Share

I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]
I’m Yours [ Book 3- The Princess of Hilton’s family]
Author: Dragon88@

Chapter 1

“Mula sa ilalim ng mataas na sikat ng araw ay naglalakad ako pababa ng bundok. Pasân ko sa aking likod ang mabigat at may kalakihan na brown bag. Hindi alintana ang masakit na sinag ng araw na tumatama sa aking balat kaya namumula na ito ng husto. Kabababâ ko palang galing bundok kasama ang mga kasamahan ko mula sa isang matagumpay na misyon. Halos ang lahat ng atensyon ay nasa akin dahil kahit haggard ang aking mukha ay nangingibabaw pa rin ang natural kong ganda na hindi mo makikita kahit na kanino babae.

Ang pagiging mestisa ko ay bumagay sa magandang hubog ng aking katawan. Sa taas kong five feet and nine inches ay nagmukha akong modelo. Yes, pang modelo ang datingan ng aking awra and take note walang nakakaalam na isa akong Prinsesa sa aming pamilya. Why? Because I’m the one and only daughter of the wealthiest person in the whole world, Mr. Cedric Hilton. And aside from that I have nine brothers and all of them are billionaires. Bukod tanging ako lang ang naiba ng landas sa aming pamilya.

By the way, I’m Lieutenant. Summer Hilton, a soldier from Armed forces of Montenegro. Mas pinili ko ang maglingkod sa sarili kong bansa kaysa ang humawak sa mga kumpanya na pag-aari ng aming pamilya. Actually I don’t need a job because my money was working for me. Simula ng pumasok ako sa military field ay naging secreto na rin ang buhay ko sa publiko. Ito ang buhay ko at dito ako masaya. May isa pang bahagi ng pagkatao ko ang hindi alam ng lahat maging ng aking pamilya at iyon ay ang pagtatrabaho ko sa isang private agency bilang isang secret agent.

“I am not working a risky job because of money, it’s because I’m happy with what I am now. Hindi ko naman kailangan na mabahala para sa sarili kong kumpanya dahil ipinagkatiwala ko na ito sa matalino kong kapatid, kay kuya Zac.

“Congratulations, Hilton, iba ka talaga.” Nakangiting bati sa akin ni Captain. Vorjoc bago inilahad ang palad nito sa aking harapan. Nakangiti ko naman itong tinanggap, “Of course kailan pa ba pumalpak ang grupo ko?” Mayabang kong sagot bago ko siya kinindatan. Nangibabaw ang halakhak nito sa buong paligid halatang tuwang-tuwa sa kayabangan ko. Alam naman ng lahat ang totoong pagkatao ko pero ako na mismo ang humiling sa kanila na itrato ako na tulad ng isang ordinaryong tao. Makailang beses ko na bang tinanggihan ang mataas na ranggo? Hindi na nga mabilang sa kamay, dahil ayoko ng special treatment

Pagkatapos mag report ay tinungo ko na ang kinapa-paradahan ng aking jeep wrangler, basta ko na lang hinagis ang aking bag sa kabilang side ng front seat bago umupo sa driver seat ng hindi tinatanggal ang malaking shade’s sa aking mata. Walang sinumang civilian ang nakakakilala sa akin kaya malaya akong nakakakilos ng walang media na nagbabantay sa bawat kilos ko.

“Pagdating sa aking condo ay kaagad akong nagbabad sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig habang humahalimuyak ang mabangong aroma ng rosas sa kabuuan ng banyo. Inabot ko ang wine glass na may laman na mamahaling red wine, sinimsim ko muna ito bago ko ininom. Ito ang kadalasan kong ginagawa pagkatapos ng aking misyon, ang mag-relax.

Maya-maya ay narinig ko na tumunog ang telepono mula sa salas kaya pinindot ko ang maliit na remote sa bandang ulunan ko para sagutin ito.

“When do you plan to show me? According to the brigadier general, you are on leave for three months. Come on, Princess, hindi pwedeng habambuhay na lang ako ang maghahandle ng company mo. Look, I have family na kailangan din ng oras ko.” Mahabang sabi ni kuya Zac mula sa kabilang linya, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumagot.

“Don’t worry, maybe next week I will handle the company personally.” Nakangiti kong sagot, masaya ako para kay kuya Zac dahil natagpuan na niya ang tamang babae para sa kanya. Mabait si Ate Vernice at nakikita ko na talagang masaya si kuya Zac sa bago niyang buhay ngayon.

