Share

KABANATA 6

Author: Jayvee
last update Last Updated: 2021-07-18 14:36:38

Ang nakakagulat na pagharap ni Jango sa Goblin Tribe ay nagdulot ng matinding sigawan, hindi ito inasahan nila Rigo sapagkat malinaw itong nasilayan ng kanilang mga mata, miski ako ay hindi inasahan ang pangyayari, noong nakaraang araw ko lamang natuklasan na aking naipunta si Jango sa silid-pagamutan. Isa rin itong impormasyon sapagkat aking nalaman na mayroon akong kakayahang dalhin ang isang bagay o tao sa lugar kung saan napuntahan ko na sa pamamagitan ng Black Hole Creation.

Halos tumagal ng ilang segundo ang katahimikan matapos ang sabay-sabay na sigawan.

"Ah, sakit ng likod ko," batid ni Jango.

Mabilis naman ang reaksyon dito ng Goblin Tribe, halong galit at pang-gigilaiti ang kanilang naipakita, dahilan upang magulat si Jango.

"Anong ginagawa mo rito, Jango?!" matinding sigaw ni Domino habang nakatutok kay Rigo ang patalim.

"Goblin Tribe..." sabi ni Rigo.

Hindi ko naman pinatagal ang pag-uusap at tuluyang lumapit sa lugar kung saan naroon si Jango. Ipinaliwanag ang aking ginawa, dahilan kung bakit siya naririto sa lugar ng Goblin Tribe.

"Kumusta ang iyong anak, si Militia?" tanong ko.

Sa pagtatanong kong ito, hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ipinakita sa aking ni Jango subalit hindi naman naging sapat ma dahilan iyon upang hindi niya masagot ang aking katanungan.

"Namamahinga siya roon sa loob, mukhang maayos naman na ang kanyang kalagayan," batid ni Jango.

"Mabuti kung ganon," maginhawa ko namang sinabi.

Dahil sa pangyayari na ito, natigil ng panandalian ang kainan, ramdam ko na rin ang pagkagutom hindi lamang sa aking sarili kundi sa buong Goblin Tribe, nais pa sanang magpaliwanag ni Jango tungkol sa mga pangyayari subalit mabilisan ko muna itong sinundan ng mga salita, at niyaya ko siyang sumabay muna sa aming pagkain. Karamihan sa mga Goblin ay hindi sang-ayon sa mga nangyayari subalit wala silang magawa sa aking desisyon.

Hindi rin nagtagal ay lumabas mula sa silid-pagamutan si Militia, at amin na rin itong niyaya upang sumabay sa pagkain.

Hinayaan na lamang ito ng ibang mga Goblin, dahil na rin sa kanilang matinding pagkagutom.

Nag-iwan ito ng matinding pagkagulat kay Rigo subalit sinabi ko sa kanya na magtiwala sa aking mga gagawin, kaya't sumang-ayon na rin ito sa aking desisyon.

Tuluyan nang nagsimula ang kainan sa Goblin Tribe, kasama sina Jango at anak nito, si Militia. Nagkalat sa paligid ang mga nagkakatuwaan habang may bitbit na pagkain. Ang iba nama'y hindi makausap, sanhi ng matinding pagkagutom.

Habang ako'y kumakain, pinagmamasdan ko ang kilos ni Jango, sa una'y ayaw niya pang simulan ito, maaring ang dahilan ay hiya subalit akin itong nilapitan at sinabihan.

"Bawiin mo sa pagkain ang lakas na nawala sa'yo," batid ko kay Jango.

Bago ko pa man tuluyang alisan si Jango matapos ko itong kausapin, humingi ito ng pabor sa akin.

"Maaari ba kitang makausap?" tanong ni Jango.

Hindi ko naman inintindi ang pabor na hinihingi nito, ang huli kong sinabi sa kanya ay bawiin ang pagod na nawala at magpalakas. Sinabi ko rin na maaari kaming magkausap kapag umabot na sa tuldok ang handaan.

Nagpatuloy ang nakagagalak na handaan, ramdam na ramdam ko ang paglibot ng kapayapaan sa buong kapaligiran, at sumasabay sa paggalaw ng mga puno ang kilos ng mga Goblin dahil sa tuwa.

