Share

KABANATA 4

Author: Jayvee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nang marating ko ang pintuang humahati mula sa akin at nasa loob ng silong, inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang aking masasaksihan.

Tuluyan na nga akong pumasok, at walang ibang bumungad sa akin kundi...

"Putang-!"

Matinding gulat ang tangi ko lamang naiharap sapagkat ang loob ng silong ay nagmistulang impyerno para sa Goblin Tribe.

Sa aking pag-tuloy, naroon ang mang-gagamot at nagpakilalang si Misha, punong puno ng dugo ang kanyang kasuotan, batid niya rin sa akin na habang humahaba ang panahon ay umiikli na ang buhay ng mga biktimang ito.

Habang patuloy ang pagpapaliwanag ni Misha mula sa mga pangyayaring naging sanhi ng peligrong ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyang pinaliit ang distansya ng mga biktima mula sa akin. Wala namang masama kung ako rin ay tutulong lalo't ito'y isa sa mga ipinaliwanag sa akin ni Comando — ang protektahan ang No Humano Kingdom.

Ang pag-lapit ko sa mga Goblin na sugatan ang naging mitsa upang lumayo at pumunta sa aking likuran si Misha.

Ako'y naglakas-loob na tumungo rito sapagkat bitbit ko ang Health Potion na nakuha ko kanina sa paglalakad bago ko pa man makasalubong ang Goblin Tribe.

Ukol sa aking nalalaman, ang effectivity ng Health Potion na ito ay 95%. Maaari itong maka-tulong lalo na sa mga ganitong sitwasyon. Isa rin ito sa aking mga ikinagulat sapagkat sa oras na aking gamitin ang kapangyarihang ipinagkaloob ni Comando, bitbit din nito ang impormasyon mula sa nakuhang bagay.

Walang anu-ano ay akin nang inilabas mula sa Black Hole Creation Consume Technique ang Health Potion na nakuha ko.

"Black Hole Creation: Health Potion Release"

Hindi pa man tuluyang nagtagpo ang Health Potion at ang sugatang mga Goblin ay biglang bumukas ang pintuan ng silong, ang kanilang pinuno — si Rigo.

Dahil sa pangyayari, nasaksihan ni Misha, Rigo at ng kanyang anak ang hindi maipaliwanag na kapangyarihang ipinaranas ko sa mga Goblin na ito.

Ang buong katawan ay hindi nag-iwan ng marka mula sa kani-kanina lamang na sugat.

matinding reaksyon ang ipinamalas ni Rigo habang mulat na mulat ang mga mata sa kaniyang nasilayan.

"I-imposible!!?" batid ni Rigo.

Hindi naman makapaniwala si Misha sa nakita nito. Hindi na bago ang usapang tungkol sa pang-gagamot kay Misha sapagkat siya ang itinuturing na Healer sa Goblin Tribe, subalit nag-iwan ng matinding pagkagulat ang prosesong ipinakita ko upang daliang magamot ang mga sugatan na Goblin.

Habang kanilang ipinakikita ang mga dilat nilang mata, ang mga pangyayari ay naging sanhi upang ako ay mapahinto at matulala. Miski ako ay hindi inasahang posible ang mga ito, kitang-kita ko ang masisigla nilang pangangatawan na ibang-iba sa kani-kanina nilang estado.

Ang panlabas kong reaksyon ay hindi umaayon sa aking nararamdaman sapagkat sa aking isip ay malinaw kong naririnig ang matitinding sigaw sanhi ng ipinamalas kong kakayahan.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo habang sunod-sunod ang nga papuring ipinagkaka-loob nila Rigo at Misha sa akin. Sobrang tuwa ang galak naman ang aking nararamdaman sa mga pangyayari na ito.

Matapos ang mga pangyayari, ilang minuto ang lumipas at kinausap ko si Rigo ukol sa pagbabadiyang atake ng Wild Horse.

