"HOY!"
tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.
Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito.
"ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"
Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.
Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.
Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos.
"Miss, tumakbo ka na! Humingi ka ng tulong! Bilisan mo, takbo!" napapaos kong isinigaw.
Sa mga oras na ito, tanging ang nasa isip ko lamang, sana'y makaalis ako rito. Palitan ang ibinibigay namin puwersa upang labanan ang isa't-isa, hinding-hindi ko hahayaang makabangon siya mula sa binagsakang sahig sapagkat kung ganoon ang mangyayari—katapusan ko na.
Pilit niya ring hinuhugot ang nasa tagiliran niyang patalim ngunit sinisigurado kong hindi niya ito makukuha. Nais ko sanang tanggalin ang bumabalot sa kaniyang mukha upang ako'y may makuhang pagkakakilanlan subalit, iyon ay makapagbibigay sa kanya ng pagkakataon para maabot ang ninanais nito—ang patalim.
"Sir, Tama na! Walang magandang maidudulot sa'yo 'tong ginagawa mo!" nagmamakaawa kong binanggit.
Sobrang lamig ng aking pakiramdam, bakas na rin sa akin ang sobrang paghingal, nauubusan na ako ng lakas upang kontrahin ang puwersang itinutulak niya sa akin.
Kami na lamang dalawa roon. Mabuti't nagmamadaling sumunod ang biktimang babae sa aking mga sinabi—nawa'y humingi talaga siya ng tulong.
Sa hindi malamang rason, biglang huminto ang lalaking kriminal, na naging mitsa upang mahinto ang pagbibigay ko ng puwersa. Para bang nagpapakita siya ng titig ng pagsisisi sa kanyang ginawa. Subalit ako'y nakapatong pa rin sa kanya upang masigurado ang mga ikikilos nito.
"Sir—"
Ang nais kong pakikipag-usap sa kanya upang tanungin ang sanhi ng mga ito ay naudlot.
Isang malakas na suntok ang dumampi sa nanginginig kong labi, dumilim ng tuluyan ang aking paligid, unti-unti kong nararamdaman ang pagbagsak ng aking katawan, sa mga oras na ito, ang pag-takbo ng panahon sa isip ko ay nagmistulang pagong—malinaw sa akin ang bawat imahe, isa-isang gumagalaw, ang pag-tayo ng kriminal, pag-aayos nito sa kanyang kasuotan, at ang hindi ko inaasahang mangyari... ang pag-hugot ng kumikislap na patalim sa tagiliran nito.
Wala akong magawa, ang nais ng isip ko'y hindi umaakma sa kilos ng aking katawan. Sa mga sandaling ito, panalangin kong sana'y makarinig ako ng sigawan mula sa nag-aalok ng tulong—subalit tahimik, madilim, at sobrang lamig. Tanging ang pag-hinga ko lamang ang aking naririnig.
Bagsak ang aking katawan.
Nang biglang lumamig ang aking pangangatawan, hindi dahil sa klimang bumabalot sa siyudad, kung 'di sa patalim na nakasaludo sa dibdib ko.
Mamamatay na ba ako rito?
Kitang-kita ko kung paanong hindi nagdalawang-isip ang lalaking kriminal, na ibaon ang patalim sa dibdib kong may nakapatong na makapal na tela, pakiramdam ko'y basang basa ang panloob ko na kasuotan. Kasunod ang mabilis na pagtakbo ng kriminal habang ako'y nakahandusay sa gitna ng madilim na paligid.
Unti-unti nang lumalabo ang aking paningin, naghihintay ng tulong subalit walang boses na naririnig, mamamatay akong tumulong sa iba subalit walang natanggap na tulong, nabuhay akong mag-isa, at mamamatay na mag-isa.
