Click! Click! Click! “Nice one, Maurine!” Anya ng photographer na walang humpay ang pagkuha sa akin ng litrato. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at ibinibigay ang lahat ng makakaya upang maging maganda at kaakit-akit sa mga larawan. Suot ko ang isang red two piece habang panay ang pose ko ng iba’t-ibang posisyon. “Wow, pare ang ganda n’yan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki. Pero, hindi ko na ito pinansin pa basta nag-concentrate lang ako sa pagpopose. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Pauline at inabot sa akin ang isang puting roba. “Mukhang type ka ni boss Felix ah, mag-iingat ka.” Pabulong na sabi nito sa akin habang tinutulungan ako nito na maisuot ang roba sa katawan ko. “Excuse me, hindi ko type ang matandang ‘yun, nandito ako para magtrabaho hindi para pumatol sa isang matandang uhugin na.” Natatawa kong sagot kaya natawa rin sa akin ang kaibigan kong ito na siya ring tumatayong assistant ko. “Kailangan ka ng manager mo sa opisina. Hinihint
“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili ni
“Mula sa ilalim ng mataas na sikat ng araw ay naglalakad ako pababa ng bundok. Pasân ko sa aking likod ang mabigat at may kalakihan na brown bag. Hindi alintana ang masakit na sinag ng araw na tumatama sa aking balat kaya namumula na ito ng husto. Kabababâ ko palang galing bundok kasama ang mga kasamahan ko mula sa isang matagumpay na misyon. Halos ang lahat ng atensyon ay nasa akin dahil kahit haggard ang aking mukha ay nangingibabaw pa rin ang natural kong ganda na hindi mo makikita kahit na kanino babae. Ang pagiging mestisa ko ay bumagay sa magandang hubog ng aking katawan. Sa taas kong five feet and nine inches ay nagmukha akong modelo. Yes, pang modelo ang datingan ng aking awra and take note walang nakakaalam na isa akong Prinsesa sa aming pamilya. Why? Because I’m the one and only daughter of the wealthiest person in the whole world, Mr. Cedric Hilton. And aside from that I have nine brothers and all of them are billionaires. Bukod tanging ako lang ang naiba ng landas sa amin
“Daddy! Mommy!” Masaya kong tawag sa aking mga magulang na parang akala mo ay bata pa rin. Nang makalapit ay mahigpit na niyakap ko ang maganda kong ina bago ito pinupog ng halik sa pisngi kaya naman walang humpay ang katatawa nito. “Enough, Summer, you reach at age twenty five but you act like a five year old kid!” Saway sa akin ni Mommy na idinaan ko na lang sa tawa. "Mommy, aren't you happy that I am here now, and you can be with me every day?" Nakangiti kong tanong bago lumingon sa aking ama na nasa likuran ni Mommy. “Dad, I miss you so much...” Naglalambing kong sabi bago mahigpit na yumakap sa kanya, mahigpit niya akong niyakap bago mariing hinalikan ang bunbunan ko. Pakiramdam ko parang gusto niya akong kargahin na parang akala mo ay isang sanggol. Marahang inugoy pa nito ang katawan ko na wari mo ay nagpapatulog ng bata. Sinong hindi maiinlove sa ganito kalambing at mapagmahal na tatay?“How’s your job, Iha, did you get hurt? Or any injuries?” Nag-aalala na tanong niya sa a