Ipinaliwanag niya sa akin na walang pag-asa sa laban ang Goblin Tribe kontra sa Wild Horse dahil sa malaking agwat ng Power Level nito.

Bilang isang nagtatrabaho sa kompanya noon, nababad ang pag-iisip ko sa paglikha ng mga stratehiya na makakatulong upang mapagtagumpayan ko ang isang bagay. Matapos ipaliwanag ni Rigo ang mga impormasyon mula sa Wild Horse, ipinaalam ko sa kanya ang depensang maaring makatulong upang hindi madaling mapasok ang temporary Village ng Goblin Tribe.

Mabilisan ko ring ipinaliwanag ang mga kakailanganin na materyales sa pagbubuo ng depensa, mga kahoy na matutulis, mga lubid at malalaking bato.

Hindi naman nagtagal ang pagkuha ng mga materyales sapagkat malinaw sa Goblin Tribe ang malaking posibilidad na ngayong araw ang atake ng Wild Horse.

Kitang-kita ang determinasyon at lakas ng loob ng mga Goblin ngayong kasama nila ako, patuloy ang kanilang pagtatrabaho, gamit ang mga matataas na kahoy na itinusok paikot upang magsilbing harang, ganon din ang mga matutulis na kahoy na naka-usli palabas upang magsilbing Attack Defense. Punong-puno naman ng mga katamtaman ang laki na matutulis na kahoy sa loob ng Goblin Village, upang gamitin bilang pang-atake kung sakaling may makapasok na Wild Horse.

Habang dumaraan ang panahon ay, unti-unti ko nang nasasaksihan ang natatapos na depensa ng Goblin Tribe kontra sa nagbabadiyang Wild Horse.

"Humanda na kayo, Goblins!" matinding sigaw ni Rigo at punong-puno ng determinasyon.

"Ngayong kasama na natin ang Commander, sigurado ang atin panalo!" batid niyang muli.

"Huh..." pabulong kong binanggit.

"Commander! Commander! Commander!" matinding sigawan ng Goblin Tribe.

Hindi ko alam subalit nakararamdam ako ng matinding kaba sa kadahilanang hindi maging sapat ang stratehiya at kapangyarihang kinagagawian ko pa lamang.

"What the fuck! Paano kung mas mataas ang Power Level nila kaysa sa akin?" nakatulala kong binanggit kasabay ang matinding sigawan ng nga Goblin.

Sa kabila ng natunghayan ko, hindi na ito ang tamang oras para magdalawang-isip pa, matinding sugat at nagkalat na dugo ang bumungad sa akin kanina lamang.

Sa mga oras na ito, hindi na mahalaga ang pagkakaiba ng Power Level, ang tanging nalalaman ko lamang ngayon ay dapat magwagi ang Goblin Tribe kontra Wild Horse.

Matapos ang matinding trabaho, nagpahinga muna ang mga Goblin para sa paparating na labanan, naghanda ng makakain upang makapag-imbak ng nararapat na lakas. Sabay-sabay kaming kumain, nagtawanan at tuluyang nakalimutan ng panandalian ang paparating na labanan.

Oras na upang ihanda ang buong sarili, nakaramdam ako ng matinding kaba sapagkat sa anime at pelikula ko lamang ito napapanood subalit ngayon ay aking nang nararanasan.

Hindi ko pa rin maitatangging sobra akong natutuwa sa mga pangyayari, kaya para mapanatili ito, nararapat kaming magtagumpay.

Ako'y nag-abot ng salita para sa Goblin Tribe, nagpakita ng determinasyong nais ko na kanilang makuha upang maging maayos ang resulta. Bakas sa kanilang itsura ang pakikinig, sabay sabay na inilabas ang Power Level dahil sa aking mga sinabi.

"Tulungan niyo ang inyong kasama't huwag iwanan!" ito ang tangin utos ko sa kanila.

Matinding sigawan ng mga Goblin matapos ang maikli kong mga binanggit.

