Hanz Point of View “Present, arms!” Pagkatapos ng isang sigaw ay muling nagbago ang posisyon ng mga sundalo at ngayon ang hawak nilang mga baril ay nakaangat na sa lupa. Lumalim ang gatla sa aking noo dahil batid ko na may mali sa mga nangyayari. Labis akong naguguluhan kung bakit ang unang hanay lang ang kumilos. Sabay na napasinghap ang lahat ng itutok ng mga ito ang hawak nilang mga baril sa aming direksyon. Makapigil hininga ang bawat sandali at ni isa ay walang kumilos mula sa kanilang kinauupuan. Ang ilan pa nga sa aking mga kasamahan ay napalunok ng maraming beses, halatang kinakabahan ng husto ang mga ito dahil sa takot na baka biglang pumutok ang mga baril na nakatutok sa amin. Sa palagay ko ay walang kinalaman ang mga ilang officer sa mga nangyayari base na rin sa kanilang mga reaksyon. Ang ilan pa sa kanila ay dumilim ang mukha na halatang hindi nagustuhan ang ginawa ng mga sundalo. Hindi ako natatakot sa mga baril na nakatutok sa akin ngunit ang mas ikinagulat ko ay
Summer’s Point of view Nagtataka na sinundan ni Hanz ang tinitingnan ni Summer mula sa kanyang likuran. Paglingon niya sa kanyang likuran ay sumalubong sa kanyang paningin ang namumulang mukha ni Scarlett. Para itong isang dragon na anumang oras ay magbubuga ng apoy. Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa matinding galit. Maya-maya ay nagsimula na itong humakbang palapit sa kanilang kinatatayuan. “Malandi kang babae ka! Pati asawa ko ay balak mo pang akitin?” Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Scarlett habang dinuduro ako nito ng kanyang daliri. Habang nag-uusap kami ni Hanz kanina ay nakita ko si Scarlett na naglalakad patungo sa aming direksyon. Kaya ng halikan ako ni Hanz sa mga labi ay sinadya kong tumugon upang masaksihan niya ang lahat. Wala akong pakialam sa galit nito ngunit ang marinig sa mismong bibig niya na asawa na pala nito ang dati kong asawa ay tila tinaga ng gulôk ang puso ko. Dahil matinding sakit ang dulot nito sa akin. Paano ko pang tutuparin ang nais ng aking ama
Hindi na mabilang sa mga daliri kung ilang beses na tinatawagan ni Scarlett ang number ni Hanz kaya naman nagsisimula ng uminit ang kanyang ulo. “Answer my call!” Nanggigigil niyang sabi habang naghihintay na may sumagot mula sa kabilang linya. Ilang araw ng hindi umuwi si Hanz sa Villa kaya ganun na lang ang galit ni Scarlett. Maya-maya ay padabog siyang tumayo, dinampot niya ang susi ng kotse na nakapatong sa ibabaw ng maliit na lamesa. Halos hindi na maipinta ang kanyang mukha kaya ng makita siya ng mga katulong ay kaagad na nagsiyukuan ang mga ito. Kita ang takot sa kanilang mga mukha na baka sila naman ang pagbuntungan ng galit nang malditang si Scarlett. Walang pakialam na lumabas ng bahay si Scarlett at sumakay sa kanyang sasakyan. Matapos ang mahigit kalahating oras ay huminto ang kanyang kotse sa tapat ng isang gusali kung saan ay naroroon ang condo ni Hanz. Pagdating ni Scarlett ay kaagad siyang nag door bell. Makalipas ang dalawang minuto na paghihintay ay bumukas ang p
“My Lord, ipagpatawad mo dahil hindi ko nagawa ang nais mo. Hindi ako nagtagumpay na makuha ang kumpanya ng mga Zimmer. Ayon sa ating mga tauhan ay may sumabutahe sa mga plano n’yo. Dinoble niya ang perang inaalok mo sa pamilyang Zimmer kaya sa kanya napunta ang kumpanya. Bukod pa run ay binili rin niya ang lahat ng shares ng mga board member. Sa madaling salita ay pag-aari na ng taong ito ang buong kumpanya.” Nang marinig ni Mr. Cedric Hilton ang mahabang paliwanag ni Mr. Ross ay nagpakawala ito ng isang marahas na buntong hininga. Pagkatapos magreport ni Mr. Ross ay kaagad itong lumabas ng kanyang opisina.Nahulog sa malalim na pag-iisip si Cedric , maya-maya ay tumayo siya at dinampot ang isang maliit na baso na may lamang alak. Lumapit siya sa glass wall at tahimik na pinagmasdan ang magandang tanawin na nasa kanyang harapan habang mahinang inaalog ang maliit na baso.. Umangat ang kamay niya na may hawak na baso at mula sa katawan ng baso ay tila nakikita niya ang mukha ng taong h