Nagdaan ang ilang mga minuto, halos lahat ay nananatili na lamang sa kanilang mga upuan dahil sa matinding pagkabusog. Marami rin ang nagtungo sa kanilang mga silid upang magpahinga at matulog.

Hinayaan ko't nanatili lamang ako sa labas upang magpahangin, nang lumapit sa akin si Jango, tumabi ito sa aking kinauupuan at nagpakiramdaman. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na itong magsalita.

"Ano palang pangalan mo?" tanong sa akin ni Jango.

Tinanggap ko naman ito habang hindi maintindihan kung bakit niya ito tinanong.

"Vacio, ako si Vacio." mahinahon kong isinagot.

"Alam mo, Vacio, hindi ko naman nais panghawakan ang titulo bilang isa sa mararahas na grupo sa kingdom na 'to." paliwanag niya sa akin.

Hindi ko naman alam kung ano ang aking sasabihin kaya't hindi na ako nagbanggit ng kahit anong salita at binigyan siya ng pagkakataon upang magpatuloy.

"Ang mga Elves, Vacio," pahiwatig ni Jango.

Aking naalala ang mga impormasyong ipininarating ni Domino sa akin tungkol sa kanilang nasaksihan kasabay ng kanilang pangangaso. Aking sinabi ang mga kaalamang ito kay Jango na kung saan, nasaksihan ng mga Goblin ang pangunguha ng mga Elves.

Hindi ko pa man natatapos ang aking pagpapaliwanag ay mabilis na itong sinabi ni Jango sa aking harapan.

"Sila ang pangunahing umuubos ng aming mga pangangailangan," batid ni Jango.

Ang walang pagdadalawang-isip ni Jango sa pagpapaliwanag ay umuugat sa impormasyon nakalap ng grupo ni Domino.

Paliwanag ni Jango, ang mga Elves ay gumagamit ng Magic Power upang pangunahan ang mga hayop sa kanilang pagtakbo. Hindi rin maiwasang kumaripas ng mga ito sapagkat bitbit ng mga Elves ang nag-uumapaw nitong Power Level.

Sa maayos na pagpapaliwanag ni Jango, malinaw ko itong naunawaan. Ang nais ko na lamang na malaman ay ang dahilan sa likod ng kanilang pagkuha ng mga hayop sa kagubatan. Bigla namang nagpatuloy si Jango sa pagsasalita.

"Nais kong humingi ng kapatawaran sa malawak na perwisyo na aking bitbit para sa Goblin Tribe," nakaluhod nitong sinabi habang nakayuko ang ulo sa aking harapan.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Wala akong ibang mahigitan kung hindi ang pamamahala ni Rigo sa Tribe na 'to," batid niya.

"Simula nang kumalat ang balita na pumanaw na si Valacia, naging pangunahing layunin na namin ang Goblin Tribe para sa aming pangangailangan," paliwanag ni Jango.

Isang malaking kaalaman naman para sa akin ang mga pangyayari, nagdulot din ang mga ito ng pagkagulat sa akin sapagkat hindi ko inasahan ang koneksyon ng bawat isa sa mga kaganapan.

Wala na akong ibang binanggit kay Jango ukol sa dahilan ng mga pangyayari subalit aking sinabi na ang ating may karapatan lamang na tumanggap ng kanyang kapatawaran ay walang iba kundi si Rigo.

Tinapos ko ang aming usapan, at sinabihan siyang tumungo sa silid kung saan naroon ang kanyang anak na si Militia upang kumustahin ang kalagayan nito. Mabilis naman itong sinunod ni Jango at muling lumuhod sa aking harapan bago ito tuluyang umalis patungo sa silid-pagamutan.

Lumipas ang ilang oras, ang panibagong araw ang muling humarap sa akin at sa Goblin Tribe. Dahil sa katatapos lamang na selebrasyon nitong mga nakaraang araw, hindi na naging sapat ng pagkain na natitira, kaya't mabilis na lumapit sa akin si Domino at ang grupo nito upang humingi ng permiso sa pangangaso.

Hindi naman ako nagdalawang-isip na payagan ang mga ito subalit akin silang sinabihan na maghintay muna sa labas bago tuluyang umalis.

Napagdesisyunan kong sumama sa pangangaso, kaya't pinaghintay ko sila sa labas ng aking silid.

