Share

Chapter 69

Naihatid na sila sa school ni Skye bago ito bumalik sa opisina. Pagpasok nila sa room tinawag siya ng isa sa mga professor nila.

“Miss Isabella Evangelista, Mrs. Feltalvero is waiting to you at dean’s office.”

Napatingin siya kay Carl. Ngumiti lang ang kaibigan niya at tumango.

“Sige, Ma’am.”

Nagtataka siya. Malapit na kasi ang ikalawang subject nila.

Ito ba ang ka-meeting ng mga dean kanina?

Kinakabahan pa rin siya dahil mag-isa niya itong kakaharapin. Kahit tatlong beses na sila nitong nagkita, hindi pa rin niya iyon maiwasan.

Kumatok muna siya sa nakapinid na pintuan. Binuksan naman iyon ng isang professor na naroon.

“Miss Evangelista, pasok,” magiliw na wika nito. “Mrs. Fetalvero, aalis muna po ako para makapag-usap kayo nang maayos.”

“Thank you.” Tumango rito ang may edad na babae.

Tuluyan ng lumabas ang guro at naiwan na sila roong dalawa.

“Hi, Isabella, hija.” Tumayo ito sa upuan at sinalubong siya. Nakipagbeso ito sa kaniya.

“Magandang araw po.” Hindi na siya nagtaka na sum
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status