“Why don’t you stop at your job, Princess? Hindi mo kailangan na ilagay sa panganib ang sarili mo ng dahil lang d’yan sa trabaho na ‘yan.” Panenermon sa akin ni kuya Zac kaya lalong lumapad ang ngiti ko dahil batid ko na siya ang natatakot para sa akin. Sa aming magkakapatid ay si kuya Zac ang may pinaka malambot na puso lalo na pagdating sa amin na mga kapatid n’ya.

“Kuya, You know naman why I choose this profession, my life is boring without my job, army is my happiness.” Malambing kong sagot kaya narinig ko ang mabigat na buntong hininga na pinakawalan nito.

“You are really stubborn, by the way, when you’re going back here in the Philippines?” Pag-iiba niya sa usapan.

“Soon kuya, when I have done all my obligations here in Montenegro.” Malumanay kong sagot.

“Dad, why so tagal naman, I’m running late na kaya.” Napangiti ako ng marinig ko ang maarteng boses ng pamangkin kong si Zevi.

“You see, I'm still talking to aunt Summer.” Seryosong sagot ni kuya Zac ngunit hindi man lang na takot sa kanyang ama si Zevi.

“Ten minutes, Daddy, ten minutes…” matigas na sagot ng munting si Zevi kaya tuluyan na akong humalakhak dahil para itong matanda kung magsalita kahit na four years old pa lang ito.

“Narinig mo ‘yun? Manang-mana talaga sa ina.” Sumusukong sabi ni kuya Zac kaya walang tigil ako sa katatawa. “I’m gonna go now, Princess, ihahatid ko pa sa school ang mga pamangkin mo, hindi papasok sa school ang mga batang iyon kapag hindi ako ang naghatid sa kanila.” Dugtong pa ni kuya Zac.

“Okay, kuya, thank you so much, bye, take care.” Ani ko hanggang sa naputol na ang tawag. Pagkababâ ko ng telepono ay nagdesisyon na akong magshower upang umidlip muna dahil kailangan ko pang-pumunta sa kumpanya ng boyfriend ko. Siguradong matutuwa siya sa oras na makita ako dahil hindi niya alam na off duty ako ngayon. Pagkatapos tuyuin ang aking katawan maging ang buhok ko ay kaagad akong nahiga sa malambot na kama. Mabilis akong iginupo ng antok dahil sa matinding pagod mula sa pakikipag-bakbakan sa mga rebelde sa bundok.

Five thirty ng hapon ng magising ako. Tinatamad na bumangon ako mula sa higaan upang ayusin ang aking sarili. In fifteen minutes ay natapos ko kaagad ang pag-aayos sa aking sarili. Sa suot kong mini dress na umabot hanggang kalahati ng hita ko ay walang mag-aakala na isa akong sundalo. Isang ikot lang ang ginawa ko sa salamin bago dinampot ang aking shoulder bag na nagkakahalaga ng kalahating million.

Malaki ang tiwala ko sa aking sarili dahil ipinanganak akong maganda kaya kahit hindi na ako mag-ayos ay batid ko na maganda pa rin ako sa paningin ng lahat. Banayad ang bawat kilos ko habang naglalakad patungo sa naka saradong pintuan. Tulad ng inaasahan ko pagdating sa lobby ang lahat ng atensyon ay nasa akin ngunit diretso lang akong naglalakad na parang akala moy sundalo. Hindi naman nila nakikita ang buong mukha ko dahil sa malaking shades na nasa aking mga mata.

Mahinhin na binuksan ko ang pintuan ng aking kotse bago sumakay, kung gaano kahinhin ang kilos ko ay siya namang kagaslaw ng takbo nang aking sasakyan. Dahil wari mo ay nasa isang karera ako kung mag drive.

Halos minuto lang ang tinakbo ng aking sasakyan at mabilis na nakarating sa kumpanya na pag-aari ng aking boyfriend.

Pagdating ko sa lobby ay pawang mga nakangiti sa akin ang lahat ng empleyado habang binabati ako ng mga ito. Kilalang-kilala na nila akong nobya ng kanilang boss ngunit hanggang dun lang ang alam nila. Walang nakakaalam na anak ako ni Cedric Hilton.

“Hello, Ms. Summer.” Malambing na bati sa akin ni Janela ang secretary ng boyfriend ko, isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago tinanggal ang suot kong salamin sa mata.

“Si Johnny?” Nakangiti kong tanong.