Hindi ko man lamang naihayag ang totoong ako, sabagay wala rin naman akong kaibigang tatanggap dito. Kulang pa ang buhay ko, ayoko pa sanang mamatay, nais ko pang maranasan ang masayang usapan, gusto ko pang malaman ang maraming bagay sa buhay, magkaroon ng pamilya—nais ko pang mapunan ang kakulangan sa sarili ko subalit natapos iyon dahil sa patalim na tumarak sa dibdib ko.
Madilim.
Habang mas lumalalim ang kadiliman, unti-unting tumitinis ang tinig na lumalabas sa aking bibig.
Madilim subalit gising ang aking diwa.
"Oh, mabuti't gising ka na," hindi ko mawari ang nangyayari subalit ang mga salitang ito na nagmula sa boses ng matanda ang gumulat at gumising nang tuluyan sa akin.
"Nasaan ako? Hindi ito hospital, ah!" pabangon ko itong sinabi habang ang aking mga mata ay lumibot ng tingin—sa isang kuweba?
Pansin ko ring nagbago ang tunog ng boses ko, para bang ako'y naging bata muli.
"Nasaan ka? ikaw ang dapat kong kwestyunin, nakita kitang nakahandusay sa labas ng kuwebang ito, alangan namang hayaan kita roon," batid ng matandang may inaayos na pang-gatong para sa pinapakuluang inumin.
"Tatang, nasaan ho ako?" Bakas sa mukha ko ang pagnanais na malaman ang kinatatayuan.
"Malinaw na sa akin ang lahat," alam niya ang pangyayari kung bakit ako naroon.
"Tangina, ayaw pa sabihin kung saan," pabulong kong sinabi.
Tumayo ang matanda, kasama ng hindi ko maintindihang awra—isang nakakasindak na awrang sa mga anime na palabas ko lamang napapanood. Tagaktak ang pawis sa aking katawan sa pagtayo ng matandang ito.
"Kekeke!" kakaibang pag-tawa ng matanda.
"Narito ka kung saan iba ang takbo ng mundo mula sa pinanggalingan mo."
Matinding kaba at gulat ang bumalot sa akin dahil sa kanyang binanggit.
"Narito ka kung saan wala kang katulad—No Humano Kingdom!"
Nakaawang ang aking bibig habang nakatitig sa kanya.
"Ako si Comando."
...
"Comando?"
"Saang lugar 'to? Nasaan yung babae?" Kasabay ng mga ibinigkas kong ito ang pagdadalawang-isip.
"Babae? Katulad ng sinabi ko, nakita lamang kita sa labas ng aking kuweba...wala kang malay," bakas sa mukha ni Comando ang pagkairita.
"Tatanong-tanong, hindi nakikinig."
"Nakinig ako! Ang ibig kong sabihin ay bakit nandito ako sa lugar na ito?" batid ko bago ang pagtayo ko nang tuluyan.
"Ay, hindi ko na problema 'yon—"
Hindi pa man lubusan natatapos ni Comando ang kanyang mga binabanggit, kusa nang gumalaw ang aking mga paa papunta sa labas ng kuweba upang tanawin ang nakapalibot dito.
Hindi pag-aalala, pag-katakot, at pag-sisisi ang bumalot sa aking isipan kundi—"ito'y ibang-iba sa araw-araw kong nakikita," nagagalak kong sinabi.
Nagtatagpo sa gitna ng pintuan ng kuweba ang aking ngiti at sinag ng araw.
Sa aking paglibot ng tingin sa paligid, ito'y panandaliang naudlot gawa nang pag-tawag sa akin ni Comando.
"Bata, halika rito!"
Sa tono ng kanyang boses ay para bang siya'y may iaalok sa akin, at hindi nga ako nagkamali...para sa akin pala ang pinapakuluang inumin.
Kami ay naupo sa gitna ng kuweba, inabot niya sa akin ang inihanda nito, sa kadahilanang ibabalik nito ang kalakasan ko. Hindi naman ako tumanggi sa kanyang inalok. Hindi pa man dumadampi ang lagayan nito sa aking labi, halos masuka na ako sa bitbit nitong amoy.
