Share

Chapter 42

Summer’s Point of view

Nagtataka na sinundan ni Hanz ang tinitingnan ni Summer mula sa kanyang likuran. Paglingon niya sa kanyang likuran ay sumalubong sa kanyang paningin ang namumulang mukha ni Scarlett. Para itong isang dragon na anumang oras ay magbubuga ng apoy. Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa matinding galit. Maya-maya ay nagsimula na itong humakbang palapit sa kanilang kinatatayuan.

“Malandi kang babae ka! Pati asawa ko ay balak mo pang akitin?” Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Scarlett habang dinuduro ako nito ng kanyang daliri. Habang nag-uusap kami ni Hanz kanina ay nakita ko si Scarlett na naglalakad patungo sa aming direksyon. Kaya ng halikan ako ni Hanz sa mga labi ay sinadya kong tumugon upang masaksihan niya ang lahat.

Wala akong pakialam sa galit nito ngunit ang marinig sa mismong bibig niya na asawa na pala nito ang dati kong asawa ay tila tinaga ng gulôk ang puso ko. Dahil matinding sakit ang dulot nito sa akin. Paano ko pang tutuparin ang nais ng aking ama
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status