Nagdaan ang ilang oras at sumapit ang kabilugan ng buwan sa gitna ng Goblin Tribe Village, bakas na sa kanilang mga ikinikilos ang determinasyon at matinding paghahanda sa nalalapit na sagupaan.

Habang ako'y nagmamasid sa kapaligiran, napagdesisyunan kong manatili sa labas ng depensa bilang pangunahing opensa kontra sa Wild Horse, walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang matinding pagdududa, subalit hindi ko rin maitanggi at limitahan ang matinding Power Level na ipinamana sa akin ni Comando.

Handa at nasa kani-kanilang mga puwesto na ang mga Goblin, binalot ng matinding katahimikan ang pagsapit ng dilim sa buong kapaligiran, ang simoy ng malalamig na hangin ang tanging lumilikha ng tunog, pati ang kaliskis ng mga kahoy na nagdidikitan.

Ilang minuto ang lumipas, ang pagsayaw ng mga puno sa kapaligiran ay para bang nagsilbing bilang at hudyat ng nalalapit na sagupaan, habang lumalakas ang mga tunog na nililikha ng mga punong sanhi ng hangin, kasabay din nito ang mahinahong pagyugyog ng kalupaan. Ang paggalaw ng sahig ang gumulat sa Goblin Tribe at sa akin, tila ito ay sanhi ng mga paang nagtatakbuhan, at habang tumatagal ay patuloy na lumalakas.

Ito ang naging mitsa ng paparating na sagupaan, walang duda na ito'y mula sa Wild Horse, kaya't akin na silang pinaalalahanan at pinaghanda.

"Narinig nyo ba 'yon?!" batid ko.

"Ihanda ang inyong mga sandata! oras na sumugod ang Wild Horse, iyon din ang oras upang ibato ang mga sibat," utos ko.

Ang hindi alam ng Goblin Tribe ay, palihim kong nilagyan ng Magic Power ang mga sibat na 'yon.

"Ihanda ang mga sandata't sibat!" matindi itong isinigaw ni Rigo, hayag sa kaniyang mga pananalita't ikinikilos ang kagustuhang paghihiganti sa mga karahasang ipinaranas ng Wild Horse.

Hindi nagtagal...

Isang boses ng matandang nilalang ang gumulat sa amin. Tila isang pangangamusta at pagpapakilala ang humarap sa akin, kasabay ng matinding halakhakan.

Sigawan at pag-lalaway ang bumungad sa aking mukha, ito pala ang Wild Horse. Punong puno ng mga marka mula sa isang sugat ang kanilang katawan, may matutulis na sungay, at matatalim na mata.

"Jango! Dito ka na matatapos, sapagkat kasama namin ang Commander!" matinding sigaw ni Rigo.

Bakas sa kanyang mukha ang kompiyansa nito.

"Commander...?" nakangisi itong binanggit ni Jango matapos na magsalita si Rigo. Walang pagdududa na minamaliit at ipinagwalang-pansin ni Jango ang mga ibinatid ni Rigo.

"Putang ina mo, Rigo! Pakialam ko sa Commander na sinasabi mo, " batid ni Jango habang humahalakhak.

Hindi ko man gustong pansinin ang mga binabanggit ni Jango, walang pumasok sa aking isip kundi turuan ito ng leksyon.

Matinding pagtawa pa rin ang ipinapakita ni Jango, kasabay nitong sinasabi na sa paglipas ng oras ay kami ang kanilang magiging hapunan.

Walang tigil naman na binibigyang papuri ng Wild Horse ang kanilang pinuno sa mga sinasabi nito.

Dahil doon, hindi tumigil si Jango sa pagsasalita, at patuloy na ginawang katatawanan ang aking pagpaparito at ang buong Goblin Tribe.

"Hindi nyo maitatanggi, na ako ang may pinakamalakas na Power Level sa mga oras na ito!" Sabi ni Jango na may pagyayabang.

