Mabilis na naubos ang paninda ng tiya niya hindi pa man sumikat ang araw. Ipinagpaalam siya ng binata rito na mamasyal sa paligid ng isla gamit ang yate. “Mag-iingat kayo at bumalik agad, hijo. Baka biglang lumakas ang dagat dahil patanghali na. Sa tanghali ngayon nataas ang tubig.”“Opo. Tatabi naman muna po kami kapag malakas na ang amihan,” sagot ng binata.Tumango si Tiyang Alice. “Sige na. Matatakutin pa naman sa dagat ang batang iyan.”Ngumiti rito si Skye. “Huwag po kayong mag-alala, ako na po ang bahala sa kaniya.”“Teka . . . Hindi ba muna kayo kakain?” tanong nito.“Nagkape na po ako kanina at suman.”Tumingin sa kaniya ang tiya niya. “Isabella, igayak mo ang ibang suman diyan para kapag nagutom kayo, p’wede ninyong makain.”Tumango siya at nagpaalam na rito.Tinungo nila ni Skye ang yate. Napansin niya na wala ang mga bodyguard nito.“Let’s go, babe!” yaya nito habang nakahawak sa kaniyang kamay.“Teka! Aalis tayo na wala kang kasamang bodyguard? Saka, sino ang magpapatakb
Pagkatapos ng maagang ritwal nila sa captain’s deck, dinala siya nito sa loob ng silid kung saan sila nagpahinga noong umuwi sila.“Just take a bath and wear this, babe,” bulong nito at iniabot ang isang paper bag sa kaniya. “Aayusin ko lang ang pagkain natin sa labas.” Hinalikan muna siya nito sa mga labi bago tinungo ang pintuan ng cabin.“Teka lang, ano ito?” Itinaas niya ang paper bag.Tumigil ito at muli siyang nilingon. “Just do what I said, babe.” Isang pilyong ngiti ang linakawalan nito bago tuluyang lumabas. Napapailing na pumasok na lang siya sa banyo at naligo. Nakita na naman niya ang mga markang iniwan ng binata. Sinadya nitong sa tagong bahagi siya lagyan noon, lalo sa dibdib niya. Napakagat-labi siya sa ginawa ng binata. Napakahilig pala nito pero natiis nito ang dalawang taon.Lihim naman siyang napangiti dahil doon. Nagbanlaw na siya at isinuot ang kulay blue na bathrobe na nandoon. Lumabas siya at binuksan ang paper bag. Nagulat siya sa nakita.Two-piece swimsuit iy
Isang linggo rin ang matuling lumipas, halos nalibot na nila ni Skye ang buong isla. Ni walang nakaaalam na naroon ang binata. Hindi niya alam kung magaling lang talaga itong magtago ng sarili nito, o talagang hindi ito napapansin ng mga tao kapag naka-ordinaryong damit lang ito. Pero mas maganda naman iyon dahil may kalayaan pa rin sila kahit na papaano. Bukod sa pagpasyal sa kaniya ng binata sa property nito, nag-island hoping din sila kasama ang Tiya Alice niya at si Carl. Nag-picnic pa sila sa gitna ng dagat kasama rin ang mga ito. Kaya naman walang pagsidlan ang kaniyang kasiyahan. Iyon na ang pinamasayang bakasyon para sa kaniya. All in one.“Tiya Alice, sa weekend po gaganapin ang opening ng resort. Babalik lang ako sa Manila para sunduin ang mga delegates na imbitado. Alam kong may business partners din na dala ang parents ko at inaasahan ko po kayo ni Isabella roon, kasama ka Carl,” paalam ni Skye habang pauwi sila galing island hoping nang araw na iyon.“Aba, hindi ba alang
“Isabella!” malakas na sigaw ni Carl. Papalapit pa lang siya rito habang nakatambay ito sa labas ng bahay ng mga ito. “Bakit napasugod ang maganda kong kaibigan dito sa aming balur? Eksato, pupunta tayo sa resort. Tingnan natin ang mga facilities doon. Open for viewing daw sabi ni Rex.”“Carla talaga.” Kinurot niya ito. “Sige. Pero parang natanaw ko sa harap na may dumating na sasakyang pandagat?”“Dumating daw ang amo nila na business partner daw ng mga Fetalvero. Sila ang nakakuha ng contract para magtayo ng restaurant sa loob ng hotel.”“Ah, ganoon ba?” Tumango si Carl. “Okay. Halika na.”“Super instagramable daw ang hotel sa malapitan, kaya kailangan nating umawra,” anito. Walang sabi-sabing hinila siya nito patungong resort.Habang palapit sila sa malaking resort, hindi niya napigilan ang mamangha. Bukod sa malaki iyon na pinahalong kulay asul, puti at cream ang pintura, maganda rin ang pagkaka-landscape niyon sa labas. May malalaking palm trees, mga iba’t ibang klase ng namumula