Matapos ang paghahanda nila Domino, kasabay din na natapos ang aking paghahanda at nagtungo na sa labas.

Sa aking paglabas, ang pagtatanong ni Domino ang una kong narinig.

"Maaari po ba naming malaman ang dahilan ng aming paghihintay, Commander?" batid ni Domino.

Akin na lamang na napagtanto, hindi ko pala nasabi ang aking pag-sama.

"Ako'y sasama sa inyong pangangaso, Domino," batid ko.

Matinding pagkamangha naman ang nabuo sa mukha nila Domino sa aking mga sinabi. Nabanggit din sa akin ni Rigo na mataas ang paghanga ni Domino sa akin, kaya't ganoon na lamang ang naging reaksyon nito.

"Nakahanda na ba ang inyong mga kagamitan?" aking pagtatanong.

"Opo, Commander. Maayos na ang lahat," natutuwa naman nila itong binanggit.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy at pinangunahan ang aming pagtungo sa kagubatan upang mangaso. Subalit, hindi pa man kami tuluyang nakakalabas sa bakod na aming ginawa ay matinding sigaw mula sa aming likuran ang sa amin ay nagpahinto.

"C-Commander!" malakas na sigaw ni Jango habang ito ay nauutal.

"Jango?" batid ko.

"Maaari ba akong sumama sa inyong pangangaso?" sabi ni Jango.

Hindi naman maling desisyon kung hahayaang ko siyang sumama. At isa pa, mas mapapabilis ang aming layunin sapagkat mayroon kaming sasakyan. Ngunit, ang hindi maganda ay nag-iisa lamang si Jango at binubuo ng anim na Goblin ang grupo ni Domino.

Mabilis namang sinabi ni Jango ang mga ito.

"Sa aming teritoryo, mayroon pang natitirang Wild Horse, maarin natin itong puntahan upang mayroong masakyan ang bawat isa," paliwanag ni Jango.

Malaking pagdududa naman ang nabuo sa grupo ni Domino kaya't hindi nito napigilang sabihin sa akin.

"Commander, hindi ako payag sa nais ni Jango. Maaaring ito'y plano niya lamang upang makabawi sa atin," mabilis na sinabi ni Domino.

Maaaring tama rin ang opinyon ni Domino mula rito subalit isa lamang ang aking sinabi.

"Mas mabilis nating mararating ang destinasyon sa tulong nila, Domino. Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala," batid ko.

Akin nang binigyan ng permiso ang pagsama ni Jango sa amin, kaya't mabilis itong tumakbo papunta sa bakod kung saan kami naroon.

Inalok ako ni Jango na sumakay sa likuran nito, subalit hinayaan ko muna sapagkat nais kong ang lahat ay magkaroon na ng sasakyan. Tinanggap naman ito ni Jango, ngayon ay patungo kami sa lugar kung saan nananatili ang kilala noong marahas na grupo, ang Wild Horse.

Nagpatuloy na kami sa aming paglalakbay, si Jango ang nagsilbi naming daanan patungo sa kanilang teritoryo. Hindi ko rin inasahan na may kahabaan pala ang aming magiging paglakad patungo roon kaya't napagdesisyunan kong huminto muna sa isang ilog upang bawiin ang mga lakas na nawala sa aming katawan.

Sa gitna ng aming pagpapahinga, isang nilalang ang hindi nagdalawang-isip na sumugod sa amin.

Hindi naman ito naging sapat na dahilan upang makalikha ny matinding pagkagulat sa akin sapagkat nararamdaman ko ang Magic Power ng mga nakapaligid sa akin.

Mabilis naman itong sinugod ni Domino gamit ang sibat na kung saan nilagyan ko ng aking Magic Power kontra sa Wild Horse.

Mabilis naman itong natalo ni Domino.

Ipinaliwanag sa akin ni Domino na normal lamang ang mga ito dahil sa kagustuhang makakain. Ang kanina lamang na sumugod sa amin ay napapabilang sa Tree Tribe, kung saan ito ay mga nakatira sa ilalim ng puno. Ang pangunahing layunin nila ay ang obserbahan ang  paligid ng ilog, ang Guardians.