"Kung tutuusin, walang grupo sa No Humano Kingdom ang kayang pantayan ang Power Level ko," dagdag niya.

"At isa pa, matagal nang patay ang Commander na sinasabi mo, Rigo! Ako ang Commander, susunod kayo sa akin at magsisilbing hapunan namin!" walang tigil itong sinabi ni Jango.

Hindi nagtagal, si Jango ay nagbigay ng hudyat sa pag-atake.

"Ano pang hinihintay niyo, Wild Horse? Sugod!"

bakas sa mukha ni Jango ang matinding kompiyansa subalit nangingibabaw pa rin ang hindi masukat na kayabangan.

Matapos ang kanyang mga sinasabi, sumunod naman ang mga Wild Horse sa utos ng kanilang pinuno, hindi rin alintana sa kanila ang mga matutulis na sibat na naka-usli sa nilikha namin na depensa.

Subalit wala sa kanilang isipan, na ang mga naka-usling sibat na ito ay patibong lamang upang mapukaw ang atensyon nila papalayo sa mga sibat na nilagyan ko ng Magic Power.

"Oras na!" malakas kong isinigaw.

Lubos ko itong isinigaw, habang malinaw namang naunawaan ng mga Goblin ang nais kong iparating.

Ibinato ng mga Goblin ang mga sibat na kung saan may bitbit na Magic Power na nagdulot sa mga Wild Horse upang lumapat ang kanilang pangangatawan sa sahig.

Isang matinding sigawan ang ibinato ng Goblin Tribe mula sa Wild Horse.

"Katapusan mo na, Jango!"

"Hindi na kayo makaka-ulit!"

"Ito ang kabayaran sa mga karahasan niyo!"

Tila boses ng paghihiganti ang aking mga naririnig matapos magtagumpay ng Goblin Tribe sa unang atake, hindi ko rin sila masisi sapagkat, ako mismo'y nasaksihan ang matinding karahasang ipinamalas ng mga ito sa Goblin Tribe.

Ang tagumpay na atake ng Goblin Tribe ay nagdulot ng paggulat kay Jango...

"Imposible," batid nito.

Miski ako'y nakita ang reaksyon nito subalit hindi naman ito naging sapat na dahilan upang matinag si Jango mula sa kaniyang kinatatayuan.

"Magaling, Goblin Tribe!" sabi ni Jango.

"Mukhang pinalakas kayo ng aking karahasan. Mabuti kung ganon, nawa'y mabigyan nyo ako ng nakakatuwa at maala-alang labanan!" nasasabik niya itong binanggit kasabay ang hindi normal nitong pagtawa.

"Ngayon, subukan natin ang tatag ng depensa niyo! Maaaring madali ninyong nadaan sa stratehiya ang aking mga alagad subalit hindi sapat ang stratehiya lamang upang mapantayan niyo ang lakas ko!" batid ni Jango habang inihahanda ang kanyang atake.

"Power Level : Activate!"

Hindi ko maitatanggi na talagang nagtataglay si Jango ng lakas na malayo sa estado ng mga Goblin Tribe.

"Nais niyo ba ng patikim?" hayag sa mukha ni Jango ang kayabangan.

"Fire Attack : Horns Activation"

...

Bilang Commander, hindi ko hahayaan na dumampi ang ganito kalakas na atake sa Goblin Tribe...

"Black Hole Creation : Consume"

Sa pamamagitan ng Black Hole Creation, may kakayahan akong makuha ang kapangyarihang ito, at maaari kong ibalik sa pamamagitan ng Absolute Counter ng doble ang bitbit na lakas.

Malimit naman itong tinanggap ni Jango.

"Nakakatuwa!" sabi ni Jango.

"Hindi ko inakalang mayroong ganitong Magic Power sa Kingdom na ito, subalit hanggang saan ba ang makakaya mo?" muli nanamang nagsalita si Jango patungkol sa atakeng ipinakita ko.

