Katulad ng pinag-usapan nila, sumama si Isabella sa pakikipag-usap sa mga bisita ng binata. Doon halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya kahit na si Yumi. May pagtataka sa mga mata nito. At nang makakuha ng tyempo ay lumapit ito sa kaniya.“Excuse me! Can you get me a juice?” maarteng wika nito.Nilingon niya ang binata na kausap si Bernard sa kabilang side.“Ah, Miss Yumi, nagkakamali po yata kayo ng inutusan. Hindi po ako ang nag-aayos ng mga pagkain.”“Hindi ako nagkamali. Ikaw ang inuutusan ko!” inis na wika nito.Naalarma siya sa lakas ng boses nito. Tatalikod na sana siya para sundin ang ipinag-uutos nito nang hilahin nito ang braso niya.“Kanina ko pa napapansin ang pagdikit-dikit mo kay Skye! Inaakit mo ba siya? Ni wala ka ngang ginagawa, pero halos idikit mo na ang katawan mo sa kaniya. At paano mo nakilala ang parents niya, ha?” sunod-sunod nitong wika. Para lang armalite ang bibig nito.Pati pala iyon ay hindi nakaligtas sa paningin ni Yumi. Masakit ang hawak nito
Mga ilang araw din ang lumipas at naging matunog ang pangalan niya sa buong isla. Kahit sa palengke kung saan sila nag-aangkat ng paninda ng Tiya Alice niya ay usap-usapan din siya.“Isabella!” tawag ni Aling Berta. “Talagang swerte kang bata ka! Ikaw pala ang napupusuan ng mayor natin. Aba, wala namang imposible roon dahil maganda ka at matalinong bata. Sagutin mo na agad kung ako saiyo. Aba’y napakaswerte talaga!”Nahihiya siyang ngumiti kay Aling Berta. “Aling Berta naman, baka po ano—” Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil sa iba pang tao na pinalibutan siya. “Ay, swerte mo naman, nene. Ikaw yata ang magdadala ng kayamanan dito sa isla natin,” magiliw na wika ng isa.Kung marami ang natuwa, mayroon din namang bubulong-bulong sa gilid niya; lalo na nang dumating si Betchay.“Sabihin ninyo, nilandi at inagaw lang naman niya sa boss ko ang atensiyon ni Mayor. Hindi hamak naman na mas papatulan ni Mayor ang boss ko kaysa sa kaniya. Kaya ikaw, Isabella, tigilan mo na ang pangarap mon
Nakayakap pa rin sa kaniya si Skye nang matapos ang halik niya dito.“Kumain na tayo.” Nakangiting sinalubong niya ang tingin ng binata.Maganda ang pakiramdam niya dahil sa nangyari kanina. Parang nawala lahat ng mga agam-agam niya.“You start the fire, babe. We need to continue what you've started before we eat.”Napamaang siya sa sinabi nito. Ano raw?“Ano’ng ibig mong sabihin?”Napatili siya nang buhatin siya nito papasok ng kwarto roon.“Mas maganda siguro kung dito tayo magsimula.” Siniill siya ng halik ng binata, kasabay ng pagdama ng isang palad nito sa dibdib niya. Hindi pa ito nakuntento, ipinasok pa niyo ang palad sa loob ng T-shirt niya na ikinaangat ng katawan niya sa kama.“Mababaliw na yata ako kung hindi natin gagawin ito, Isabella,” bulong nito.Isang ungol lang ang sagot niya bilang pagsang-ayon sa ginagawa ng binata.“I miss you so much! You drive me crazy every time.”Dahan-dahang hinubad ng binata ang damit niya, habang nakasunod ang mga labi nito. Tila tumatagos
Habang nakatingin sa pintuan ng bahay naisip ni Isabella ang kubo sa gitna ng bakawan. Hindi niya mabilang kung ilang ulit siya dinala ni Skye sa langit, bago nila tuluyang nilisan ang lugar. Madilim na sila nang nakauwi kahapon, at parehong hapong-hapo ang katawan. Medyo mahapdi rin ang mga marka na iniwan nito sa nakatagong parte ng katawan niya.Nasa ganoong pag-iisip siya nang may kumatok sa pintuan ng bahay nila. Ramdam pa rin niya ang pagod kaya naman pinilit niyang tumayo, dahil wala ang tiya niya. Kapag ganoong oras, nasa puwesto ito ni Aling Berta para ibigay ang mga kukuning paninda kinabukasan.Pagbukas niya sa pinto, ang nakapameywang na si Carl ang bumungad sa kaniya.“Isabella, alam ko naman ang nangyayari dahil sikat ang pangalan mo sa buong isla, pero ang masolo kita ay mahirap bang gawin?”Nakapakunot-noo siya sa sinabi ng kaibigan. Seryoso ito at mukhang galit.“Carl, ano’ng ibig mong sabihin?” Tila naiwan talaga ang utak niya sa alapaap hanggang sa mga sandaling iyo