Dahil dito, hindi na kami nanatili ng matagal sa ilog na ito hindi dahil sa pagkatakot sa mga Guardians, kundi upang maiwasan namin itong maubos, sapagkat ang kanilang Magic Power ay isa sa mga pinakamahina sa lahat ng aking nakasalamuha, kaya't ang tanging katungkulan lamang nila ay obserbahan ang kapaligiran.

Nagpatuloy na kami sa aming paglalakbay, sinabi ni Jango na malapit na naming marating ang destinasyon kaya't mabilis na naghanda ang grupo ni Domino sa mga sakaling mangyayari.

Sa patuloy naming paglalakad, narating namin ang madilim, malawak at mataas na kuweba.

Sinabi ni Jango na ito ang kanilang lugar sa panahon na nagdaan.

Sabay-sabay kaming tumungo sa loob nito upang hanapin ang ilan pang mga Wild Horse, hindi naman tumagal ang aming paghahanap sapagkat mabilis naming nadatnan sa loob ng kuweba ang higit dalawampung Wild Horse.

Nang kami'y makita ng mga ito, mabilis nagbago ang kanilang mga reaksyon mula sa matamlay na mukha patungo sa maangas na mukha.

Sa pagkakataong ito, aking napagtanto na ang ugaling inihaharap ng Wild Horse noong una naming pagkikita ay panggap lamang.

Nagpakita si Jango sa mga ito at nagdulot ng matinding pagkagulat sa Wild Horse.

"B-Boss..." sabi ng isa sa kanila.

"Kayong lahat, nais niyo ng makakain?" tanong ni Jango.

Ang tanong na ito ni Jango ay nagpatayo sa bawat miyembro ng Wild Horse. Naging dahilan naman ito upang maabala sila Domino, subalit sa pagpapatuloy ni Jango sa pagsasalita, patuloy din na gumagaan at nawawala at pag-aalala ng grupo ni Domino sa mga pangyayari.

"Ihanda ninyo ang inyong mga sarili, lilisanin na natin ang kuwebang ito," batid ni Jango.

"Anong nangyayari, Boss?" tanong ng Wild Horse.

"Kasama ko ngayon ang Commander ng Kingdom na 'to," sabi ni Jango.

Sanhi ng matinding sigawan ang mga sinabi ni Jango sa Wild Horse sapagkat malinaw sa kanilang kaalaman na higit dalawang dekada na ang dumaan noong huling pagpapakita ng Commander.

Mahinahon ko namang hinarap ang mga ito, ipinaliwanag ang aming nais kasama si Jango.

"Maaari niyo ba kaming tulungan sa pangangaso?" aking pagtatanong.

Hindi naman nagdalawang-isip ang Wild Horse at pumayag sa aking ini-alok.

"Hindi niyo na kailangan pang magpanggap upang makakain," batid ko sa kanila.

Mabilis namang kumilos ang mga ito upang maghanda, naging kampante na rin sina Domino sa mga nangyayari.

Dumaan ang ilang mga minuto, muli na kaming nagpatuloy patungo sa aming destinasyon upang mangaso. Dahil sa mabilis na pagtakbo na taglay ng Wild Horse, mas napaliit ang oras na makakain sa aming paglalakbay.

Nagdaan ang ilang mga oras, nakarating kami sa aming destinasyon at nagsimula na ang pangangaso nila Domino sa tulong ng Wild Horse.

Ang pagsama ko rito'y hindi ang pangangaso, kundi ang makasalamuha at masaksihan ang aksyong ginagawa ng mga Elves sa kagubatang ito.

Dahil sa may kakayahan akong maramdaman ang Magic Power na nalalapit sa aking kapaligiran, patuloy kong binabantayan kung mayroon akong makikitang kakaibang Magic dito. Sa mga minutong nagdaan, ang Fire Magic lamang ni Jango ang aking nakikita, kaya't napagdesisyunan kong tumungo at maglibot sa kapaligiran.

Sa patuloy kong paglalakad, hindi ko inaasahang makikita ko ang lugar na ito.

Ito ang kuweba na kung saan, una akong naparoonan.

