“Habang sinasaid ni Xavien ang alak mula sa hawak niyang baso, biglang lumabas si Miles mula sa pintuan ng kanyang silid. Napatanga ang binata ng makita niya na ang tanging suot ng dalaga ay ang kanyang itim na t-shirt. Litaw ang bilugan at maputi nitong mga hita at pakiramdam niya ay parang nagliyab yata ang kanyang katawan. Natatakam na siya na mahawakan ang malambot at malagatas nitong balat. “You know, huwag na tayong mag paligoy-ligoy pa, ibigay mo sa akin ngayon din ang mga dokumento ng property ko at kunin mo na ang gusto mo ng makaalis na ako dito. Dahil marami pa akong nakatenggang trabaho.” Diretsahan kong sabi bago umupo sa mahabang sofa sa mismong tapat nito. Yeah, I know na nagmukha akong cheap dahil ako mismo ang nag-alok ng sarili ko sa kanya. So what? For me, wala naman ng kwenta ang pagkabirhen ko dahil wala akong balak na mag-asawa pa. Mas gugustuhin ko na lang na buruhin ang sarili ko kaysa ang magpaloko pa sa mga kalahi ni Adan. Isa ‘yan sa ugali ko, na sa oras
“F**k you, Hilton!” Naiinis kong sigaw bago dinampot ang unan at itinakip ito sa mukha ko. Muli kong ipinikit ang aking mga mata upang ipagpatuloy ang naistorbo kong pagtulog. Ngunit, nagsisimula pa lang na maging payapa ang tulog ko ng muli na namang mag-ingay ang cellphone na nasa ibabaw ng lamesa. Nasagad na talaga ang pasensya ko kaya naiinis na dinampot ang aparato at saka ito ini-off. Lalo akong naimbyerna ng tuluyang nawala ang antok ko kaya bitbit ang dalawang tuwalya na lumabas ng silid. Nagdadabog na pumasok ako sa loob ng banyo upang maligo. Simula ng may nangyari sa amin ng lalaking iyon ay wala na itong ginawa kundi ang bantayan ang bawat kilos ko. Halos minu-minuto na lang ito kung tumawag na labis kong ikinaiinis. Kesyo daw nasa kontrata na kailangan kong ireport kung nasaan ako maging kung sino ang kasama ko!? Hell no! Nakakasakal, tinalo pa n’ya ang isang asawa kung makapag demand! Katulad na lang ngayon, halos isang araw pa lang akong hindi nagpapakita sa kanya, k
“Huh!” Para akong nabunutan ng tinik nang sa wakas ay naikabit ko rin ang pinakahuling part ng kotse. Napaupo ako sa sahig ng dahil sa matinding pagod ngunit hindi maikakaila ang matinding kasiyahan sa mga ngiti ko ng mapagmasdan ko ang kinalabasan ng bagong sasakyan na inasemble ko. Halos ilang taon ko ring pinag-ipunan ang sasakyan na ito, at ni ultimong sentimo ay itinatabi ko para lang mabili ang bawat pyesa nito. Brand new ang lahat ng ginamit kong piyesa sa kotseng ito kaya kung sakaling ibenta ko ‘to ay siguradong aabot ng two million dollars ang halaga nito. Pero wala akong plano na ibenta ang aking sasakyan kahit pa naghihirap na ako. Dahil isa ito sa pangarap ko na magkaroon ng sariling sasakyan na ako mismo ang gumawa. “Nice.” Anya ng isang tinig mula sa aking likuran, napaigtad ako dahil sa labis na pagkagulat, lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Hindi nito alintana ang maruming sahig habang nakatulala sa makintab at itim na sasakyan na nasa harapan namin. Mula sa
“Bigla akong naalimpungatan ng tumunog ang alarm mula sa cellphone ko. Kumilos si Miles at inaantok na iminulat nito ang kanyang mga mata, saglit na naghinang ang aming mga mata ngunit maya-maya ay nagtataka na sinuri nito ang aming mga katawan. Parang gusto kong matawa ng biglang nagbago ang hilatsa ng mukha nito. Hindi na maipinta ang mukha nito at nang hahaba na rin ang kanyang nguso. “Sinasabi ko na nga ba at hindi ka talaga mapagkakatiwalaan, Hilton.” Galit nitong sabi, marahil ay iniisip niya na may nangyari sa aming dalawa habang siya ay natutulog. “Teka, wala pa akong ginagawa sayo nagagalit ka na agad.” ani ko bago mabilis na hinawi ang kapirasong tela na tumatakip sa kalambutan nito. “X-Xavien…” nauutal niyang tawag sa pangalan ko habang nakatukod ang dalawang kamay nito sa dibdib ko. Medyo nahirapan pa akong pasukin ang loob nito dahil sa sobrang sikip. “Hm?” Ani ko sa malambing na tinig habang nakatitig kami sa mata ng isa’t-isa. Nagsimula ako sa marahang pagkilos at i
