Halos hindi na mabilang ni Hanz kung ilang beses na siyang nagpa-balik-balik sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Summer. Narong gusto na niyang katukin ang pintuan nito ngunit bigla namang magbabago ang kanyang isip. Sa totoo lang ay hindi rin niya alam ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Basta namalayan na lang niya ang sarili na nakatayo sa harap ng kwarto ng kanyang asawa. Hindi agad nakahuma si Hanz ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang kanyang asawa. Parang tumigil sa paggalaw ang kamay ng orasan nang magtama ang kanilang mga mata. Napalunok pa siya ng wala sa oras at kakat’wa na bigla ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Ilang segundo na nagkatitigan ang dalawa na wari mo ay na-hipnotismo sa isa’t-isa. Isang nagtatanong na tingin ang makikita sa mukha ni Summer habang naghihintay sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng asawa? Marahil ay nainip ang dalaga kaya tahimik na nilampasan nito si Hanz at palihim na pinag-aralan ang kabuuan ng condo nito. Nang makita n
Summer’s Point of view Walang pagsidlan ang labis na kasiyahan sa puso ko dahil sa wakas ay nagbago na ang pakikitungo sa akin ni Hanz. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala ng kausapin ako nito at makipag-ayos siya sa akin. Dahil sa ginawa nito ay nabuhayan ako ng loob, marahil ay ito na ang simula ng lahat sa amin hanggang sa dumating sa punto na tuluyan na niya akong matanggap. Pagkagaling ko sa Villa ay kaagad na akong dumiretso sa trabaho ng aking asawa. Ipinagluto ko pa siya ng masarap na pananghalian. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa tuwing lumalapit siya sa akin dahil baka hindi ko na mapanindigan ang pagiging malamig ko sa kanya. Isa pa sa labis na pinangangambahan ko na baka isang araw ay magbago ang isip ni Hanz at muli niyang hilingin ang kanyang kalayaan. Nangibabaw ang takot sa puso ko dahil sa isipin na ‘yun, sa maikling panahon na nakasama ko si Hanz kahit na hindi maganda ang trato nila sa akin ay minahal ko pa rin siya. Nagising ang diwa ko ng hum
Summer’s Point of view Katanghaliang tapat at tirik na tirik ang sikat ng araw. Patuloy akong naglalakad pauwi ng bahay habang bitbit sa kanang kamay ko ang ilang mga pinamili ko. Tagaktak na ang pawis ko dahil sa makapal na suot ko at matinding pagpipigil sa sarili ang ginawa ko upang huwag hubarin ang peke kong katawan. Ilang metro pa ang layo ng condo ni Hanz at pakiramdam ko ay dehydration na yata ang aabutin ko bago pa ako makarating ng bahay. Magmula ng dalhin ako ni Hanz sa kanyang condo ay dito na kami namalagi at hindi na rin niya hinayaan na bumalik pa ako ng Villa. Kaya kahit papaano ay naging tahimik na ang buhay ko. Hindi katulad noon na lahat ng kilos ko ay bantay sarado at halos araw-araw ay tambak ang trabaho ko. Kahit na malinis na ang sahig ay ipapaulit pa sa akin ng aking biyenan ang paglalampaso nito. At syempre para makuha ko ang loob nito ay tahimik ko itong sinusunod, at ni minsan ay hindi ako nagreklamo. Sa tingin ko ay hindi na yata darating ang araw na mat
Pagkatapos ng tawag ay malungkot na lumapit si Hanz sa kanyang asawa. Kinuha niya ang mga kamay nito bago dinala sa kanyang bibig upang halikan. Nagtaka pa siya sa kamay ng asawa ngunit binalewala niya iyon dahil okupado ang isip niya sa problemang natanggap mula sa isang tawag. “I’m so sorry, Sweetheart, mukhang hindi na kita masa-sabayan pa sa pagkain, dahil nagkaroon ng emergency problem sa site at kailangan nila ang presensya ko doon.” May pag-aatubili na paalam nito sa kanyang asawa. “It’s okay, maybe tonight? Can we have a dinner date because we have important things to discuss about us.” Malumanay kong sabi habang nakapaskil ang isang magandang ngiti sa mga labi ko. “Oh, I love that, sure, Sweetheart. I’m gonna go now.” Pagkatapos sabihin iyon ay nagmamadali na itong tumalikod. Lumapit muna ito sa isang estante at kinuha ang susi ng kanyang kotse bago tuluyang lumabas ng bahay. “Nang mawala na siya sa paningin ko ay wala sa loob na napatili ako. Kung hindi lang ako buntis
