Pagkatapos ng tawag ay malungkot na lumapit si Hanz sa kanyang asawa. Kinuha niya ang mga kamay nito bago dinala sa kanyang bibig upang halikan. Nagtaka pa siya sa kamay ng asawa ngunit binalewala niya iyon dahil okupado ang isip niya sa problemang natanggap mula sa isang tawag. “I’m so sorry, Sweetheart, mukhang hindi na kita masa-sabayan pa sa pagkain, dahil nagkaroon ng emergency problem sa site at kailangan nila ang presensya ko doon.” May pag-aatubili na paalam nito sa kanyang asawa. “It’s okay, maybe tonight? Can we have a dinner date because we have important things to discuss about us.” Malumanay kong sabi habang nakapaskil ang isang magandang ngiti sa mga labi ko. “Oh, I love that, sure, Sweetheart. I’m gonna go now.” Pagkatapos sabihin iyon ay nagmamadali na itong tumalikod. Lumapit muna ito sa isang estante at kinuha ang susi ng kanyang kotse bago tuluyang lumabas ng bahay. “Nang mawala na siya sa paningin ko ay wala sa loob na napatili ako. Kung hindi lang ako buntis
Summer’s Point of view“Anong ibig mong sabihin?” Wala sa sarili kong tanong na kung tutuusin ay alam ko na kung ano ang mga susunod nitong sasabihin.“Sadyang nakakabulag talaga ang pag-ibig.” Nang-aasar niyang sabi kaya humigpit ang pagkaka-kuyom ng aking mga kamay. Sa totoo lang ay nangangati na ang mga kamay ko na suntukin ito sa mukha ngunit hindi ko ginawa bagkus ay pasimple akong nagpakawala ng tatlong buntong hininga.“Simple, he needs to pretend that he cares of you and be a good husband hanggang sa dumating ang araw na makuha na niya mula sayo ang kanyang nais. Freedom….” Ani nito na pagdating sa bandang huli ay pabulong ang pagbanggit niya ng salitang freedom.“Mahal ko si Hanz at hindi ko na kaya ang manood na lang kung paano niyang pinagtitiisan na pakisamahan ka para lang mabawi ang kalayaan na ninakaw mo sa kanya.” Matigas nitong sabi na ngayon ay nanlilisik na sa galit ang kanyang mga mata. Halos hindi na ako humihinga dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko. Nap
“Yes, Tita, I’m pregnant.” Matatag na anunsyo ni Scarlett na siyang gumimbal sa akin. Kahit alam ko na ang susunod niyang sasabihin ay iba pa rin sa pakiramdam kapag narinig mo mismo ang mga salitang iyon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa matinding kapighatian. “Oh my God!” Naibulalas ng aking biyenan na kulang na lang ay himatayin ito sa sobrang kasiyahan, na para bang ito na ang pinakamagandang balita na narinig niya sa buong buhay n’ya. Habang si Hanz ay nanatiling nakatulala sa kawalan dahil tila pinoproseso pa lang ng utak nito ang mga narinig mula sa dalaga. Ilang sandali pa ay tila winasak ang puso ko ng gumuhit ang labis na kasiyahan sa mukha ng aking asawa at kita ko kung paano niyang yakapin ng mahigpit si Scarlett. Habang silang tatlo ay nagsasaya sa loob, ako naman ay nagluluksa dito sa likod ng pintuan. Ako dapat ‘yun, ako dapat ang magtatapat sa kanila tungkol sa pinagbubuntis ko at hindi ang kabit nito. Dapat ako ‘yung masaya at ako dapat ang nakak
Hanz Point of view “Pagdating ko sa bahay ay sumalubong sa akin ang tahimik at madilim na kabahayan. Hindi ko maramdaman ang presensya ng aking asawa sa paligid. Ewan ko ba, pero nakaramdam ako ng matinding kahungkagan. “Summer!” Tawag ko sa pangalan nito nagbabakasakali na nandito pa siya. Malaki ang mga hakbang na tinungo ko ang ginagamit nitong kwarto. Kinapa ko ang switch ng ilaw at ng bumaha ang liwanag sa kabuuan ng silid ay napako ang mga mata ko mula sa isang papel na nasa tabi ng lampshade. Pagkatapos kong ilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng silid ay nanghihina na humakbang ako palapit sa maliit na lamesa. Ganun na lang ang panlulumo ko ng mabasa ko na isa itong divorce paper. Inalis ko ang ballpen na nakapatong sa ibabaw nito saka ko pinasadahan ng tingin ang nilalaman nito. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan ng makita ko ang magandang pirma ng aking asawa. “Sa wakas malaya na ako.” Matamlay kong sabi bago malungkot na ngumiti, ipinikit ko ang aki
