“Isabella!” malakas na sigaw ni Carl. Papalapit pa lang siya rito habang nakatambay ito sa labas ng bahay ng mga ito. “Bakit napasugod ang maganda kong kaibigan dito sa aming balur? Eksato, pupunta tayo sa resort. Tingnan natin ang mga facilities doon. Open for viewing daw sabi ni Rex.”“Carla talaga.” Kinurot niya ito. “Sige. Pero parang natanaw ko sa harap na may dumating na sasakyang pandagat?”“Dumating daw ang amo nila na business partner daw ng mga Fetalvero. Sila ang nakakuha ng contract para magtayo ng restaurant sa loob ng hotel.”“Ah, ganoon ba?” Tumango si Carl. “Okay. Halika na.”“Super instagramable daw ang hotel sa malapitan, kaya kailangan nating umawra,” anito. Walang sabi-sabing hinila siya nito patungong resort.Habang palapit sila sa malaking resort, hindi niya napigilan ang mamangha. Bukod sa malaki iyon na pinahalong kulay asul, puti at cream ang pintura, maganda rin ang pagkaka-landscape niyon sa labas. May malalaking palm trees, mga iba’t ibang klase ng namumula
Malakas ang kabog ng dibdib ni Isabella nang makita ang unti-unting pagdami ng tao sa isla. Nagmistulang isang mahabang street dancing ang kahabaan ng tulay na sadyang ipinagawa para makadaong nang maayos ang mga delegate at turista sa lugar. Napakaraming banderitas mula sa dulong bahagi niyon papuntang resort.Naisipan nilang tulungan sina kapitan na mag-welcome sa mga bisita sa isla. Nakasuot sila ng barong-tagalog habang may hawak na mga bulaklak. Halos mapuno ang baybayin ng mga bisita. Bawat pagbaba sa yate at bangkang de-motor ng mga ito ay sinasabitan nila ni Carl ng bulaklak sa leeg para pang-welcome.“Welcome to Isla Vermuda! Tuloy po kayo,” ang masiglang wika ni kapitan sa mga dumarating.Ganoon din sila ni Carl. Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa kanilang mga labi.“Welcome po!” sambit niya.Lalong lumakas ang tibok ng puso niya nang tumapat sa kaniya si Skye. Nagkatitigan sila ng binata. Gustong lumukso ang puso niya at salubungin ito ng halik pero sinupil niya iyon nang
“Rex! Ano’ng ginagawa mo?”Hindi siya nito pinansin at nanatiling nakasandal sa tabi niya. Matagal itong nakatingin sa kaniya.“Ano ba?! Saan tayo pupunta?” muli niyang tanong. Bigla rin siyang kinabahan.“Sorry, napag-utusan lang ako. Hindi ko alam na naging espesyal ka pala rito,” anito sa malungkot na tinig.Napakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito.“Isa sa bodyguard ng mga Fetalvero ang nag-utos sa akin na dalhin kita sa rooftop. At ang lugar na iyon ay exclusive lang sa mga Fetalvero, Isabella.”Napamaang siya, hindi nakuhang magsalita.“Ihahatid lang kita sa guard doon, kasi hindi talaga allowed ang ibang tao rito.”“Sorry sa abala. Baka may ipag-uutos lang sila. Salamat, Rex,” nakuha niya rin sa wakas na sabihin.Tumango lang ito.Nang malapit na sila sa pinto patungong rooftop, lumabas ang isang pamilyar na bodyguard ng mga Fetalvero.“Magandang araw po, Ma’am Isabella. Sa taas po tayo.”Napakagat-labi siyang humarap kay Rex.“Sige na, magkita na
Paglapat pa lang ng mga paa niya sa buhanginan, hinanap agad niya si Isabella sa tabi ng dalampasigan. Halos mapuno naman iyon ng mga tao. Malayo pa lang ay natanaw na niya ito. Hindi siya nagkamali, kasama ito ng mga tauhan ni kapitan na masayang bumabati sa mga tao. Kaagad siyang lumapit sa dalagang ilang gabing hindi nagpatulog sa kaniya. Binulungan niya ito. Nang makita ang reaksiyon nito, mabilis niya itong nilampasan kahit gusto niyang yakapin ang dalaga.Gusto niyang hilahin ang oras para matapos na ang lahat ng iyon. Pagbaba niya sa stage ay sumalubong kaagad sa kaniya si Yumi.“Nice to see you here, Mayor Skye. Looking great, huh!” anito na pabulong habang isinasambit ang garland sa kaniya.Ngumiti siya rito at nagpasalamat.Hinanap muli niya ang dalaga ngunit nasa dulong bahagi ito. Hanggang naging abala siya sa mga bisita. Nandoon laging nakadikit si Yumi at ang ina niya. Ibinibida ng mga ito ang mga masasarap na pagkain.Pero wala sa isip niya ang pinag-uusapan ng mga it
