“Nang makapa ko ang unan ay hinila ko ito at itinakip sa aking mukha. Dahil sa mataas na sikat ng araw ay halos hindi ko na maimulat ang aking mga mata dahil sa labis na pagkasilaw. Maya-maya ay bigla akong napabalikwas ng bangon nang maalala ang babaeng kaniig ko buong magdamag. Laking dismaya ko ng sa pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko na bakante ang kalahating bahagi ng higaan at ang tanging naiwan ay ang bakas ng dugo na sumisimbolo ng kainosentihan nito.
Batid ko na kahit lasing ako ng nagdaang gabi ay totoo ang lahat ng naganap sa amin ng babaeng hindi ko nakikilala. Tanging ang magandang mukha lang niya ang natatandaan ko at ang gamit niyang pabango. Nilibot ko ang aking paningin, nagbabakasakali na may makita na kahit anong bagay na pag-aari ng dalaga. Nakadama ako ng lungkot nang wala akong nakita na anumang bagay na maaaring pagkakakilanlan nito.Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagdesisyon na tumungo sa loob ng banyo. Nang ipikit ko ang aking mga mata ay biglang lumitaw ang isang mainit na tagpo na siyang namagitan sa amin, dito mismo sa loob ng banyo. Bakit pagdating sa babaeng ‘yun ay mabilis na nag-iinit ang katawan ko? Pakiramdam ko tuloy ay nagmumukha akong manyakis ng dahil sa kanya.Tanging siya lang ang nakakuha ng interest ko dahil karamihan sa mga babae na nakakasalamuha ko ay sila mismo ang naghahain ng kanilang mga sarili. Unang kita ko pa lang sa dalaga na nagsasayaw na mag-isa sa gitna ng dance floor ay nakaramdam na kaagad ako ng espesyal na damdamin na kay hirap ipaliwanag.Walang silbi ang malamig na tubig na dumadaloy sa aking katawan dahil hanggang ngayon ay hindi nawawala ang init ng aking pakiramdam. Mabilis na tinapos ang paliligo at kaagad na nagsuot ng isang formal attire. Ngayong araw naka-schedule ang pictorial ko para sa isang sikat na Tailoring company.Hindi na ako nag-abala pa na tuyuin ang aking buhok at kaagad na lumabas ng condo. Pagdating sa labas ay mabilis na lumapit sa akin ang nasa anim na bodyguard ko kasama ang aking P.A. Nang makapasok ako sa loob ng sasakyan ay saka pa lang nagsipasukan sa kabilang sasakyan ang mga tauhan ko.Hindi ako nawawalan ng bodyguard sa paligid dahil bukod sa mga fans na gusto akong dumugin ay nakatanggap din ako ng mga pagbabanta sa buhay ko.I'm Hanz Zimmer, a famous Hollywood star not only in Montenegro but also internationally. Aside from being an actor, I'm also a businessman, managing our family’s company. As the only child, I bear the responsibilities for our family. In my ten years in the industry, I've become familiar with the attitudes of all the people I interact with, many of whom are politicians seeking to use my name for their public image.“Hi Babe!” Masayang bati ni Scarlet habang naglalakad siya palapit sa akin. Si Scarlet ang long time girlfriend ko na ngayon ay fiancee ko na. Siya rin ang ka-love team ko sa mga proyekto. Nakangiti na pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha, napakaswerte ko dahil sa dinami-rami ng lalaki sa mundong ginagalawan namin ay sa akin siya napunta. Si Scarlett ang klase ng babae na bukod sa maganda na ay sexy pa kaya talagang kinaiinggitan ako ng mga kabaro ko. Lalo na ang sobrang malambing nito kahit in public. Maraming beses din kaming naghiwalay dahil sa pagiging selosa nito, ngunit, sa huli ay hindi rin naman niya ako matiis at kusa siyang pumupunta sa condo ko para suyuin ako.Habang nakatitig sa mukha ng aking nobya ay biglang lumitaw mula sa balintataw ko ang mala anghel na mukha ng dalagang natutulog sa mga bisig ko kagabi. Ewan ko ba, ngunit, bakit sinasabi yata ng puso ko na wala ng makahihigit pa sa maladiyosa nitong ganda. At sa tuwing pumapasok sa aking isipan ang maamo niyang mukha ay parang sinisilihan ang aking pakiramdam.Nang tuluyang makalapit sa akin si Scarlett ay napalunok ako ng wala sa oras at parang gusto kong batukan ang aking sarili. Dahil hindi ko na namamalayan na ipinagkukumpara ko na ang girlfriend ko sa estrangherang babae. Pakiramdam ko pati ay biglang lumayo ang loob ko kay Scarlett..Isang matamis na halik ang iginawad niya sa akin bago ako nito niyakap ng mahigpit. Dala ng matinding konsens’ya ay mahigpit ko rin siyang niyakap. Tama, mahal ko si Scarlett at tanging siya lang ang sineryoso ko. Makailang beses din akong nagkaroon ng ibang babae ngunit sa huli ay sa kanya pa rin ako bumabalik. Iyon ang naging palatandaan ko na mahal ko talaga si Scarlett kaya inalok ko na ito ng kasal noong nakaraang linggo lamang.