"BWAH!"
"Tatang, ano ba yan?!" pagrereklamo ko.
"Tanga! Maaring hindi 'yan kanais-nais sa pang-amoy subalit, iyong pagsisisihang idinura mo ang iba nito," hindi ko maintindihan sapagkat bakas sa mukha ni Comando ang kumpiyansa nito.
Kahit nagsasalubong na ang aking mga kilay sa taglay nitong amoy, wala akong magawa kundi ubusin ito sapagkat, sa mga matang itinititig sa akin ni Comando, para bang ibinabatid niyang..."subukan mong idura, muli mong masasaksihan ang awrang bumungad sa iyong pag-gising," wala na akong nagawa kundi laklakin ito.
Habang dumaraan ang oras kasabay ng aming pag-upo, hindi mawala sa isipan ko ang magtanong.
"Tatang, kung hindi niyo mamasamain, anong mayroon doon sa awrang ipinakita ninyo kanina?" Walang emosyon ko itong sinabi subalit, sa aking kaloob-looban ay nagagalak.
"Iyon ba? Keke."
"Ke-keke...?"
Kanina niya pa 'yan sinasabi, ganyan ba siya tumawa? Parang tanga!
"Huh?!"
Binalot ng kulay asul na awra ang buong kuweba, ang maliliit na bato mula sa itaas ay sabay-sabay na naglalaglagan, pagsisisi naman ang mukhang aking iniharap kay Comando, ako ay natumba sa pinagkaka-upuan at nakataas ang kamay na humaharang sa nakakasilaw nitong awra. tagaktak ang pawis na namumuo sa aking buong katawan, narinig niya ata ang aking nga sinabi tungkol sa kanyang pag-tawa kaya't humingi agad ako ng kapatawaran.
"WAHH! Sorr—"
"Keke! 'yon ba ang tinutukoy mo?"
Kumalma nang muli ang paligid, unti-unting nawala ang asul na presensiyang bumalot sa kuweba.
"Ang tawag doon ay Power Level—kung saan magagamit mo ito upang masukat ang kapangyarihan ng kaharap mo," paliwanag ni Comando.
"Huh..."
Katahimikan ang bumalot sa kuwebang kinatatayuan...
"Keke! magpahinga ka na lamang diyan bata, at mayroon pa akong aasikasuhin dito," batid ni Comando.
Naudlot ng panandalian ang aming usapan na nag-iwan sa akin ng malalang palaisipan.
"Teka, bata. Sinong babae yung kanina mong binabanggit? Huwag mo sabihing mayroon kang kasama," tanong ni Comando.
Sa kanyang itinanong sa akin, muling nagbalik ang mga ala-alang naganap kani-kanina lamang, ang mga imaheng muling luminaw sa aking pag-iisip. Ang aksidenteng hindi ko naman ninais na madamay, ang imahe ng lalaking walang pagdadalawang-isip na itinarak sa aking dibdib ang patalim, at ang malamig na pakiramdam bago pa man dumilim ng lubusan ang buong kapaligiran.
"Tatang, pinatay ako, sinaksak ako ng isang lalaki..." Nakatulala ko itong sinabi.
"Dumilim lamang ang aking paligid, nang muli akong dumilat, iba na ang nipis ng aking boses," kuwento ko.
"Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat, mabuti at dito ka sa labas ng aking kuweba nadatnan sapagkat, kung ang bagsak mo'y sa Summon Kingdom..." bakas sa mukha ni Comando ang kaalamang nalalaman niya sa mga sinabi ko.
"Summon Kingdom?" batid ko.
"Sa Summon Kingdom...kung saan may kakayahan silang mag-tawag ng iba't-ibang creatures, tulad ng devils, titans, at nature spirit," sambit ni Comando.
"Huh..."
Isa na namang impormasyon na nag-iwan sa akin ng matinding palaisapan...