Sa ilang linggo na paninirahan ni Scarlett sa Villa ng mga Zimmer ay unti-unting nahahantad ang tunay na ugali nito sa paningin ni Mrs. Zimmer. Magka-ganun pa man ay hindi ito alintana ng ginang dahil iniisip niya na parte lamang ito ng paglilihi ng dalaga. Kaya mahabang pasensya ang ginawa nilang lahat para sa buntis na si Scarlett. “I told you yesterday na palitan n’yo ang kulay ng mga kurtina, bakit hanggang ngayon ay nandyan pa rin ‘yan?” Mataray na tanong ni Scarlett habang pinandidilatan ng kanyang mga mata ang nahintakutang katulong. “Pasensya na po ngunit paborito po ni Ma’am Henrietta ang mga kurtinang ito kaya hindi namin pwedeng alisin ng walang pahintulot mula sa kanya.” Nag-init ang ulo ni Scarlett dahil sa naging sagot ng katulong na si Suseth. Nani-ningkit ang mga mata na lumapit siya dito saka ito sinampal. Labis na nagulantang ang ibang mga katulong at pinukol ng masamang tingin ang dalaga. “Anong itini-tingin ninyo diyan?” Mataray na tanong ni Scarlett kaya nag k
"The enemy is forty-five kilometers away from your location, roger.” Pagbibigay impormasyon sa akin ni Pisces kaya mabilis na akong sumakay sa aking ducati. “Copy, roger.” Mabilis kong sagot na ngayon ay matulin ng pinapatakbo ang aking motor. Sa bilis nito ay wari moy sumasayaw ang motor ko sa kahabaan ng highway. And just a few minutes ay mabilis kong narating ang lokasyon ng kalaban.Patago kong ipinarada ang aking motor sa isang madilim na bahagi ng lugar. Mula sa likuran ng malamansiong bahay ay inakyat ko ang isang mataas na puno. Maingat ang bawat kilos ko, ni katiting na kaluskos ay wala kang maririnig. Tumulay ako sa isang malaking sanga habang hawak ko sa kanang kamay ang isang baril na may silencer. Ngunit hindi ko inaasahan ang isang tunog ng baril at isang bala na kamuntikan ng bumaon sa gilid ng aking leeg. Mabilis akong naglambitin sa puno at tanging ang mga binti ko lang ang nakakapit sa sanga habang ang kalahati ng aking katawan ay nakalambitin sa sanga. Walang awa n
“Pagbukas ko ng pintuan ay mabilis akong yumuko, sakto naman ang pagdaan ng isang bagay sa bandang ulunan ko kaya ang noo ng kakambal kong si Winter ang sumalo ng bagay na ‘yun. Lumapad ang ngiti ko ng makita ko na hindi na maipinta ang mukha ni Winter habang may nakadikit na dart sucker silicon sa gitna ng noo nito. Inaasahan ko na kasi na ito ang sasalubong sa amin kaya nakahanda na ako.Ang sunod na ginawa ko ay inangat ko ang aking paa na para bang may iniiwasan na bagay sa sahig, nang mapansin ito ni Winter ay ginaya na niya ako ngunit nakalimutan nitong iangat ang isang paa kaya mabilis akong umikot sa sahig palayo kay Winter. At tulad ng inaasahan ko ay isang paper plate na puno ng icing ang tumilapon sa mukha ni Winter na siyang ikinatawa ko. Habang ang mukha ng aking kakambal ay halos hindi na makita dahil natatakpan na ito ng makapal na icing. Naging seryoso na ang mukha ko at tumikhim muna ako bago magsalita.” Atent...tion!” Ani ko sa matigas na boses, si Winter naman ay n
“Paano mong nagawa sa amin ito, Summer? Pamilya mo kami, pero nagawa mong maglihim sa amin at itago ang totoong sitwasyon mo?” Galit na tanong sa akin ni Winter na may halong sumbat ng tuluyang mawala sa harap namin ang mga bata. Ang mukha nito ay kababakasan mo ng hinanakit. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha at wala itong humpay sa pagpatak. “I’m so sorry, maniwala ka, hindi ko sinasadya ang lahat, natakot kasi ako sa oras na malaman ni Daddy ang tungkol sa pinagbubuntis ko.” Ani ko sa mahinang tinig, nang maalala ang aking ama ay nakaramdam ako ng lungkot dahil matagal na panahon na rin ang lumipas ng huli kaming nagkita nito. Nang dahil sa pagiging tanga ko sa pag-ibig pati mga magulang ko ay tiniis ko. “Do you think na uupo lang sa isang tabi ang ating ama, at manonood na lang kung paano apihin at saktan ang kanyang anak? Oh, come on, Summer, masyado mong minaliit ang kakayahan ng ating Ama.” Bigla ang pagkabôg ng aking dibdib ng marinig ko ang sinabi ni Winter. Nagtat