Katulad ng pinag-usapan nila, sumama si Isabella sa pakikipag-usap sa mga bisita ng binata. Doon halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya kahit na si Yumi. May pagtataka sa mga mata nito. At nang makakuha ng tyempo ay lumapit ito sa kaniya.“Excuse me! Can you get me a juice?” maarteng wika nito.Nilingon niya ang binata na kausap si Bernard sa kabilang side.“Ah, Miss Yumi, nagkakamali po yata kayo ng inutusan. Hindi po ako ang nag-aayos ng mga pagkain.”“Hindi ako nagkamali. Ikaw ang inuutusan ko!” inis na wika nito.Naalarma siya sa lakas ng boses nito. Tatalikod na sana siya para sundin ang ipinag-uutos nito nang hilahin nito ang braso niya.“Kanina ko pa napapansin ang pagdikit-dikit mo kay Skye! Inaakit mo ba siya? Ni wala ka ngang ginagawa, pero halos idikit mo na ang katawan mo sa kaniya. At paano mo nakilala ang parents niya, ha?” sunod-sunod nitong wika. Para lang armalite ang bibig nito.Pati pala iyon ay hindi nakaligtas sa paningin ni Yumi. Masakit ang hawak nito
Mga ilang araw din ang lumipas at naging matunog ang pangalan niya sa buong isla. Kahit sa palengke kung saan sila nag-aangkat ng paninda ng Tiya Alice niya ay usap-usapan din siya.“Isabella!” tawag ni Aling Berta. “Talagang swerte kang bata ka! Ikaw pala ang napupusuan ng mayor natin. Aba, wala namang imposible roon dahil maganda ka at matalinong bata. Sagutin mo na agad kung ako saiyo. Aba’y napakaswerte talaga!”Nahihiya siyang ngumiti kay Aling Berta. “Aling Berta naman, baka po ano—” Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil sa iba pang tao na pinalibutan siya. “Ay, swerte mo naman, nene. Ikaw yata ang magdadala ng kayamanan dito sa isla natin,” magiliw na wika ng isa.Kung marami ang natuwa, mayroon din namang bubulong-bulong sa gilid niya; lalo na nang dumating si Betchay.“Sabihin ninyo, nilandi at inagaw lang naman niya sa boss ko ang atensiyon ni Mayor. Hindi hamak naman na mas papatulan ni Mayor ang boss ko kaysa sa kaniya. Kaya ikaw, Isabella, tigilan mo na ang pangarap mon
Nakayakap pa rin sa kaniya si Skye nang matapos ang halik niya dito.“Kumain na tayo.” Nakangiting sinalubong niya ang tingin ng binata.Maganda ang pakiramdam niya dahil sa nangyari kanina. Parang nawala lahat ng mga agam-agam niya.“You start the fire, babe. We need to continue what you've started before we eat.”Napamaang siya sa sinabi nito. Ano raw?“Ano’ng ibig mong sabihin?”Napatili siya nang buhatin siya nito papasok ng kwarto roon.“Mas maganda siguro kung dito tayo magsimula.” Siniill siya ng halik ng binata, kasabay ng pagdama ng isang palad nito sa dibdib niya. Hindi pa ito nakuntento, ipinasok pa niyo ang palad sa loob ng T-shirt niya na ikinaangat ng katawan niya sa kama.“Mababaliw na yata ako kung hindi natin gagawin ito, Isabella,” bulong nito.Isang ungol lang ang sagot niya bilang pagsang-ayon sa ginagawa ng binata.“I miss you so much! You drive me crazy every time.”Dahan-dahang hinubad ng binata ang damit niya, habang nakasunod ang mga labi nito. Tila tumatagos
Habang nakatingin sa pintuan ng bahay naisip ni Isabella ang kubo sa gitna ng bakawan. Hindi niya mabilang kung ilang ulit siya dinala ni Skye sa langit, bago nila tuluyang nilisan ang lugar. Madilim na sila nang nakauwi kahapon, at parehong hapong-hapo ang katawan. Medyo mahapdi rin ang mga marka na iniwan nito sa nakatagong parte ng katawan niya.Nasa ganoong pag-iisip siya nang may kumatok sa pintuan ng bahay nila. Ramdam pa rin niya ang pagod kaya naman pinilit niyang tumayo, dahil wala ang tiya niya. Kapag ganoong oras, nasa puwesto ito ni Aling Berta para ibigay ang mga kukuning paninda kinabukasan.Pagbukas niya sa pinto, ang nakapameywang na si Carl ang bumungad sa kaniya.“Isabella, alam ko naman ang nangyayari dahil sikat ang pangalan mo sa buong isla, pero ang masolo kita ay mahirap bang gawin?”Nakapakunot-noo siya sa sinabi ng kaibigan. Seryoso ito at mukhang galit.“Carl, ano’ng ibig mong sabihin?” Tila naiwan talaga ang utak niya sa alapaap hanggang sa mga sandaling iyo