“Babe, naghintay ako sayo kagabi pero hindi ka dumating. Is there something wrong?” Nag-aalala na tanong niya sa akin. Napakahinhin ng boses nito na kung iyong pakikinggan ay tila hindi marunong magalit.“I’m sorry, Babe, nalasing kasi ako kagabi kaya nakalimutan ko na puntahan ka sa condo mo.” Ani ko habang nakayakap sa mabango niyang katawan. “Ngunit higit na mas mabango ang amoy ng estrangherang babae at batid ko na hindi basta-basta ang pabango na gamit niya dahil sa kalidad ng amoy nito. Eto na naman ako! Bakit ba lagi na lang kumukontra ang kabilang bahagi ng utak ko sa tuwing pupurihin ko ang fiancee ko? At mas napagtutuunan ko pa ng pansin ang katangian ng babaeng naka one night-stand ko. “Babe?” Nagising ang diwa ko mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang tinig ni Scarlett na tumatawag sa akin.“Ah, yes Babe?” Wala sa sariling sagot ko na siyang ikinasimangot ng kanyang mukha at isang nagdududa na tingin ang ibinigay niya sa akin.“Tell me, Hanz, may kinababaliwan ka na bang ibang babae?” Diretsahan niyang tanong sa akin habang nakatitig siya sa aking mga mata. Mabilis na hinawi ang sarili at umakto na hindi apektado sa tanong nito.“Babe, naman, nakita mo nang kabilaan ang proyekto ko at marami akong kailangan na i-memorize. Artista ka rin and it’s really part of our life na bigla na lang nawawala sa sarili dahil sa dami ng trabaho. Do you think may time pa ba ako na mambabae?” Nakita ko na lumambot ang expression ng kanyang mukha dahil sa defense mechanisms na ginamit ko sa kanya. Naku-konsensya na niyakap ako nito bago naglalambing na isinandig ang ulo sa aking dibdib.“I’m so sorry, Babe, hindi ko sinasadya, promise hindi na mauulit.” Malumanay niyang sabi habang masuyong hinahaplos ang aking likod. Kung noon ay konting himas lang niya sa akin ay agad na nag-iinit ang aking pakiramdam ngunit ngayon ay bakit parang nawalan na yata ako ng gana? Wala na siyang epekto sa akin, parang mas gusto ko na lumayo sa kanya at mapag-isa na lamang.“Ahm, Babe, may sasabihin ako, and I hope na hindi ka magagalit sa akin.” Malambing na sabi ni Scarlett habang masuyong hinahaplos ang aking braso. Napangiti ako sa inakto niya, hinila ko siya palapit sa akin saka niyakap bago ibinaon ang mukha sa pagitan ng leeg nito.“Hmm?” Anas ko, habang nagla-landas ang aking mga labi sa makinis niyang balat. “Tumanggap kasi ako ng isang malaking project mula sa ibang management. Million ang offer nila sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip na pirmahan ang kontrata.” Batid ko na kinakabahan siya habang nagsasalita dahil ramdam ko ang malakas na tibôk ng kanyang puso. Natigil ako sa aking ginagawa at seryoso na hinarap ko siya.“Ilang beses na nating pinagtatalunan ‘yan pero hindi ka parin nakinig, at nagawa mo pa talaga na pumirma ng hindi ko alam?” Matigas kong tanong at galit na lumayo sa kanya, dahil sa sinabi nito ay lalo lang akong nawalan ng gana sa kanya. Ito kasi ang ayoko sa lahat ang maitambal siya sa ibang mga artistang lalaki. Aware naman ang lahat tungkol sa relasyon naming dalawa. At marami na ang sumubok na paghiwalayin kami ng nobya ko. Pero ngayon ay hindi ako makapaniwala na nagawa ni Scarlett na tumanggap ng project mula sa ibang management ng walang abiso ko.