Hindi ako nagdalawang-isip na tumungo rito, habang binabagtas ko ang harapan nito, malinaw kong nakita ang mga bakas sa sahig, patunay na mayroong tumungo rito maliban sa akin at Comando. Nang marating ko ang kaloob-looban nito, mga tela at kasuotan ang bumungad sa akin. Ginamit ko ang Black Hole Creation upang ipunin ito at itago sa akin. Pagkatapos nito'y ninais ko nang lumabas sa kuweba subalit hindi pa man ako tuluyang nakararating sa harap nito, isang hindi pamilyar na Magic Power ang aking naramdaman, kasabay nito ang Fire Magic ni Jango kaya't mabilis akong tumungo sa lugar kung saan naroon si Jango.

Patuloy kong tinutungo ang lugar kung saan ko nararamdaman ang Magic mula kay Jango, haban ako'y patuloy na lunalapit, patuloy ding lumalakas ang Magic Power na inilalabas ng dalawa, naging dahilan naman ito upang mamangha ako sa kakayahan ni Jango.

"Hindi na masama, Jango," batid ko habang naglalakad.

Ramdam ko na nalalapit na ako kung saan naroon si Jango. Nang marating ko ang lugar na iyon, nagulat na lamang ako sa aking nakita.

Nasaksihan ko na lamang na sugatan ang grupo ni Domino, nakasandal na lamang siya sa puno, ang mga Wild Horse ang humarap dito upang protektahan sila Domino.

Mabilis kong tinungo sa lugar ng kanilang pinaglalabanan at nang marating ko ito, mabilis kong pinuntahan si Jango upang tanungin ang mga pangyayari.

"Sila ang mga Elves, Vacio!" batid ni Jango.

Dali-dali ko namang nilingon ang pinaroroonan ng mga ito at nalaman kong sila nga ang gumagamit ng Magic Power na naramdaman ko kanina lamang.

Subalit higit sa aking inaasahan ang aking nakita, akala ko'y normal na nilalang lamang ang mga ito gaya ng aking nakita sa ilog.

Hindi ko inasahang may bitbit na kagandahan ang mga Elves na ito sa kabila ng mga mararahas na kwento tungkol sa kanila.

Makukulay na buhok, matutulis na tainga, mahahabang binti, maputing kutis, at nagliliwanag na kagandahan.

Hindi ko maitatanggi ang kaakit-akit nilang pagkakakilanlan subalit hindi ko naman hinayaan ang mga ito upang mawala ako sa pangunahing kong layunin.

"Maari ko ba kayong tanungin?" aking sinabi.

"Walang karapatan ang katulad mong hindi malinaw ang pagkakakilanlan," batid ng isang elf.

"Kung ganoo'y magpapakilala ako," batid ko sa kanyang sinabi.

"At hindi namin kailangan ang pagkakakilanlan mo!" galit na sinabi ng isang elf.

Pagkatapos ay mabilis silang nagbigay ng atake sa akin gamit ang pinagsama nilang Magic Power.

"Arrow Creation: Divided Flame"

Hindi ko naman sinayang ang pagkakataon na iti upang gamitin ang isa sa ipinamana sa akin ni Comando, ang Absolute Counter.

"Absolute Counter"

...

Ang Absolute Counter ay may kakayahang ibalik ang atake ng isang nilalang ng higit ang bitbit na Magic.

Aking sinadya na sa kanilang gilid lamang itama ang atakeng ito upang magsilbing paalala sa malayong agwat ng aming Magic Power.

Nag-iwan naman ito ng matinding pagkagulat sa Elves, lumaki ang kanilang mga mata sa kanilang nasaksihan, at ang impact na nilikha ng aking atake ay naging sapat upang sila'y mapaluhod.

...

"Maaari na ba akong magpakilala?" sabi ko matapos ang palitan ng atake.

Hindi naman nakapagsalita ang Elves kaya't nagpatuloy nalang ako sa pagpapakilala.

"Ako si Vacio, mula sa Goblin Tribe," mahinahon kong sinabi.

"Nais ko lamang malaman kung anong dahilan ng inyong pagkuha ng mga hayop sa kagubatan na 'to," batid ko.

Ang tanong ko na ito ang gumising sa kanila.

"Huwag kayong mag-alala, wala akong ibang intensyon kundi malaman ang rason," aking sinabi.

Mabilis namang ginamit ng Elves ang Transportation Magic upang maka-alis sa lugar kung saan nangyari ang labanan.

