“Let me go!” Galit na sigaw ni Scarlett bago marahas na binawi ang kanyang braso mula sa kamay ni Hanz. “Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko sayo, lagi mo na lang akong nilalagay sa kahihiyan.” Matigas na sabi ni Hanz kay Scarlett. “Dahil hindi mo nauunawaan ang totoong saloobin ko! Nawala na sa akin ang anak ko, pati ba naman ikaw iiwan din ako?” Anya sa basag na boses, halos nahirapan pang magsalita si Scarlett dahil tila may nakabara sa kanyang lalamunan. Ang kaninang matigas na expression sa mukha ni Hanz ay biglang lumambong dahil binalot ng awa ang puso niya para kay Scarlett. “I’m sorry,” tanging ‘yun lang ang nasambit ni Hanz at wala sa loob na niyakap nito si Scarlett. Ito ang dahilan kung bakit nanatili pa rin siya sa tabi ng dalaga kahit hindi na niya ito mahal. Awa, tama, tanging awa na lang ang nararamdaman niya para kay Scarlett. Laging bigo si Hanz na iwanan si Scarlett dahil sa tuwing gagawin niya ito ay isinusumbat sa kanya ng dalaga ang sinapit ng kanilang
Summer’s Point of view“Adriatico resturante at five o’clock in the afternoon.” Ito ang mensahe na aking natanggap mula kay Hanz. Pagkatapos kong basahin iyon ay isinilid kong muli ang aking cellphone sa bulsa ng suot kong pantalon. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng makita ko ang report ng mga tauhan ko tungkol sa problemang kinakaharap ng aking kumpanya. Ngayon ko nararamdaman ang galit ng aking ama, dahil pati ang mga kliyente ko ay umuurong sa contrata at lumipat ito sa kumpanya ng aking Ama. Ugali na niya ang subukan ang aming kakayahan at kung gaano kami katatag sa tuwing humaharap sa isang malaking problema. Dinampot ko ang telepono at tinawagan ang aking secretary. “General meeting, immediately.” Ani ko sa aking secretary at kaagad na binaba ang telepono. Inayos ko na ang aking mga gamit at kaagad na tumungo sa conference room. Nakita ko ang aking mga empleyado na mabilis na yumuyoko sa tuwing nakikita ako ng mga ito.“We are facing a big problem, no
Tanging putok ng mga baril ang nangingibabaw sa katahimikan ng gabi. Pagkatapos alisin ni Summer ang pin ng granada ay malakas niya itong ibinato, kasunod nito ay ang malakas na sigawan ng mga kalaban na nagdive sa kung saan. Habang ang ilan sa kanila ay binawian na ng buhay. Walang humpay sa palitan ng putok ang mga militar at ang ilang grupo ng mga rebelde. Habang abala ang ilang sundalo sa pagpapakawala ng bala ay sinasamantala naman ito ni Summer. Maingat na gumapang sa kasukalan ang dalaga habang papalapit sa mga kalaban. “Shit, Hilton don’t come closer!” Galit na sigaw ng kanyang kumander ngunit binalewala niya ito. Nang makahanap ng magandang pwesto ay isa-isa niyang inasinta ang mga kalaban. Dahil madilim ay hindi malaman ng mga ito ang kanyang pinagtataguan, samantalang siya ay malinaw niyang nakikita ang mga ito gamit ang kanyang night vision glasses. Sa bawat kalabit niya ng gatilyo ay siyang pagbagsak ng mga kalaban, walang sayang sa kanyang mga bala lahat ay bumabaon s
Hanz Point of view “Ang laking abala nito sa akin, bakit hindi na lang ikansela ang meeting na ito kung hindi pala nila kayang gampanan?” Naiinis na sabi ng isa sa mga board member, halata na sa mukha nito ang labis na pagkainip. Maging ang ibang naririto sa loob ng conference room ay hindi na maipinta ang kanilang mga mukha. It’s almost forty five minutes na kaming naghihintay ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Mr. Hilton. “On behalf of Mr. Hilton I apologize for the inconvenience, in the meantime his daughter Ms. Summer is currently replacing her father’s position.” Hinging paumanhin ng secretary ni Mr. Hilton. Pagkatapos sabihin iyon ay lumabas muna ito ng conference room. “Iho, bakit hindi mo isinabay ang asawa mo papunta rito? gayong dito rin naman pala ang destinasyon n’ya?” Nagtataka na tanong sa akin ng aking ina. “I’m sorry, Mom, pero ilang araw ng hindi nagpapakita sa akin ang asawa ko, hindi ko naman alam kung saan siya hahanapin.” Seryoso kong sagot.
