Nagpatuloy ang buhay ni Isabelle sa Manila. Dalawang taon at kalahati na siyang naninirahan doon.Hindi sila nakahanap ng sponsor sa pag-aaral niya. Ang natitirang ipon noon ng mga magulang niya ang kaniyang ginamit, pati na ang scholarship na nakuha niya sa school na pinag-enroll-an noya. Nagsikap siyang makapasok sa kilalang school sa Manila. Hindi rin naman napunta sa lahat ang pagod at sakit na pinagdaanan niya, dahil nasungkit niya ang mataas na karangalan nang magtapos siya. At isa siyang hinirang na student of the year, dahil sa gradong iyon. At trabaho na ang lumapit sa kaniya dahil doon.Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang isang flight attendant sa isang sikat na airline company sa Pilipinas. Malaki na rin ang ipinagbago niya. Ang dating buhok na mahaba, hanggang balikat na ngayon at pilagyan niya ng kulay. Ang dating mahiyain na island girl ay tuluyan ng naging anino ng nakaraan. Sa pustura niya ngayon, wala na ang bakas ng dati ay mahina at simpleng babae. Larawan na si
Pagkatapos nilang pagsaluhan ang inihandang pagkain, niyaya ni Isabella ang mga ito sa isang hotel. Ginamit niya ang freebies plus birthday discount para makakuha ng isang VIP rooms with swimming pool at maraming pagkain. Nasa gitna iyon ng ka-Maynilaan kaya tanaw nila ang buong lugar. Moderno at elegante ang disenyo niyon.“Carl, wear this!” Inabot niya ang isang swimming trunk sa kaibigan.Nanlaki ang mga mata nito. “Isabella, what is this? Ew! I have my own!” Malakas siyang natawa nang iladlad nito ang limang two piece sa harap niya.“This is mine! Tapos, ito ang suotin mo,” nakangiting wika nito na inabot ang red two piece sa kaniya.Nagusot ang mukha niya. “Carl, ayoko! Okay na ako sa one piece.” Itinaas niya ang dala niya.Inagaw iyon ng kaibigan at pilit na ibinibigay ang nais nitong ipasuot sa kaniya.“Tayo lang ang nandito, Isabella, kaya pagbigyan mo na ako. Isa pa, bibilang na naman ang buwan bago maulit ito,” wika pa nito.Umismid siya. “Sige na nga! Pero ayaw ko ng red.
Bago bumalik ng probinsiya ang dalawa, ipinasyal muna niya ang mga ito sa magandang pasyalan sa Maynila. Ipinag-shopping din niya nang kaunti ang tiya niya, ganoon din si Carl. Tutal, sa weekend pa ang kaniyang next flight papuntang Netherlands, nilubos na niya ang oras para sa tiya niya.“Tiya Alice, huwag na po kayong magpagod doon. Tapos ayusin na ninyo ang mga gamit na p’wede pa ibenta sa bahay para mabilis na kayong makabalik dito. Sa mga gamit ko po, itapon o ipamigay niyo na lang po lahat.”Napatingin ang tiya niya sa kaniya maging si Carl. Nasa isang restaurant sila at kumakain ng dinner, matapos ang mahabang lakaran kaiikot sa mall.“Sigurdo ka ba, anak? Wala akong dadalhin sa mga gamit mo?”Mabilis siyang tumango.“Opo, ipamigay na lang ho ninyo. Kung walang kukuha o magkagusto, sunugin niyo na lang po. At ’yung bahay, ibenta niyo na lang din.” Ngumiti siya pero habang sinasabi niya iyon ay may kirot sa puso niya. Maiiwan ang alaala ng magulang niya roon. Malungkot, pero wa
Matagal na nakatitig si Skye sa malaking frame sa salas niya. Napakaganda noon na ipininta pa ng isang magaling na pintor na binayaran niya. Masaya ang mukha nito, larawan ng tagumpay dahil sa nakamit na mga pangarap.Ito ang litrato ni Isabella noong graduation ng dalaga. Hiningi niya iyon kay Carl bago siya bumalik ng isla noon. “I think, this is the right time to bring her back,” he said to himself.Pagkatapos niyang magtiis para tuparin ang mga pangako niya, sa mga sandaling iyon ay hindi na siya mapipigilan pa ng kahit na sino; kahit pa ng pamilya niya.Naalala niya nang huli niyang makita ang dalaga sa hospital noon. Hindi niya alam na iyon na pala talaga ang huli at tuluyan na silang magkakalayo.Lumabas siya ng bar noon at nakita si Yumi. Lantaran nitong ipinakita ang pagkagustong may mangyari sa kanila. Lasing na lasing ito noon, pero hindi niya maatim na patulan ang babae. Ang damit nitong halos ipangalandakan na ang dibdib sa lahat ay muli niyang ibinaba.“Skye, what you