Nagulat naman ako sapagkat may kakayahan silang gumamit ng ganoong Magic.

Wala naman akong alam kung saan ang kanilang tungo kaya't hinayaan ko nalang. Aking pinagaling ang grupo ni Domino mula sa mga sugat na kanilang nakuha sa sandaling labanan.

Humingi rin ng tawad sa akin si Jango sapagkat hindi niya nalabanan ng maayos ang Elves, pinasalamatan ko siya sa pagpoprotekta ng Wild Horse sa grupo ni Domino at nagbigay naman ito ng tuwa para kay Jango.

"Kumusta ang inyong pakiramdam, Domino?" tanong ko.

"Maraming salamat, Commander. Maayos na po ang aming pakiramdam," sagot ni Domino sa aking tanong.

Aking napagdesisyunan na muli nang bumalik, sapat na rin naman ang kanilang nahuli para sa isang buong araw kaya't bumalik na kami agad.

Sa aming paglalakbay pabalik sa aming tinutuluyan, bakas sa kanilang mukha ang pagkadismaya sa kaninang pangyayari. Bago kami tuluyang maka-uwi, niyaya ko sila sa lugar na aking pinaroonan.

Nang marating namin ang kuweba, aking sinabi sa kanila na rito ako unang nagising at namuhay. Niyaya ko sila sa loob nito upang magpahinga at magkwentuhan.

Inutusan ko si Domino na ihanda ang isa sa aming nakuha sa pangangaso upang mayroon kaminh makain sa loob ng kuweba. Mabilis naman itong sinunod ni Domino.

Kusa namang nagpa-apoy si Jango upang magsilbing liwanag sa loob ng kuweba.

Habang dumaraan ang ilang mga minuto, sa aming paghihintay sa inihandang pagkain, hindi nagdalawang-isip si Domino na tanungin si Jango.

"Jango, hindi ba sumagi sa iyong isipan na mag-higanti sa Goblin Tribe at kay Commander?" diretso itong itinanong ni Domino.

Napatitig na lamang ako sa kanilang dalawa at hindi nagbanggit ng kahit ano.

Hindi naman nagtagal at sumagot si Jango.

"Nais kong mag-higanti," sagot ni Jango.

Nagdulot naman ito ng pagkagulat kay Domino.

"Subalit kung iyon ay aking paninindigan, patuloy lamang na madadamay si Militia," mabilis naman itong inihabol ni Jango.

"Si Vacio ang nagpalaya sa amin, sa Wild Horse upang tapusin ang aming pagpapanggap," mabilis naman itong inihabol ni Jango.

"Ngayon, aking paninindigan ang pagtulong ko bilang si Jango para sa aking mga kasama," ito ang huling sinabi ni Jango.

Natapos ang kwentuhan at ang kainan, dali-dali na rin kaming bumalik bago abutan ng katanghalian.

Mabilis kaming nakabalik sa pamamagitan ng Wild Horse subalit...

Tanaw ko ang lugar ng Goblin Tribe na mayroong gulong nagaganap...

Kanina, nang marating namin ang kuweba ng Wild Horse, naiutos kong ang iba'y tumungo na sa Goblin Tribe sapagkat ilan lamang ang aming kailangan sa pangangaso.

Hindi ko inasahang sa oras na kami'y makabalik, magkakaroon ng ganitong gulo.

Ang Wild Horse ay nakatayo sa harapan ng bakod habang nakaharang ang maraming Goblin gamit ang mga sibat upang bantayan ang daan.

Nang kami'y makarating, ipinaliwanag ko ito ng maayos kaya't amin ding nasolusyunan ang problema sa pagitan ng Goblin Tribe at Wild Horse.

Ngayon, mas lumawak ang pwestong tinutuluyan ng Goblin Tribe, napagdesisyunan kong magpatayo ng ilan pang mga silid para sa Wild Horse.

Sa mga araw na dumaan, ninais ko rin na gawing pader ang bakod na humaharang sa buong lugar, hindi naman ito naging imposible dahil naging malaking tulong ang kapabilidad ng Wild Horse kapag ang usapan ay lakas.

Naging maayos ang pakikitungo ng Goblin Tribe sa Wild Horse sa nagdaang mga araw. Naging malaking tulong ang pagsasa-ayos ng Village upang magkaroon ng ugnayan ang Goblin Tribe at Wild Horse.

