“Sa wakas, nasolo rin natin ang buong resort,” bulong ni Skye kay Isabella habang naglalakad sila sa hallway ng resort. “Umayos ka! Yung mga empleyado ninyo nakatingin sa atin. P’wede bang mag-behave ka muna? Isa pa, may lakad ka bukas kaya kailangan mo ng magpahinga.” Inirapan niya ito at nauna ng pumasok sa loob.Isang malakas na halakhak ang narinig niya mula rito. Pagkatapos, nagmamadali itong sumunod sa kaniya.“I’m just kidding! Halika, ililibot kita sa buong resort.”Isang hallway ang kanilang dinaanan at pagdating nila sa dulo ay isang lugar na tahimik ang bumungad sa kanila. Kita roon ang kalmadong karagatan na kakulay ng langit sa pagka-asul.“Sa lugar na ito maganda ang sunset, habang sa kabila naman ang sunrise.” Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. “Sinadya kong ipalagay ito dahil hindi natin alam kung ano ba ang gusto ng mga guest; kung mas maganda ba sa kanila ang sunset or sunrise.”Tumango siya. “I think, this is a perfect scenery.”Lumapit ito sa kaniya
Nagising si Isabella sa malakas na tunog ng kaniyang cell phone. Patamad niya iyong kinuha at hindi na tiningnan kung sino ang tumatawag.“Hi, babe! I missed you!” anang tinig na kilalang-kilala niya.Ngumiti siya. “Missed you too,” namamaos niyang tugon.“Hey . . . Are you alright? May sakit ka ba? Bakit ganiyan ang boses mo?” sunod-sunod na tanong ni Skye.Umayos siya ng higa at sinapo ang ulo. Sa isang araw pa magsisimula ang kaniyang klase kaya puwede pa siyang magsiesta nang matagal sa kama. “Babe?” untag ni Skye nang hindi siya sumagot.“Ayos lang ako. Kagigising ko nga lang.” Tiningnan niya ang orasan. Mag-a-alas-nueve na pala.“Alright. But make sure, okay? Parang ramdam ko hanggang dito ang katamlayan mo.”“OA naman nito! Okay lang po talaga ako, Mr. Blue.” Niyakap niya ang malaking teddy bear na katabi.“I am not. Well, siguro talagang missed mo lang ako. Hayaan mo, pauwi na rin naman ako sa isang araw kaya maghanda ka na. Magpalakas ka dahil uubusin ko ang lakas mo,” pilyo
Pagdating nila sa mall ay sa fourth floor sila tumuloy. Doon naroon ang laruan na sinasabi ni Carl. “Sandali,” pigil niya rito nang may tindahan na madaanan.“Bakit?” tanong nito.“Bumili muna tayo nito.” Kinuha niya ang baseball cap na nakalagay sa isang cart. Isinukat niya iyon.Umirap ito. “Hindi mo na kailangan iyan.”“Pero, Carl . . .” Nagpapaawang tumingin siya rito.Muli, isang nakamamatay na irap ang isinagot nito. “Sige na! Bumili ka na para maitago na iyang mukha mo.”Napangiti siya at agad na binayaran sa counter ang kinuha. Saka pa lang sila tumuloy sa gustong puntahan ni Carl. Maraming tao roon dahil hindi pa naman nagbubukas ang mga eskwelahan. Karamihan ay mga teenagers at kagaya nila ni Carl; na kung hindi kaibigan ay kasintahan ang kasama. Mini date ’ika nga. Nagpapalit muna si Carl ng token habang siya ay nagmamasid lang sa paligid.“Halika ka doon,” yaya ni Carl sa kaniya na itinuro ang isang machine. Lumapit sila roon. Binigyan siya ni Carl ng isang bungkos ng tok
“What is going on here?” Pinaglipat-lipat ni Skye ang tingin sa kanila, pati na sa tatlong babae sa tabi nila ni Carl. Ang babaeng nasa counter naman ay biglang natulala. Titig na titig ito sa binata.Binalingan ni Skye ang tatlong babae sa kanilang tabi. “Do you have a problem with my girlfriend?” serysong tanong nito.Mabilis na umiling ang tatlo. Bahagyang pang lumayo ang mga ito na tila tinakasan ng kulay ang mukha. Lalapit na sana sa kanila ang dalawang security guard ng binata nang pigilan nito.“I can handle this.” Binalingan siya nito. Masuyo nitong hinaplos ang mukha niya. Dinig na dinig niya ang malakas na pagsinghap ng mga tao roon. “Are you alright?” malambing na tanong nito.Bahagya siyang tumango. Inayos niya rin ang sumbrero sa ulo.“You don’t have to wear this on public. They knew that we are dating, so why need to hide?” Inalis ng lalaki ang sumbrero at iniabot kay Carl.“Naku, Mayor! Mabuti na lang at dumating ka. May mga tao kasi ritong feeling entitled! Hindi nama
