Sa ilang linggo na paninirahan ni Scarlett sa Villa ng mga Zimmer ay unti-unting nahahantad ang tunay na ugali nito sa paningin ni Mrs. Zimmer. Magka-ganun pa man ay hindi ito alintana ng ginang dahil iniisip niya na parte lamang ito ng paglilihi ng dalaga. Kaya mahabang pasensya ang ginawa nilang lahat para sa buntis na si Scarlett. “I told you yesterday na palitan n’yo ang kulay ng mga kurtina, bakit hanggang ngayon ay nandyan pa rin ‘yan?” Mataray na tanong ni Scarlett habang pinandidilatan ng kanyang mga mata ang nahintakutang katulong. “Pasensya na po ngunit paborito po ni Ma’am Henrietta ang mga kurtinang ito kaya hindi namin pwedeng alisin ng walang pahintulot mula sa kanya.” Nag-init ang ulo ni Scarlett dahil sa naging sagot ng katulong na si Suseth. Nani-ningkit ang mga mata na lumapit siya dito saka ito sinampal. Labis na nagulantang ang ibang mga katulong at pinukol ng masamang tingin ang dalaga. “Anong itini-tingin ninyo diyan?” Mataray na tanong ni Scarlett kaya nag k
"The enemy is forty-five kilometers away from your location, roger.” Pagbibigay impormasyon sa akin ni Pisces kaya mabilis na akong sumakay sa aking ducati. “Copy, roger.” Mabilis kong sagot na ngayon ay matulin ng pinapatakbo ang aking motor. Sa bilis nito ay wari moy sumasayaw ang motor ko sa kahabaan ng highway. And just a few minutes ay mabilis kong narating ang lokasyon ng kalaban.Patago kong ipinarada ang aking motor sa isang madilim na bahagi ng lugar. Mula sa likuran ng malamansiong bahay ay inakyat ko ang isang mataas na puno. Maingat ang bawat kilos ko, ni katiting na kaluskos ay wala kang maririnig. Tumulay ako sa isang malaking sanga habang hawak ko sa kanang kamay ang isang baril na may silencer. Ngunit hindi ko inaasahan ang isang tunog ng baril at isang bala na kamuntikan ng bumaon sa gilid ng aking leeg. Mabilis akong naglambitin sa puno at tanging ang mga binti ko lang ang nakakapit sa sanga habang ang kalahati ng aking katawan ay nakalambitin sa sanga. Walang awa n
“Pagbukas ko ng pintuan ay mabilis akong yumuko, sakto naman ang pagdaan ng isang bagay sa bandang ulunan ko kaya ang noo ng kakambal kong si Winter ang sumalo ng bagay na ‘yun. Lumapad ang ngiti ko ng makita ko na hindi na maipinta ang mukha ni Winter habang may nakadikit na dart sucker silicon sa gitna ng noo nito. Inaasahan ko na kasi na ito ang sasalubong sa amin kaya nakahanda na ako.Ang sunod na ginawa ko ay inangat ko ang aking paa na para bang may iniiwasan na bagay sa sahig, nang mapansin ito ni Winter ay ginaya na niya ako ngunit nakalimutan nitong iangat ang isang paa kaya mabilis akong umikot sa sahig palayo kay Winter. At tulad ng inaasahan ko ay isang paper plate na puno ng icing ang tumilapon sa mukha ni Winter na siyang ikinatawa ko. Habang ang mukha ng aking kakambal ay halos hindi na makita dahil natatakpan na ito ng makapal na icing. Naging seryoso na ang mukha ko at tumikhim muna ako bago magsalita.” Atent...tion!” Ani ko sa matigas na boses, si Winter naman ay n
“Paano mong nagawa sa amin ito, Summer? Pamilya mo kami, pero nagawa mong maglihim sa amin at itago ang totoong sitwasyon mo?” Galit na tanong sa akin ni Winter na may halong sumbat ng tuluyang mawala sa harap namin ang mga bata. Ang mukha nito ay kababakasan mo ng hinanakit. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha at wala itong humpay sa pagpatak. “I’m so sorry, maniwala ka, hindi ko sinasadya ang lahat, natakot kasi ako sa oras na malaman ni Daddy ang tungkol sa pinagbubuntis ko.” Ani ko sa mahinang tinig, nang maalala ang aking ama ay nakaramdam ako ng lungkot dahil matagal na panahon na rin ang lumipas ng huli kaming nagkita nito. Nang dahil sa pagiging tanga ko sa pag-ibig pati mga magulang ko ay tiniis ko. “Do you think na uupo lang sa isang tabi ang ating ama, at manonood na lang kung paano apihin at saktan ang kanyang anak? Oh, come on, Summer, masyado mong minaliit ang kakayahan ng ating Ama.” Bigla ang pagkabôg ng aking dibdib ng marinig ko ang sinabi ni Winter. Nagtat