Hindi ko alam subalit bawat minuto sa labanang ito ay mayroon siyang sinasabi, mabuti at mahaba ang pasensya ko ngunit kung hindi...

"Sa estado na ipinakikita niyo ngayon, hindi aabot sa limang pursyento ang pag-asa niyong manalo! Hanggang diyan na lamang ba ang kaya niyong gawin? Depensa? Sibat? Kung wala na kayong kasunod na gagawin, maaari bang kami'y magpakitang-gilas?" kasabay niyang sinabi ito habang bakas ang matinding kayabangan.

"Rigo! Ihanda mo 'yang sarili mo. Walang ibang maghahari sa No Humano Kingdom kundi kami, ang Wild Hor-"

...

"Shhh..."

Tuyong-tuyo na ang isip ko sa walang tigil niyang pagsasalita, hindi ko inaasahang maabot niya ang dulo ng pasensiya ko...

Hindi na ako nakapagpigil, humantong ang sitwasyon sa hindi ko inaasahang pangyayari.

...

"Black Hole Creation : Complete Consume"

Binalot ng isang malaking Black Hole ang buong Goblin Village, na naging dahilan upang mas dumilim ang kapaligiran, nagtataglay din ng matitinding kidlat ang kapangyarihan na ito, kaya't miski ako'y natulala at nagulat.

Ang mga pangyayaring ito ay nag-iwan kay Jango ng matinding pagka-gulat, bakas sa mukha nito ang pagkatakot at panginginig sa makatindig balahibong Black Hole na sumakop sa buong kapaligiran.

Miski ang Goblin Tribe ay natakot sa ipinakita kong kakayahan. Gayunpaman, laking tuwa rin nila sapagkat kanilang nasaksihan ang marahas at kinatatakutan na si Jango na pinag-papawisan at nanginginig.

"P-putang-" batid ni Jango habang mulat na mulat ang mga mata.

"I-imposible," nanghihina itong sinabi ni Jango habang kaharap niya ang Black Hole.

Subalit hindi naman hinayaan ni Jango na masira at makutya ang titulong ipinagkaloob sa kaniya kaya't kahit nanginginig at natatakot, bigkas pa rin nito ang utos sa Wild Horse na sumugod.

Dahil siya ay kinikilala bilang isang pinuno, hindi naman nagdalawang-isip ang mga ito na sumugod habang hindi alintana ang Black Hole na nilikha ko, subalit bago pa man nila simulang ihakbang ang kanilang mga paa, ipinagkalooban ko sila ng biyayang hindi nila malilimutan.

...

"Black Hole Creation : Consume"

Tuluyang kinain ng Black Hole ang Wild Horse, matitinding sigawan ang huling tinig na lumabas sa kanilang bibig, pagmamaka-awa, paghingi ng tawad, at kagustuhang mabiyayaan ng pagkakataon ang sinasabi ng iba.

Dahil sa Black Hole Creation na ipinakita ko, walang ibang natira sa Wild Horse kundi si Jango at ang isa pa nilang kasama, napansin ko rin kung paano iniligtas ni Jango itong natirang Wild Horse, at maaari kong sabihin na ito ay kanyang anak.

"Militia, takbo!" sigaw ni Jango sa kaniyang anak habang nakaluhod sa kinatatayuan.

...

"Power Level : Activate" mahinahon at pabulong kong binanggit.

Subalit sa kabila ng mahinahon kong pagbanggit, bitbit naman nito ang mabigat na enerhiya na tila nagpabigat sa buong kapaligiran, dahil sa power level na ipinamalas ko, nahimatay si Militia bago pa man ito makatakbo. Ilan rin sa mga Goblin ang tuluyang nawalan ng malay, ang nakakagulat ay biglang napahiga si Jango sa sahig at sinabi ang mga salita tungkol sa paggamit ng Power Level.

"P-power Level : A-activate," nauutal itong binaggit ni Jango.

Mukhang nais pa ni Jango ang lumaban, kaya't muli kong dinagdagan ang power level na aking inihayag.