Masaya silang kumain at nagkuwentuhan. Paminsan-minsan natatawa ang binata sa mga sinasabi ni Carl.Maya-maya pa, pumasok ang isang naka-semi formal na lalaki na sa tantiya niya, mataas ang katungkulan sa restaurant na iyon. Matikas ang lalaki at may kakisigan ding taglay. Mapasisinghap din ang mga babaeng kaharap nito. Pakiramdam niya, hindi lang ito basta may katungkulan doon, kung hindi, may-ari ito mismo ng restaurant.“Hi, Mayor Skye! Thank you for choosing our restaurant. Maybe, sa exit door na po kayo dumaan mamaya para hindi magkumpulan ang mga tao at maging safe po kayo.”“Thank you. Masarap ang pagkain ninyo at panalo ang mga putahe. Nagustuhan ng girlfriend ko at ng kaibigan niya ang mga luto ninyo, pati na ako.” Tumayo ang binata at inabot ang kamay ng kaharap.“Ikinalulugod ko po na makita ko kayo ng mga kasama mo, especially ng girlfriend mo.”Ngumiti rito si Skye. “The pleasure is ours.”Gumanti rin ng ngiti ang lalaking kaharap nito. “Kung may gusto pa kayong ipadagdag
Nakarating sila sa bahay ng binata at inalalayan siya nitong bumaba sa sasakyan. Nang malapit na sila sa pinto, bumalik ito sa sasakyan at kinausap ang mga tauhan nito.Unti-unting nag-alisan ang mga ito, tanging natira na lang ay ang personal bodyguard nito at mga guard sa gate.Papasok na sana siya sa loob nang maramdaman niya ang kamay ng binata sa beywang niya at yumakap sa kaniya.“Skye, nkatingin ang mga tauhan mo. Dumeretso ka na sa kwarto mo at magpalit ng damit. Ihahanda ko lang ang kape mo.” “Babe, samahan mo na ako sa taas,” malambing na wika nito habang tinatanggal ang sumbrero niya at inayos ang buhok niya.“Hindi! Umakyat ka na muna at mag-half bath para makapagpahinga ka na. Mula sa airport dumeretso ka sa mall. Hindi ka ba napapagod, Mayor Skye?” Nakapameywang niyang inangat ang katawan mula sa pagkakayakap nito.“Babe. . .” tila nanghihinang wika ng binata.“Susundin mo ako o uuwi na lang ako para makapagpahinga ka na?” Nilabanan niya ang nararamdaman para hindi siy
Nagising siya na may masuyong humahaplos sa kaniyang hita, pero antok na antok pa siya. Akala niya dala lang iyon ng magandang panaginip pero biglang gumapang iyon sa dibdib niya.“Wake up, my Isabella . . .” Tila musika iyon sa pandinig niya. Nanatili siyang nakapikit at hinayaan niya sa ginagawa ang binata. Mainit ang hangin na unti-unting bumababa sa leeg niya habang itinataas nito ang damit niya. Wala siya pangloob kaya malayang nasakop ng palad nito ang dibdib niya, habang ang mga labi nito ay inangkin ang isa roon.Bigla siyang napaliyad kasabay ng mahinang ungol. Tuluyan niyang binuksan ang kaniyang mga mata.“Skye . . .” Napahawak siya sa ulo nito at bahagyang iniangat iyon.“Yes, babe? It’s almost eleven in the evening and I need a midnight snack.” May pilyong ngiti sa mga labi nito. Napakapresko ng mukha nito at mukhang nakabawi na ng lakas.“Pero, inaantok pa ako.” Nagkunwari siya para inisin ito.“Then, let’s try to take that away.”Mabilis na sinakop nito ang mga labi ni
Halos dalawang araw siya sa bahay ng binata para samahan ito. Masaya sila, hindi iyon maitatanggi pa. Para nga silang tunay na mag-asawa na. Magkatabing natutulog, gumigising na magkasama, ipinagluluto ang isa’t isa, walang humpay na kuwentuhan, tawanan at kung ano-ano pa.Pero, hindi naman palaging ganoon. Kailangan din nilang bumalik sa reyalidad, sa kani-kanilang ginagawa.“Mr. Blue, magkikita pa rin naman tayo mamaya, hindi ba? Isa pa, may trabahong naghihintay sa iyo,” malambing niyang wika habang nakayakap sa dibdib nito. Nasa salas sila at nanonood ng movie. Halos maghapon yata silang nag-movie marathon.Narinig niya ang pagbuntonghininga nito, bago naramdaman ang masuyong paghaplos sa buhok niya. “Okay. Ihahatid na kita later. But not now . . .”Yumakap siya rito. Siya na ang kusang humalik siya sa mga labi ng binata na ikinangiti nito.**Hindi niya napansin ang paglipas ng mga araw dahil abala siya sa pag-aayos ng gamit niya. Excited sila ni Carl para sa muling pagpasok sa