“Is that what you want? Then, fine, do what you want.” Matigas kong saad bago tumayo at lumabas na sa aking dressing room. “ Hanz!” Narinig kong tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa.”"I'm sure that it was really Summer whom I saw that night from outside the glass wall.” Nababahala na sabi ni Johnny habang pabalik-balik itong naglalakad sa harapan ni Wilma. “Are you not happy? Because we don’t need to hide behind her, and it’s not hard for us to tell her about our relationship.” Kalmado na sabi ni Wilma habang nakaupo ito sa ibabaw ng office table ni Johnny. Sinusundan ng kanyang mga mata ang bawat kilos ng binata. Sa totoo lang ay labis na nagdiriwang ang kanyang kalooban dahil sa wakas ay tuluyan ng napunta sa kanya ang lalaking kay tagal na niyang inaasam. Hindi na niya kailangan pang magpanggap sa harap ng kaibigan na si Summer, kung sakaling totoo nga ang hinala ni Johnny na si Summer talaga ang nakita nito mula sa labas ng glass wall.” Ito ang tumatakbo sa isipan ni Wilma ngunit ang kasiyahan na nararamdaman niya ay taliwas sa nararamdaman ng binata. Hindi mapakali si Johnny at labis siyang nababahala sa biglaang pagkawala ng kanyang nobya. Sinubukan niya n
Hindi makapaniwala si Cedric ng makita ang itsura ng kanyang pinakamamahal na anak. Nakadama siya ng matinding kahihiyan sa harap ng kanyang mga kausap dahil ang Summer na nasa kanilang harapan ay malayo sa katotohanan mula sa mga salita na kanyang ginamit sa paglalarawan para sa kanyang Prinsesa. “My goodness, ano na namang kalokohan ito, Summer?” Madilim ang mukha na tanong ni Cedric sa pasaway na anak. Nakadama ng takot ang mag-anak ng makita ang galit sa mukha ni Mr. Hilton.Laglag ang panga ni Lorenzo at malaking disappointment ang makikita sa mukha ng binata. Bigla siyang nawalan ng gana at kaagad na tumayo saka nagmamadaling nagpaalam sa kanyang mga magulang.“Ahm, excuse me, Mr. Hilton, but I don’t want to marry your daughter, I am sorry.” Matatag na pahayag ng binata, “ Lorenzo!” Halos sabay na sabi ng mag-asawang Jimenez kaya bumaling sa kanila ang binata. “I'm sorry, Dad but I can’t.” Pagkatapos sabihin iyon ay saglit na tinapunan nito ng tingin si Summer at umiiling na tu
“Sir, everything is ready, naghihintay na po ang lahat ng mga tao sa labas.” Anya ng staff kaya umibis na ako sa sasakyan at naglakad patungo sa loob ng Mall of Asia. Ngayon kasi naka schedule ang Hanz fansign event na gaganapin dito sa loob ng malaking mall. Halos isang linggo akong mananatili dito sa Pilipinas dahil sa bagong kumpanya ng aking kaibigan na bubuksan na sa susunod na buwan. Almost half of shares ng kanyang kumpanya ay sa akin manggagaling, medyo malaki rin ang halaga na bibitawan ko para sa bagong negosyo na papasukin ko. Sinamantala na ng management ang pagkakataon kaya nagschedule sila ng isang meeting para sa mga fans ko bilang pasasalamat sa pagtangkilik nila sa mga movie na ginawa ko. Pagdating sa entrance ay tumambad sa aking paningin ang napakaraming tao at karamihan sa mga ito ay puro mga babae. Ang lahat ay may nakapaskil na magandang ngiti sa kanilang mga labi habang kinikilig na nakatingin sa aking direksyon. Nakabibinging tilian ang maririnig sa buong pali
Hanz Point of view“I’m so sorry sir, pero hindi po kayo maaaring magpakasal.” Anya ng taong pinagkakatiwalaan ko na siyang nag-a-asikaso ng mga kailangan ko para sa aking kasal. Mahigit isang buwan na kasi ang lumipas at hindi na rin ako umaasa na magkikita pa kami ng babaeng naka one-night-stand ko. Kaya nagdesisyon ako na ituon na lang ang buong atensyon ko sa aking nobya. “What do you mean by that?” Naguguluhan kong tanong sa kanya maging si Scarlett ay naguguluhan sa sinabi ng aking tauhan. “Dahil ikinasal ka na sa babaeng nagngangalang Summer Hilton.” Ito ang gumimbal sa akin, at kulang na lang ay mahulog ako sa aking kinauupuan dahil sa labis na pagkabigla.“What?” Gulat na sambit ni Scarlett, bigla siyang napatayo mula sa kanyang kinauupuan. Kasunod nito ay nagdilim ang kanyang mukha at nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata na tumitig sa akin. “How dare you! How dare you! Kailan mo pa ako niloloko? Ha!” “Pak!” Nanggagalaiti niyang tanong sa akin na sinundan ito ng isang
