Pakiramdam ko ay para akong nakalutang sa alapaap habang namimili ng magandang damit na susuotin ko. Napili kong isuot ay ang isang maong na pants at white long sleeve na tinernuhan ko ng isang black na rubber shoes. Masasabi ko na mas maayos na itong suot ko kumpara sa mga damit na kadalasan kong sinusuot tuwing may lalakaran ako.“Bakit ba ang tagal mo?” Naiinis na sabi ni Hanz, pagbukas ko pa lang ng pintuan ay ito na kaagad ang bungad niya sa akin. Hindi ako sumagot at mas pinili kong manahimik na lang. Sinigurado ko na malamig pa rin ang pakikitungo ko sa aking asawa para maramdaman niya na masama ang loob ko sa kanya. Walang imikan na bumaba kami ng hagdan kaya nalipat sa aming direksyon ang tingin ng lahat. Mabilis akong nagyuko ng aking ulo ng tumingin sa akin si Tita Chloe. I’m sure hindi naman niya ako makikilala dahil sa itsura ko.“Iho, saan ka pupunta?” Nagtataka na tanong ng aking biyenan. Kahit hindi ko sila nakikita ay ramdam ko pa rin ang talim ng kanilang mga tingin
Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makasalubong ko ay ang sira-ulong kapatid ko pa na si Storm? Nanghaba ang nguso ko ng makita ko ang madilim nitong mukha. “Anong ginagawa mo dito?” Mataray kong tanong sa kanya at parang gusto kong matawa ng tumaas ang kanang kilay nito. Napakagwapo ng kapatid kong ito dahil siya ang pinaghalong version ng aming mga magulang. Namana niya ang kulot na buhok ng aming ina maging ang malakastilang hitsura nito. Ngunit pagdating sa asul nitong mga mata, matangos na ilong at maging ang kanyang labi ay katulad na katulad ng sa aming Ama na si Cedric Hilton.“Until now you are still doing this stupidity?” Walang ganang tanong sa akin ni Storm. Ang alam lang niya ay trip ko lang na magsuot ng pekeng katawan na ito. “It’s none of your business, beast.” Ani ko sabay ngumirit sa kanya, beast ang tawag namin sa kapatid kong ito dahil para itong isang halimaw na laging galit sa mundo. Umi-iling na nilampasan ako nito, sa tingin ko ay maganda ang mood niya ngayon dah
“Ano ba nasasaktan na ako!” Naiinis kong sabi habang pilit na binabawi ang aking braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Hanz. Kasalukuyan na kaming nasa may pintuan ng bahay ngunit ni hindi man lang nito magawang bitawan ang aking braso. Nagtataka ako sa biglaang pagbabago ng ugali nito. Dahil pagkatapos ng nakaka-pressure na eksena kanina sa ginawa ng kapatid ko ay bigla namang sumulpot si Hanz mula sa likuran ko. Nagulat na lang ako ng bigla niyang haklitin ang braso ko at halos kaladkarin ako nito pasakay sa kanyang sasakyan. Pagdating namin sa bahay ay wala na ni isang bisita at malinis na rin ang buong kabahayan. Ten o’clock na kasi ng gabi at kasalukuyan ng nagpapahinga ang ibang mga katulong. Pagpasok namin sa pintuan ay sumalubong sa aking paningin ang biyenan ko na matalim na nakatingin sa akin at si Scarlett na halos hindi agad nakahuma habang nakamasid sa aming mag-asawa. Nakasuot siya ng roba at halatang bagong ligo ito. Simula kasi ng dumating ang babaeng ito ay madal
Summer’s Point of view “Hindi na magkandaugaga ang mga katulong sa paglilinis at pag-aayos ng buong kabahayan. Habang ang aking asawa pati ang mga magulang nito ay kasalukuyang nagbibihis sa kanilang mga kwarto. May kanya-kanya silang make-up artist at marami ring nag-aasikaso sa kanila upang ma-sigurado na magmu-mukha silang kagalang-galang at maganda sa paningin ng publiko. Samantalang ako na asawa ng birthday celebrant ay kasalukuyang abala sa paglilinis ng buong Villa kasama ang mga katulong. Ngayong September six ay magaganap ang isang magarbong pagdiriwang ng ika-30th birthday ng aking asawa. Kaya sigurado ako na maraming mga celebrities ang darating mamaya, at maaaring mapuno ng media ang buong venue. Tulad ng nakagawian sa tuwing may magaganap na okasyon sa bahay ng mga Zimmer ay mananatili ako sa loob ng aking kwarto. Isa iyon sa mahigpit na bilin ng aking biyenan upang walang makaalam ng tungkol sa akin. Pabor naman sa akin ‘yun dahil makakaiwas ako sa mga media. Hindi m
“Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo pa rin ako? Leave me alone, Wilma, tapos na tayo at pinutol ko na ang kaugnayan ko sayo.” Matigas na sabi ni Johnny sa mahinang boses upang walang ibang makarinig sa kanilang pag-uusap. “Pakiusap, John, kailangan ko ng suporta mo, buntis ako at mas higit na kailangan kita ngayon.” Nagsusumamo na sabi ni Wilma habang pilit na inaabot ng mga kamay nito ang binata ngunit makailang ulit na kanabig nito ang kanyang mga kamay na wari mo ay nandidiri. “Napakasimple ng problema mo, ipalaglag mo ang bata.” Tila nauubusan na ng pasensya na sabi ni Johnny. Ramdam sa tinig nito na wala siyang pakialam sa pinagbubuntis ng dating nobya. Saglit na natigilan si Wilma at hindi makapaniwala na nakatitig sa mukha ng lalaki. Ngayon niya pinagsisisihan ang pagpatol sa lalaking ito dahil napaka-walang kwentang tao nito. “Hayop ka! Pagkatapos mong magpakasarap sa katawan ko ay ni hindi mo man lang mapanagutan ang obligasyon mo sa anak mo!” Galit na sigaw niya sa b
Natikman ni Johnny kung paano magalit ang isang Hilton. Naisin man niyang lumaban ay batid niya na kahit babae si Summer ay hindi siya mananalo. Dahil isa siya sa mga nakasaksi kung paanong nagchampion si Summer sa mga international martial arts. Bukod pa roon ay ang kasanayan nito sa pakikipag sagupaan sa mga rebeldeng kalaban nito sa bundok sa tuwing sasabak ito sa isang mission bilang sundalo. Alam lahat ni Johnny ‘yan dahil isa siya sa mga nagsabit ng mga awards na natatanggap nito. Kaya batid niya na sadyang mapanganib ang dalaga sa oras na sagarin mo ang pasensya nito.“Minahal kita, alam mo ‘yan…” madamdaming pahayag ni Summer, “augghh…” tanging ungol lang ang naging sagot ni Johnny dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya ni Summer habang nagta-tagisan sila nito ng lakas para maalis ang kamay nito sa kanyang leeg. Nakalapat ang katawan ni Summer sa katawan ng binata habang gahibla na lang ang layo ng mga labi nito mula sa pisngi ni Johnny dahil patuloy sa pagsasalita si Summer
Halos hindi na mabilang ni Hanz kung ilang beses na siyang nagpa-balik-balik sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Summer. Narong gusto na niyang katukin ang pintuan nito ngunit bigla namang magbabago ang kanyang isip. Sa totoo lang ay hindi rin niya alam ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Basta namalayan na lang niya ang sarili na nakatayo sa harap ng kwarto ng kanyang asawa. Hindi agad nakahuma si Hanz ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang kanyang asawa. Parang tumigil sa paggalaw ang kamay ng orasan nang magtama ang kanilang mga mata. Napalunok pa siya ng wala sa oras at kakat’wa na bigla ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Ilang segundo na nagkatitigan ang dalawa na wari mo ay na-hipnotismo sa isa’t-isa. Isang nagtatanong na tingin ang makikita sa mukha ni Summer habang naghihintay sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng asawa? Marahil ay nainip ang dalaga kaya tahimik na nilampasan nito si Hanz at palihim na pinag-aralan ang kabuuan ng condo nito. Nang makita n
Summer’s Point of view Walang pagsidlan ang labis na kasiyahan sa puso ko dahil sa wakas ay nagbago na ang pakikitungo sa akin ni Hanz. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala ng kausapin ako nito at makipag-ayos siya sa akin. Dahil sa ginawa nito ay nabuhayan ako ng loob, marahil ay ito na ang simula ng lahat sa amin hanggang sa dumating sa punto na tuluyan na niya akong matanggap. Pagkagaling ko sa Villa ay kaagad na akong dumiretso sa trabaho ng aking asawa. Ipinagluto ko pa siya ng masarap na pananghalian. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa tuwing lumalapit siya sa akin dahil baka hindi ko na mapanindigan ang pagiging malamig ko sa kanya. Isa pa sa labis na pinangangambahan ko na baka isang araw ay magbago ang isip ni Hanz at muli niyang hilingin ang kanyang kalayaan. Nangibabaw ang takot sa puso ko dahil sa isipin na ‘yun, sa maikling panahon na nakasama ko si Hanz kahit na hindi maganda ang trato nila sa akin ay minahal ko pa rin siya. Nagising ang diwa ko ng hum