Napaka-awkward ng paligid, hindi ko alam kung paano kikilos sa harap ng dalawang lalaki na nasa aking harapan. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko ngayon ang lalaking humila sa akin pababâ at naglugmok sa akin sa matinding kalungkutan. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Bakit sa dinami-dami ng kaibigan ni Hilton na maaari kong makadaupang palad ay ang manlolokong ex-boyfriend ko pa talaga? Matinding pressure ang nararamdaman ko ng mga oras na ito at hindi ko alam kung paano pakikiharapan ang lalaking ito dahil sa totoo lang ay hindi pa ako handa. “Ahm, B-Miles, nabanggit sa akin ni Xavien ang tungkol sa problema mo sa iyong-“ panimula ni Harry ngunit kaagad kong kinontra ang hindi pa natatapos nitong sasabihin. “I can manage my personal matters, and I don’t need help from anyone. So please stop bothering yourself with nonsense topics.” Matatag kong pahayag na siyang ikinatameme nito. “Miles…” babala sa akin ni Hilton na hindi ko man lang tinapunan n
Ilang segundo ang lupimas ay nanatiling nakatitig sa isa’t-isa si Xavien at Fatima. “It’s a long time ago, it seems that you’ve been totally moved on.” Maya-maya’y basag ni Fatima sa pananahimik nilang dalawa. “Oh, come on, Fatima, hindi mo na kailangan pang ibalik ang mga walang kwentang nakaraan.” Walang ganang pahayag ni Xavien sabay dampot sa isang basong may lamang wine na nasa kanyang harapan. “Yeah, you’re right, it’s a nonsense, for you, but for me it’s important, dahil ang nakaraan ay nananatili pa rin sa kasalukuyan.” Matigas na pahayag ni Fatima kasabay ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Nang lingunin siya ni Xavien ay nakita ng binata ang pagbangon ng galit mula sa mga mata ng babae. “What do you mean by that?” Naguguluhan na tanong ni Xavien kay Fatima habang matiim na nakatitig sa mukha ng seryosong babae. Umangat ang sulok ng bibig ni Fatima saka maarteng dinampot nito ang inumin na nasa kanyang harapan. “I accepted when you rejected to marry me, dahil
Napatda sa kanyang kinatatayuan si Xavien ng datnan niya na magkayakap si Miles at Harry. Habang ang dalaga ay umiiyak sa dibdib ng kanyang kaibigan. Sa isang iglap ay nagdilim ang kanyang paningin, na para bang wala na siyang ibang nakikita kundi ang dalawang tao sa kanyang harapan. “Pinatawad na ba ni Miles si Harry? Nagkabalikan na ba ang dalawa? N-No! Hindi ako papayag! Miles is mine!” Anya ng isang galit na tinig mula sa kanyang isipan habang ang mga kamao nito ay nanginginig mula sa mahigpit na pagkakakuyom. Tuluyang sumabog sa galit si Xavien ng makita niya na hinalikan ni Harry ang kanyang nobya. Malaki ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito. Walang salita na hinaklit niya sa balikat ang kanyang kaibigan. Sa pagpihit ng mukha nito paharap sa kanya ay isang malakas na suntok ang ibinigay niya dito. Humandusay sa sahig ang nagulat na si Harry, nahilo ito sa lakas ng suntok at sinubukan niyang makatayo ngunit hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataon. Dahil magkasunod na sun
Matuling pinatakbo ni Xavien ang sasakyan habang sa tabi nito ay tahimik lang na nakamasid sa labas ng bintana ang dalagang si Miles. Halata sa mukha nito na masama pa rin ang loob niya dahil sa ginawa ni Xavien. Maya-maya ay lumalim ang gatla sa noo ni Miles ng napansin niya na iba na ang daang tinutumbok ng kanilang sasakyan. “Where are we going?” Nagtataka na tanong ni Miles ngunit wala siyang natanggap na anumang sagot mula sa binata. Basta patuloy lang ito sa matuling pagmamaneho. “Xavien, saan mo ako dadalhin? Answer me!” Matigas na tanong ni Miles na ang tinig nito ay kababakasan mo ng pangamba. Nagsimula na siyang magpanik dahil sa kakaibang ikinikilos ng binata. “Stop the car, now!” Matigas niyang utos ngunit parang wala itong narinig habang diretsong nakatingin sa unahan ng kotse. “Kapag hindi mo itinigil ang sasakyan ay tatalon ako!” Banta niya dito ngunit nagkibit balikat lang ito na lalong ikinainis ng dalaga. Kumilos ang kamay ni Xavien, habang nagmamaneho ang isa