot at nagpakilalang si Misha, punong puno ng dugo ang kanyang kasuotan, batid niya rin sa akin na habang humahaba ang panahon ay umiikli na ang buhay ng mga biktimang ito.Habang patuloy ang pagpapaliwanag ni Misha mula sa mga pangyayaring naging sanhi ng peligrong ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyang pinaliit ang distansya ng mga biktima mula sa akin. Wala namang masama kung ako rin ay tutulong lalo't ito'y isa sa mga ipinaliwanag sa akin ni Comand

    Last Updated : 2021-07-12
  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 5

    Natapos ang mga pangyayari sa isang malalim na paghinga, hindi ko inasahang mahigit sa inaakala ko na Magic ang aking magagamit sa mga Goblin na napinsala ng aking Power Level Activation.Matapos kong masolusyunan ang naging epekto ng katatapos lamang na labanan, katulad nang sinabi ni Domino, mabilis naman akong pumunta sa inihanda nilang selebrasyon para sa matagumpay na labanan.Bakas sa kanilang mga itsura ang umaapaw na galak at tuwa, hindi rin nila alintana ang mga sugat at gasgas mula sa pangyayari sapagkat aking masasabi na matagal na itong nais maranasan ng Goblin Tribe, kaya't ganoon na lamang ang kanilang ikinikilos.Sa kalagitnaan ng selebrasyon, hindi ko maiwasang maitanong kung bakit walang permanenteng tirahan ang Goblin Tribe, kaya't habang kumakain at nagsasaya ang bawat isa ay walang tigil na pag-uusap din ang kasabay nito.Naging sanhi ang aking mga katanungan upang mapunta ang

    Last Updated : 2021-07-14
  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 6

    Ang nakakagulat na pagharap ni Jango sa Goblin Tribe ay nagdulot ng matinding sigawan, hindi ito inasahan nila Rigo sapagkat malinaw itong nasilayan ng kanilang mga mata, miski ako ay hindi inasahan ang pangyayari, noong nakaraang araw ko lamang natuklasan na aking naipunta si Jango sa silid-pagamutan. Isa rin itong impormasyon sapagkat aking nalaman na mayroon akong kakayahang dalhin ang isang bagay o tao sa lugar kung saan napuntahan ko na sa pamamagitan ng Black Hole Creation.Halos tumagal ng ilang segundo ang katahimikan matapos ang sabay-sabay na sigawan."Ah, sakit ng likod ko," batid ni Jango.Mabilis naman ang reaksyon dito ng Goblin Tribe, halong galit at pang-gigilaiti ang kanilang naipakita, dahilan upang magulat si Jango."Anong ginagawa mo rito, Jango?!" matinding sigaw ni Domino habang nakatutok kay Rigo ang patalim."Goblin Tribe...

    Last Updated : 2021-07-18

Latest chapter

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 1

    Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig. Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager. Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako... "Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman." Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipi

DMCA.com Protection Status