Masaya nilang pinagsaluhan ang pagkaing dala ng binata. Binuksan niya ang TV para mas ma-enjoy pa nila ang pagkain. May mga bagay rin silang pinag-usapan tungkol sa hinaharap.Bigla siyag natigilan sa sinabi ni Skye.“Tama na siguro ang anak na lima hanggang pito sa itatayo nating villa rito sa isla. Tama ba ako?” Sumandal ito sa upuan at umakbay sa kaniya.“Huh?! Andami naman . . .” Humarap siya rito. “I’m serious. Alam kong matagal pa kaya kailangan na nating planuhin nang maaga.”“Ewan! Tama na siguro ang dalawa o tatlo— pero ang pito . . . maghunos dili ka naman, Mr. Blue! Baka wala na tayong ipangsuporta sa kanila!” “I can support them until the next generation of our clan, babe,” may pagmamalaking sagot nito.Natawa siya sa sinabi ng binata at tumayo. Parang bigla ay nauhaw siya.“Where are your going?”“Kukuha lang ako ng tubig. Kumain ka lang diyan.”Napangiti ito. Nasa ganoong sitwasyon siya nang dumating ang tiya niya.Nakita niya ang mabilis na pagtayo ng binata at kinu
“Sa wakas, nasolo rin natin ang buong resort,” bulong ni Skye kay Isabella habang naglalakad sila sa hallway ng resort. “Umayos ka! Yung mga empleyado ninyo nakatingin sa atin. P’wede bang mag-behave ka muna? Isa pa, may lakad ka bukas kaya kailangan mo ng magpahinga.” Inirapan niya ito at nauna ng pumasok sa loob.Isang malakas na halakhak ang narinig niya mula rito. Pagkatapos, nagmamadali itong sumunod sa kaniya.“I’m just kidding! Halika, ililibot kita sa buong resort.”Isang hallway ang kanilang dinaanan at pagdating nila sa dulo ay isang lugar na tahimik ang bumungad sa kanila. Kita roon ang kalmadong karagatan na kakulay ng langit sa pagka-asul.“Sa lugar na ito maganda ang sunset, habang sa kabila naman ang sunrise.” Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. “Sinadya kong ipalagay ito dahil hindi natin alam kung ano ba ang gusto ng mga guest; kung mas maganda ba sa kanila ang sunset or sunrise.”Tumango siya. “I think, this is a perfect scenery.”Lumapit ito sa kaniya
Nagising si Isabella sa malakas na tunog ng kaniyang cell phone. Patamad niya iyong kinuha at hindi na tiningnan kung sino ang tumatawag.“Hi, babe! I missed you!” anang tinig na kilalang-kilala niya.Ngumiti siya. “Missed you too,” namamaos niyang tugon.“Hey . . . Are you alright? May sakit ka ba? Bakit ganiyan ang boses mo?” sunod-sunod na tanong ni Skye.Umayos siya ng higa at sinapo ang ulo. Sa isang araw pa magsisimula ang kaniyang klase kaya puwede pa siyang magsiesta nang matagal sa kama. “Babe?” untag ni Skye nang hindi siya sumagot.“Ayos lang ako. Kagigising ko nga lang.” Tiningnan niya ang orasan. Mag-a-alas-nueve na pala.“Alright. But make sure, okay? Parang ramdam ko hanggang dito ang katamlayan mo.”“OA naman nito! Okay lang po talaga ako, Mr. Blue.” Niyakap niya ang malaking teddy bear na katabi.“I am not. Well, siguro talagang missed mo lang ako. Hayaan mo, pauwi na rin naman ako sa isang araw kaya maghanda ka na. Magpalakas ka dahil uubusin ko ang lakas mo,” pilyo
Pagdating nila sa mall ay sa fourth floor sila tumuloy. Doon naroon ang laruan na sinasabi ni Carl. “Sandali,” pigil niya rito nang may tindahan na madaanan.“Bakit?” tanong nito.“Bumili muna tayo nito.” Kinuha niya ang baseball cap na nakalagay sa isang cart. Isinukat niya iyon.Umirap ito. “Hindi mo na kailangan iyan.”“Pero, Carl . . .” Nagpapaawang tumingin siya rito.Muli, isang nakamamatay na irap ang isinagot nito. “Sige na! Bumili ka na para maitago na iyang mukha mo.”Napangiti siya at agad na binayaran sa counter ang kinuha. Saka pa lang sila tumuloy sa gustong puntahan ni Carl. Maraming tao roon dahil hindi pa naman nagbubukas ang mga eskwelahan. Karamihan ay mga teenagers at kagaya nila ni Carl; na kung hindi kaibigan ay kasintahan ang kasama. Mini date ’ika nga. Nagpapalit muna si Carl ng token habang siya ay nagmamasid lang sa paligid.“Halika ka doon,” yaya ni Carl sa kaniya na itinuro ang isang machine. Lumapit sila roon. Binigyan siya ni Carl ng isang bungkos ng tok