“Habang nagmumuni-muni ako na nakahiga sa mahabang sofa dito sa opisina ni Winter ay narinig ko ang pagclick ng camera mula sa harapan ko. Mabilis na iminulat ko ang aking mga mata. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na kinukuhanan pala ako ni Winter ng picture. Simula kasi ng pumasok ako sa loob ng opisina nito ay may trenta minuto na akong hindi pa lumalabas. Kaya hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa labas ang aking asawa at ang mga empleyado ng kapatid ko. “Teka anong gagawin mo d’yan?” Nagtataka kong tanong saka mabilis na tumayo dahil mukhang nahuhulaan ko na kung ano ang tumatakbo sa isip nito. “Ano kaya ang magiging reaksyon ng lahat kapag nakita nila ang magandang Prinsesa nila na mukha ng pinagkaitan ng kapalaran.” Nakangisi niyang sabi kasunod nun ay ang pagtunog ng cellphone ko. At halos walang humpay ang pagpasok ng mga notification kaya kaagad kong inilabas ang cellphone mula sa aking bulsa. “OMG! Is that, Summer?” “Yuck! I told you, she’s ugly.” Message ni Xion a
Naalimpungatan ako dahil sa pagtunog ng maliit na device na ikinabit ko sa likod ng pintuan. Mukhang kanina pa yata ito nag-iinagay at dahil sa himbing ng tulog ko ay hindi ko na narinig. Maya-maya ay nakarinig ako ng isang malakas na lagabog mula sa labas na para bang may mabigat na bagay na humampas sa pintuan ng aking kwarto. Kaagad kong binuksan ang laptop at kumunot ang noo ko ng makita ko na nakahandusay ang aking asawa sa tapat ng kwarto ko. Mukhang lasing ito dahil nahihirapn siyang bumangon. Ala una na palang ng madaling araw kaya sigurado ako na tulog na ang lahat. Bago pa lumikha ng ingay ang aking asawa ay mabilis akong bumangon at kaagad na binuksan ang pintuan. tinulungan ko siyang makabangon ngunit ng makatayo ito ay bigla na lang niya akong hinalikan sa mga labi. Masyado itong mapusok at habang humahakbang papasok sa loob ng aking kwarto ay patuloy na nilalamas niya ang aking katawan.Nag-init bigla ang aking pakiramdam at halos nakalimutan ko na nakahantad ang totoon
Tinatamad na bumangon ako mula sa higaan, pakiramdam ko ay parang ba-baliktad yata ang sikmura ko. Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit ko pa ring kumilos, naligo na lang ako ng maligamgam na tubig upang bumuti ang aking pakiramdam. Pagkatapos maligo ay pinatuyô ko ang aking katawan gamit ang isang tuwalya at blower para mabilis na matuyo. Saka ko isinuot ang aking pekeng katawan. Paglabas ko ng kwarto ay nagtataka ako ng wala ni isang katulong ang sumalubong sa akin. Wala rin akong nakitang tao sa paligid o kahit sa kusina man. “Ano bang nangyari dito? At tinalo pa ang haunted house na wala man lang kahit isang tao?” Naguguluhan kong tanong sa aking sarili. Maya-maya ay narinig ko ang ilang mga yabag patungo sa aking direksiyon kaya pumihit ako paharap sa aking likuran. Ang seryosong mukha ng aking biyenan na babae ang sumalubong sa akin, habang sa likod nito ay dalawang katulong na hindi rin maganda ang tingin ng ipinupukol nila sa akin. Tahimik akong naghihintay sa kanilang pa
“PAK!” isang malutong na sampal ang dumapo sa mukha ko, pakiramdam ko ay para na akong bomba na sasabog anumang oras. “Oh, Lord, pagkalooban mo pa ako ng mahabang pasensya.” Piping dalangin ko na sinundan ng isang malalim na buntong hininga. For me hindi naman masakit ang sampal pero nakakawala ito ng respeto at dignidad. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at ilang segundo ang lumipas bago ko ito pinakawalan. Kailangan kong gawin iyon upang kahit papaano ay kumalma ang pakiramdam ko. Kasama ito sa mga training na pinagdaanan ko at iyon ay kung paano mong ko-kontrolin ang emosyon mo sa harap ng kalaban. “How dare you to frame up my son and force him to marry you? What a disgraceful and desperate woman!” Nanggagalaiti sa galit na sabi ng aking biyenan habang isang nanghahamak na tingin ang binigay niya sa akin. She’s right, I am a desperate woman but I have a good reason kung bakit kailangan na gawin ko ang bagay na ‘yun. At iyon ay para sa kinabukasan ng aking anak. Hindi ko naman