Alas kwatro ng hapon at kasalukuyan kaming lulan ng isang black mercedes benz at tinutumbok ang daan patungo sa Villa ng mga Zimmer. Ngayong araw ay nakatakda ang paghaharap namin ng mga magulang ng aking asawa. Imbes na kabahan ay wala akong pakialam sa aking paligid habang patuloy lang na lumalamon. Hindi na halos maipinta ang mukha ng asawa ko, nakingiwi pa ang mukha nito habang pasimple itong sumusulyap sa akin. Halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na nakapag-asawa siya ng isang katulad ko. “Ehem, saan mo ba nilalagay ang mga kinakain mo at wala kang tigil sa kangunguya?” Hindi nakatiis na tanong niya sa akin, “tubig.” Walang gana kong utos sa kanya habang inaayos ang mga pinagkainan ko. Ni hindi ko binigyang pansin ang tanong niya sa akin. “Excuse me?” Napipikon niyang tanong sa akin kaya humarap na ako sa kanya, “ t-u-b-i-g, now it’s clear?” Ani ko na wari mo ay isang tanga ang kaharap ko na mahirap umintindi. Kita ko kung paanong nagdilim ang mukha nito da
“Sa dinami-dami ng babae sa mundo bakit siya pa? Hindi ba’t kayo ni Scarlett ang ikakasal at nakahanda na ang lahat? Kaya paanong naikasal ka sa isang ma- hmp, hay!” Galit na turan ng mommy ni Hanz habang nakaturo ang hintuturo nito sa akin. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan habang tahimik na tinatanggap ang lahat ng masasakit na salita mula sa aking biyenan. Nanggagalaiti siya sa galit habang matalim ang tingin na ipinupukol niya sa akin. “Hindi ko matatanggap bilang manugang ang babaeng ‘yan! Ano na lang ang sasabihin ng angkan natin? Maging ng mga kaibigan ko? Sobrang kahihiyan itong ibinigay mo sa akin Hanz!” Patuloy sa walang habas na pagbibitaw ng masasakit na salita si Mrs. Zimmer na para bang wala ako sa kanyang harapan. Wala siyang pakialam kahit na nasasaktan na ako sa mga salitang ibinabato niya sa akin. Sa tingin ko nga ay sinasadya talaga niyang sabihin ito ng harap-harapan para magbago ang isip ko at ako na ang kusang umalis. Mas pinili ko na lang ang tanggapin
Kinabukasan ay maaga akong nagising, four o’clock ng umaga ng tumungo ako sa kusina at ang tanging nadatnan ko lang ay ang mga katulong na kay aga-aga puro tsimisan ang inaatupag. “Nakita n’yo ba ‘yong asawa ni sir, Hanz kagabi?” Ani ng isa sabay kagat sa hawak nitong sandwich. “Ay, Oo, grabe, bukod sa pangit na ang taba-taba pa na parang akala mo ay pinabayaan sa kusina, tsk, naaawa ako kay sir Hanz.” Sagot naman ng isang tsismosa. “Ano kayang nagustuhan ni Sir sa babaeng ‘yun? Di hamak na mas maganda pa ako sa asawa n’ya.” Singit naman ng isang kasambahay na may makapal na mukha sabay higop sa mainit nitong kape. “Baka naman pinainom niya si Sir ng pinaghugasan?” Ani ng isa na siyang ikinakunot ng noo ko. “Huh? Anong pinaghugasan?” Tanong ng naunang katulong. Napangiti pa ako dahil iisa ang nasa isip namin. “Iyon bang pinaghugasan ng ginamit niyang panty para magayuma si Sir.” Ani ng matandang katulong. Umusok bigla ang ilong ko dahil sa usapan ng mga ito. Sa sobrang abala ni
“Kanina pa hindi maipinta ang mukha ko dahil sa sobrang inis, akala ko pa naman ay may magandang mangyayari sa pagsama ko dito sa trabaho ng aking asawa. Mukhang masusukat ang haba ng pasensya ko dito. Halos isang oras na ako sa loob ng sasakyan at talagang nababagot na ako. Ang magaling na lalaki ay iniwan akong mag-isa dito habang nag sho-shooting sila sa labas. Ang bilin niya sa akin ay huwag lalabas ng sasakyan pero mukhang hindi ko masusunod ang nais nito. Dahil hindi ko na kaya pang tumagal kahit isang minuto sa loob ng sasakyan. Para na ngang sinisilihan ang pwet ko. Pagbukas ko sa pintuan ng sasakyan ay napalingon sa akin ang ilang mga staff na hindi magkandatuto sa kanilang mga ginagawa. Walang pakialam na isinarado ko ang pintuan ng kotse saka inilibot ang aking paningin sa paligid dahil hinahanap ko ang aking asawa. “Hoy, ikaw! Anong tinatayo-tayo mo d’yan? Nakita mo ng hindi magkandaugaga ang mga kasamahan mo pero ikaw pa easy-easy ka lang?” Galit na sermon sa akin ng i