Hindi naging mali ang aking desisyon, nakakatuwa itong makita sapagkat bakas sa kanilang mukha ang namumuong samahan kahit noo'y nag-sanhi ng hindi kanais-nais na karanasan ang Wild Horse.

Nabanggit sa akin ni Rigo na hindi rin masama kung magkakaroon ang lugar na ito ng pangalang kikilala sa amin, kaya't hinayaan ko na lamang na sina Rigo, Jango, Domino, Misha, at iba pa ang umisip tungkol dito.

Hindi rin nagtagal, nakalikha ng mainam na samahan ang bawat isa, at nakabuo ng lugar kasama ang Wild Horse, Goblin Tribe, at ang ikatlong Commander na tatawaging Village Of Vacio.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Corazon
update po pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 1

    Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig. Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager. Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako... "Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman." Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipi

    Last Updated : 2021-07-10
  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 2

    "HOY!"tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito."ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos."Miss,

    Last Updated : 2021-07-10
  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 3

    "A-ako si Vacio, Vacio McDerson."Matapos nito, Ipinaliwanag sa akin ni Comando ang kasalukuyang nangyayari. El Deseo Country—ito ang lugar kung saan binubuo ng apat na kingdom. No Humano Kingdom, at Summon Kingdom. Miski si Comando ay hindi pa alam ang impormasyon kaugnay sa natitirang Kingdom. Ang nais ko ring malaman na bakit ako napunta sa mundong ito ay kanya ring napunan... Reincarnation. Muli akong nabuhay sa mundong ito bilang isang mas bata, at may matinis na boses. Alam niya rin ang pinanggalingan ko sapagkat doon din siya nanggaling. Ipinaliwanag niya sa akin na kung sa mundong pinanggalingan namin ay binabalot ng salapi, sa mundong ito'y iba—Magic Power. Ipina-alam niya rin sa akin ang kanyang titulo—he is the No Humano Commander! Siya ang tinaguriang Ruler

    Last Updated : 2021-07-10
  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 4

    Nang marating ko ang pintuang humahati mula sa akin at nasa loob ng silong, inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang aking masasaksihan.Tuluyan na nga akong pumasok, at walang ibang bumungad sa akin kundi..."Putang-!"Matinding gulat ang tangi ko lamang naiharap sapagkat ang loob ng silong ay nagmistulang impyerno para sa Goblin Tribe.Sa aking pag-tuloy, naroon ang mang-gagamot at nagpakilalang si Misha, punong puno ng dugo ang kanyang kasuotan, batid niya rin sa akin na habang humahaba ang panahon ay umiikli na ang buhay ng mga biktimang ito.Habang patuloy ang pagpapaliwanag ni Misha mula sa mga pangyayaring naging sanhi ng peligrong ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyang pinaliit ang distansya ng mga biktima mula sa akin. Wala namang masama kung ako rin ay tutulong lalo't ito'y isa sa mga ipinaliwanag sa akin ni Comand

    Last Updated : 2021-07-12
  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 5

    Natapos ang mga pangyayari sa isang malalim na paghinga, hindi ko inasahang mahigit sa inaakala ko na Magic ang aking magagamit sa mga Goblin na napinsala ng aking Power Level Activation.Matapos kong masolusyunan ang naging epekto ng katatapos lamang na labanan, katulad nang sinabi ni Domino, mabilis naman akong pumunta sa inihanda nilang selebrasyon para sa matagumpay na labanan.Bakas sa kanilang mga itsura ang umaapaw na galak at tuwa, hindi rin nila alintana ang mga sugat at gasgas mula sa pangyayari sapagkat aking masasabi na matagal na itong nais maranasan ng Goblin Tribe, kaya't ganoon na lamang ang kanilang ikinikilos.Sa kalagitnaan ng selebrasyon, hindi ko maiwasang maitanong kung bakit walang permanenteng tirahan ang Goblin Tribe, kaya't habang kumakain at nagsasaya ang bawat isa ay walang tigil na pag-uusap din ang kasabay nito.Naging sanhi ang aking mga katanungan upang mapunta ang