“Ilang linggo ang lumipas, akala ko magiging okay din ang lahat. Ayos lang sa akin kahit na pinapahirapan ako ng aking biyenan ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang mas malamig na pakikitungo sa akin ni Hanz. O mas tamang sabihin na iniiwasan ako nito. Napapadalas na rin ang pagtulog ni Scarlett sa kwarto ng aking asawa. Ako nga ang asawa ngunit sa gabi ay iba ang kaulayaw nito. Wala na akong ginawa sa bawat gabi kundi ang umiyak habang yakap ang aking unan. Hindi ko na yata kilala ang aking sarili. Dahil tuluyan ng binura ng pamilyang ito ang totoong Summer. Kinaumagahan ay tahimik akong nagpupunas ng ilang appliances kasama ang mga ilang katulong ng dumating ang aking biyenan kasama ang paborito nitong si Scarlett. “Iha, labis mo akong pinahanga sa galing mo sa pag-arte, imagine pumalo sa million ang halaga ng kinita ng iyong pelikula? Amazing, congratulations.” Natutuwang bati nito sa dalaga. Habang si Scarlett ay abot tainga ang ngiti. Pinagsa-walang-kibo ko na lang ang lahat at
Summer’s Point of view “Blag!” Galit na ibinato ni Scarlett ang maliit na balde sa gilid ko na halos mabasag ito ngunit nanatiling blanko ang aking mukha. Na para bang walang epekto sa akin ang galit niya. “How dare you do this to me?” Ani ni Scarlett sa matigas na tinig. Namumula na ang kanyang mukha dahil sa matinding galit. Parang gusto kong humalakhak ng tawa dahil siya pa ang napipikon sa sarili niyang kapalpakan. Umangat ang kanang kamay niya at akmang sasampalin ako, triple ang bilis ng aking kamay kaya nagulat siya ng sa isang iglap ay mahigpit ko ng hawak ang palapulsuhan nito. Saglit siyang natigilan at nan-lalaki ang kanyang mga mata na parang hindi makapaniwala na tumitig sa aking mukha. Nang mahimasmasan ito ay pilit na binawi niya ang braso mula sa pagkaka-hawak ko ngunit kahit katiting ay hindi niya maigalaw ang kanyang braso. Sa tingin ko ay ginamit na niya ang buong pwersa n’ya samantalang ako ay alalay lang ang ginawa kong paghawak sa kanya. “Let me go! Piggy!”
Summer’s Point of view “Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto, mabigat ang katawan na bumangon ako mula sa higaan. Nilingon ko ang orasan at halos manlaki ang aking mga mata ng makita ko na alastres na pala ng hapon. Mukhang napasarap yata ang tulog ko dahil inabot ito ng limang oras. Ngunit, ang labis na ipinagtataka ko ay hindi ako binulabog ng maingay na bunganga ng aking biyenan. Biglang kumalam ang sikmura ko kaya kaagad kong inayos ang aking sarili at naghanda na para sa paglabas ng kwarto. Siguradong tambak na naman ang trabahong gagawin ko dahil batid ko na sinasadya ito ng aking biyenan para pahirapan akong lalo at kusang lumayas sa bahay na ito. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko, habang ikinakabit ang peke kong buhok. Nang masigurado ko na maayos na ang lahat ay tahimik akong lumabas ng kwarto. Dalawang hakbang na lang at malapit na sana ako may sa hagdan ngunit nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng anim na katulong sa aking hara
Pakiramdam ko ay para akong nakalutang sa alapaap habang namimili ng magandang damit na susuotin ko. Napili kong isuot ay ang isang maong na pants at white long sleeve na tinernuhan ko ng isang black na rubber shoes. Masasabi ko na mas maayos na itong suot ko kumpara sa mga damit na kadalasan kong sinusuot tuwing may lalakaran ako.“Bakit ba ang tagal mo?” Naiinis na sabi ni Hanz, pagbukas ko pa lang ng pintuan ay ito na kaagad ang bungad niya sa akin. Hindi ako sumagot at mas pinili kong manahimik na lang. Sinigurado ko na malamig pa rin ang pakikitungo ko sa aking asawa para maramdaman niya na masama ang loob ko sa kanya. Walang imikan na bumaba kami ng hagdan kaya nalipat sa aming direksyon ang tingin ng lahat. Mabilis akong nagyuko ng aking ulo ng tumingin sa akin si Tita Chloe. I’m sure hindi naman niya ako makikilala dahil sa itsura ko.“Iho, saan ka pupunta?” Nagtataka na tanong ng aking biyenan. Kahit hindi ko sila nakikita ay ramdam ko pa rin ang talim ng kanilang mga tingin