Naglakad si Isabella patungo sa lounge ng mga flight attendant ng kompanya nila sa loob mismo ng airport. Medyo napaaga siya pero ayos lang iyon. May oras pa siya para ihanda ang sarili.“Isabella, ready for our flight?” tanong ni Mildred na kararating lang.Tumango siya.“Kilala mo ba ang piloto ngayon? Hindi kaya siya masungit?” tanong niya. Sabi kasi sa GC nila kagabi, bago raw ang head pilot.“Hindi rin, eh. Pero si Sir Kelvin pa rin ang co-pilot niya.” Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito nang banggitin ang pangalan ng lalaki.Napangiti siya. “Yes. Hindi na siya pinalitan.”“Ayos!”Napakunot ang noo niya.“Girl, kung alam mo lang,” bulong niya sa sarili at inayos sa mesa ang mga binabasang magazine.Maya-maya pa, dumating na ang lahat kasunod ang lead flight attendant nila. Sinabi nito isa-isa sa kanila kung saang area sila naka-assign.“Miss Evangelista, you are assigned to assist our pilot’s family. His wife, his son and other VIP members, understand?” malumay na wik
“Isabella!’Nasa lobby siya ng hotel na tinutuluyan sa Netherlands. Doon nila napag-usapan ni Laila na magkita nang maghiwalay sila ng eroplano kaninang umaga. Nagpahinga lang siya at nag-ayos ng sarili bago bumaba.“Laila, asan sila?” Ang tinutukoy niya ay ang mag-ama nito.“Naku, nasa silid pa namin. Nagpapahinga pa sila. Tama lang iyon para girls talk at tayo muna ang gumalang dalawa.” Yumakap ito sa kaniya. “I miss you, Isabella. Ang laki na talaga ng ipinagbago mo. At alam ko noon pa man ay malayo na ang mararating mo. Alam ko rin na magiging kaibigan kita katulad ni Skye. Halika na. May masarap na kainan sa labas, tuloy shopping na rin tayo. Ako na ang bahala sa lahat.” Matamis na ngumiti si Laila.Sumikdo ang dibdib niya ng banggitin nito ang pangalan ng lalaki, pero hindi niya iyon ipinahalata.“Naku, huwag na sa shopping. Ayos na ako sa pagkain. Hindi ko iyon tatanggihan,” aniya.Ngumiti lang ito at hinila siya palabas. Ito na rin ang tumawag ng taxi. Nakarating sila sa isang
Pagkalapag nila ng Manila galing Netherlands, dumeretso siya sa opisina nila bago tuluyang mag-out. Tiningnan muna niya ang susunod niyang schedule. Medyo matagal pa. Tatlong araw pa mula sa araw na iyon ang sunod niyang flight.Madali rin siyang umalis sa opisina nila, dahil nag-volunteer si Laila na ihatid siya sa condo. Sa dami ng pinili nito na mga gamit niya, halos hindi na siya magkandadala. Babalikan na lang niya bukas ang sasakyan niya.Nasa lobby pa lang siya ay sinalubong na siya ng mag-anak, kasunod ang mga personal bodyguard ng mga ito at kinuha ang dala niya.“Salamat po.” Lumapit siya kay Laila. “Salamat din naging masaya ang Netherlands day ko.” Ngumiti siya rito.“Come on! Maliit na bagay lang iyon.” Humawak ito sa braso niya. “Kumain muna tayo bago ka namin ihatid,” yaya nito sa kaniya.Nilingon niya si Nick at ang anak nito. Hinihintay ng mga ito ang pagpayag niya.“Ninang Isabella, don’t decline my mom’s offer. I also wanted to bond with you.” Yumakap si Nickolas sa
Pagkatapos ng mga labada niya, inayos niya ang mga pagkain sa lamesa nang tumunog ang phone niya.Unregistered number iyon. Naalala niya si Laila. Kaya sinagot agad niya.“Hi, Laila! Thank you, sa flower and foods!” masiglang wika niya. Pero ilang minuto na ay wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya. Tiningnan niya ang number ng caller andoon pa rin naman ito. “Hello. . .”Wala pa rinng sumasagot. Narinig na lang niya ang tunog ng end button. Napakunot ang noo niya. Baka nagloloko ang signal. Ibinaba na lang niya iyon hanggang pumasok ang mga mensahe roon.“How’s the food? Eat well.”Napangiti siya sa mensahe ni Laila. Naalala niya kung paano siya kulitin nito habang pahapyaw na pinagkuwento siya kung paano sila nagsimula ni Skye. Halatang kinilig naman ito. Pero sa isip-isip niya, huli na para doon.“It’s fine. Thank you for everything. I’m happy to be with you,” mabilis niyang tugon sa mensahe. “By the way, please check your signal. I think, you can’t hear me.”Pero pagkatapos