Malakas ang kabog ng dibdib ni Isabella nang makita ang unti-unting pagdami ng tao sa isla. Nagmistulang isang mahabang street dancing ang kahabaan ng tulay na sadyang ipinagawa para makadaong nang maayos ang mga delegate at turista sa lugar. Napakaraming banderitas mula sa dulong bahagi niyon papuntang resort.Naisipan nilang tulungan sina kapitan na mag-welcome sa mga bisita sa isla. Nakasuot sila ng barong-tagalog habang may hawak na mga bulaklak. Halos mapuno ang baybayin ng mga bisita. Bawat pagbaba sa yate at bangkang de-motor ng mga ito ay sinasabitan nila ni Carl ng bulaklak sa leeg para pang-welcome.“Welcome to Isla Vermuda! Tuloy po kayo,” ang masiglang wika ni kapitan sa mga dumarating.Ganoon din sila ni Carl. Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa kanilang mga labi.“Welcome po!” sambit niya.Lalong lumakas ang tibok ng puso niya nang tumapat sa kaniya si Skye. Nagkatitigan sila ng binata. Gustong lumukso ang puso niya at salubungin ito ng halik pero sinupil niya iyon nang
“Rex! Ano’ng ginagawa mo?”Hindi siya nito pinansin at nanatiling nakasandal sa tabi niya. Matagal itong nakatingin sa kaniya.“Ano ba?! Saan tayo pupunta?” muli niyang tanong. Bigla rin siyang kinabahan.“Sorry, napag-utusan lang ako. Hindi ko alam na naging espesyal ka pala rito,” anito sa malungkot na tinig.Napakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito.“Isa sa bodyguard ng mga Fetalvero ang nag-utos sa akin na dalhin kita sa rooftop. At ang lugar na iyon ay exclusive lang sa mga Fetalvero, Isabella.”Napamaang siya, hindi nakuhang magsalita.“Ihahatid lang kita sa guard doon, kasi hindi talaga allowed ang ibang tao rito.”“Sorry sa abala. Baka may ipag-uutos lang sila. Salamat, Rex,” nakuha niya rin sa wakas na sabihin.Tumango lang ito.Nang malapit na sila sa pinto patungong rooftop, lumabas ang isang pamilyar na bodyguard ng mga Fetalvero.“Magandang araw po, Ma’am Isabella. Sa taas po tayo.”Napakagat-labi siyang humarap kay Rex.“Sige na, magkita na
Paglapat pa lang ng mga paa niya sa buhanginan, hinanap agad niya si Isabella sa tabi ng dalampasigan. Halos mapuno naman iyon ng mga tao. Malayo pa lang ay natanaw na niya ito. Hindi siya nagkamali, kasama ito ng mga tauhan ni kapitan na masayang bumabati sa mga tao. Kaagad siyang lumapit sa dalagang ilang gabing hindi nagpatulog sa kaniya. Binulungan niya ito. Nang makita ang reaksiyon nito, mabilis niya itong nilampasan kahit gusto niyang yakapin ang dalaga.Gusto niyang hilahin ang oras para matapos na ang lahat ng iyon. Pagbaba niya sa stage ay sumalubong kaagad sa kaniya si Yumi.“Nice to see you here, Mayor Skye. Looking great, huh!” anito na pabulong habang isinasambit ang garland sa kaniya.Ngumiti siya rito at nagpasalamat.Hinanap muli niya ang dalaga ngunit nasa dulong bahagi ito. Hanggang naging abala siya sa mga bisita. Nandoon laging nakadikit si Yumi at ang ina niya. Ibinibida ng mga ito ang mga masasarap na pagkain.Pero wala sa isip niya ang pinag-uusapan ng mga it
Katulad ng pinag-usapan nila, sumama si Isabella sa pakikipag-usap sa mga bisita ng binata. Doon halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya kahit na si Yumi. May pagtataka sa mga mata nito. At nang makakuha ng tyempo ay lumapit ito sa kaniya.“Excuse me! Can you get me a juice?” maarteng wika nito.Nilingon niya ang binata na kausap si Bernard sa kabilang side.“Ah, Miss Yumi, nagkakamali po yata kayo ng inutusan. Hindi po ako ang nag-aayos ng mga pagkain.”“Hindi ako nagkamali. Ikaw ang inuutusan ko!” inis na wika nito.Naalarma siya sa lakas ng boses nito. Tatalikod na sana siya para sundin ang ipinag-uutos nito nang hilahin nito ang braso niya.“Kanina ko pa napapansin ang pagdikit-dikit mo kay Skye! Inaakit mo ba siya? Ni wala ka ngang ginagawa, pero halos idikit mo na ang katawan mo sa kaniya. At paano mo nakilala ang parents niya, ha?” sunod-sunod nitong wika. Para lang armalite ang bibig nito.Pati pala iyon ay hindi nakaligtas sa paningin ni Yumi. Masakit ang hawak nito