Subalit bago ko pa man tuluyang gawin iyon ay isang pangyayari ang gumulat sa buong Goblin Tribe at sa akin...

"P-patawad, Commander!" mangiyak-iyak itong sinabi ni Jango sa harap namin habang nakahilata sa sahig.

"Hindi ko intensyong muling maki-paglaban, binuksan ko lamang ang Power Level ko upang mabawasan ang epekto ng Power Level niyo," paliwanag niya.

"Patayin niyo na ako, subalit huwag ang anak kong si Militia!" pagmamaka-awa ni Jango.

...

"Black Hole Creation : Consume"

...

"Huwag!"

ito ang huling binitawang salita ni Jango matapos niyang makaharap ang Black Hole na ginamit ko sa kaniya, kasama ang anak nitong si Militia.

"Power Level : Deactivate," pabulong kong sinabi.

Nang ako'y lumingon sa aking likuran, bilang lamang sa aking mga daliri ang nananatiling nakatayo, kasama si Rigo, ang anak nitong si Domino, at si Misha.

Matapos ang ilang segundong katahimikan, hiyawan at selebrasyon ang sumunod na nangyari sa kadahilanang nagtagumpay ang Goblin Tribe kontra sa Wild Horse.

"Sa wakas, tagumpay tayo!" batid ni Rigo.

Hindi rin nawala ang kanilang sigawan na nagbibigay papuri sa akin bilang Commander ng No Humano Kingdom.

Hindi man ako sanay at natutuwa bilang isang Commander, hindi ko pa rin maiwasang punan ang titulong ipinamana sa akin ni Comando. Hindi ko alam subalit, sa mundong ito, hindi ako nagdalawang-isip humarap at kumausap hindi man tao subalit sa kahit ibang nilalang.

Sa tingin ko'y alam kong wala akong matatanggap na pang-huhusga sa kanila, hindi ako mababansagan bilang weirdo ng taon, hindi na ako makikipag-usap sa aking sarili sapagkat mayroon na akong mga kasama ngayon na kinikilala ako bilang isang mataas, pinuno o Commander.

...

"Commander! Halina't maghanda tayo ng makakain at simulan ang selebrasyon!" batid ni Domino.

habang lumalanghap ako ng sariwang hangin, isang problema ang pumasok sa isip ko.

"Paano yung mga nahimatay na Goblin sa Power Level Activation ko?!"

"Shit-"

...

"Black Hole Creation : Health Potion Release"

Related chapters

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 5

    Natapos ang mga pangyayari sa isang malalim na paghinga, hindi ko inasahang mahigit sa inaakala ko na Magic ang aking magagamit sa mga Goblin na napinsala ng aking Power Level Activation.Matapos kong masolusyunan ang naging epekto ng katatapos lamang na labanan, katulad nang sinabi ni Domino, mabilis naman akong pumunta sa inihanda nilang selebrasyon para sa matagumpay na labanan.Bakas sa kanilang mga itsura ang umaapaw na galak at tuwa, hindi rin nila alintana ang mga sugat at gasgas mula sa pangyayari sapagkat aking masasabi na matagal na itong nais maranasan ng Goblin Tribe, kaya't ganoon na lamang ang kanilang ikinikilos.Sa kalagitnaan ng selebrasyon, hindi ko maiwasang maitanong kung bakit walang permanenteng tirahan ang Goblin Tribe, kaya't habang kumakain at nagsasaya ang bawat isa ay walang tigil na pag-uusap din ang kasabay nito.Naging sanhi ang aking mga katanungan upang mapunta ang

