Mabilis na naka-recover ang katawan ni Isabella at tuluyan na niyang ipinaubaya ang lahat sa binata. Saka na niya isipin ang hinaharap. Ang mahalaga, masaya sila. Halos naikot na yata nila ang bawat sulok ng bahay ng binata at wala itong pinalamapas. Damang-dama niya ang sidhi ng pagmamahal nito sa kaniya. Para bang nagbahay-bahayan sila ng ilang araw. Huminga siya nang malalim. Nasa harapan sila sa mga sandaling iyon ng isang magarbo at malaking bahay na halos tatlong beses na malaki sa bahay ng binata.Nanlalamig ang kabuuan niya habang magkahawak ang mga kamay nila ni Skye.Muli siyang napabuntonghinga.This is it! Let’s face reality!Marahang siyang iginiya ni Skye papasok sa malapalasyong bahay na iyon. Alam niya na may sinasabi sa buhay ang binata, pero hindi niya inaasahan na ganito kayaman ito. Hindi basta-basta. Nakalulula ang karangyaang nakikita niya, kaya lalo siyang nanliit.Tinanggal niya ang kamay niya sa pagkakahawak ng binata at huminto sandali.Napalingon ito sa kan
Habang palayo sila sa mansyon ng mga Fetalvero, tuluyan na siyang nakahinga nang malauwag. Masaya naman siya sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kaniya.“Happy, babe? How you’re feeling now?” nakangiting tanong ni Skye nang balingan siya saglit. Hinawakan pa nito ang kamay niyang nakalagay sa ibabaw ng kaniyang hita. Ang isang kamay naman nito ang nakahawak sa manibela.“Masaya, pero andoon pa rin ang hiya ko, Skye. Tama ba ang mga ginawa ko kanina? Pati ang mga pagsagot ko?”Natawa itong nang malakas. “Oh my, Isabella! That’s normal. Hayaan mo at masasanay ka rin.”Ang kamay na nakahawak sa palad niya ay pinaglandas nito sa hita niya.“Skye! Baka mabangga tayo niyan. Ihawak mo sa manibela kaya iyan hindi sa kung saan-saan!” Bahagya niyang pinalo ang kamay nito at umayos sa kaniyang pagkakaupo.Nakita niya ang pilyong ngiti nito. “Just sit and relax, babe,” anito sabay liko sa daan patungo sa bahay nito.“Teka lang, akala ko ba sa dorm mo ako dadlhin?” Bakas ang pagtataka sa kaniyan
Natapos na ni Isabella na ayusin ang mga gamit na dadalhin niya sa isla. Iyon ang unang ginawa niya nang ihatid siya ni Skye, dahil tanghali na silang nagising. Umaga na naman siya tinigilan ng binata at halos ubusin ang lakas niya. Kaya babawi siya ngayon. Alas-sais pa naman ng hapon ang alis nila. Mas pinili niyang gabi umalis para hindi mapansin ng mga tao roon na kasama niya ang binata. Malamang na magkakagulo na naman ang mga tao at kababaihan sa isla.Isang bagpack lang ang dinala niya saka inilagay sa ibabang bahagi ng kama ang susuotin niya mamaya.Hindi niya napigilang mahiga sa kama yakap si Blue. Talagang napagod siya sa ginawa nila ni Skye kagabi.Inayos niya ang alarm. Alas-kwatro iyon ng hapon kaya may oras pa siya para maligo at mag-ayos.“Gisingin mo ako, Blue.” Nakangiting pinisil ang ilong ng teddy bear at yumakap dito. Pakiramdam niya payapa ang buhay niya nang sandaling iyon kaya mabilis siyang nakatulog.Malakas na doorbell ang gumising sa kaniya kasabay ng pag-a-
Malayo pa lang ay tanaw na niya si Skye na nakaabang sa pantalan. Hindi iyon ang pantalan kung saan sila sumasakay dati ni Carl. Isa iyong private place para lang sa yate ng mga Fetalvero. Mga ilang bodyguard lang ang kasama nito at naiwan ang iba sa sasakayan. Mabilis silang lumabas ni Carl nang buksan nito ang pintuan ng sinasakyan nila.“Welcome aboard, babe.” Mabilis siya nitong hinalikan sa mga labi at niyakap.Siniko niya ito. “Ang kilos mo may mga tao sa paligid!” angil niya rito. Nahihiya pa rin naman siya kahit na alam ng lahat ng kasama nila kung ano ang relasyon nilang dalawa.“Hayaan mo na sila. Masasanay rin ang mga iyan.” Ngumiti ito na humarap kay Carl. “Hi, Carl!”“Hi, Mayor! Kumusta po?” parang kinikiliting tugon ng kaniyang kaibigan.“I’m fine, Carl. Come on, I have some food prepared inside. Maganda ang sunset habang naglalayag tayo— masarap magmuni-muni. Ma-e-enjoy ninyo iyong lahat mga tanawin.”Masiglang tumango si Carl at sumunod sa kanila. Ang mga mata nito ay
