“My Lord, ipagpatawad mo dahil hindi ko nagawa ang nais mo. Hindi ako nagtagumpay na makuha ang kumpanya ng mga Zimmer. Ayon sa ating mga tauhan ay may sumabutahe sa mga plano n’yo. Dinoble niya ang perang inaalok mo sa pamilyang Zimmer kaya sa kanya napunta ang kumpanya. Bukod pa run ay binili rin niya ang lahat ng shares ng mga board member. Sa madaling salita ay pag-aari na ng taong ito ang buong kumpanya.” Nang marinig ni Mr. Cedric Hilton ang mahabang paliwanag ni Mr. Ross ay nagpakawala ito ng isang marahas na buntong hininga. Pagkatapos magreport ni Mr. Ross ay kaagad itong lumabas ng kanyang opisina.Nahulog sa malalim na pag-iisip si Cedric , maya-maya ay tumayo siya at dinampot ang isang maliit na baso na may lamang alak. Lumapit siya sa glass wall at tahimik na pinagmasdan ang magandang tanawin na nasa kanyang harapan habang mahinang inaalog ang maliit na baso.. Umangat ang kamay niya na may hawak na baso at mula sa katawan ng baso ay tila nakikita niya ang mukha ng taong h
“Summer?” Hindi makapaniwala na sambit ni Hanz, sa pangalan ng kanyang asawa. Napatda sa kanyang kinauupuan si Ginang Zimmer habang nakatitig sa mukha ng kanyang manugang. Halos hindi na niya namalayan na kanina pa nakaawang ang kanyang bibig. Kung iyong susuriin ang expression sa mukha ng lahat ay parang akala mo’y nakakita ng multo ang mga ito. Nanatiling tahimik at nagmamasid lang si Mr. Zimmer mula sa kanyang kinauupuan. Katahimikan... Tanging mga yabag lang ni Summer ang naririnig sa loob ng silid na kanilang kinaroroonan. Wala ni isa man sa kanila ang nangahas na magsalita, hanggang sa huminto si Summer sa pinakang sentro ng mahabang lamesa. Nang mga sandaling ito ay may kung anong damdamin ang bumalot sa puso ni Hanz. Parang gusto niyang sugurin ng yakap ang kanyang asawa ngunit hindi niya magawa dahil iniisip niya na siguradong ay labis siyang kinamumuhian nito. “Please, take your sit, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Walang buhay na tanong niya sa pamilya ng kanyang asa
Araw ng Lunes at kasalukuyang abalâ sa paglilinis ang mga katulong sa Villa ng mga Zimmer. Dahil ngayong araw ay magaganap ang ika 56th birthday ni Mrs. Zimmer. Katulad ng mga napagkasunduan nila ng kanyang manugang ay nakatakdang ipakilala nito ngayong gabi sa publiko ang asawa ng kanyang anak. Halos hindi na magkandaugaga ang lahat sa pag-aayos ng venue lalo na at nagsisimula ng dumating ang mga media. Kasunod nito ay ang pagdating ng mga kaibigan ni Mrs. Zimmer na para bang mga nagpapatalbugan dahil sa mga suot nilang mamahaling damit. Halos balutin na ng ginto at kanilang mga katawan. Ang ilan pa sa kanila ay mga kasosyo sa negosyo ng kanyang asawa. Kahit na may financial problem ang kanilang pamilya ay sinikap pa rin nila na maging magarbo ang magaganap na kasiyahan. Dahil double purpose ang okasyo na ito. Samantala sa condo ni Summer… Kasalukuyan akong nandito ngayon sa aking condo at naghahanda para sa kaarawan ng aking biyenan. Nang matapos sa paglalagay ng kaunting make-up
"I hope you all enjoyed this party; I'm happy that many of you took the time for my birthday. Once again, I am truly grateful. This occasion is not just for me because tonight, I want to introduce to everyone the newest member of our family-“ Ang lahat ay namangha dahil sa naging pahayag ni Mrs. Zimmer. Akala naman nila ay si Scarlett ang tinutukoy ni Mrs. Zimmer kaya bakas ang labis na kasiyahan sa mukha ng mga taong nakapaligid sa kanila. Samantala ay nag-uumapaw sa matinding kasiyahan ang puso ni Scarlett. Dahil iniisip niya na siya ang tinutukoy ni Mrs. Zimmer kaya tumayo siya ng tuwid at inayos ang kanyang sarili habang nakapaskil ang isa sa pinaka-maganda niyang ngiti. Ilang segundo na nanahimik si Mrs. Zimmer dahil mas nangingibabaw ang bulungan ng mga tao sa kanyang paligid. “And now I would like to introduce my Daughter-in -law, Summer Hilton Zimmer.” Nakangiting anunsyo ni Mrs. Zimmer, napasinghap ang lahat at lumatay ang kalituhan sa kanilang mga mukha . Dahil ibang pangal