“Nasa loob po, pumasok na lang po kayo sa loob.” Magalang niyang sagot. Lumapit ako sa pintuan at pinihit ang seradura. Nakita ko na nag-angat ng kanyang tingin si Johnny at napako ang mga mata nito sa aking mukha. Biglang nagliwanag ang kaninang seryoso nitong mukha ng makita ako at kaagad siyang tumayo upang lumapit sa akin.

Siya si Johnny Zimmer ang may-ari ng Auto parts corporation. Matanda lang siya sa akin ng tatlong taon. Mabait ang boyfriend kong ito at malambing, very professional din, kahit pa sabihin na walang sinabi ang kumpanya nito sa mga kumpanya na pag-aari ng pamilya ko ay nasaksihan ko kung paano siyang nagsikap upang maiahon ito sa kamuntikan ng pagkalugi.

“Babe!” Masigla niyang bigkas bago ako nito sinugod ng yakap na halos hindi na ako makahinga. Isang mapusok na halik ang kaagad na iginawad niya sa aking mga labi. “I miss you so much…” madamdamin niyang wika ng saglit na putulin nito ang halik. “ I miss you too, Babe.” Malambing kong sagot habang nakayakap sa kanyang bawang.

“Bakit hindi mo ako inabisuhan na ngayon ka pala darating? Napaghanda ko sana ang pagdating mo.” Malambing niyang sabi habang gumagapang na ang mga labi nito pababa sa aking leeg kaya naipikit ko ang aking mga mata dahil sa ibayong kiliti na naramdaman ko. Naramdaman ko na mabilis na gumapang ang kanyang mga kamay sa aking katawan hanggang sa huminto na ito sa tapat ng dibdib ko.

“P-Paano pang matatawag na surpresa ‘yun kung ipapaalam ko sayo.” Halos padaíng kong bigkas habang nakapikit at bahagyang nakatingala. Mas lalo niyang idiniin ang sarili sa aking katawan marahil ay upang maramdaman ko kung gaano siyang nasabik sa akin. Ilang sandali pa ay binuhat niya ako at iniupo sa ibabaw ng kanyang lamesa. Mabilis din niyang na-i-lilis ang laylayan ng aking damit kaya tumambad sa kanyang paningin ang maputi kong singit.

“You’re so lovely, Sweetheart, I love you…” malambing niyang bulong sa tapat ng aking tainga habang ang mga kamay nito ay patuloy na gumagapang sa aking katawan.

“"Princess, can you promise to Daddy that you won't give everything to your boyfriend until you're married yet?" Umalingawngaw mula sa aking isipan ang tinig ni daddy maging ang mahigpit niyang bilin sa akin. Dahil dun ay bigla akong natauhan at kaagad na pinigilan si Johnny.

“B-babe…” ani ko bago pinigilan ang kamay nito na nasa loob na ng aking damit. Isang mabigat na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya, batid ko na labag ito sa kanyang kalooban ngunit aware naman siya sa kung ano ang nais kong mangyari. Sa loob ng tatlong taon na pagiging mag boyfriend namin ni Johnny ay wala pang nangyayari sa aming dalawa. Aaminin ko na sa edad twenty five ay daddy’s girl pa rin ako. My father’s words are the most important for me because he is the first and the most precious man in my heart. And Johnny was aware about that.

But sometimes this is the reason why we always quarrel, he always insists that he is my fiancee at sinasabi niya na he has a right to claim what is his. There is two months left before we get married and I know that he can wait for it.

"Until now you still don't trust me?” Malungkot na tanong sa akin ni Johnny, bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin at bumalik ito sa kanyang lamesa.

“Do I really need to answer that, Johnny? You know what my reason is, right? Don’t tell me mag-aaway na naman tayo ng dahil d’yan?” Naiinis kong sabi habang inaayos ang nagusot kong damit. Isang buntong hininga ang muli niyang pinakawalan bago inilahad ang kanyang mga braso sa ere.

“Come my heart,” malumanay niyang sabi ngunit may halong lambing. Nangha-haba ang aking nguso na lumapit sa kanya.

"I'm sorry if I offended you; you can't blame me because my heart is so beautiful that it's challenging to resist." Nakangiti na niyang sabi kaya isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko at naglalambing na niyakap ko siya.”

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Dragon88@
If you think my story is not up to your standard, much better to find a good one. Kaysa magbitaw kayo ng hindi magandang salita, because I am not professional writer. Thank you.
goodnovel comment avatar
Dragon88@
Salamat po…
goodnovel comment avatar
Nan
Ganda story I like it
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status