Mrs. Zimmer Point of view “Ano ba! I told you not to put it there! Bakit ba ang daming tanga sa bahay na ‘to!” Galit na bulyaw ni Scarlett sa mga katulong, “Crash!” Napaigtad ako ng ihagis nito ang isang mamahaling flower base sa harap mismo ng mga katulong na labis na nahihintakutan sa kanya. Uminit ang ulo ko dahil sa ginawa nito kaya galit na hinarap ko siya. “What is your problem, Scarlett? Bakit ba lagi mo na lang pinag-iinitan ang mga katulong?” Irritable kong tanong habang nakapamewang sa harapan nito. “Because they are stupid! Pinakasimpleng instruction pero hindi pa nila maunawaan.” Mataray na sagot niya sa akin, kung noong una ay nauunawaan ko pa ang bad attitude nito dahil iniisip ko ng dahil ito sa pagkawala ng kanyang anak pero ngayon ay naging malinaw na sa akin ang lahat. Na sadya pa lang m*****a ang babaeng ito. “Kung may problema ka sa sarili mo ay huwag mong ibunton ang galit mo sa mga kasambahay ko!” Nanggagalaiti kong sabi habang pinanglilisikan ito ng mga mata
Halos mapuno ng tao ang malawak na sports complex dahil sa nagaganap na isang programa na pinangungunahan ng mga respetadong tao sa bansa. Isa sa mga pangunahing pandangal ay ang magkasintahan na si Hanz at Scarlett. Kabilang na ang mataas na mga opisyales sa bansa at ang mga officer ng militar na nagmula sa iba’t-ibang division. Hindi magkamayaw ang mga tao sa paligid ng dumating ang ilang mga artista na pinangungunahan ni Hanz Zimmer. Kulang na lang ay himatayin sa sobrang kilig ang mga kababaihan ng masilayan nila ang gwapong mukha nito. Maging ang mga kalalakihan ay hindi maiwasan na tumingin sa magandang mukha ni Scarlett. Halos nasa kanila na ang lahat ng atensyon, wala ng ginawa si Hanz at Scarlett kundi ang ngumiti at kumaway sa mga tao na nasa kanilang paligid. Pagkatapos makipag kamay ni Hanz sa mga opisyales ay tinungo na nila ang mga upuan na sadyang nakalaan para sa kanila. Maingat na inalalayan ni Hanz sa likod si Scarlett upang maayos itong makaupo. Maraming kababaihan
Hanz Point of View “Present, arms!” Pagkatapos ng isang sigaw ay muling nagbago ang posisyon ng mga sundalo at ngayon ang hawak nilang mga baril ay nakaangat na sa lupa. Lumalim ang gatla sa aking noo dahil batid ko na may mali sa mga nangyayari. Labis akong naguguluhan kung bakit ang unang hanay lang ang kumilos. Sabay na napasinghap ang lahat ng itutok ng mga ito ang hawak nilang mga baril sa aming direksyon. Makapigil hininga ang bawat sandali at ni isa ay walang kumilos mula sa kanilang kinauupuan. Ang ilan pa nga sa aking mga kasamahan ay napalunok ng maraming beses, halatang kinakabahan ng husto ang mga ito dahil sa takot na baka biglang pumutok ang mga baril na nakatutok sa amin. Sa palagay ko ay walang kinalaman ang mga ilang officer sa mga nangyayari base na rin sa kanilang mga reaksyon. Ang ilan pa sa kanila ay dumilim ang mukha na halatang hindi nagustuhan ang ginawa ng mga sundalo. Hindi ako natatakot sa mga baril na nakatutok sa akin ngunit ang mas ikinagulat ko ay
Summer’s Point of view Nagtataka na sinundan ni Hanz ang tinitingnan ni Summer mula sa kanyang likuran. Paglingon niya sa kanyang likuran ay sumalubong sa kanyang paningin ang namumulang mukha ni Scarlett. Para itong isang dragon na anumang oras ay magbubuga ng apoy. Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa matinding galit. Maya-maya ay nagsimula na itong humakbang palapit sa kanilang kinatatayuan. “Malandi kang babae ka! Pati asawa ko ay balak mo pang akitin?” Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Scarlett habang dinuduro ako nito ng kanyang daliri. Habang nag-uusap kami ni Hanz kanina ay nakita ko si Scarlett na naglalakad patungo sa aming direksyon. Kaya ng halikan ako ni Hanz sa mga labi ay sinadya kong tumugon upang masaksihan niya ang lahat. Wala akong pakialam sa galit nito ngunit ang marinig sa mismong bibig niya na asawa na pala nito ang dati kong asawa ay tila tinaga ng gulôk ang puso ko. Dahil matinding sakit ang dulot nito sa akin. Paano ko pang tutuparin ang nais ng aking ama