“Summer?” Hindi makapaniwala na sambit ni Hanz, sa pangalan ng kanyang asawa. Napatda sa kanyang kinauupuan si Ginang Zimmer habang nakatitig sa mukha ng kanyang manugang. Halos hindi na niya namalayan na kanina pa nakaawang ang kanyang bibig. Kung iyong susuriin ang expression sa mukha ng lahat ay parang akala mo’y nakakita ng multo ang mga ito. Nanatiling tahimik at nagmamasid lang si Mr. Zimmer mula sa kanyang kinauupuan. Katahimikan... Tanging mga yabag lang ni Summer ang naririnig sa loob ng silid na kanilang kinaroroonan. Wala ni isa man sa kanila ang nangahas na magsalita, hanggang sa huminto si Summer sa pinakang sentro ng mahabang lamesa. Nang mga sandaling ito ay may kung anong damdamin ang bumalot sa puso ni Hanz. Parang gusto niyang sugurin ng yakap ang kanyang asawa ngunit hindi niya magawa dahil iniisip niya na siguradong ay labis siyang kinamumuhian nito. “Please, take your sit, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Walang buhay na tanong niya sa pamilya ng kanyang asa
Araw ng Lunes at kasalukuyang abalâ sa paglilinis ang mga katulong sa Villa ng mga Zimmer. Dahil ngayong araw ay magaganap ang ika 56th birthday ni Mrs. Zimmer. Katulad ng mga napagkasunduan nila ng kanyang manugang ay nakatakdang ipakilala nito ngayong gabi sa publiko ang asawa ng kanyang anak. Halos hindi na magkandaugaga ang lahat sa pag-aayos ng venue lalo na at nagsisimula ng dumating ang mga media. Kasunod nito ay ang pagdating ng mga kaibigan ni Mrs. Zimmer na para bang mga nagpapatalbugan dahil sa mga suot nilang mamahaling damit. Halos balutin na ng ginto at kanilang mga katawan. Ang ilan pa sa kanila ay mga kasosyo sa negosyo ng kanyang asawa. Kahit na may financial problem ang kanilang pamilya ay sinikap pa rin nila na maging magarbo ang magaganap na kasiyahan. Dahil double purpose ang okasyo na ito. Samantala sa condo ni Summer… Kasalukuyan akong nandito ngayon sa aking condo at naghahanda para sa kaarawan ng aking biyenan. Nang matapos sa paglalagay ng kaunting make-up
"I hope you all enjoyed this party; I'm happy that many of you took the time for my birthday. Once again, I am truly grateful. This occasion is not just for me because tonight, I want to introduce to everyone the newest member of our family-“ Ang lahat ay namangha dahil sa naging pahayag ni Mrs. Zimmer. Akala naman nila ay si Scarlett ang tinutukoy ni Mrs. Zimmer kaya bakas ang labis na kasiyahan sa mukha ng mga taong nakapaligid sa kanila. Samantala ay nag-uumapaw sa matinding kasiyahan ang puso ni Scarlett. Dahil iniisip niya na siya ang tinutukoy ni Mrs. Zimmer kaya tumayo siya ng tuwid at inayos ang kanyang sarili habang nakapaskil ang isa sa pinaka-maganda niyang ngiti. Ilang segundo na nanahimik si Mrs. Zimmer dahil mas nangingibabaw ang bulungan ng mga tao sa kanyang paligid. “And now I would like to introduce my Daughter-in -law, Summer Hilton Zimmer.” Nakangiting anunsyo ni Mrs. Zimmer, napasinghap ang lahat at lumatay ang kalituhan sa kanilang mga mukha . Dahil ibang pangal
Summer’s Point of view “Pagkatapos na maipakilala ng aking biyenan ay kaagad na rin akong nagpaalam sa kanila. Habang naglalakad patungo sa exit ay hindi inaalis ng mga bisitang babae ang tingin nila sa mukha ko. Marahil ay nasa aftershock pa rin ang utak nila. Habang ang ilan sa kanila ay masama ang tingin sa akin na para bang gusto ng mga ito na balatan ako ng buhay. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na ako paglalakad. Paglabas ko ng Villa ay kaagad akong sumakay sa aking kotse. Habang naghihintay kung kailan bubukas ang gate ay naagaw ang atensyon ko ng isang matandang babae na halos mamaos na ito sa kakasigaw habang umiiyak. “Pakiusap bigyan ninyo ako ng pagkakataon na makausap ang boss n’yo.” Pagmamakaawa ng matanda habang hawak ito ng dalawang guard sa magkabilang braso. Pilit na hinila ng dalawang guard ang matandang babae palayo sa gate kaya lalo itong nagwala sa galit at pilit na kumawala mula sa mga kamay ng mga guard na may hawak sa kanya.. Hindi ko na sana p