Summer’s Point of view “Pagkatapos na maipakilala ng aking biyenan ay kaagad na rin akong nagpaalam sa kanila. Habang naglalakad patungo sa exit ay hindi inaalis ng mga bisitang babae ang tingin nila sa mukha ko. Marahil ay nasa aftershock pa rin ang utak nila. Habang ang ilan sa kanila ay masama ang tingin sa akin na para bang gusto ng mga ito na balatan ako ng buhay. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na ako paglalakad. Paglabas ko ng Villa ay kaagad akong sumakay sa aking kotse. Habang naghihintay kung kailan bubukas ang gate ay naagaw ang atensyon ko ng isang matandang babae na halos mamaos na ito sa kakasigaw habang umiiyak. “Pakiusap bigyan ninyo ako ng pagkakataon na makausap ang boss n’yo.” Pagmamakaawa ng matanda habang hawak ito ng dalawang guard sa magkabilang braso. Pilit na hinila ng dalawang guard ang matandang babae palayo sa gate kaya lalo itong nagwala sa galit at pilit na kumawala mula sa mga kamay ng mga guard na may hawak sa kanya.. Hindi ko na sana p
“Let me go!” Galit na sigaw ni Scarlett bago marahas na binawi ang kanyang braso mula sa kamay ni Hanz. “Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sayo, lagi mo na lang akong nilalagay sa kahihiyan.” Matigas na sabi ni Hanz kay Scarlett. “Dahil hindi mo nauunawaan ang totoong saloobin ko! Nawala na sa akin ang anak ko, pati ba naman ikaw iiwan din ako?” Anya sa basag na boses, halos nahirapan pang magsalita si Scarlett dahil tila may nakabara sa kanyang lalamunan. Ang kaninang matigas na expression sa mukha ni Hanz ay biglang lumambong dahil binalot ng awa ang puso niya para kay Scarlett. “I’m sorry,” tanging ‘yun lang ang nasambit ni Hanz at wala sa loob na niyakap nito si Scarlett. Ito ang dahilan kung bakit nanatili pa rin siya sa tabi ng dalaga kahit hindi na niya ito mahal. Awa, tama, tanging awa na lang ang nararamdaman niya para kay Scarlett. Laging bigo si Hanz na iwanan si Scarlett dahil sa tuwing gagawin niya ito ay isinusumbat sa kanya ng dalaga ang sinapit ng kanilang
Summer’s Point of view“Adriatico resturante at five o’clock in the afternoon.” Ito ang mensahe na aking natanggap mula kay Hanz. Pagkatapos kong basahin iyon ay isinilid kong muli ang aking cellphone sa bulsa ng suot kong pantalon. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng makita ko ang report ng mga tauhan ko tungkol sa problemang kinakaharap ng aking kumpanya. Ngayon ko nararamdaman ang galit ng aking ama, dahil pati ang mga kliyente ko ay umuurong sa contrata at lumipat ito sa kumpanya ng aking Ama. Ugali na niya ang subukan ang aming kakayahan at kung gaano kami katatag sa tuwing humaharap sa isang malaking problema. Dinampot ko ang telepono at tinawagan ang aking secretary. “General meeting, immediately.” Ani ko sa aking secretary at kaagad na binaba ang telepono. Inayos ko na ang aking mga gamit at kaagad na tumungo sa conference room. Nakita ko ang aking mga empleyado na mabilis na yumuyoko sa tuwing nakikita ako ng mga ito.“We are facing a big problem, no
Tanging putok ng mga baril ang nangingibabaw sa katahimikan ng gabi. Pagkatapos alisin ni Summer ang pin ng granada ay malakas niya itong ibinato, kasunod nito ay ang malakas na sigawan ng mga kalaban na nagdive sa kung saan. Habang ang ilan sa kanila ay binawian na ng buhay. Walang humpay sa palitan ng putok ang mga militar at ang ilang grupo ng mga rebelde. Habang abala ang ilang sundalo sa pagpapakawala ng bala ay sinasamantala naman ito ni Summer. Maingat na gumapang sa kasukalan ang dalaga habang papalapit sa mga kalaban. “Shit, Hilton don’t come closer!” Galit na sigaw ng kanyang kumander ngunit binalewala niya ito. Nang makahanap ng magandang pwesto ay isa-isa niyang inasinta ang mga kalaban. Dahil madilim ay hindi malaman ng mga ito ang kanyang pinagtataguan, samantalang siya ay malinaw niyang nakikita ang mga ito gamit ang kanyang night vision glasses. Sa bawat kalabit niya ng gatilyo ay siyang pagbagsak ng mga kalaban, walang sayang sa kanyang mga bala lahat ay bumabaon s