"Ano ba't dis-oras na ng gabi ay nasa labas ka pa ng inyong tahanan, wala ka bang pamilya? Kekeke!!!" pabiro itong sinabi ni Comando sa harapan ko.
"Wala akong kasama sa buhay," nakangiti ko itong sinambit.
Ito ang naging mitsa ng pagtigil ni Comando sa kanyang mga katanungan, at muling bumalik sa pag-aayos ng mga panggatong na ginamit sa pagpapakulo.
"Walong taon ako nang ma-aksidente ang aking magulang sa sinasakyan nitong sasakyan," batid ko.
Ang mga salitang sinambit ko ay nagpatigil sa kanyang inaayos, tila isa ring ala-ala ang pumasok sa isip ni Comando.
"Wa-walong taong gulang?!"
malaking gulat ang iniharap sa akin ni Comando sa aking mga sinabi.
"Maaari ko bang maitanong kung ilang taon ka na ngayon?" bakas sa mukha ni Comando ang kuryosidad.
"T-twenty-eight years old, Tatang,"
Sa mga sinabi kong ito, hindi ko mawari ang nais ipahiwatig ni Comando sa kanyang mga katanungan, tila isa nanamang palaisipan ang pumatong sa aking isipan.
Kitang-kita sa mukha ni Comando ang pagkagulat, hindi ko man maintindihan subalit ang pakiramdam ko'y tila naguluhan, kasunod ng mga pangyayaring ito, ay isang malaking ngiti mula sa labi ni Comando.
"Nauunawaan ko na," batid ni Comando.
Ang mga hindi maunawaang tanong sa akin ni Comando ay nag-sanhi ng pagka-utal ko sa pagsagot.
"Ano ang pangalan mo, bata?"
"A-ako si Vacio, Vacio McDerson."Matapos nito, Ipinaliwanag sa akin ni Comando ang kasalukuyang nangyayari. El Deseo Country—ito ang lugar kung saan binubuo ng apat na kingdom. No Humano Kingdom, at Summon Kingdom. Miski si Comando ay hindi pa alam ang impormasyon kaugnay sa natitirang Kingdom. Ang nais ko ring malaman na bakit ako napunta sa mundong ito ay kanya ring napunan... Reincarnation. Muli akong nabuhay sa mundong ito bilang isang mas bata, at may matinis na boses. Alam niya rin ang pinanggalingan ko sapagkat doon din siya nanggaling. Ipinaliwanag niya sa akin na kung sa mundong pinanggalingan namin ay binabalot ng salapi, sa mundong ito'y iba—Magic Power. Ipina-alam niya rin sa akin ang kanyang titulo—he is the No Humano Commander! Siya ang tinaguriang Ruler
Nang marating ko ang pintuang humahati mula sa akin at nasa loob ng silong, inihanda ko ang aking sarili sa kung ano ang aking masasaksihan.Tuluyan na nga akong pumasok, at walang ibang bumungad sa akin kundi..."Putang-!"Matinding gulat ang tangi ko lamang naiharap sapagkat ang loob ng silong ay nagmistulang impyerno para sa Goblin Tribe.Sa aking pag-tuloy, naroon ang mang-gagamot at nagpakilalang si Misha, punong puno ng dugo ang kanyang kasuotan, batid niya rin sa akin na habang humahaba ang panahon ay umiikli na ang buhay ng mga biktimang ito.Habang patuloy ang pagpapaliwanag ni Misha mula sa mga pangyayaring naging sanhi ng peligrong ito, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tuluyang pinaliit ang distansya ng mga biktima mula sa akin. Wala namang masama kung ako rin ay tutulong lalo't ito'y isa sa mga ipinaliwanag sa akin ni Comand