“Gamit ang fast roping rope ay mala spiderman na tumalon kami ng aking mga kasamahan mula sa helicopter papunta sa tuktok ng isang gusali na may eighty-five floor ang taas. Umangat sa ere ang dalawang daliri ni Scorpion isang senyales na simulan na ang aming misyon. Mahigpit akong humawak sa lubid na nakatali sa aking katawan at nagsimula na akong sumipa palayo sa pader kaya lumutang ako sa ere pababa. Makailang ulit ko itong ginawa hanggang sa narating ko ang ika pitumpu’t limang palapag ng building.Walang kamalay-malay ang mga tao na may nagaganap na isang laban ngayong gabi. Payapa man ang paligid ngunit ang bawat segundo na lumilipas ay lubhang mapanganib. Nakasalalay ang buhay ng bawat isa sa amin sa misyong ito. Nakatakda ang paghuli sa matinik na drug lord na ngayon ay kasalukuyang naka check-in sa mamahaling hotel na ito. Ang ilan sa mga kasamahan ko ay naka-assign sa ground floor. Ang target ay nasa ika pitumpu’t limang palapag. Ganito ang buhay ko, pagkatapos ng misyon ko
Nakabibinging hiyawan ng mga tao ang sumasabay sa malakas at maharot na tugtugin sa loob ng isang mamahaling bar. Habang ang lahat ay nagsasaya, nagluluksa naman ako dito sa isang sulok ng bar. Pagkatapos ng misyon ay dito ako dinala ng aking mga paa. Hindi naman talaga ako umiinom ngunit nagdaan ako sa isang training kung paano ihandle ang sarili kapag nasa ilalim ng espiritu ng alak. Kaya okay lang kahit magpakalasing ako dahil kaya kong protektahan ang aking sarili kung sakali. Muli kong tinungga ang huling laman ng aking baso bago pabagsak na ibinaba ito sa lamesa. Pinilit kong makatayo kahit na nahihilo na ako upang pumunta sa gitna ng dance floor. Nais kong lunurin ang aking sarili sa alak hanggang sa maging manhid na ang aking pakiramdam at hindi ko na maramdaman ang sakit ng matinding kabiguan.Halos mabangga ko na ang lahat ng mga nakasalubong kong tao dahil sa pasuray-suray kong lakad. Ngunit wala akong pakialam kahit na magalit pa silang lahat sa akin. Ngayong gabi ay kai
Isang mabigat at mabalahibuhing hita ang gumising sa nahihimbing kong diwa. Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang bawat haplos ng isang kamay sa aking dibdib kaya hindi ko na napigilan pa ang pag-alpas ng isang mahabang ungol mula sa aking bibig kasabay nito ang pag-liyad ng aking katawan. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit wala naman akong ibang makita kundi ang madilim na paligid. Ano ba ang nangyari kagabi? Ang tanging natatandaan ko lang ay nasa isang bar ako para magpakalunod sa alak upang makalimot ngunit paano na humantong ako sa kama ng iba? Nilingon ko ang kaliwang bahagi ko at pilit na inaaninag ang lalaking nakahiga sa tabi ko. Napasinghap ako ng bigla na lang itong kumilos at mabilis na lumipat sa ibabaw ng katawan ko. Kay bilis ng mga pangyayari dahil sa isang iglap ay malaya na naman nitong inaangkin ang aking katawan. Wala na akong ginawa kung hindi ang umungol. Imbes na manlaban ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumutugon sa bawat haplos ng ka
“Nang makapa ko ang unan ay hinila ko ito at itinakip sa aking mukha. Dahil sa mataas na sikat ng araw ay halos hindi ko na maimulat ang aking mga mata dahil sa labis na pagkasilaw. Maya-maya ay bigla akong napabalikwas ng bangon nang maalala ang babaeng kaniig ko buong magdamag. Laking dismaya ko ng sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko na bakante ang kalahating bahagi ng higaan at ang tanging naiwan ay ang bakas ng dugo na sumisimbolo ng kainosentihan nito. Batid ko na kahit lasing ako ng nagdaang gabi ay totoo ang lahat ng naganap sa amin ng babaeng hindi ko nakikilala. Tanging ang magandang mukha lang niya ang natatandaan ko at ang gamit niyang pabango. Nilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakali na may makita na kahit anong bagay na pag-aari ng dalaga. Nakadama ako ng lungkot nang wala akong nakita na anumang bagay na maaaring pagkakakilanlan nito.Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagdesisyon na tumungo sa loob ng banyo. Nang ipikit ko ang aking