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 6

    Ang nakakagulat na pagharap ni Jango sa Goblin Tribe ay nagdulot ng matinding sigawan, hindi ito inasahan nila Rigo sapagkat malinaw itong nasilayan ng kanilang mga mata, miski ako ay hindi inasahan ang pangyayari, noong nakaraang araw ko lamang natuklasan na aking naipunta si Jango sa silid-pagamutan. Isa rin itong impormasyon sapagkat aking nalaman na mayroon akong kakayahang dalhin ang isang bagay o tao sa lugar kung saan napuntahan ko na sa pamamagitan ng Black Hole Creation.Halos tumagal ng ilang segundo ang katahimikan matapos ang sabay-sabay na sigawan."Ah, sakit ng likod ko," batid ni Jango.Mabilis naman ang reaksyon dito ng Goblin Tribe, halong galit at pang-gigilaiti ang kanilang naipakita, dahilan upang magulat si Jango."Anong ginagawa mo rito, Jango?!" matinding sigaw ni Domino habang nakatutok kay Rigo ang patalim."Goblin Tribe...

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 1

    Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig. Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager. Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako... "Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman." Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipi

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 2

    "HOY!"tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito."ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos."Miss,

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 3

    "A-ako si Vacio, Vacio McDerson."Matapos nito, Ipinaliwanag sa akin ni Comando ang kasalukuyang nangyayari. El Deseo Country—ito ang lugar kung saan binubuo ng apat na kingdom. No Humano Kingdom, at Summon Kingdom. Miski si Comando ay hindi pa alam ang impormasyon kaugnay sa natitirang Kingdom. Ang nais ko ring malaman na bakit ako napunta sa mundong ito ay kanya ring napunan... Reincarnation. Muli akong nabuhay sa mundong ito bilang isang mas bata, at may matinis na boses. Alam niya rin ang pinanggalingan ko sapagkat doon din siya nanggaling. Ipinaliwanag niya sa akin na kung sa mundong pinanggalingan namin ay binabalot ng salapi, sa mundong ito'y iba—Magic Power. Ipina-alam niya rin sa akin ang kanyang titulo—he is the No Humano Commander! Siya ang tinaguriang Ruler

Latest chapter

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 4

    Nang marating ko ang pintuang humahati mula sa akin at nasa loob ng silong, inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang aking masasaksihan.Tuluyan na nga akong pumasok, at walang ibang bumungad sa akin kundi..."Putang-!"Matinding gulat ang tangi ko lamang naiharap sapagkat ang loob ng silong ay nagmistulang impyerno para sa Goblin Tribe.Sa aking pag-tuloy, naroon ang mang-gagamot at nagpakilalang si Misha, punong puno ng dugo ang kanyang kasuotan, batid niya rin sa akin na habang humahaba ang panahon ay umiikli na ang buhay ng mga biktimang ito.Habang patuloy ang pagpapaliwanag ni Misha mula sa mga pangyayaring naging sanhi ng peligrong ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyang pinaliit ang distansya ng mga biktima mula sa akin. Wala namang masama kung ako rin ay tutulong lalo't ito'y isa sa mga ipinaliwanag sa akin ni Comand

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 3

    "A-ako si Vacio, Vacio McDerson."Matapos nito, Ipinaliwanag sa akin ni Comando ang kasalukuyang nangyayari. El Deseo Country—ito ang lugar kung saan binubuo ng apat na kingdom. No Humano Kingdom, at Summon Kingdom. Miski si Comando ay hindi pa alam ang impormasyon kaugnay sa natitirang Kingdom. Ang nais ko ring malaman na bakit ako napunta sa mundong ito ay kanya ring napunan... Reincarnation. Muli akong nabuhay sa mundong ito bilang isang mas bata, at may matinis na boses. Alam niya rin ang pinanggalingan ko sapagkat doon din siya nanggaling. Ipinaliwanag niya sa akin na kung sa mundong pinanggalingan namin ay binabalot ng salapi, sa mundong ito'y iba—Magic Power. Ipina-alam niya rin sa akin ang kanyang titulo—he is the No Humano Commander! Siya ang tinaguriang Ruler

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 2

    "HOY!"tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito."ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos."Miss,

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 1

    Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig. Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager. Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako... "Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman." Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipi

DMCA.com Protection Status