Natapos ang mga pangyayari sa isang malalim na paghinga, hindi ko inasahang mahigit sa inaakala ko na Magic ang aking magagamit sa mga Goblin na napinsala ng aking Power Level Activation.Matapos kong masolusyunan ang naging epekto ng katatapos lamang na labanan, katulad nang sinabi ni Domino, mabilis naman akong pumunta sa inihanda nilang selebrasyon para sa matagumpay na labanan.Bakas sa kanilang mga itsura ang umaapaw na galak at tuwa, hindi rin nila alintana ang mga sugat at gasgas mula sa pangyayari sapagkat aking masasabi na matagal na itong nais maranasan ng Goblin Tribe, kaya't ganoon na lamang ang kanilang ikinikilos.Sa kalagitnaan ng selebrasyon, hindi ko maiwasang maitanong kung bakit walang permanenteng tirahan ang Goblin Tribe, kaya't habang kumakain at nagsasaya ang bawat isa ay walang tigil na pag-uusap din ang kasabay nito.Naging sanhi ang aking mga katanungan upang mapunta ang
Ang nakakagulat na pagharap ni Jango sa Goblin Tribe ay nagdulot ng matinding sigawan, hindi ito inasahan nila Rigo sapagkat malinaw itong nasilayan ng kanilang mga mata, miski ako ay hindi inasahan ang pangyayari, noong nakaraang araw ko lamang natuklasan na aking naipunta si Jango sa silid-pagamutan. Isa rin itong impormasyon sapagkat aking nalaman na mayroon akong kakayahang dalhin ang isang bagay o tao sa lugar kung saan napuntahan ko na sa pamamagitan ng Black Hole Creation.Halos tumagal ng ilang segundo ang katahimikan matapos ang sabay-sabay na sigawan."Ah, sakit ng likod ko," batid ni Jango.Mabilis naman ang reaksyon dito ng Goblin Tribe, halong galit at pang-gigilaiti ang kanilang naipakita, dahilan upang magulat si Jango."Anong ginagawa mo rito, Jango?!" matinding sigaw ni Domino habang nakatutok kay Rigo ang patalim."Goblin Tribe...
Habang binabagtas ko ang Kanto San Mateo, malinaw kong naririnig ang pinagtagping yabag ng mga sapatos at magkakahalong tinig. Magkakaiba din ang kulay ng telang bumabalot sa katawan ng mga taong sumasagi sa aking paningin. Kasalukuyan akong nakatulala patungo sa kompanyang aking pinapasukan bilang Area Manager. Habang wala sa ulirat, naramdaman ko na lamang ang malakas na bugso ng reyalidad, mahuhuli na pala ako... "Shit, anong oras na?!" pagmamadaling sinabi ko habang mabilis na naglalakad. "Magsisisigaw na naman yung mukhang tanga kong boss... panot naman." Sa araw-araw na pagdaan ko na lamang dito nararanasan na hindi ako mag-isa sa buhay, sa dami ng taong nakakasabay ko. Bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Ako'y ikalawang baitang lamang nang mamatay ang aking mga magulang mula sa aksidente, simula noon ay ipi

"HOY!"tumakbo ako habang kasabay ang sigaw.Hindi ko rin naman makayanang mapalampas ang mga sigaw ng biktimang gusto lamang makauwi at makita ang pamilyang nag-hihintay dito."ANONG GINAGAWA MO SA KANYA?!"Ito ang naging mitsa upang magulat ang lalaki, at naging dahilan upang ang kanyang pinaplanong panggagahasa ay mahinto.Mabilis ko itong tinakbo kasabay ang malalim kong pag-hinga.Malinaw kong natutunghayan ang mga kasunod na kilos ng lalaki, kanya munang ibinulsa ang patalim upang ayusin ang mga natanggal na suot—siguro'y upang makagalaw siya ng maayos. Subalit bago pa man niya maayos ang mga kasuotang ito, mula sa mabilis kong pag-takbo, buong lakas kong hinawakan ang katawan nitong kriminal upang ilayo sa biktima, at ilapat ang kanyang katawan sa sahig—upang mas mahirapan siyang kumilos."Miss,