Mapayapa ang paglalakbay habang pauwi ng isla kasama ang pinakamamahal niyang si Skye. Nakangiti siya habang nakatitig sa mukha nito. Napakaamo ng mukha nito at payapang-payapa.Sa mga sandaling iyon ay hindi niya naiisip ang katayuan nila sa buhay— ang mataas na katungkulan nito sa bayan. Basta ang alam niya ay masaya siya at kasama ito. Pinagmasdan niya ang mahimbing nitong pagkakatulog. Nakapulupot pa ang mga braso nito sa kaniya na para bang makawawala pa siya.Nanatili lang siyang nakatitig sa binata nang bigla'y may pumasok sa kaniyang isipan. Pero mabilis din niya iyong pinalis sa isipan. Hinayaan niya na lang itong makapahinga.Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakayakap nito sa kaniya. Hindi ito gumalaw. Halatang malalim na nga ang pagtulog nito. Nang maalis niya ang braso nito, marahan siyang tumayo. Pero nagulat siya nang biglang hapitin nito ang beywang niya.“You’re examining my face and body. What are you thinking? Pasado na ba?” May pilyo ngiti sa mga labi nito nang li
Narating nila ang isang malawak na pribadong lugar kung saan itinayo ang isang malaking hotel. Lahat ng kabahayan sa tabi ng dagat na naapektuhan ay binigyan ng relokasyon hindi kalayuan doon, kasama ang bahay nilang barong-barong. Hindi naman na sila tumanggi pa dahil maayos ang pabahay, na rowhouse kung tawagin. Doon lang din naman iyon malayo-layo bahagya sa resort. Nagmistula nga iyong hotel dahil sa kaparehong disenyo ng resort. Hindi niya nakita ang paglipat ng Tiya Alice niya, maging ang mga magulang ni Carl, kaya ganoon na lamang ang tuwang nadarama nilang magkaibigan nang makita ang bagong bahay na ibinigay sa kanila. Malinis ang buong lugar. Wala na ang mga nakakalat na bahay sa gilid ng dalampasigan. Ang nandoon ay ang mga bangka na may iba’t ibang kulay na nagbibigay sigla sa turismo ng kanilang lugar. May mga cottage din na gawa sa kawayan. Napakaganda ng ginagawa ng dating mayor, na mas pinaganda pa ni Skye.Halos isang taon din ang ginugol para magawa iyon. Ang hotel n
“Anak! Isabella!” Halos madapa si Tiya Alice sa pagsalubong sa kaniya.Malalaki ang mga hakbang na sinalubong niya ito. “Tiya Alice! Na-miss ko po kayo!” Sinalubong niya ito nang mahigpit na yakap. “Kumusta ka na? Talagang hiyang na hiyang ka sa siyudad. Mas lalo kang gumanda, anak.” Mas yumakap pa ito nang mahigpit sa kaniya.Kumawala siya rito. “Tiya, talaga! Parang wala namang nagbago sa akin. Nagkalaman lang po kasi bahay at eskwelahan lang ako.”Iyon nga lang ba?Bigla niyang naalala ang binatang kasama.“Ano pala ang sinakyan ninyo at sino ang kasama mo? Si Carl ba?” sunod na sunod na tanong nito.Tumikhim muna ang binata na lumapit sa tiya niya. Mukhang hindi ito kaagad nakilala ng tiya niya dahil sa hood nito na ibinaba nang magmano.“Magandang gabi po, Tiya. Mano po.”Wala sa loob na iniabot ng tiya niya ang kamay nito, biglang natulala ito nang mamukhaan kung sino ang nasa harapan.“Mayor, kayo pala! Naku, anak, papasukin mo na sa bahay. Bakit inabala mo pa siya na ihatid k
Pagbaba niya, nagkukwentuhan pa rin ang tiya niya at binata sa salas. Nilapitan niya si Skye..“Salamat sa mga ginawa mo! Sobra-sobra naman yata ito.” Hindi na siya nangimi pang yakapin ito. “Na-surprise ka ba? Sinadya kong hindi ipasabi kay tiya iyon para ikaw mismo ang makakita,” malambing na wika nito. “Hmmm . . . Oo na! Salamat.” “Pero mukhang si Tiya Alice ang na-surprise nang dumating tayo.” Inalalayan siya nito paupo sa upuan. “Naku, mga bata kayo! Sige na at magpahinga na kayo. Ikaw, hijo, umuwi ka na muna at magpahinga na rin,” anang Tiya Alice niya na sandali niyang nakalimutan na naroon pala. Tumango naman si Skye at nagpaalam sa kanila. “Ihahatid ko lang po siya sa labas,” paalam niya sa kaniyanb tiya. “Sige at aayusin ko lang itong pinagkapehan sa kusina. Mag-iingat ka, hijo. Salamat ulit.” Tumango lang ito at nagmano muli sa tiya niya. Nang lumabas sila, tinawagan nito ang mga bodyguard. “Sa hotel ka ba tutuloy? O sa Yate lang?” tanong niya. “Sa hotel, babe. Per