    Last Updated : 2021-07-14

Latest chapter

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 6

    Ang nakakagulat na pagharap ni Jango sa Goblin Tribe ay nagdulot ng matinding sigawan, hindi ito inasahan nila Rigo sapagkat malinaw itong nasilayan ng kanilang mga mata, miski ako ay hindi inasahan ang pangyayari, noong nakaraang araw ko lamang natuklasan na aking naipunta si Jango sa silid-pagamutan. Isa rin itong impormasyon sapagkat aking nalaman na mayroon akong kakayahang dalhin ang isang bagay o tao sa lugar kung saan napuntahan ko na sa pamamagitan ng Black Hole Creation.Halos tumagal ng ilang segundo ang katahimikan matapos ang sabay-sabay na sigawan."Ah, sakit ng likod ko," batid ni Jango.Mabilis naman ang reaksyon dito ng Goblin Tribe, halong galit at pang-gigilaiti ang kanilang naipakita, dahilan upang magulat si Jango."Anong ginagawa mo rito, Jango?!" matinding sigaw ni Domino habang nakatutok kay Rigo ang patalim."Goblin Tribe...

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 5

    Natapos ang mga pangyayari sa isang malalim na paghinga, hindi ko inasahang mahigit sa inaakala ko na Magic ang aking magagamit sa mga Goblin na napinsala ng aking Power Level Activation.Matapos kong masolusyunan ang naging epekto ng katatapos lamang na labanan, katulad nang sinabi ni Domino, mabilis naman akong pumunta sa inihanda nilang selebrasyon para sa matagumpay na labanan.Bakas sa kanilang mga itsura ang umaapaw na galak at tuwa, hindi rin nila alintana ang mga sugat at gasgas mula sa pangyayari sapagkat aking masasabi na matagal na itong nais maranasan ng Goblin Tribe, kaya't ganoon na lamang ang kanilang ikinikilos.Sa kalagitnaan ng selebrasyon, hindi ko maiwasang maitanong kung bakit walang permanenteng tirahan ang Goblin Tribe, kaya't habang kumakain at nagsasaya ang bawat isa ay walang tigil na pag-uusap din ang kasabay nito.Naging sanhi ang aking mga katanungan upang mapunta ang

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 4

    Nang marating ko ang pintuang humahati mula sa akin at nasa loob ng silong, inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang aking masasaksihan.Tuluyan na nga akong pumasok, at walang ibang bumungad sa akin kundi..."Putang-!"Matinding gulat ang tangi ko lamang naiharap sapagkat ang loob ng silong ay nagmistulang impyerno para sa Goblin Tribe.Sa aking pag-tuloy, naroon ang mang-gagamot at nagpakilalang si Misha, punong puno ng dugo ang kanyang kasuotan, batid niya rin sa akin na habang humahaba ang panahon ay umiikli na ang buhay ng mga biktimang ito.Habang patuloy ang pagpapaliwanag ni Misha mula sa mga pangyayaring naging sanhi ng peligrong ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyang pinaliit ang distansya ng mga biktima mula sa akin. Wala namang masama kung ako rin ay tutulong lalo't ito'y isa sa mga ipinaliwanag sa akin ni Comand

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 3

    "A-ako si Vacio, Vacio McDerson."Matapos nito, Ipinaliwanag sa akin ni Comando ang kasalukuyang nangyayari. El Deseo Country—ito ang lugar kung saan binubuo ng apat na kingdom. No Humano Kingdom, at Summon Kingdom. Miski si Comando ay hindi pa alam ang impormasyon kaugnay sa natitirang Kingdom. Ang nais ko ring malaman na bakit ako napunta sa mundong ito ay kanya ring napunan... Reincarnation. Muli akong nabuhay sa mundong ito bilang isang mas bata, at may matinis na boses. Alam niya rin ang pinanggalingan ko sapagkat doon din siya nanggaling. Ipinaliwanag niya sa akin na kung sa mundong pinanggalingan namin ay binabalot ng salapi, sa mundong ito'y iba—Magic Power. Ipina-alam niya rin sa akin ang kanyang titulo—he is the No Humano Commander! Siya ang tinaguriang Ruler

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 2

    "HOY!"tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito."ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos."Miss,

  • Into The Ethereal Lacuna   KABANATA 1

    Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig. Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager. Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako... "Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman." Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status