“What is it? Kanina nyo pa ako tinititigan.” Seryosong tanong ni Summer kay Hanz at kay Mrs. Zimmer habang prente itong nakaupo sa swivel chair ng kanyang ama. Silang apat na lang ang naiwan sa loob ng conference room at halos trenta minuto na ang lumipas simula ng matapos ang meeting. “Bakit nagawa mong mag panggap sa harap naming lahat?” Seryosong tanong ni Hanz habang nakatayo sa mismong harapan ng kanyang asawa. May bahid hinanakit ang tinig nito dahil para kay Hanz ay pinag-mukha siyang tanga ng kanyang asawa. Kahit masama ang loob ni Hanz kay Summer ay natutuwa pa rin siyang malaman na ang kanyang asawa at ang babaeng naka one night-stand niya ay iisa pala. “I have a valid reason why I should hide my real identity to everyone.” Seryoso niyang sagot bago lumingon ito sa direksyon ni Mrs. Zimmer. Hindi naman makatingin ng diretso sa kanya ang biyenan, o mas tamang sabihin na halos wala na itong mukhang maiharap kay Summer. Marahil ay hanggang ngayon guilty pa rin ito sa mga naga
“Terrence! Where are you?” Malakas na tawag ni Tyrone ngunit wala siyang narinig na anumang sagot mula sa kapatid nito. Mabilis na dumapa si Tyrone at sinilip ang ilalim ng lamesa, “pick Tylor!” Masaya nitong sigaw ng mahuli ang kanyang kakambal. Ngayon ay dalawa na silang naghahanap sa kanilang kapatid, si Terrence. “I think he hides in Mom’s room.” Mahinang bulong ni Tyrone sa tainga ni Tylor dahilan kung bakit humagikhik ito ng tawa sabay takip ng kanyang bibig gamit ang kanang kamay nito. Maingat na nag-unahan ang dalawa patungo sa kwarto ng kanilang mommy. Bigla ang ginawa nilang pagbukas sa dahon ng pintuan at hindi nga sila nagkamali ng makita nila ang kanilang kapatid na nakaupo sa gilid ng kama. “Pick Terrence!” Halos sabay na sigaw ni Tylor at Tyrone, ngunit nagtaka sila kung bakit hindi ito gumagalaw sa kanyang kinauupuan at nanatili ang buong atensyon nito sa isang pirasong papel na kasalukuyang hawak nito.“Kuya Terrence, what happened?” Si Tylor na mabilis na lumapit sa
Puno ng excitement ang puso ng tatlong bata dahil sa nalalapit na pagkikita nilang mag-ama. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay humimpil ang kanilang sasakyan sa tapat ng isang mataas na gusali. Ang lahat ng tao sa paligid ay huminto sa paglalakad at napako ang kanilang mga tingin sa isang mamahaling sasakyan. Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay ng dalawang sasakyan sa magkabilang panig at pinalibutan nila ang mamahaling mercedes benz. Binuksan ng naka unipormeng lalaki ang pintuan at saka tinulungan na bumaba ng sasakyan ang triplets. Halos sabay na napasinghap ang lahat ng mga tao sa paligid ng makita ang tatlong bata na halos iisa ang mga mukha maging sa pananamit ng mga ito. Ito ang unang pagkakataon na na-expose sa publiko ang mga anak ni Summer. Kapwa seryoso ang mukha ni Terrence at Tylor ni hindi man lang nila pinapansin ang mga taong bumabati sa kanila. Halatang namana nila ang ugali ng mga Hilton. Habang si Tyrone ay hindi nawawala ang ngiti sa bibig na tila ba tuw
Hanz Point of view“Hindi ko na alam kung gaano katagal kaming nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Halos ayoko na ngang alisin ang aking mga mata sa mukha ng tatlong bata na nakaupo sa aking harapan. Kung paano ko silang titigan ay ganun din sila sa akin, pakiramdam ko ay para akong na-nanalamin kaya hindi maikakaila na anak ko nga ang mga batang ito. Hindi na kailangan ng DNA test dahil lukso pa lang ng dugo ay ramdam ko na ang koneksyon namin sa isa’t-isa. Parang gusto kong matawa sa hitsura naming mag-ama dahil kapwa hindi na kumukurap ang aming mga mata mula sa pagkakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at hinihingal na pumasok sa loob ng opisina ko ang aking mga magulang. “Nasaan na sila, Hanz? Kapag nalaman ko na niloloko”- naputol ang sanay sasabihin ng aking Ina ng tumambad sa kanyang paningin ang mukha ng triplets. Namilog ang mga mata nito na parang akala mo ay nakakita ng multo. Wala sa sarili na lumapit sila sa tatlong bata, habang ang akin