Summer’s Point of view“Anong ibig mong sabihin?” Wala sa sarili kong tanong na kung tutuusin ay alam ko na kung ano ang mga susunod nitong sasabihin.“Sadyang nakakabulag talaga ang pag-ibig.” Nang-aasar niyang sabi kaya humigpit ang pagkaka-kuyom ng aking mga kamay. Sa totoo lang ay nangangati na ang mga kamay ko na suntukin ito sa mukha ngunit hindi ko ginawa bagkus ay pasimple akong nagpakawala ng tatlong buntong hininga.“Simple, he needs to pretend that he cares of you and be a good husband hanggang sa dumating ang araw na makuha na niya mula sayo ang kanyang nais. Freedom….” Ani nito na pagdating sa bandang huli ay pabulong ang pagbanggit niya ng salitang freedom.“Mahal ko si Hanz at hindi ko na kaya ang manood na lang kung paano niyang pinagtitiisan na pakisamahan ka para lang mabawi ang kalayaan na ninakaw mo sa kanya.” Matigas nitong sabi na ngayon ay nanlilisik na sa galit ang kanyang mga mata. Halos hindi na ako humihinga dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko. Nap
“Yes, Tita, I’m pregnant.” Matatag na anunsyo ni Scarlett na siyang gumimbal sa akin. Kahit alam ko na ang susunod niyang sasabihin ay iba pa rin sa pakiramdam kapag narinig mo mismo ang mga salitang iyon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa matinding kapighatian. “Oh my God!” Naibulalas ng aking biyenan na kulang na lang ay himatayin ito sa sobrang kasiyahan, na para bang ito na ang pinakamagandang balita na narinig niya sa buong buhay n’ya. Habang si Hanz ay nanatiling nakatulala sa kawalan dahil tila pinoproseso pa lang ng utak nito ang mga narinig mula sa dalaga. Ilang sandali pa ay tila winasak ang puso ko ng gumuhit ang labis na kasiyahan sa mukha ng aking asawa at kita ko kung paano niyang yakapin ng mahigpit si Scarlett. Habang silang tatlo ay nagsasaya sa loob, ako naman ay nagluluksa dito sa likod ng pintuan. Ako dapat ‘yun, ako dapat ang magtatapat sa kanila tungkol sa pinagbubuntis ko at hindi ang kabit nito. Dapat ako ‘yung masaya at ako dapat ang nakak
Hanz Point of view “Pagdating ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang tahimik at madilim na kabahayan. Hindi ko maramdaman ang presensya ng aking asawa sa paligid. Ewan ko ba, pero nakaramdam ako ng matinding kahungkagan. “Summer!” Tawag ko sa pangalan nito nagbabakasakali na nandito pa siya. Malaki ang mga hakbang na tinungo ko ang ginagamit nitong kwarto. Kinapa ko ang switch ng ilaw at ng bumaha ang liwanag sa kabuuan ng silid ay napako ang mga mata ko mula sa isang papel na nasa tabi ng lampshade. Pagkatapos kong ilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng silid ay nanghihina na humakbang ako palapit sa maliit na lamesa. Ganun na lang ang panlulumo ko ng mabasa ko na isa itong divorce paper. Inalis ko ang ballpen na nakapatong sa ibabaw nito saka ko pinasadahan ng tingin ang nilalaman nito. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan ng makita ko ang magandang pirma ng aking asawa. “Sa wakas malaya na ako.” Matamlay kong sabi bago malungkot na ngumiti, ipinikit ko ang aki
Sa ilang linggo na paninirahan ni Scarlett sa Villa ng mga Zimmer ay unti-unting nahahantad ang tunay na ugali nito sa paningin ni Mrs. Zimmer. Magka-ganun pa man ay hindi ito alintana ng ginang dahil iniisip niya na parte lamang ito ng paglilihi ng dalaga. Kaya mahabang pasensya ang ginawa nilang lahat para sa buntis na si Scarlett. “I told you yesterday na palitan n’yo ang kulay ng mga kurtina, bakit hanggang ngayon ay nandyan pa rin ‘yan?” Mataray na tanong ni Scarlett habang pinandidilatan ng kanyang mga mata ang nahintakutang katulong. “Pasensya na po ngunit paborito po ni Ma’am Henrietta ang mga kurtinang ito kaya hindi namin pwedeng alisin ng walang pahintulot mula sa kanya.” Nag-init ang ulo ni Scarlett dahil sa naging sagot ng katulong na si Suseth. Nani-ningkit ang mga mata na lumapit siya dito saka ito sinampal. Labis na nagulantang ang ibang mga katulong at pinukol ng masamang tingin ang dalaga. “Anong itini-tingin ninyo diyan?” Mataray na tanong ni Scarlett kaya nag k